Chapter 5

2186 Words
NAKARATING kami sa isang bar na malapit lang sa Mall, pero tago ang lugar na ito, kumpara sa ibang bar na nakikita ko na malapit sa daan ang pwesto. "Ready ka na?" Galak na tanong ni Krisha. Nakapila pa lang kami sa gilid. Ganito raw pala ang pila lalo na't sikat ang bar at gabi na. Tumango naman ako saka sinuklian siya nang ngiti. "Hindi lang ako sanay kasi ngayon lang ako nakapunta rito... sa bar pa." Napaabante naman kami nang sumigaw ang lalaking naka white at may suot ng apron sa gilid namin. Napasinghap si Krisha saka hinawakan ako sa likod, pinapakalma. "Ano ka ba! Masasanay ka rin, Max. Ganiyan rin ako noong una kong punta rito. Nakipag kita kasi ako noon kay-" "Aray!" Agad akong apahawak sa balikat ng bunggoin ako. "Sorry, Miss!" sigaw ng nakabunggo. Hinawakan ako ni Krisha sa kamay sabay higit. Nasa likod na niya ako ngayon habang siya tiningnan ang lalaking palayo na. Pinagtitinginan na kami ng mga kasama namin sa pila pero agad rin namang nagsisiiwas nang tingin na parang wala lang ang nangyari. "Hoy! Mag-ingat ka naman sa susunod!" Sigaw ni Krisha sa lalaking nakakalayo na sa amin. Umabante na kami sa pila bago niya ako tangunin kung ayos lang. Tumango na lang ako. "Pagpasyensyahan mo na mga tao rito, ha? Ganoon lang talaga 'yon." sabi niya. Huwamak na lang siya sa braso ko. "Sabihin mo sa akin pag may nanakit pa sa iyo, ako makaka-away nila!" Tinaas niya ang kamao na parang ready sa away. Sabay na lang kaming napangisi. Hindi ko nararamdaman ang takot, pero kaba, oo. Hindi kasi ako sanay lalo na at hindi ko pa siya masyadong close, kahit pa sa school, nakakailang pero, I need to try. Ayoko namang maging Kj para sa kaniya. "Tayo na sunod! Here," may inabot sa akin si Krisha na isang card. Pangalan siguro 'to ng bar... Archilles. Inagat ko ang card na bigay niya sabay tingin sa kanya, "Para saan ito?" tanong ko. Binaliktad ko pa ang card kung may nakalagay pang information, simpleng Archilles lang ang nakalagay at number lang sa baba. "Ipapakita mo 'yan kay Higanti, iyon siya oh," may tinuro si Krisha kaya agad kong sinundan nang tingin ang kamay niya, kung hindi ako nagkakamali, sa lalaking malaki ang katawan at nakaitim ang nasa entrance na nakatayo. "Mukhang hindi naman siya higanti, hindi rin dambuhala." Mahinang sabi ko kay Krisha habang nakatingin sa lalaking tinuturo niya kanina. Hindi niya mataba. Pursigido siguro sa gym kaya ang laki ng katawan. May abs rin siguro 'to. Mabilis akong napailing. Ano ba iniisip ko?! Iba na ata 'to. "Bakit nga pala higanti tawag mo?" pagtataka kong tanong. "Ay! Hindi lang ako, Max. Lahat ng mga tao rito, iyun ang tawag sa kaniya." Ramdam kong lumapit ang mukha ni Krisha sa tainga ko. Nakiliti pa ako dahil sa hininga niya. "Pag tinanong ka kung ano ang pangalan mo, sabihin mo Maxie, ang name mo. Hindi trusted mga tao rito, Max, kaya kailangan natin mag-ingat." Napalunok na lang ako. Feel-ing kong uminom ng maraming tubig. Kami na ang susunod. "Next!" Kita ko pa ang ngiti sa mga labi ni Krisha kaya ngumit na rin ako nang pilit. Parehas niya kaming tiningnan pero nanatili ang tingin niya sa akin, may pagtataka. Nakahanda ko nang i-abot sa lalaki ang card ko nang kunin iyon sa akin ni Krisha at siya na ang nagbigay sa lalaki. Umiwas na rin sa akin ng tingin ang lalaki para tuningin kay Krisha na ngayon ay nakangiti sa lalaki. "Hindi mo ba kukuhanin? Kailangan na naming pumasok." ani ni Krisha. Kita ang pagmamaldita niya sa lalaki. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, pag nasa school kasi kami at magkausap ay ang normal niya lang. Biglang bumaling ang tingin sa akin ng lalaki dahilan para maramdaman ko na namang nauuhaw ako. Nakakatakot ang tingin niya kahit na walang emosyon. "Hoy, higanti. Hindi mo ba kuunin-" "Ilang taon ka na?" tanong ng lalaki. Sa akin ang tanong na iyon kaya napatingin ako kay Krisha na nakatingin na rin sa akin. "A-ano 18 po." "18?" Sarkistong napatawa ang lalaki. Nakatingin pa rin sa akin. "Mukhang hindi naman halata sa katawan ko." Tiningnan niya ako simula ulo hanggang baba. Nakakabastos. 18 na ako. Ngayon ko lang napansin na parang ang bata niya rin at halos ka-edad lang namin. Pinakrus ko ang mga braso ko bago siya taasan ng kilay. "18 na ako. At kung makatingin ka sa akin, akala mo hindi ka higan-" Mabilis na tinakpan ni Krisha ang bibig ko. Hindi pa ako tapos! Nakakabastos lang kasi, ang pangit ng ugali ng lalaking 'to! "Pagpasensyahan mo na. Inom na inom lang itong kaibigan ko." Inabot niya sa lalaki iyung card namin bago niya ako higitin papasok habang nakatakip pa rin sa bibig ko. Hindi ko inalis ang matalim na tingin ko sa lalaki. Ganoon rin naman siya. Ang pangit kaya ng ugali noon! "Maxie! Hindi niya alam na iyon ang tawag namin sa kaniya!" Lumakas na lang bigla ang music. Tinanggal naman niya ang pagtakip sa bibig ko. "Hayaan mo na. Ganoon lang talaga 'yon si Cali." Palinga-linga nang tingin si Krisha para maghanap ng mauupuan. Wala akong planong ikahiya ang salitang 'higanti' para sa lalaking iyon, deserve niya naman. Teka, may pangalan pa pala 'yon? H'wag na h'wag ko lang ulit siyang makikita. "Ayon sila. Tara na, Maxie!" Hinigit naman niya ako sa kamay. Nilibot ko na rin ang tingin ko sa bar habang higit-higit niya ako. Masyadong malawak at ang ganda. Maraming tao na rin ang nakakasalubong namin. Panay ang sorry ko naman sa mga taong nabubunggo ni Krisha. Sa dulo niya ako dinala, at sa dulong iyon, naaaninag ko si Ian. Ang nang asar sa amin nang maparusahan kaming pareho ni Krisha ni Mrs. S. "Guys!" sigaw ni Krisha. "Oh? Krisha!" Malakas na tawag sa pangalan ni Krisha ng babae. Nang makahinto kami, agad akong inaya ni Krisha na umupo. Sa b****a ako umupo at siya naman ang nasa kanan ko, katabi ang mga kaibigan niya. Isa-isa ko silang tiningnan... Nakangiti at galak silang nakatingin sa amin pero si Ian ang nanatiling seryoso ang mga matang nakatingin sa akin. May ininom si Krisha sa baso bago niya ako hawakan sa braso. "Guys! Si Maxie, bestfriend ko." pagpapakilala niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanila. "Maxie, mga kaibigan ko. Si Lei, Phia, Rem, Edrian, at Ian." "Hi sa inyo." Nakangisi kong sabi. Sunod-sunod naman silang nagpakilala, nilapitan pa ako ng sinabi ni Krisha na si Phia para makipag picture, ang jolly niya. "Salamat, Maxie!" Umupi na ulit sa tabi nung Lei si Phia. "Kaklase ka ba ni Krisha?" tanong niya. Napatango naman ako. "Talaga?! 'Edi kaklase mo rin si Ian?" Muli niyang tanong. "H-ha?" Ngumisi pa ako sa kaniya bago ko tingnan si Krisha at Ian. Hindi nakatingin sa akin si Krisha pero alam kong naririnig niya si Phia. Sabay ko namang tiningnan si Ian na nag-ce-cellphone na. Tumayo si Phia sabay lapit kay Ian at gulat na hinampas nito si Ian. Malakas iyin ngunit walang emosyong tumingin lang si Ian sa kaniya. "Magpakilala ka naman kay Maxie! Baka hindi kayo close sa school niyo!" paninita ni Phia. Inabutan ako ni Krisha ng isang baso na may lamang tubig, nginitian ko naman siya. Kakaiba ang amoy sa bar, may nananalaytay na bango at mayroon pang mga usok at amoy na hindi kaaya-aya. Naamoy ko na ito rati pero hindi ko na alam kung kanino. Muli akong tumingin kay Ian na ngayon ay nakatingin ng muli sa cellphone at parang wala lang si Phia na hinahampas siya. "Fine. Just don't disturb me again." Nagsalita na siya. Ang lalim pala ng boses niya at bagay na bagay pa sa kaniya. Tumingin siya sa katabi niyang si Lei bago ilipat ang tingin sa akin... Agad akong umiwas ng tingin, parang nakakahiya. Ibang-iba ang awra niya ngayon kaysa sa school kanina. "I'm Ian... Ian Torez." Pagpapakilala niya. Tumango na lang ako ng makita kong lumingon sa gawi ko si Phia. "Nice to see you again, Maxie." pilit niya akong ngitian. "Tama na nga 'yan!" sigaw ng katabi niyang lalaki na si Rem sabay ang pagtayo nito. "Bumalik ka na sa upuan mo. Masyado ka na namang highblood! Mabuti pa, painumin na natin si Maxie!" Bigla siyang umikot habang nagtatalon, halata ang kasiyahan niya bago kunin ang basong nasa harap niya na may laman ring tubig. Napataw na lang ako sa ginagawa niya at sa hindi sinasadyang mapatingin ako kay Ian. Nakakapit sa braso niya ang babae at nang magtama ang mata namin ni Ian ay agad akong umiwas. Tumayo rin ang isang lalaki na katabi ni Krisha. "Yeah! Rem is right. We should welcome Maxie to our group!" Itinaas niya ang baso niya katulad rin ng ginawa ni Rem. Sunod namang tumayo at ginaya ni Phia ang dalawa, sunod si Krisha hanggang sa higitin niya ang kamay ko. "Lei, tumayo ka naman! Hayaan mo na muna si Ian. May nakita sigurong kina gulat niya." ani ni Krisha. Sabay na napangisi ang iba. "Tss!" Napairap kay Krisha si Lei bago tumayo hila-hila sa kamay si Ian. Nanatili lang akong nakangiti hanggang sa magtama ang tingin namin ni Lei sabay ang irap nito. Takang nagsalubong ang kilay ko. Alam ko ring tiningnan ni Ian si Lei pero hindi ko na iyon pinansin pa. Anong ginawa ko? "Taas mo rin baso mo, Maxie." Ani ni Krisha. Tumango naman ako. "Ok, guys! Isang masayang welcome para kay Maxie! Kampay!" "Yes. Kampay!" Sabay sabay nilang sigaw. Unang ininom ni Krisha ang tubig niya sa baso sumunod ang iba maliban kay Ian. Rinig pa pagrereklamo nila. Lumipat ng pwesto si Lei na ngayon ay nasa haap ko na. Kinuha niya ang panibagong basso na may lamang tubig at walang pasabing ininom iyon. Napalunok naman ako habang nakatingin sa kaniya. Kanina pa ako uhaw na uhaw kaya agad ko ring ininom ang akin. "Maxie!" "s**t! Lagot na." "Lei," Sunod-sunod ang naging pag-ubo ko habang nakangiwi pa rin. Ang pangit ng lasa ng tubig! Ang pait at may amoy kumpara sa ordinaryog tubig na ininom ko sa bahay! "O-okay ka lang, Maxie?!" May pag-aalalang tanong sa akin ni Krisha habang tinatapik ang likod ko ng mahina. "Mabuti pa u-umuwi na tayo." Inalalayan niya ako mula likod at pilit na dinederetso ako nang tayo. Sinenyasan ko naman siya, "O-okay l-lang ako, Krisha." Hindi ko mapigilang maubo muli, nagsisimula na ring mag init ang lalamunan ko. Bakit naman kasi- "What the f*ck did you!" Biglang sigaw na alam kong kay Lei ang boses. Ang tinis kumpara sa boses ni Phia. Ramdam ko ang pagtahimik ni Krisha at ng iba pa. Napaayos na rin ng tayo si Krisha kaya dahan-dahan ko na ring inangat ang tingin ko. Nanlaki ang mata kong nakatingin is a asuot ni Lei, basa iyon habang pinupunasan niya naman. Kasalanan ko! "Sorry, Lei!" Tumingin ako sa lamesa at nang makita ang tissue ay agad ko iyong kinuha at lalapit na sana sa kaniya para punassan nang bigla siyang umatras at sumenyas na tumigil. Napayuko na lang ako, "Hindi ko sinasadya, Lei-" "So stupid! Baguhan na nga lang. Naghihintay na agad ng gulo!" sigaw niya. Maraming napatingin sa kaniya pero agad ring umiwas. "Lei, Stop it." Hindi ko na alam kung sino ang nagsasalita. Nakakahiya. Inangat ko ang tingin sa kaniya. "Hindi ko talaga sinasadya. Ang pait kasi ng tubig-" "Tubig?!" Sarkisto siyang napatawa na pinagtaka ko. Totoo naman kasi. "Really? Hindi mo ba alam iyang ininom mo ay alak?!" "Lei! Tumigil ka nga." Sita ni Krisha. "What? Bakit hindi mo ba sinabi sa 'kaibigan' mo?" Natulala na lang ako. Alak? Alak ang ininom ko? Tumingin ako kay Krisha nang may pagtataka sabay naman ang iwas niya at tumingin na lang kay Rem at Edrian n a umiwas rin ng tingin sa akin ng tingnan ko sila. "I'm out." ani ni Lei sabay irap sa akin. Kinuha niya ang dala niyang sling bag bago humarap kay Ian. "Cr lang ako and I need to go home." Humalik pa siya sa pisngi ni Ian bago umalis. "Maxie, hayaan mo na iyon. Ganoon lang talaga siya para sa mga baguhan." Rinig kong sabi ni Rem. Humarap ako sa kaniya at pili siyang nginitian. Sinundan ko nang tingin si Lei na palayo na. Mali ako... Agad akong tumayo sabay kuha ng bag at mabilis na umalis para sundan siya. "Maxie?" ani ni Phia. "Maxie! Saan ka pupunta?" Tuloy lang ako sa mabilis na paglakad. May ilan pa akong nabubunggo at panay ang sorry. May ilang saglit kong hinanap si Lei ngunit hindi ko na makita pa. "Lei..." NAKARATING ako sa dulo at may kadiliman na. Unti na rin ang mga taong nagsasayaw. "Nasaan ka na Lei-" Puno ng takot ang naramdaman ko nang may humigit sa akin at tinakpan ang ibig ko. Naramdaman ko na lang ang init at ang pag dami ng malambot sa labi ko... L-labi rin? I-big sabihin... Halik ito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD