Chapter Three: Provoking Mister

2423 Words
Hindi maipagkakaila ang hinanakit na nararamdaman ni Diem sa kanyang ama. Kaya naman mas pinili niyang magpakasasa sa pera na pinagpaguran ni Dimeon dahil ‘yun lamang ang tanging paraan para ilibang ang sarili. “Diem, saan ka pupunta?!” Hinabol ni Manang ang kanyang alaga hanggang sa makalabas ito ng gate. “Diem, anak, saan ka pupunta?” Huminahon muna siya upang mapakalma ang dalaga. Nasa labas na sila ng gate. Tila'y masama pa rin ang loob ni Diem dahil sa pag-iwan sa kanya ng ama nito. “Diem, pumasok kana muna sa loob.” Pagkumbinsi ni Manang ngunit nanatiling tikom ang bibig ng dalaga habang nag-iisip kung paano siya makakapunta sa party ng mga kaibigan. Paniguradong papahiyain siya ni Carina para siraan siya at ayaw niyang mangyari iyon. Ayaw niyang masapawan sa harap ng mga kaibigan lalo na't sa ex-boyfriend nito. “Anak, pumasok kana muna sa loob ng bahay.” Pilit kinukumbinsi ni Manang si Diem ngunit sinamaan lang siya ng tingin nito. “Diem.” “Manang, ano ba? Huwag kang makulit kung ayaw mong sa'yo ko ibunton ang galit na nararamdaman ko.” Giit ni Diem. Imbes na sundin ang dalaga, lumapit pa ang matanda na naging dahilan ng pagtumba nito sa kalsada. Malakas siyang naitulak ni Diem dahil sa pagkainis. “Ano ba, Manang! Bingi kaba o nagtatanga-tangahan ka lang?” “Anak, gusto ko lang na kumalma ka muna. Kung tungkol sa pera ang iniisip mo pwede naman gawan ng paraan. Pwede kong kausapin si Dimeon para ibigay sa'yo ang pera. Hindi ‘yung aalis ka nalang bigla.” May lumapit na lalaki sa matanda at inalalayan na tumayo. Mukhang kanina pa ito nanunuod magmula pa sa loob ng bahay. “Salamat, iho.” “Talaga? Kaya mong pakiusapan si Dad para lang sa akin?” Pekeng ngumiti ang dalaga.“Ako nga na anak hindi niya pinapakinggan, ikaw pa kaya na katulong lang?” “Huwag kang magsalita ng ganiyan sa ama mo. Makikinig sa'yo si Dimeon.” “Stop dreaming, Manang, that wll never happened. He will never listen to us!” Naglakad na palayo ang dalaga. Wala siyang choice kundi ang maglakad palabas ng subdivision na pag mamay-ari ng kanyang ama. “Iha, saan ka pupunta?” Lakad takbo ang ginawa ni Manang upang makalapit sa dalaga. Hinawi ni Diem ang kanyang kamay nang hawakam niya ang braso nito. “Diem, umuwi na muna tayo sa bahay. Mag-usap na muna tayo.” Pakiusap ng matanda. Sarado pa rin ang isip ni Diem. “Hindi kana talaga marunong umintindi, Manang? Napakatanda mo na pakialamera ka pa rin.” Tatalikod na sana si Diem ng malakas siyang sinampal ng matanda. “Maayos ang pagpapalaki ko sa ama mo pero napakabastos mo. Walang ibang ginawa si Dimeon kundi mag trabaho para lang maibigay ang pangangailangan mo.” Nangingilid ang luha ni Diem. Pinigilan niyang huwag bumagsak ang mga ito dahil ayaw niyang makita ni Manang na nasasaktan siya. Si Manang lang ang tanging kasama niya magmula pagkabata. Ang matandang iyon ang hindi nagsasawa na alagaan siya. Kaya napakasakit para sa kanya na bigla nalang siya sampalin nito. Malaki ang respeto niya sa matanda at malapit ito sa kanyang puso pero hindi na dapat nangingialam ang matanda sa problema nila mag-ama. Hindi dahil wala siyang karapatan kundi ayaw niyang madamay ang matanda dahil sa problema nila. Matanda na ito at ayaw niyang pag-isipin pa ng kung ano-ano at baka atakihin pa sa puso. Si Manang Rita nalang ang meron siya. Ang matanda lang ang nakikinig sa kaniya. Hindi niya kakayanin kung pati ito mawawala sa kanya. Nilagpasan niya ang matanda at nauna ng maglakad pabalik sa loob ng bahay. Doon na siya nakakuha ng pagkakataon para pakawalan ang mainit na likido na galing sa malungkot niyang mata. Tahimik lang siyang umupo sa sofa. Kakapasok lang din ng matanda kasama ang isang binata na kasing edad lang niya. Umupo ang lalaki sa kabilang sofa–seryoso ang mukha nito. “Sino ka? Anong ginagawa mo rito?” Pagtataray ni Diem. “Manang, sino ‘to? Sa pagkakaalam ko wala ka namang anak. Kami lang ni dad ang pamilya mo. So, sino ang lalaking ‘to? Hindi ka dapat nagpapasok ng kung sino-sino.” Walang prenong pagtatanong ni Diem. Ngumisi lang ang binata na hindi siya binabalingan ng tingin. “Iha, anak, siya si Deville Eloja. Siya ang anak ng kaibigan ng iyong ama. Siya ang makakasama mo sa probinsiya.” “Manang naman!” Gulat na napatayo si Diem. “Nakiusap ka sa'kin na bumalik ng bahay dahil ayokong magtalo pa tayo. Tapos ipagtatabuyan mo lang din pala ako? Parehas lang kayo ni Dad. Wala kang pinagkaiba sa kanya.” Tumalikod siya. Nakakaisang hakbang palang siya ng hawakan ni Manang Rita ang kanyang braso. “Diem, kailangan mong sumama sa kanya sa probinsiya.” “Manang, hindi ako sasama sa kanya.” Inalis niya ang kamay ng matanda. “Hindi ako sasama sa taong iiwan lang din ako bandang huli.” “Anak, isang buwan lang. Isang buwan ka lang maninirahan sa probinsiya at pagkatapos nu‘n babalik kana rito.” “Manang, masyadong matagal ang isang buwan.” “Ako mismo ang magbibigay ng pera.” “Anong ibig mong sabihin, Manang?” “Ibibigay ko sa'yo ang isang daang libo na binigay ng iyong ama pero kapalit nu'n maninirahan ka sa probinsiya.” Ang mukhang naiinis kanina ni Diem ay napalitan ng pagkagalak. “Paano ako nakakasiguro na makukuha ko ang pera?” “Ibibigay ko agad ang pera ngayon din at sasama ka kay Deville pero–” “Bakit naman may pero pa, Manang? Sasama ako kung ibibigay mo sa'kin ang pera.” “Ang perang iyon ay gagamitin niyo para sa farm at pambili ng mga pangangailangan niyo sa bahay.” “Manang naman! Akala ko ba sa akin ang pera? Bakit may kahati pa ako?” “Iyon ang habilin ng iyong ama, iha. Kapag nagawa mong manirahan sa probinsiya sa loob ng isang buwan, milyon milyon na pera ang makukuha mo sa kanya.” “Totoo ba ‘yan, Manang?” Tumaas ang kilay ni Diem. Napailing nalang ang binata sa mabilis na pagbabago ng ugali ng dalaga. “Magkano ang ibibigay niya?” “Ikaw na raw bahala kung magkano ang gusto mo basta tumupad ka sa usapan. Pwede mo naman siyang tawagan para itanong ang tungkol doon pagdating mo sa probinsiya” “Wala na akong cellphone, Manang. Saka bakit kailangan ko pang makarating sa probinsiya para tawagan lang siya kung pwede naman ngayon?” “Nasa flight pa ang daddy mo kaya mamaya o sa susunod na araw mo nalang siya tawagan.” Mabilis na nakumbinsi ni Manang Rita ang kanyang alaga. Hindi na rin nagtanong si Diem tungkol sa pera at baka magbago pa ang isip ng matanda at hindi ibigay ang pera. “Manang, mag-iingat ka po. Tatawagan nalang po kita kapag nasa probinsiya na ako.” Nagmano muna si Diem sa matanda bago pumasok sa loob ng sasakyan. Maayos na rin ang gamit niya na nilagay ni Deville sa likod ng sasakyan. Kaunti lang ang nilagay na gamit ni Manang sa kanyang travel bag. Hindi na rin naman nagtanong ang dalaga dahil abala siya sa pagbibilang ng pera. “Tawagan mo nalang ako, iho, kung may kailangan si Diem, ha? Pagpasensiyahan mo nalang din at nasaksihan mo pa kaming nagtatalo.” “Wala pong kaso sa'kin iyon. Ang mahalaga maturuan ng leksyon ang anak ni sir Dimeon.” “Sige, ikaw na muna ang bahala sa kanya. Mag-iingat kayo.” Ilang saglit pa at nilisan na nila Diem at Divelle ang subdivision. Tatlong oras ang byahe patungo sa sakayan ng barko at limang oras naman ang byahe patungo sa Isabella Province. “May gusto ka bang puntahan bago ka pumuntang probinsiya?” Tanong ni Divelle habang nagmamaneho. “Pwede naman kitang ibaba sa pupuntahan mo. Magkita nalang tayo sa sakayan ng barko.” “What? Barko? Sasakay tayo ng barko?” “Oo, bakit?” “No. Ayo'ko. Mag airplane nalang tayo.” “Masasakay ba ng eroplano ang kotse ko? Mag-isip ka nga.” Pagsusungit ng binata sa kanya. “Kung ayaw mong mag barko, mag eroplano ka nalang pero ibalik mo sa'kin ‘yang pera na binibilang mo.” “So, katulad ka na rin nila Manang at Dad?” “Anong katulad pinagsasabi mo? Ibalik mo ‘yang pera sa bag ko. Kanina kapa bilang ng bilang diyan, one hundred thousand lang naman iyan.” “Hindi. Bakit ko ibibigay sa'yo? Sa'kin ang perang ito. Remember, kapalit ng pagsama ko sa probinsiya ang perang hawak ko!” Tinaas niya pa ang pera. “It means akin na ‘to.” Pagdidiin niya. “Tigilan mo ‘yang ilusyon mo. Ang perang ‘yan ay para sa farm at hindi para sa'yo. Baka nakakalimutan mo rin after one month mo pa makukuha ang pera. Kaya ibalik mo ‘yang pera kung ayaw mong ibaba kita sa gitna ng kalsada.” Padabog na tinapon ni Diem ang pera sa binata. Nagkalat ang mga iyon sa loob ng sasakyan na kinainis ni Divelle. “Alam mo kung hindi lang nakiusap sa'kin si Tito Dimeon, hindi naman kita isasama sa probinsiya. Kasi kung tutuusin magiging pabigat ka lang naman sa buhay ko.” Kinuyom ni Diem ang kanyang mga palad. “Stop the car!”Minabuti niyang tumingin sa labas. “I said stop this f*****g car!” “Shut up!” Nagpatuloy lang sa pagmamaneho ang binata. “Ano nalang ang mararamdaman ni Tito Dimeon kapag nalaman niya ang ginagawa mo?” Ngumisi si Divelle na wari‘y kilalang kilala ang buong pagkatao ng dalaga. “Sana iniisip niyo rin kung ano ang mararamdaman at nararamdaman ko. Hindi ‘yung puro mali ko ang nakikita niyo.” “Don‘t blame us sa pagiging immature mo. Matanda kana pero para kang teenager kung makaasta. College graduate ka nga pero ‘yung utak mo pambata.” “Ano ba talagang problema mo sa'kin? Kanina kapa sa bahay. Kung ayaw mo akong makasama pwede mo naman akong ibaba. Hindi ‘yung nilalait lait mo buong pagkatao ko.” “Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi ko na kasalanan kung nasasaktan ka sa mga sinasabi ko.” Masama ang tingin ni Diem kay Divelle. Sa unang pagkikita palang nilang dalawa hind na naging maganda ang pakikitungo nila sa isat-isa. Paano pa kaya sa pagsasama nila sa isang bubong sa loob ng isang buwan? “Napakasama ng ugali mo!” Sigaw ni Diem habang pinapalo ang braso ng binata. “Papatayin kita.” Pagbabanta niya. Tinigil ng binata ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Mariin siyang napapikit saka huminga ng malalim bago nilingon si Diem na patuloy pa rin sa paghampas sa kanyang braso. “Hindi kaba talaga titigil?” Mahigpit na hinawakan ni Divelle ang magkabilang kamay ni Diem, “Ano ba talagang gusto mo mangyari? Gusto mo bang maaksidente tayo?” “Bitiwan mo ako. Bitiwan mo ang kamay ko!” Pagmumiglas ng dalaga. “Nasasaktan ako.” “Talagang masasaktan ka sa'kin kung hindi ka titigil sa ginagawa mo. Wake up, Diem! Hindi kana bata pero napaka isip bata mong gumalaw. Kung gusto mong mamatay, pumunta ka sa gitna ng kalsada. Magpakamatay ka hanggat gusto mo pero huwag mo akong idadamay dahil may mga kapatid pa akong binubuhay.” “Bitiwan mo na ako!” Pilit na binabawi ni Diem ang magkabilang kamay niya ngunit mas humihigpit lang ang paghawak sa kanya ng binata. “Kapag hindi mo ako binitiwan hahalikan kita.” Pagbabanta ng dalaga ngunit hindi siya pinakinggan ng binata. Biglang kuminang ang mga mata ng binata. “Talaga, hahalikan mo ako?” Paniniguro ni Divelle. “Oh, bakit hindi ka makasagot ngayon? Akala ko ba hahalikan mo ako.” Mas nilapit pa ng lalaki ang kanyang mukha sa babae. “Hindi mo kaya?” Kunti nalang at magdidikit na ang kanilang labi. “Akala ko ba matapang ka? Parang kanina lang napaka-ingay mo. Bakit ka nanahimik ngayon?” “Ka-kaya k-o. Kaya kitang halikan.” Tila'y na pe-pressure at nahihiya si Diem sa nangyayari. “Kaya bitiwan mo na ako.” “Bibitiwan lang kita kapag pinulot mo isa-isa ang bawat papel na nasa lapag.” Pinakawalan ni Divelle ang kanan niyang kamay ngunit ang kaliwa naman ay mahigpit niyang hawak. “Paano ko makukuha lahat ‘yan kung hawak hawak mo ang isa kong kamay?” “Mag-isip ka kung paano mo makukuha ang lahat ng iyan.” Sinandal ni Divelle ang likod niya sa upuan. Walang nagawa si Diem kun'di lumuhod at kunin ang mga perang nagkalat. “Nananadya kaba?” Napadilat si Divelle ng bigla na naman siyang hampasin ni Diem pero hita na nito ang napuruhan. “Ganiyan kaba talaga umupo?” “Ano bang problema mo sa upo ko? Bilisan mo diyan sa ginagawa mo at baka makaalis na ang barko.” Pipikit na sana siya ng mapansin niyang nakaluhod na sa harapan niya ang babae. Mapayat lang ang dalaga kaya hindi na nakakapagtaka na nagawa niyang ipagkasiya ang katawan niya. “Ano bang ginagawa mo riyan?” Umayos sa pagkakaupo ang binata. “May pagnanasa kaba sa'kin?” Sa pangatlong pagkakataon hinampas na naman siya ng dalaga sa hita nito. “Ano bang problema mo? Kanina mo pa ako sinasaktan.” Masama lang ang titig sa kanya ng dalaga. “Kasama ba sa plano ni Dad na akitin ako?” Pinagpatuloy ni Diem ang pagpulot sa mga pera. “Sorry ka pero hindi kita type.” Bumalik na sa pagkakaupo si Diem at ibinalik iyon kay Divelle na kanina pa tahimik. “Ano napipi kana ba? Don't tell me gusto mo na lumuluhod ako sa harapan mo?” “Kaya mo bang lumuhod ng matagal sa harapan ko?” Panghahamon sa kanya ni Divelle. Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. Nailagay na rin niya sa kanyang bag ang pera, sinigurado niya na malayo sa dalaga ang bag at baka bigla nalang niya itong kunin na walang paalam. “Napakamanyak mo talaga!” Muling hinampas ni Diem ang braso ni Divelle habang nagmamaneho ito. “Then, don't provoke me.” Nginisian niya lang ang dalaga. “But if you insist, papaluhurin kita sa loob ng isang buwan o higit pa riyan kung magustuhan mo.” Mabilis na dumapo ang kamay ni Diem sa binata. Sinambunutan niya ito samantalang tinatawanan lang siya ni Divelle habang nagmamaneho.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD