PANIBAGONG araw pero walang magbabago... Mag-isa pa rin ako. "Manang alis na po ako!" Sigaw ko kay Manang habang patakbong lumapas ng pintuan. Late na naman kasi ako nagising. "Mag-iingat!" rinig ko pang sigaw ni Manang. "Goodmorning, Kuya Esting!" Masayang bati ko sa nagbabantay sa gate. Binuksan niya naman ang gate. "Mukhang maganda ang gising mo, Miss Max, ah... Magiingat po kayo!" ani ni Kuya Esting, ngitian ko na naman siya. Pagkalabas ko ng gate ay sakto namang nakaparada na sa gilid ang taxi na na-book ko, patakbo akong sumakay. Nasasanay na rin pala ako mag-taxi at hindi na sumakay sa sariling kotse, laging busy si kuya kaya hindi ko nassasanihan. Akala ko ay makakauwi na sila Mama at Papa pero hindi pa pala. Naalala ko naman na sinumbong pala ako ni Kuya, peor parang hind

