Chapter 4

2022 Words
"ANO... Linggo na lang kayo pumunta," napakamot batok na lang si Klieford habang sinasabi iyon. Kanina pa namin inaalam ang dahilan ngunit hindi naman niya sinasabi. "Mind tell us what is wrong?" tanong ni Travis kay Klieford. Sabay naman kaming tumango ni Drew para sumang ayon. Umiwas muna siya saglit nang tingin. "Mahirap I-explain... Mahirap lalo na't..." Naging seryoso ang mukha ni Klieford, ewan ko, pero parang nakatingin siya sa akin. "Hindi ako pinapansin." Sarkistong naman napatawa si Travis. "Who? 'Yung girl na kino-kuwento mo sa akin tuwing gabi? Ibang klase ka." Para akong nasasamid sa sarili kong laway dahil sa sinasabi nila. Feel kong magtakip ng tainga. "Sino bang hindi napansin sayo, Klieford?" takang tanong ko. "Lahat naman kami pinapansin ka." "Yung kaibigan mo." Mabilis niyang naging sagot na halos hindi ko pa naintindihan. May binulong pa siya saglit na halos hindi naman marinig. "But, yeah, that's fine... Bukas na lang kayo pumunta. I'll chat, maybe later for my handsome announcement." Sabay ngisi niya na halata namang pilit bago magpaalam sa amin. Napagpasiyahan na rin namin na I-end ang tawag dahil sa mga kailangan rin naming gawin. Napasapo na lang ako ng uno bago pumuntang kusina. "Sino ba tinutukoy niya?" Tanong ko sa sarili habang naghuhugas ng pinagkinan. Hindi ko pa rin alam kung bakit sinabi 'yon ni Klieford, kahit na sila lang naman kaibigan ko, depende na lang kung... Krisha. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa lamesa at patakbong nagtungo sa kwarto. Saka pabagsak na humiga sa kama. Iniangat ko ang cellphone ko para tawagan na lang si Krisha. Sandali lang iyong nag ring bago niya masagot. "Hello, Max! Ken, babalik ako!" Masiglang niyang boses mula sa kabilang linya. Rinig pa ang pag-sigaw niya sa kung sino na alam kong sa lalaki ang pangalan na iyon. Ang ingay. Nasaan ba siya? "Sorry, Max, ah? Marami lang kasi akong ginagawa." "Ok lang, Krisha. Sorry." Agad na sabat ko sabay kamot sa ulo. Naging istorbo pa ata ako sa ginagawa niya. "Gusto ko lang sabihin na hindi raw tuloy ngayon, nagkaproblema lang siguro kina Klieford-" "Ganoon ba... Sige, Max, ok lang." Putol niya sa sasabihin ko kahit hindi pa naman talaga ako tapos magsalita. May hindi talaga ako nalalaman sa mga nangyayari. "Kailan matutuloy?" muli niyang tanong. "Bukas, Krisha." ani ko. Tumingin naman ako sa bintana. Hindi pa naman maggagabi, I'm bored. "Ahm, Krisha... May pupuntahan ka ba mamaya?" Tanong ko. "No worries. Treat ko." "Yes! Ok. 8 pm mamaya, Max. Mamaya pa tapos ng trabaho ko rito sa bar, mamaya na lang." Sabi niya agad rin naman akong sumang-ayon. "Bye bye, Max!" "Bye! Chat ako mamaya." Saabay patay ko ng tawag. Ini-alarm ko na lang ang cellphone ko sabay hagis sa tabi ko ng cellphone bago magpahinga, may tatlong oras pa naman. Ano kayang nangyayari sa kanila? May love life na kaya sila? Ano ba 'to! Pati pag tulog ko na-iisip ko 'yun, kahit hindi naman ako interesado... Hindi ka nga ba? Nagpapadyak na lang ako habang inis na bumango sa kama. Umupo na lang ako sa study chair ko at binuksan ang laptop para manood nang nakita kong bagong movie drama. Hindi ako sanay na manood ng Romance at Love, pero, bahala na. Sinimulan kong panoorin ang movie at maya maya pa ay nanlaki ang mata ko dahil sa nakita. Nag kiss ang babae hanggang sa mauwi sa bahay. Agad kong sinara ang laptop ko. Hindi ko alam pero parang nahihiya akong malaman ang ginagawa nila. I hate it. Napahilamos na lang ako ng mukha bago mapagpasyahan na bumalik sa panonood. Gusto ko rin malaman kung ano ang love... Ano nga ba? "Anong ginagawa niyo," patigil tigil ako sa pag play ng movie, ayoko talaga! Hindi ko alam ginagawa nila pero bakit ganoon... "Bakit parang ang gaan lang sa kanila?" tanong ko sa sarili. Napatakip ako ng bibig at nanlalaki ang mga mata habang pinapanood ang babae at lalaking nakahiga sa kama at naghahalikan. Hindi maitatanggi na may kakaiba akong nararamdaman, ewan ko, pero bakit gusto ko pa ring panoorin? Mukhang wala namang masama sa ginagawa nila, hindi naman kasi sila nag-aaway. Nilagay ko ang headset sa tainga ko dahil ayoko ng may nakakarinig sa pinapanood ko, kahit pa na mag-isa lang ako. "When are you going to tell your girlfriend that I'm the one you want to be with fiance?" Napakurap-kurap na lang ako dahil sa sinabi ng babae sa movie. Hindi siya ang girlfriend ng guy?! Pero bagay sila! "Can you pleasen't say that woman is my girlfriend? I don't love her..." Humalik siya sa babae sabay patong sa sa ibabaw nito. "I love you." Sabay silang ngumisi bago itinuloy ang ginagawa nila kanina, ang maghalikan. "Dalia, iyung kamay ng lalaki sa iyo!" Sigaw ko sa babaeng nasa movie kahit na hindi naman niya ako naririnig. Gumagapang na kasi ang kamay ng lalaki malapit sa waist niya, hanggang sa ibaba ng lalaki ang pambaba niyang suot na... Underwear?! Ganito ba talaga ang love? Pero hindi ko pa rin ma-gets na kung bakit nila ginagawa ito. 'Di ba dapat masaya lang? May ganito rin pala. Mabilis kong sinara ang laptop ko ng marinig kong may kumakatok. Tiningnan ko na rin ang orasan, dalawang oras pa bago mag 8... matagal pa. "Saglit lang," tumayo ako para buksan ang pinto. Bumungad sa akin si Kuya na may dala dalang paper bag. Taka ko naman siyang tiningnan. "Bakit, Kuya?" Ngumiti naman siya bago itinaas ang kanang kamay kung nasaan ang paper bag. Alam ko na 'yon, pagkain... Lagi niya akong binibigyan ng pagkain- kung hindi umaga, gabi, pero may kapalit na pakiusap o utos. "I know you're not feeling well sa school. So here," Galak ko siyang nginitian bago kunin ang paper bag sa kamay niya, "Salamat dito!" Tiningnan ko ang laman ng paper bag at nanlaki ang mata ko sa laman noon. Hindi lang kasi pagkain ang laman. "Ang mahal nito, Kuya. Bakit mo ako binibigyan ng rolex." Napangisi siya, "That's a gift, Max," aniya. Inilagay niya rin ang magkabila niyang kamay sa magkabila ring bulsa ng pantalon niya. "Gusto lang bumawi ni Kuya sa 'yo." Ngumit naman siya ng makahulugan. Anong bawi? Para saan? May magpapagulo na naman sa isip ko. "Ha? Para saan naman?" Tinanong ko na rin sa kaniya. Nginitian niya lang ako bago guluhin niya ang buhok ko. Maayos 'to. "Matulog ka na nga. Hindi ako makakauwi bukas, I have an appointment, kaya, ingatan mo ang sarili mo." Kumaway ako kay kuya bago sinarado ang pinto. Inilagay ko ang chocolate sa ref ko ang laman ng paper bag bago itinabi sa study table ko ang regalo niyang relo. Pagbasak akong humiga sa kama at naging malalim ang paghinga. Hindi ko alam, pero, alam kong may gusto siyang hingiin sa akin. Noon una, binigyan niya ako ng pagkain, iyun na pala ang simula ng isali niya ako sa pagba-badminton. Noong una ayaw ko pa, pero nagustohan ko rin. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa tabi ko na bago tingnan ang oras. Hindi pa man 8 pm pero gusto ko ng gumala. Wala akong training bukas kaya magdamag akong nasa bahay nito. Iti-next ko kay Krisha na mag kita na lang kami mamaya sa mall bago ako bumangon mula sa pagkakahiga para mag-ayos na. Maaga na lang akong aalis. Simpleng white long sleeve at black highwaist short at black boots ang sinuot ko. Tiningnan ko sa salamin kung bagay at maayos ang suot ko bago ko kinuha ang sling bag na nakasabit sa likod ng pinto at bumalik sa salamin. Tinali ko lang ang buhok ko bago ako lumabas ng kwarto. "Kuya, may pupuntahan lang ako. Magkikita lang kami ni Krisha sa mall." pagpapaalam ko sa kaniya. Nakaupo siya sa sofa habang may hawak na libro. Saglit siyang tumingin sa akin bago tumango. "May ipapabili ka ba?" "Nothing. Ipagpapaalam na lang kita kina Mom and Dad. But, make sure na mag text ka rin sa kanila." aniya. Tumango naman ako. Kinuha niya muna ang susi na nakapatong sa lamesang nasa harap niya bago kami lumabas. Ilang minuto ang naging byahe namin hanggang sa makapunta sa mall. Tiningnan ko na rin ang relo ko bago tumingin kay Kuya. "Diyan mo na lang ako ibaba, Kuya." "You sure?" tanong niya. Tumango naman ako. "Text me or Mom, ok?" Ipinarada niya ang kotse sa gilid ng mall bago ako bumaba. Nakangiti naman akong kumaway sa kaniya. Bago tuluyang umalis ang sasakyan niya. Pagkapasok ko ng mall, dumeretso muna ako sa National Book store para tumingin tingin ng libro. Habang natingin may nakita naman akong mga kalalakihang nagtatawan sa mismong pupuntahan ko. Sakto naman na nakita ko ang librong gusto ko. Patalikod na ako para bumalik nang bigla akong mauntong sa kung saan. "Sorry!" Agad kong sabi kahit hindi ko naman alam kung saan ako nabunggo. Sakit! Napahimas na lang ako sa noo bago ako tumingala para tingnan kung ano yon... Hindi pala ano... sino. "Are you alright?" Nag-aalalang niya sa akin. Sabay kapit sa magkabilang balikat ko. "Tell me, so I can help you." Nanatili akong tulala at hindi masagot ang tanong niya, ewan ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha niya, kita kasi ang pag-aalala niya. "Hey, miss. Are you ok?" Tulala pa rin akong natingin sa kaniya hanggang sa masundan ko na lang ang kamay niya na biglang pumitik sa harap ng mukha ko. Napaiwas ako nang tingin, "W-what?" Nahihiya akong paatras na humakbang sabay yuko. Anong ginagawa ko? Nakakahiya! "Ah... " Napangisi naman siya bago i-angat ang tingin sa akin. "Ang sabi ko, kung ok ka lang ba." 'Yan na naman ang tingin niya. Bakit ganito. Anong ginagawa ko? "O-ok lang ako," hinawi ko ang buhok ko bago umiwas ng tingin at saglit na ibinalik sa kaniya. "Sige mauna na ako sayo." Tumango naman siya bago ulit ngumisi. Napakapit ako ng mahigpit sa librong hawak ko bago tinakip sa bibig ko at nakayukong umalis. Nakakahiya! Kinuha ko ang cellphone sa sling bag ko nang marinig ko iyong tumunog. Tinungo ko ang cashier at binayaran ang libro bago mabilis na lumabas ng store. Ayoko nang lumingon pa, baka mapahiya na naman ako at makita ko iyung lalaki kanina. Saglit kong hinintay si Krisha bago niya ako makita. "Max!" Patakbo ang naging paglapit niya sa akin kasabay ng pagyakap kaya agad kong nabab ang librong nakaharang sa mukha ko. "Kanina ka pa?" masiglang tanong niya. "Sorry, ha? Ngayon lang ako natapos sa trabaho." Napatawa naman ako bago tumango. Sinuri ko ang suot niya pero hindi naman halata na galing siya sa trabaho. Nakasuot siya ng black fitted fitted tube dress at simpleng white shoes. "Ayos ka lang ba? Bakit namumula iyang pisngi mo?" Taka niyang tanong sa akin na parang sinusuri pa buong mukha ko. Napahawak naman ako sa magkabila kong pisngi. "H-hindi, 'no. Ayos lang ako." Pagtatangi ko pa sabay ngisi. Namumula? Ako? Nahihiya lang sa hindi ko naman alam na dahilan. Sinundot pa niya ang tagiliran ko kaya napapaurong ako. "Aysus! Tara na nga!" sabay tawa niya na nang-aasar. "Saan nga pala tayo?" Bigla niyang tanong. Luminga linga ako, "Oo." Maikling sagot ko sabay ngiti. Maraming tao sa paligi saka gustoko lang mamasyal, makalanghap ng sariwang hangin. "Gusto ko lang naman mamasyal-" Sa hindi malaman na dahilan, bigla niya akong hinampas sa braso dahilan para mapalakas ang sigaw ko. "Masakit, Krisha!" muli kong pagrereklamo sabay himas sa brasong kong inataw niya. "Bakit ba?" Nag peace sign muna siya sabay tawa, "Ano ka ba naman, duto ba galaan niyong apat?" tanong niya. Sabay pinagkrus ang mga braso. "Oo, masaya rito, pero mas masaya sa pupuntahan pa natin, kung sasama ka... Ano, game?" Pinag infinity sign niya pa ang daliri niya. Magaan na ang loob ko sa kaniya, pero hindi ko pa masisigurado kung magkakaroon ako ng bagong kaibigan katulad niya. Sanay pa ako sa tatlong kaibigan ko. "Sige. Tara!" ani ko. Agad namang napa-palakpak si Krisha sabay hawak sa braso ko, tuwang-tuwa. "May ipapakilala rin pala ako sa iyo, Max. Siguradong magiging masaya 'to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD