Chapter 3

3308 Words
"Siya ay binansagang pinuno ng himagsikan. Siya rin ang kauna-unahang naging pangulo ng Republika ng Pilipinas!" pagpapatuloy sa pagtuturo ni Mrs. S. Nananitili lang kaming tahimik na nakikinig sa kaniya. Ang iba naman ay kahit na naiinitan ay hindi pwedeng magreklamo. Dahil sa napagalitan kaming lahat, sa gulo at dumi ng room. "Now, sa lahat ng pangulo na nabanggit ko. Alin sa tingin niyo ang gugustuhin niyong maging pangulo na may kakayahang iangat ang bansa?" tanong ni maam. Agad akong napaiwas ng tingin at tumingin nalang sa mga ginagawa ng mga kaklase ko. Hindi ko naman kasi alam kung sino pipiliin ko. Pagkatingin ko ay halos nakatungo na ang iba at ang mga nakaupo naman sa gilid ng bintana ay nakatingin na sa labas. Saglit ko lang silang tinignan saka lumingon kay Krisha. "Hoy!" gulat akong napasigaw malapit sa tenga n'ya. ''Aray!'' reklamo niya nang maitulak ng kamay ko ang mukha niya dahil sa sobrang lapit nito sa mukha ko pagkalingon ko. "Totoo nga ang sabi ni Klieford!" sabay layo niya sa akin habang hinihimas ang tenga niya. ''hindi ba pwedeng isang parusa lang?'' ''Anong sabi sayo ni Klieford?'' mahinang boses kong tanong sa kaniya. "Nagu-usap na pala kayo." ''Ayaw ko nalang mag talk.'' napangiwi pa siya pagkatapos n'yang sasabihin iyon. Hindi ko na lamang pinansin ang magiging sagot n'ya nang may maisipan akong magandang plano para makaganti rin kay Klieford. ''May plano ako sa inyong dalawa.'' sabi ko sa kaniya. Mabilis na nagbago ang mood niya nang marinig iyon. Agad naman akong napatawa dahil sa plano ko mamaya sa kanila ni Klieford. ''Maguusap na lang ba kayong dalawa?'' Gulat kaming napatingin sa kung sinong nagsalita. Nakakrus ang mga braso nitong nakatingin sa amin. ''Mrs. S-'' ''Labas!'' pitol ni Mrs. S, sa sasabihin ko. ''Hahaha!'' tawanan ng mga estudyanteng nadaraanan namin ground floor. Kasabay ng pagpapalabas ni Mrs. S, sa amin ay ang pag-utos niya na linisin namin ang buong floor. ''Nice one, Krisha! Bagay sayo ang ganda mo pa rin.'' sigaw nila kay Krisha. ''IDC.'' maarteng sagot niya sa mga lalaking nasa gilid lamang ng dinadaanan namin. Napatingin naman ako sa kaniya habang naglalakad kami. Kita ko sa hitsura niya na pinagsakluban ng langit at lupa. ''Krisha anong 'IDC'? tanong ko. Maraming word ang pinapaikli niya simula ng mag kakilala kami. Noon pa nga ay napagkamalan ko pa siyang baliw. Hindi ko naman kasi alam ang mga sinasabi n'ya pag nagkukwentuhan kami. ''I don't care, ang ibig sabihin non, Max. Pag hindi mo close ang isang tao 'yon ang gamitin mo or 'd kaya'y tinatamad ka.'' pagpapaliwanag niya. ''Ah, NIN. (Now I Know)'' sabay tango-tango ko at tumingin na sa dinadaanan. ''Told yah!'' kuha niya naman agad sa sinabi ko. ''Uyy mga dude! Si Max, oh, yung favorite badminton player n'yo.'' Napatingin naman ako sa mga lalaki at mga babaeng nagsulputan sa pinto ng mga room nila. Naglalakad kami ni Krisha ngayon sa hallway na kung saan nadadaanan ang mga estudyanteng tinatawag na 'Wild Spycho Roommates' Wild Spy, dahil minsan raw ay nakakasagap sila ng sagot sa quiz kahit na wala pang inilalabas na confirmation na iyon talaga ang magiging sagot. 'Yan lang ang alam ko sa kanila dahil wala naman akong ka close ni isa sa kanila. Nalaman ko lang 'yon kay Travis. ''Look who's here! The favorite badminton player, Mara, holding a mop now!'' sigaw ni Ian. Ang isa sa mga natalo ko sa badminton noong first game ko sa school. Hindi ko nalang pinansin ang iba pa n'yang sinasabi nang magsilabasan na rin ang mga kaklase niya. At nagtawanan. ''Ikaw pala si Mara! yung sinasabi nilang halimaw daw maglaro,'' pagpupuri ni Razia. Sabay kapit sa braso ko. ''Pero bakit naging Mara, ang tawag sayo?'' taka niyang tanong sa 'kin. Paakyat na kami ng hagdan para pumunta sa 3rd floor dahil doon naman kami maglilinis. Dala dala ko ang mop at sa kan'ya naman ay walis tingting at tambo. Para linisin ang buong floor dahil iyon ang parusa namin. ''Mara dahil Max Clara,'' may diing sagot ko sa pangalan ko saka tumingin sa kaniya. ''Ang name ko.'' Tumango-tango naman siyang hinatak ako para maka akbay s'ya sa akin. ''NIN (Now I Know), pero mas gusto ko parin Max, ang tawag ko sa 'yo. Ang ganda kasi.'' Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. ''Ewan ko sayo. Tara na nga.'' aya ko na sa kaniya. Pagkarating namin sa 3rd floor ay nag umpisa na kaming maglinis simula kanan hanggang sa dulo sa hagdan. ''Krisha, ilalagay ko lang muna itong mop sa cr.'' paalam ko sa kaniya. Agad naman akong naglakad papunta sa cr na nasa dulo ng hallway dahil hindi naman na kailangan ng mop. Last na linis na namin ito. Wala naman ng tao sa 3rd floor dahil nauuna sila sa paglalaro sa gym. Kaya feel na feel ko ang paglalakad ko ng nakangiti. Pagkalagay ko ng mop sa likod ng pintuan sa lagayan ay lalabas na sana ako ng may tumakip sa bibig ko mula sa likod. ''K-krisha... Tulong!'' impit akong napasigaw kahit na hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi ko. Hinatak niya ako papasok ng cr habang nakatakip pa rin ang kamay niya sa bibig ko. ''Shhh!'' mahina niyang bulong malapit sa tenga ko. Hindi ko na naintindihan ang iba pa niyang sinasabi dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon. Haharap na sana ako sa kaniya para makita ang hitsura n'ya nang mas lalo niyang higitin ang katawan ko papalapit sa kan'ya ng nakatalikod at ang higpit nitong takip sa bibig ko. Nang hindi na ako makapalag ay niluwagan niya na ang takip sa bibig ko. Siniko ang tagiliran niya at mabilis na humarap sa kaniya para tignan ang mukha niya at tadyakan ang nasa baba niyang parte. ''Gago ka, ha!'' inaangat ko ang katawan niya para makatayo at makita ko siya ng tuwid. ''First time ko 'to, gago-'' Tumingin siya nang diretso sa 'kin at nang makita ko kung sino siya ay mas bumilis pa ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. ''T-travis.'' utal kong sabi. Seryoso lang s'yang nakatitig sa akin. At binuksan ang pinto para sana lumabas. Hinatak ko ang manggas ng tshirt niya at isinandal s'ya sa pinto ng cr na nakabukas na. Matibay naman iyon kaya, kaya siya nito . ''Bakit? H-hindi ko maintindihan-'' nauutal kong pagkakatanong. ''Because I need to, Mara.'' putol niya sa sasabihin ko. Pero hindi ko pa rin maintindihan. Binitawan ko siya. ''Ipaliwanag mo.'' kalmado kong pagkakasabi. Hindi na 'ko makatingin nang diretso sa kaniya dahil sa ramdam kong nakatitig siya sa'kin ng seryoso. Nakakatakot. ''Bakit mo ginawa 'yon, ha? Loko ka-'' Hindi niya na 'ko pinatapos sa sasabihin ko nang higitin niya ulit ako papasok ng cr at mabilis niyang sinarado ang pinto. Muli akong humarap sa kan'ya para sana magsalita nang takpan niya ulit ang bibig ko at sumenyas na tumahimik muna ako. ''Baby!'' sigaw ng kung sinong babae galing sa labas. "Babe!are you there?!" Napaangat ako ng tingin kay Travis na nakatingin pala sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. May girlfriend na ba s'ya? O ibang lalake ang hinahanap ng babae na nasa labas? Bigla namang may pumihit sa door knob ng cr. Na nagpabilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Unti unti kong inalis ang kamay ni Travis sa bibig ko. ''Ikaw ba hanap nung babae sa labas?" mahina kong boses na tanong sa kaniya. ''Of course not, Max!'' pagtatanggi niya. Kaagad kong tinakpan ang bibig niya dahil sa paglakas ng boses nito. ''Travis? Is that you, Babe?!'' sigaw ng babae sa labas. Pilit pa rin niyang binubuksan ang pinto at nagsisisigaw. ''Sorry. She just want to invite me on her birthday after class, but I can't,'' saad niya. Walang reaksyon ang mukha. "She's not my type, Max.'' ''Kung hindi mo siya type, bakit ka niya tinawag na babe?'' taka kong tanong sa kaniya. "I don't know, Max, so cringe for me to hear that kind of callsign, especially in me!" Pinagsingkitan ko siyang tinitigan ng mata ko at ngumisi nang may maisip akong plano. "Tara labas tayo." paghahamon ko. "Ok! Fine." sang-ayon naman niya sa sinabi ko. Saka lumingon sa akin. ''She's not my girl, Max.'' Tumango na lang ako at sumenyas sa kan'ya na buksan ang pinto. Naglakad naman s'ya papunta sa pintuan para sana buksan nang may marinig kaming sumigaw. "Miss Anong ginagawa mo sa cr ng panlalaki?!'' sigaw ng lalaki. Napintig ang tenga ko dahil sa narinig ko. Cr ng mga lalaki 'to? Asa'n ang sa mga babae?Doon dapat ang punta ko! Napatigil ng pagbubukas si Travis at pinakinggan kung sino ang nagsalita sa labas. Tumingin siya sa akin at sinabing si Klieford ang lalaking nasa labas. Napasinghap naman ako nang maalala kong naiwan ko pala si Krisha sa labas. ''Your Klieford, right?'' rinig naming tanong ng babae. ''Yeah. Why? Are you interested in me? liligawan mo rin ako?'' sagot naman ni Klieford. Sandaling hinintay namin na sumagot ang babae. "No, I'm not.'' sagot nito. Sabay kaming napatawa ni Travis dahil sa narinig namin. First time kong makarinig na may bumara kay Klieford nang ganoon. ''Really? What if I did this to you?'' tanong ni Klieford. Sabay kaming nagkatinginaan ni Travis, dahil sa narinig namin. Hindi namin alam ang nangyayari sa labas kaya sumenyas ako sa kaniya na buksan na ang pinto. ''Hoy!'' rinig kong sigaw sa labas na alam ko kung kaninong boses 'yon. Kay Krisha. Binuksan ni Travis ang pintuan at dali-dali rin akong sumunod sa likod niya. Kaya nabunggo ako sa likod niya dahil sa pagtigil niya paglabas sa cr. "What is going on here?" salita ni Travis. Napakrus ng mga brasong nakatingin kina Klieford at sa babae. Nanlaki ang mata ko dahil sa posisyon nina Klieford at ng babae ng tignan ko sila. Nakasandal ang babae sa pader at si Klieford ay nakatuon ang kamay sa pader, malapit sa babae. ''Max?!" sabay na sigaw nina Klieford at Krisha. "Anong ginagawa mo diyan?!'' Gulat akong napahawak kay Travis dahil sa sigaw nilang dalawa. Na ngayon ay nakatitig na silang tatlo. Lumapit naman ako kay Krisha para hatakin s'ya paalis. Narinig ko pa ang pagtawag sakin nina Klieford at Travis habang paalis kami pero hindi ko iyon pinansin. ''Teka lang!'' rinig kong sigaw ni Krisha. Hindi ko iyon pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa pagtakbo, hatak-hatak s'ya. ''Sandali, Max!'' napatigil kami sa pagtakbo nang makalayo kami. Nasa second floor na kami ngayon kung saan walang tao at malayo sa kanila. ''Jusko! Ba't ka ba n-natakbo, ha?'' hingal niyang pagtatanong sa akin. Napaisip ako saglit dahil doon. Bakit nga ba? Mga kaibigan ko naman sila. ''A-ano... Nakakahiya gano'n!'' utal kong sagot sa kaniya sabay kamot sa ulo. ''Saka bakit ka nga pala nandoon sa cr?'' tanong niyang muli sa 'kin. Sumandal siya sa pader at tumitig sa akin ng diretso. ''Kasama mo pa si Travis, ha!'' bigla niya akong kiniliti sa tagiliran kaya napaatras ako. Wala sakin iyon dahil kaibigan ko s'ya at kaya kong proteksyon ang sarili ko kung may gawin siyang masama sa'kin. ''Hinila lang ako ni Travis kanina nung ilalagay ko na yong mop sa cr. Tapos ayon, sumulpot na yung babae kanina. '' pagpapaliwanag ko sa kaniya. Nakangiti parin siyang nakatingin sa'kin. Kaya nginitian ko rin s'ya ng nakakaloko. ''Hay nako! Tara na nga. Bahala na sila.'' pagpapasiya niya sabay hawak niya sa braso ko para bumaba na kami ng hagdan. Uwian na nang matapos namin ni Krisha ang paglilinis sa kada floor. Hindi na rin kami nakapag p.e ngayong araw dahil sa naging parusa namin. Nasa room na kami ngayon para kunin ang bag namin at umuwi. Magpapaalam pa kasi si Krisha sa parents niya para makipag-overnight kina Klieford ng kasama ako. Hindi ko sinasabi kina Klieford, Drew at Travis na kasama si Krisha dahil suprise iyon. Papayag naman sila basta ako ang nagyaya. ''Let's go, Max." aya ni Krisha ng kunin na namin ang bag. Maraming estudyante na rin ang nagsisilabasan. Pababa na kami ng hagdan ng Kuhanin ko ang cellphone sa bulsa ko para ichat sina Klieford, Drew at Travis sa gc na mauuna na 'ko umuwi dahil magdadala rin ako ng makakaen namin. At ilang mga bagong damit pang-tulog. "Magtatawag na 'ko ng taxi." prisinta ko ng nasa gate na kami para mag abang ng sasakyan. Marami naring mga estudyante ang nasa labas. Nang magpatawid ang security guard ng school ay agad naman kaming sumabay para tumawid. "Max! H'wag na tayong mag taxi!" sigaw sakin ni Krisha kahit na magkatabi lang kami habang natawid. "Ayun,oh!" tinuro niya ang jeep at hinigit niya ako. "Tara, Max!" "Teka lang." hindi ko alam kung sanay ba akong mag jeep. Baka parehas lang ng taxi 'yon. Pagkatawid namin ay hindi pa ko tapos magsalita ng hatakin niya ako papunta sa jeep at sumakay. Nasa b****a kami ng jeep umupo para mabilis kaming makababa at sa ayaw namin sa harap umupo. "Kasya pa! Sakay na, Iho! Makikiayos nalang ng upo!" sigaw ng driver sa mga estudyanteng naglalakad. Maingay pa lang sumakay sa jeep lalo na't nagkakasabay ang ingay ng mga nakasakay at mga busina ng sasakyan. Humarap naman ako kay Krisha na nasa gilid nakaupo. Inilabas niya ang wallet niya at kumuha ng 20 pesos. Taka ko naman siyang tinignan ng i-abot niya sa 'kin iyon. "Ano gagawin ko dito?" taas ko ng kamay ko para ipakita ang pera binigay niya. "May pera pa 'ko, Krisha-" Napatawa naman siya ng malakas. Napatingin naman ako sa mga nakasakay at mga estudyante na nakatingin sa amin dahil sa paglakas ng tawa ni Krisha. "Max! Haha! I-abot mo sa driver 'yang pera na hawak mo, bayad natin 'yan." pagpapaliwanag ni Krisha. First time ko lang makaranas ng ganito dahil book naman ang ginagawa ko sa taxi, hindi nag-aabot ng bayad. Tumayo naman ako para pumunta sa harapan at inabot iyon sa driver. "Kuya bayad po namin 'yan!" sigaw ko. Tinuro ko si Krisha na nasa dulo. "Yun Kuya, oh! Yung nasa dulo na babae yung may headband na violet." sigaw ko dahil sa ingay ng mga sasakyan at mga estudyante. Kita ko ang pagtingin sa akin ng driver sa salamin kaya nginitian ko siya. Pabalik na 'ko sa tabi ni Krisha nang mapansin ko na ang lahat ay nakatingin sa akin. Pati mga lalaking estudyante ay nakangisi. Weird. Umupo ako sa tabi ni Krisha na nakatitig sa akin. Kinuha ko ang tubigan ko sa bag para uminom. "Max, haha! Dapat pinasa mo na lang yong pera sa katabi mo. Hindi mo ba alam 'yon?" tanong ni Krisha sa 'kin habang natatawa. Napatingin ako sa mga nakasakay at ang iba ay nakatingin parin sa akin. Muli akong tumingin kay Krisha. "Bakit? Mali ba 'yon?" tanong ko. Saka ko tinakpan ang tubigan ko at ilalagay sana sa bag ng mahulog ito. Napatingin naman ako sa kamay ng kumuha sa tubigan ko. "Salamat." napatingin naman ako sa kaniya para ngumiti ng mabigla ako kung sino siya. "Drew?" hindi makapaniwalang sabi ko. Ngumiti naman siya at inabot sa akin ang tubigan ko saka pinausog ang nasa kanan kong lalaki at siya na ang umupo. "I thought you didn't know how to ride a jeep." he said. Saka iniabot ang bayad niya sa katabi niya. Tinignan ko kung paano niya 'yon inabot. Mabilis na pinaandar ang jeep ng driver. Sa dami ng estudyante na nalabas kanina kaya kami natagalan. "Hindi nga. Niyaya lang ako ni Krisha mag jeep." saad ko. "By the way, Drew, si Krisha." turo ko kay Krisha na nasa gilid na nakatingin pala sa amin. "Krisha, si Drew, isa sa mga kaibigan ko." pagpapakilala ko. "Nice to meet you, Krisha." inilahad ni Drew kay Krisha ang kamay niya. Hindi ko pa pinapakilala noon si Krisha sa kanila dahil sa nahihiya pa raw siya. "Hello!" masiglang bati niya saka nakipag kamay. "Anong oras kayo pupunta kina Klieford?" tanong niya kay Drew. "Ahh... 8 pm." sagot naman ni Drew. Hinawi buhok. "Why?" "Pwede ba 'kong sumama?!" pinagdikit ang palad niya. "Plss!" pagmamakaawa niya. "Ah, h'wag ka sa 'kin magpaalam. Talk to Klieford. But for me, yeah, that's okay." seryosong sabi ni Drew kay Krisha. Napatingin naman ako kay Drew para sabihin na inimbita ko na talaga si Krisha na sumama sa overnight at sinabi ang magiging plano sa kanila ni Klieford. "That's your plan? Are you sure?" tanong niya sakin. "I'm sure lagot ka kay Klieford." Napatango naman ako sa sinabi niya. Siya yung tipo na lalaking nagiging Kuya minsan, kahit kaibigan naman. "Ako bahala doon, Drew! Siya pa lagot sa'kin." matapang kong sabi sa kaniya. "Hayaan niyo yong lokong 'yon. May atraso rin 'yon sa 'kin. Saka walang makakapigil sa 'kin pumunta!" sabat ni Krisha. Nang tumigil ang jeep sa tapat ng 7 eleven ay una nang bumaba si Krisha. Hinintay niya muna akong makababa nang sabay kaming magpaalam kay Drew. "Una na kami! Chat-chat na lang mamaya." paalam ko kay Drew. "Ok. Ingat kayong dalawa!" sagot naman niya. Kumaway muna siya saglit saka umandar ang jeep na sinasakyan niya. Nasa gilid na kami ngayon ng 7 Eleven at nakasilong sa puno dahil sa init. "Krisha, saan ang inyo?" tanong ko sa kaniya habang inaangat niya ang manggas ng p.e. shirt niya. "Ah, dito na, Max." tinuro niya ang papasok sa na private village sa gilid ng 7 Eleven. "Malayo pa ang amin kaya kailangan kong sumakay ng tricycle. May subdivision sa dulo nan. Next time punta ka sa bahay namin, tawag ka lang." aniya. Tinignan ko ang dulo ng kalye na sinasabi niya kahit na hindi ko naman talaga makikita dahil sa layo. May mga tricycle sa gilid, kailangan pang tumawid para makasakay roon. "Ikaw, Max?" balik niyang tanong sa 'kin. "Hulaan ko doon ka sa Montex, 'no?" "Ah, oo." mabilis na sagot ko. Saka inilagay ang bag sa harapan ko. At doon nilagay sa bulsa ng bag ang cellphone ko. "Sabi na! Iba ang yaman ng mga tao 'don kumpara sa amin. Medyo-medyo lang." sabay kamot niya sa ulo. "Siya, Max, mauna na 'ko para makatulog pa. Ingat ka hah!" pagpapaalam niya. Nauna siyang umalis. Nasa kanan ang kanila ang village namin at sa kanila nasa kaliwa na may kalayuan. "Ingat rin! Text or chat ka na lang sa 'kin." paalam ko bago siya maka-alis. Kumaway ako sa kaniya saka naglakad na rin. Pagkarating ko sa bahay ay mabilis lang akong kumaen para makatulog. Hindi naman kasi nagpapatulog minsan si Klieford. Pag may sayad siya. "Kain na Kuya," aya ko ng kain kay Kuya na nakahubad pa at magulo ang buhok. "Sila Mama at Papa nga pala? Nakaalis na?" tanong ko at sumubo ng kinakaen ko. "Sige kain lang d'yan busog pa 'ko." pumunta siya ng ref para kumuha ng tubig at umupo sa harap kong upuan sa lamesa. "Mamaya pa ang alis nina Mama at Papa. 7:30pm. Bakit?" "Sakto magpapaalam narin ako," puno pa ang bibig ko ng sabihin ko iyon. Nang mabilaukan ako ay ibinigay niya sa'kin ang baso na hawak niya. "Thanks. Magoivernight kasi kami kina Klieford, Kuya. Kasama ko si Krisha, classmate ko." "Ok. Just make sure na mag-iingat sa daan, ha?" payo niya saka tumayo. "Baka 'd kita maabutan mamaya, aalis kasi ako." ginulo niya muna ang buhok ko saka umalis at umakyat sa kwarto niya. Tatayo na sana ako para hugasan ang pinagkainan ko ng biglang tumunog ang cellphone na nasa tabi ng lamesa. "Why?" tanong ko ng sagutin ng iba ang tawag. Si Klieford ang tumawag sa gc na sinagot rin naman nila Travis at Drew ng video call. Hindi iyon nakaharap sa 'kin dahil sa nahihiya akong ipakita ang mukha ko. "Guys! We have a problem." salita ni Klieford na napakamot sa ulot niya. Napatunganga akong kinuha ang cellphone para tumapat sa camera. "Anong problema?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD