"SINO? Si Ace? Bading naman 'yon!" ani ni Adie. Magkadikit pa ang mga mukha namin habang nakatingin kay Ma'am Dee sa harapan. Kanina pa pinagkukwentuhan ang lalaki kaninang ngumiti sa amin. Palihim akong tumingin sa likod para makita si Ace. Nakatingin na lang rin siya sa harap at mataimtim na nakikinig. Hindi naman halata na bading siya. Binalik ko ang tingin sa harapan at muling kinausap si Adie. "Paano mo naman nasabi na bading siya? Hindi ko naman makita sa pagkilos niya." Totoo naman kasi. Kunot ang noo kong tiningnan siya nang bigla niyang hampasin nag lamesa ko. Nabuti na lang at mahina lang iyon at unti lang ang tumingin sa amin. "Ano ka ba, Max! Bading 'yan." May pagka-sigla pa sa boses niya at parang proud pa sa sinabi. Bigla na lang nagbago ang hitsura niya. "Pero h

