Chapter 2

2666 Words
Alarm ringing... (4:00 am) "Goodmorning!" masayang bati ko. Tumayo ako kaagad at nag-ayos ng kama saka pinatay ang aircon. Tinignan ko na rin ang chat sa gc namin ng section baka may nagbago sa schedule. (Euclidians Group name) (President, Renzo: Katulad pa rin nang dati. Oras-oras ang bawat sports. Alam n'yo na bawat time niyo.) (Allego, Adie: Kiss muna, President Renzo, bago 'ko sumunod, hihi!) (President: H'wag ka nalang sumunod.) Tinigil ko na ang pagbabasa sa gc namin, puro kalokohan ang mga chat na mababasa ko pag tinuloy ko pa basahin. Dali-dali akong kumuha ng damit na susuotin sa cabinet para maligo. Nang matapos ako ay nagbihis na rin ako ng pang p.e ko. Inayos ko na rin ang gagamitin ko sa school ngayon at ang extra t-shirt na dala ko. Friday na naman kaya ang mga ilan sa notebook ko ay iniwan ko na, puro performance task lang naman ang magagawa pagkatapos ng isang subject, ngayong araw. Badminton ang pinili kong sports dahil sa scholarship na natanggap ko sa school na pinapasukan ko. Bagong student pa lang ako. One month na pero hirap pa rin makakilala ng mga bagong estudyante. Kaya nakakasama ko si Travis sa paglalaro. Kahit pa iba ang section niya. May time ang bawat sports na gagawin kaya maayos iyon na naging rules, nakakahiya kung naroon pa sina Klieford at Drew, baka pagtawanan pa 'ko. Napatawa na lang ako sa mga naiisip ko habang nakatingin sa salamin. Pagkababa ko nang hagdan ay sumilip muna ako sa kwarto nila Mama at Papa para mag paalam. Kakatok na sana ako ng maalala kong anong oras narin sila umuwi kagabi. Pumunta nalang ako sa kwarto ni Kuya, para sabihin na lang kina Papa at Mama na aalis na ako. Kumatok ako sa pinto. "Kuya.." mahina ang naging boses ko. Pinihit ko na lang ang door knob ng walang sumasagot, pero naka lock na iyon. Bumaba na lang ulit ako para mag-iwan ng sulat at dinikit iyon sa ref. Palabas na sana ako ng gate namin nang maalala ko na may kulang sa akin. "Sh*t! Necklace ko!" dali dali akong tumakbo sa kwarto ko sa itaas, para kunin iyon sa may table. Pagkalabas ko ay naramdaman ko ang maliliit na patak ng ulan kaya agad akong tumakbo papunta sa kubo namin para sumilong muna at nilabas ang cellphone para mag book ng taxi. Habang naghihintay ay sinuot ko ang necklace na hawak ko at saglit na tinitigan ito. Sa lahat ng naregalo sa 'kin noon, ito ang pinakagusto ko. “My favorite.” sabay ngisi ko. Maya maya pa ay halos bumuhos na ang malakas na ulan kaya sinisilip ko na sa labas kung naroon na ba ang taxi. Nang wala pa ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang gc namin nila Klieford, Travis at Drew. Hindi ko pa man nao-open ay alam ko ng marami-rami na iyon. (The Only one's Group name) (Rabisexy: Goodmorning, Mara tatlo ang naging close ko sa school na pinapasukan ko. Kahit pa na dati na kaming magka-kaibigan. (Mochimax: Goodmorning rin, Travis! Goodmorning sa inyo.) bati ko sa kanila. Nakangiti ako habang sini-send iyon. (Clayfourth: Guys! Magpaalam na kayo kina Tita at Tito. Overnight tayo sa bahay, walang tao, eh. Umalis sila.) "Yes!" naging masigla ang katawan ko dahil sa naging chat niya. Ilang linggo na kasi ang nakalipas nang magyaya siya sa bahay nila. Kapatid niya lang naman pinunta ko do'n saka sina Tita at Tito. Nang marinig ko ang busina nang taxi ay binuksan ko na ang payong ko at patakbong sumakay sa taxi. "Manong, sa Pamantasan po." ani ko sa driver pagkasakay ko. Palakas nang palakas ang ulan kaya mahihirapan nito ang mga estudyante na makapasok. At pati na rin si Klieford. Mayaman sina Klieford, pero iba ang natitipuhan niyang gawin. Imbis na sumakay sa kotse nila, nagj-jeep o tricycle siya papunta sa school. Mabilis lang ang naging byahe lalo na't hindi naman kalayuan ang school na pinapasukan ko. Nasa pinto pa lang ako nang makita ko ang iba sa mga kaklase ko na hindi mapakali, yung ibang mga lalaki ay nasa harap na ng electricfan na nakataas pa ang p.e. shirt nila. "Magsi-upo nga kayo!" sigaw ni Renzo, ang president sa room, habang pinupunasan ang ulo niya na basang basa. "Magsilayas nga kayo sa harapan ko! Ang init-init na nga." reklamo niya. Tinuro niya isa-isa ang mga babaeng nakapalibot sa kaniya. "Hot mo kasi, president!" sigaw ng isang babae. "Ang lamig nga, ba't ka naiinitan?" Sunod-sunod na umalis ang mga babaeng nasa harap niya. Ang iba naman ay nakasimangot na bumalik sa kani-kanilang upuan. "Goodmorning, Pres!" bati ko sa president namin, pagkapasok ko. Inilagay ko muna ang payong ko sa labas nang room, saka pumunta ng upuan ko sa likod. May 30 minutes pa bago dumating si Mrs. S. Kaya magulo ang lahat. "Goodmorning, Max!" bati sa akin ni Krisha. Pagkaupo ko. At ang ilan ay binati narin ako, habang hindi mapakali sa mga suot nila, dahil mainit. Mainit naman kung tutuusin lalo na kung tumakbo pa papuntang room. "Goodmorning rin sa inyo." nahihiyang bati ko sa kanila. Halos kaclose ko na ang iba sa kanila, kahit na magdadalawang buwan palang ako sa school. Pinunasan ko muna ang mga braso ko ng panyo. Napaangat ako ng tingin sa mga kakalase ko na mga nakatayo. Napalingon ako sa kaliwa ko nang mapansin ko na nakatitig sa akin si Krisha. "Hmm.. May dumi ba sa mukha ko, Krisha?" tanong ko sa kaniya. At pinunasan ang buhok ko. Agad naman itong umiling. "Bakit kayo naging close nung tatlo?" tanong niya habang nakapalumbaba. "Ewan ko rin," saad ko sa kaniya. "Pero grade school pa lang kami ay mga kaibigan ko na sila." pagpapaliwanag ko. Ang totoo hindi ko naman talaga sila inaasahan na maging kaibigan simula grade school, nagkataon lang na nagkita-kita kami, ayun, naging magkakaclose na. Agad naman siyang tumagilid ng upo at pinatanong ang siko niya sa sandalan ng upuan. Tumingin sa akin. "May bayad kada tanong," pagbibiro ko. Saktong buka niya ng bibig para magsalita. Napangisi naman ako sa naging reaksyon niya. Gusto ko maging private sa amin 'yong naging buhay naming apat. May ibang tao pa na nac-curious sa pagka-kaibigan naming tatlo nina Travis, Klieford, at Drew. "May-" tigil niya sa pagsasalita nang takpan ko ang bibig niya. "Saka ko na ikokwento," alis ko ng kamay ko sa bibig niya. "Umupo ka na ng ayos. Darating na '' yon si Ma'am." mahinahon na sabi ko sa kaniya. Nang umayos siya ng upo ay nilabas ang cellphone ko para tignan sa gc kung nasa room na ang tatlo. (Rabisexy: Nasa room na 'ko. Kayo? Sabay ako sa inyo mamaya papunta kina Klieford.) [Drewings: Anak nang tokwa! Para 'kong basang hot na sisiw, eh!) Napailing naman ako dahil sa nabasa kong chat ni Drew sa gc. Tahimik na tao si Drew, pero minsan ay nagiging katulad ni Klieford. Makulit. "Nasa room na ako." chat ko sa gc namin. "Sino 'yang kachat mo?" gulat akong napatingin kay Krisha ng ilapit niya ang mukha niya sa screen ng phone ko. "Wala!" tanggi kong pagkakasabi kay Krisha. Binaba ko muna ang celphone ko saka tumingin sa kaniya na nasa harap ko. "Haha! Nako, Max, alam ko na yang mga expression ng mukha." aniya. At bigla niyang kinuha sa kamay ko ang cellphone ko, na ikinagulat ko. "Tingin hah!" tumayo siya at binuksan ang lock screen. "Akin na yan." pilit kong kinukuha ang cellphone ko sa kaniya nang marinig kong tumunog ito ay agad niya iyong tinignan. Alam kong sina klieford 'yon kaya napatayo ako at hinawakan ang kamay niya para makuha ang cellphone ko. Hindi ko na inilayo sa kaniya ang cellphone dahil sa nakatingin parin siya sa screen nito pagkaupo ko. Muli ko siyang tinignan habang nakatingin lang siya sa screen na naka palumbaba. "Minsan may sayad ka rin pala, ano?" Pagbibiro kong tanong sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin. "Wala, Max, ah!" depensa niya sa sarili. "Pahiram nga nan." mabilis niyang kinuha sa kamay a ko ang cellphone. "May jowa si Max." gulat siyang napatingin sa akin. "May boyfriend ka na, Max?" tanong niya. Kinuha ko ang cellphone ko sa kamay niya at tinignan kung saan niya iyon nabasa. Halos mamula ang pisngi ko dahil sa hiya. (Klieford changed the group name to 'May jowa si Max') Natulala na lang ako habang nakatitig sa mga nababasa ko. Nag-init na ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. (Mochimax: Wala akong boyfriend, Ford! Humanda ka sa 'kin." "Haha!"napatingin ako kay Krisha nang bigla siyang tumawa. "May jowa ka na pala, Max, hindi mo pa sinabi sa 'kin, haha!" patuloy niya sa pag tawa. "Ano naman sasabihin ko sa 'yo?" tanong ko sa kan'ya. "Hindi ko gusto ng magka-boyfriend. Wala akong alam." paliwanag ko sa kaniya. Napatulala at napanganga siyang nakatingin sa akin. "Ahh, Max, malamang ganto, ha," hinigit niya ako palapit sa kaniya ng nakaakbay. Itinaas niya ang kanang paa niya at pinatong iyon sa tuhod niya. At umupo ng pang lalaki. Tumingin sa akin na nanlilisik ang mata. "Krisha... I'm inlove. Nakatagpo ako ng lalaking iibig sa akin ng habang buhay.'' acting niya. Napailing naman ako ako at umalis a pagkakaakbay niya sa akin. "Ayoko ng ganan. Hindi ako iibig agad, Krisha. Wala akong alam sa mga ganang bagay. Focus ako sa pag-aaral at sa pagising athlete ko." mahinahong sabi ko sa kaniya. Muli kaming tumingin sa cellphone ko para magchat sa gc kung bakit binago ang pangalan. (May jowa si Max Grouped Name) (Rabisexy: Is that true, Max?) (Drewings: Magu-usap tayo mamaya.) Nagsimulang uminit muli ang pisngi ko dahil sa chat nila sa gc. Hindi ko sila maintindihan, wala akong alam sa pag-ibig. Ang alam ko lang ay iyon ang tawag sa magkasintahan na nagiibigan. ''Halah ka, Max! Mga Kuya mo ang alert.'' aniya. Halos manuyo ang lalamunan ko dahil sa mga nababasa ko. At naguguluhan kung ano ang a sabihin ko. (Mochimax: @Clayfourth Wala akong boyfriend. Hindi ko alam ang sinasabi niyo. Mga loko sipain ko kayo.) "Haha! Nai-imagine ko, Max!" tawa ni Krisha sabay hampas niya sa braso ko. "But, Max, don't hurt my crush, ha." Napatingin naman ako kung saan niya ako hinampas at muling ibinalik ang tingin sa kaniya, na nakatingin nalang sa screen ng cellphone ko. Napasinghap na lang ako at binalik ang tingin sa Cellphone. (Clayfourth: Ililibre na lang kita ng mochi ice cream mamaya pag uwian, haha!) "So, wala ka talagang boyfriend?" tanong ni Krisha sa akin. Kaagad naman akong tumango sa tanong niya. Napatingin naman ako sa mga kaklase ko na may kani-kaniyang pwesto sa harap ng electricfan. "Wala talaga." dipensa ko. "Saka alam mo?" "Hindi pa." putol niya sa sasabihin ko. "Sorry, haha!" "Hindi ko alam kung paano magmahal." I said and sighed. Thingking why everyone knows what is love. Bigla naman niya akong inakbayan pagkatapos ko iyong sabihin sa kaniya. "Alam mo, Max, hindi mo naman kailangan alamin kung paano magmahal, hindi mo rin kailangan kung paano dumating ang pagmamahal." makahulugan niyang pagsasalita. "H'wag ka munang magmahal. Hayaan mo na ang puso mo ang mag ready sa 'yo." "Paano mo nasasabi 'yan? May lovelife ka ba?" tanong ko sa kaniya. "Wala 'no!'' agad na depensa niya sa tanong ko sa kaniya. Totoo naman kasi kung makapag advice siya parang alam niya talaga ang meaning ng love. "Pero may crush ako." biglang naging maarte ang boses niya. "Sino naman?" muli kong tanong. Hindi ko na lang sinabi sa kaniya na masyado pa kaming mga bata. Pero wala 'yon dahil crush lang naman, means paghanga. "Hulaan mo dali! Clue, isa sa mga kaibigan mo." Napaisip naman ako bigla sa sinabi niya. At napatigil dahil sa mga kaibigan ko pa talaga. Akala ko hindi siya mapapasama sa nagka-kacrush sa kanila, siya rin pala. "Sige! Si Drew?" panimula kong tanong sa kaniya. "Hindi, haha! Gwapo siya at may dating pero hindi siya ang gusto ko, next!" saad niya. Hinawi pa ang buhok. "Ahm, si Travis?" muli kong tanong. "Hmm.. Alam mo sa kanilang tatlo siya ang may pinaka-maraming nagkakagustong mga babae. Mayaman na tapos teacher pa mama niya, so hindi siya ang sagot ko, hihi!" ulit na naman niya sa boses niyang may arte. Napatulala nalang ako sa mga sinasagot niya. Oo o hindi lang naman ang pero pinapaliwanag pa niya mga katangian nila Drew at Travis. Siraulo na talaga. Napaisip nalang ako nang mapagtanto ko kung sino nalang ang kulang sa nababanggit ko. Yung isa ring siraulo. "Sigurado ka crush mo 'yong lalaking 'yon?" taka kong tanong sa kaniya. Nang maisip kong si Klieford ang crush niya. "Oo! Hihi! Isipin mo-" "Ayokong isipin." putol ko sa pagsasalita niya. "Osige-sige na nga. Ano 'yon?" sabi ko sa kaniya. Inayos niya naman ang pagupo niya. "Ang tipo ko kasi sa mga lalaki may sense kausap." "Ayon lang? Kaya mo ba nagustohan si Klieford. Dahil lang do'n?" taka kong tanong. Humarap naman siya sa akin na magkasalubong ang kilay. "Hindi lang 'yon 'no!Ang hot niya, haha!" sabay palakpak niya na halos matawa ng malakas kaya ang iba sa amin ay napatingin sa kaniya. Dahil sa sinabi niyang iyon ay may naisip akong magugustuhan niya. May 10 minutes pa kami kaya tiniggnan ko muna ang chat nila sa gc. Sa dami nilang tanong ay tumawag nalang ako sa gc ng video call. Sunod-sunod naman silang nakisali sa video call. Na ikinagulat ko dahil sa seryoso ng mukha ng dalawa at habang si Klieford naman ay nagsa-sign na lagot ako. Napairap naman ako sa tatlo. Masyadong mga protective, daig pa si Kuya. "Max! Totoo ba?" panimula ni Travis na walang reaksyon ang mukha. Mukang wala parin silang teacher, sila kasi ang nauuna kahit na hindi pa exact time ang start ng klase. Napalunok nalang ako kahit na nanunuyo ang lalamunan ko. "Sino ba 'yang lalaki mo?" singit ni Drew pagkakatapos magtanong ni Travis. Napasapo naman ako sa noo ko habang umiiling. Siguro nautusan 'tong tatlong 'to ni Kuya o kaya ni Papa para bantayan ako. Hindi ko naman magagawa 'yon dahil hindi ko alam kung paano o maging ready sa Love. Masyado pang maaga. "Haha! Sagutin mo, Max, kundi wala kang ice cream." singit naman ni Klieford. "Ang loko mo. Wala sabi akong boyfriend. Hindi ko alam ang mga ganoon!" sigaw ko kay Klieford. Si Klieford lang muna ang pinansin ko dahil ayoko silang sagutin na dalawa dahil hindi rin sila maniniwala pag video call lang dapat personal. "Hi, Klieford!" halos mabitawan ko na ang cellphone ko dahil sa paghila ni Krisha sa kamay ko. "The f*ck?!" sigaw ni Kleiford. "Bakit ka nand'yan?!" tanong niya ng makita si Krisha. "Wala kang pake!" gulat akong napatingin kay Krisha. Hindi ko alam na ganoon agad ang sasabihin niya. Nagkita na ba sila? "H'wag kayong maniniwala diyan sa lokong 'yan. Walang jowa si Max, na fake news kayo." matapang na sabi ni Krisha sa kanila. "Sh*t! Hindi ka makakatulog mamaya sa 'kin, Klieford" sabat ni Travis. "I knew it. " salita naman ni Drew. At pinatay ang tawag. Nakahinga ako nang maluwag dahil naniwala na sila. "Haha! Nagpauto naman kayo!" sigaw ni Klieford. Sabay tawa ng malakas. "Ok na kayo, ha? Siya nga pala sasama daw si Krisha mamaya mag over night." pagbibiro ko. "No!" mabilis na sagot ni Klieford sa naging paalam ko. Napatawa naman ako sa naging reaksyon niya. "Joke lang!" kumaway na ako sa kanila at ngumit. "Kita-kita nalang mamaya. Bye!" pinatay ko na ang tawag pagkatapos ko iyon sabihin. Napaapir naman kami ni Krisha bago ko ilagay ang cellphone sa bulsa ko. Hindi na 'ko uuwi mamaya dahil may mga damit na naman ako doon pati narin sina Travis at Drew. Iniwan na namin iyon para sa susunod na overnight. "Enough with the phone." Sabay kaming napalingon ni Krisha sa nagsalita mula sa likuran namin. Na ikinatigil namin na Krisha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD