Chapter Two: Living Me Again

2190 Words
Kinabukasan maagang nagising si Dimeon upang paglutuan ang kanyang anak ng almusal. Kahit man lang sa pag-alis niya, matuwa sa kanya ang kanyang anak. “Good morning, Eliz!” Nakangiting bati niya. Inirapan lang siya ng kanyang anak hanggang sa makaupo ito. Saktong pagdating ni Diem natapos na siya sa pagluluto. Nagsimula na silang kumain. Kapansin-pansin ang katahimikan sa dining area–tahimik lang na kumakain ang dalaga. “Eliz, anak, gusto ko lang mag sorry sa nangyari kahapon. Wala akong intensyon na saktan ka. Sadyang nagpadala lang ako sa aking emosyon.” Panimula ni Dimeon nang matapos na silang kumain. Nanatili pa rin silang nakaupo. “Kailangan ko ng pera.” Sagot ni Diem. Hindi man lang niya tinitingnan ang kanyang ama. “May lakad kami mamaya ng mga kaibigan ko. I need money.” “Su-sure. I'll give you five thousand.” “What? Five thousand? Ano sa tingin mo ang magagawa ko sa ganiyan kaliit na pera? Kulang pa ‘yan pambili ng Hermes bag.” “You can use your debit card.” “Kailangan ko ng cash, okay? Kung ayaw mo akong bigyan mas mabuti pang kalimutan mo na may anak ka!” Padabog na tumayo si Diem. Napapikit nalang si Dimeon sa inasal ng kanyang anak. “Ok. I'll give you one hundred thousand. Gawin mo lahat ng gusto mo. Bilhin mo lahat ng mga luho mo pero sa isang kondisyon.” “Ok. Sure. Madali ka naman palang kausap, dad.” Malapad ang ngiti ni Diem. Lumapit siya sa kanyang ama at niyakap ito patalikod. “So, what's the condition, dad?” “You‘ll spend it wisely. Kukunin ko ang lahat ng debit card na meron ka, even our company card. ” “Ok. Deal.” Nakakapagtaka lang at pumayag si Dimeon na bigyan ng ganoon kalaking halaga ang kanyang anak. Most of the time ang binibigay niya ay five thousand to twenty thousand. “The conditions are you need to leave this house. You need to live in the province without me.” Ilang minuto bago mag sink in sa utak ni Diem ang sinabi ng kanyang ama. Saka siya humiwalay sa pagkayakap. “Wh-at do you mean, da-d?” “I‘m living, Eliz.” Huminga muna siya ng malalim bago muling magsalita. “I need to go to Japan for some reason. Maybe I'll stay there for a month or a year. That is why you must spend your money wisely, because I will not give you another penny.” Umiling ang dalaga. “So, i-iwanan mo na naman ako?” Malungkot ang mukha niya. “I have to. I need to leave you to make sure na matututo ka without me. I need you to be independent, anak, kasi hindi sa lahat ng oras o panahon kasama mo ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon mayaman tayo. Kailangan mong matuto na wala ako.” “No, dad!” Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha ni Diem. “Kung kailangan mong mag trabaho sa Japan, willing ako maghintay dito sa bahay. Hihintayin kita. Kung kailangan kong pamahalahan ang kompanya na pinaghirapan mong itayo, sige pag-aaralan ko kung paano patakbuhin ito. But please, don't force me to leave.” “I have to, anak, kailangan kong gawin ito for our sake, for your future.” “I‘m the future successor of Puerriah Company. I'm the heir of all your hotels and other businesses. I can be train dad with the proper education. If you want to, I can study business or marketing over and over again. But, please, I'm begging you, don't leave me there alone.” Habang nagsasalita si Diem ramdam niya ang sakit sa tono ng pananalita nito habang umiiyak. Hindi niya gustong iwanan ang anak, hindi niya gustong lumayo rito pero kailangan. “You‘re not alone there, Eliz, you‘ll be living with my best-friend son and his siblings. I can assure that you will be happy without me.” Nahinto sa paghikbi ang dalaga. Pinunasan niya ang kanyang mukha gamit ang magkabilang palad. “What do I expect? You never listen to me. You never think about my feelings. You decide what you want. You didn't consider my opinion. Kapag gusto mo, gusto mo lang. Wala na akong karapatan na magreklamo.” “Eliz, hindi mo ba talagang kayang intindihin ‘yung sinabi ko? Kailangan kong umalis. Kailangan kong pumunta sa Japan. Kailangan mong manirahan sa probinsiya dahil ito lang ang tanging mga paraan na alam ko para mabago ka.” “And now you're forcing me to change. Why, dad? Because you're ashamed of me, because I'm your daughter?” Nagsimula na namang tumulo ang luha ni Diem. “Tama ka naman, dad. Nakakahiya talaga na maging anak ang isang tulad kong walang kaalam-alam sa buhay. Patapon at pabigat. Nakakahiya ako na maging anak ng isang kagalang-galang na si Dimeon Puerriah.” “Alam mong hindi totoo iyan. Never kitang kinahiya. Never kong pinaramdam sa'yo na iba ka.” “Then, why dad!? Anong rason at i-iwanan mo na naman ako? Kakauwi mo lang galing Korea tapos aalis kana naman patungong Japan? Ano ba talaga ako sa'yo, dad? Mahalaga paba ako sa'yo?” “I already told you, Eliz, I have an important errands in Japan.” “Eh, ako, importante ba ako sa'yo, dad?” “Eliz, mahalaga ka sa'kin. Mahal kita. Alam mo iyon. Marami akong pagkukulang pero mahal na mahal kita. Importante ka sa'kin kaya lahat ng possible kong gawin para sa kabutihan mo gagawin ko.” “Pagkukulang ng isang ama na kahit kailan hindi mo magagawang punan. Sana naiisip mo pa ako. Sana naiisip mo na unahin ako. Sana sinubukan mong maging isang ama kaysa maging isang boss o businessman.” “I-m really sorry, Eliz. I know mahirap intindihin ‘yung sitwasyon, pero pangako pagkauwi ko galing Japan hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo.” “No need. Kahit hindi kana umuwi. Hindi kita kailangan. Hindi na kita kailangan sa buhay ko. Leave me alone!” Tumakbo palayo si Diem. Iniwanan niya ang kanyang ama sa dining area. Umakyat sa pangalawang palapag ang dalaga–isinara niya ng mabuti ang kanyang silid at sinalampak ang katawan sa malambot na kama. Nakasubsob ang mukha niya sa unan habang umiiyak. Pumapadyak padyak pa siya habang winawasiwas ang kamay. “I hate you, dad! I hate you!” Masama ang loob niya sa kanyang ama dahil sa muling pag-alis nito. Para sa kanya mas mainam ng wala ito sa tabi niya para magawa niya ang lahat ng gusto niya. Walang magbabawal. Walang manenermon. Walang maningialam sa buhay niya. Kontrolado niya na ngayon ang sarili. Makalipas ang isang oras na pagmumukmok sa kwarto, naisipan ng maligo ni Diem. Inayos na niya ang kanyang susuotin para sa lakad nila mamaya ng kanyang mga kaibigan. Matapos niyang ayusin ang sarili hinanap niya ang kanyang cellphone. In-dial niya ang number ng matalik niyang kaibigan. “Hi, Carina, I change my mind. Let's meet up at my ex-boyfriend's bar. Same time Same location. Just bring my favourite candy. " “Sure, ako na ang bahala, Diem. See you later!” Binaba na ni Diem ang tawag. Tiningnan niya pa ang sarili bago lisanin ang silid. She's wearing a black cocktail dress with intricate open back and flattering cut out design. She's wearing five-inch high heels in red and micaella black purse with shining glitters. “Diem, saan ka pupunta?” Tanong ni Manang Rita nang makababa siya sa sala. “Kakaalis lang ng daddy mo.” “Manang, wala na akong pakialam kay dad, okay? At huwag mo na rin akong pakialaman.” “Pero, Diem, ngayon ang alis mo.” “Hindi ako aalis, Manang. Binigay ba sa'yo ni dad ‘yung pera?” “Oo, pero panggastos mo ‘yun papuntang probinsiya.” “Hindi ako pupuntang probinsiya. Nasaan na ‘yung pera? Ibigay mo na sa'kin at aalis na ako.” Inayos ni Diem ang kanyang buhok nang mapansin niyang dala-dala ng isa sa kanilang kasambahay ang kanyang travel bag. “Saan mo dadalhin, iyan?” Nabitiwan ng kasambahay ang kanyang dala. Nanlilisik ang mga mata ni Diem nang sugurin niya si Melba. Hinila niya ang buhok nito sa hindi malaman na dahilan. “Tama na po ma'am. Nasasaktan na po ako.” Pagmamakaawa ni Melba ngunit patuloy pa rin siyang sinasambunutan ni Diem. Mabuti nalang at may dumating na lalaki na naghiwalay sa kanilang dalawa. “Diem, ano bang problema mo? Sisiguraduhin kong makakarating ang ginawa mo kay Dimeon!” Pagbabanta ni Manang Rita. Hindi naman natinag si Diem at sinamaan lang siya ng tingin. “Wala akong pakialam kahit magsumbong kapa sa kanya. Nasaan na ang pera ko?” Walang balak na ibigay ni Manang Rita ang pera kay Diem. Kagaya ng habilin ni Dimeon sa kanya na kahit anong mangyari hindi niya ibibigay ang pera sa anak nito. Ang perang iyon ay mapupunta sa anak ng namatay niyang kaibigan. Ang pera na ‘yun ay gagamitin para sa mga kakailanganin sa kanilang farm. In short, walang binigay na pera si Dimeon para sa kanyang anak. “Manang, ano ba? Nasaan ang pera ko!” Pinipilit ni Diem ang matanda na ibigay sa kanya ang pers ngunit tinititigan lang siya nito. “Manang, bingi kaba? Nasaan ang pera ko? May party pa akong pupuntahan kailangan ko ng pera.” Iretable at sobrang naiinis na si Diem dahil hindi man lang siya sinasagot ng matanda. “Walang binigay ang dad mo sa'yo.” Malumanay na pagkakasabi ni Manang. “Anong wala? Nag-usap na kami. Bibigyan niya ako ng hundred thousand. Manang naman, kailangan ko ng pera. Ayokong mapahiya sa mga kaibigan ko.” “Bibigyan ka niya ng pera kung sasama ka sa probinsiya.” “Manang naman, pupunta naman ako roon, ibigay mo ‘yung pera ngayon dahil may lakad ako. Kailangan ko ng pera hindi mo ba maintindihan iyon?” “Pasensiya na, iha, pero ang habilin ni Dimeon ay kailangan mo muna manirahan sa probinsiya sa loob ng isang buwan bago mo makuha ang one hundred thousand.” Tila'y nawalan na ng pag-asa na makuha ni Diem ang pera na napag-usapan nila ng kanyang ama. Sakto naman nag-ring ang basag-basag na cellphone niya. “Hello, Diem, ano, matagal kapa ba? Andito na kaming lahat, oh. Ikaw nalang ang hinihintay namin.” Mariin na pumikit si Diem sa sinabi ni Carina sa kabilang linya. “Nasa vip room na rin si Geric, nasa kanya na ‘yung m*******a. Ano, still there, Diem?” “O-okay. I'll be there...” “Make sure na pupunta ka rito, Diem, ha? Huwag kang pa-virgin diyan because you're not.” Mas lalong nainis si Diem sa inasal ng kanyang kaibigan. “Kukuha na kami ng drinks, ha, ikaw ang magbabayad ngayon. Bye. See you later.” Binato nalang ni Diem ang kanyang cellphone sa kung saan dahil sa pagkainis. Napasigaw pa siya dahil feeling niya pinahiya siya ng kaibigan sa harap ni Manang Rita. “Gumagamit ka ng m*******a, Diem? Alam ba ‘yan ng daddy mo?” “Oo, gumagamit nga ako. Ano naman? Wala kang pakialam kung gumagamit ako Manang. Saka pwede ba matuto ka namang lumugar. Katulong ka lang naman dito. Empleyado ka lang namin pero ang hilig mong makisawsaw. Bakit mas malaki ba ang nakukuha mong pera Kay, dad?” “Hindi kana talaga magbabago, Diem, noh? Mabuti nalang pala at wala ang daddy mo rito.” “Oo, kaya much better kung umalis kana rin sa harapan ko. Umalis kana sa bahay ko!” Pa-ikot ikot si Diem sa living room. “Mang Gustin!” Pagtawag niya sa kanilang family driver. “Mang Gustin!” Pag-uulit niya. Patakbong lumapit sa kanya ito. “Ihatid mo'ko sa Orion Bar.” Nilagpasan na niya ito. “Ma‘am, Diem, hindi po kita maihahatid.” Napahinto sa paglalakad si Diem. “Pasensiya na po, ma'am.” “Inutusan kaba ni dad na huwag akong ihatid?” Nakataas ang kilay ni Diem. “Wow! The best talaga ang amo niyo kahit kailan. Sino ang mag-aakala na ang sarili niyang anak pinagdadamutan niya.” “Hindi ka niya pinagdadamutan. Tinuturuan ka niya na maging maayos ang buhay mo. Tinutulungan ka niyang maging kapaki-pakinabang na tao.” Si Manang Rita ang sumagot. “Hindi nagkulang ang daddy mo sa'yo. Binigay niya lahat ng luho mo sana maisip mo iyon.” “So, kailangan ko pa bang mag pasalamat sa kanya?” Sapilitan na tumawa si Diem. “Sino ba nagsabi na ibigay niya lahat ng luho ko? Ako ba? Siya ang nag offer sa akin, Manang. Kasalanan ba kung nasanay ako sa ganitong buhay? Kasalanan ko paba kung nagpapakasaya ako sa pera niya?” “Alam mong lahat ng ginawa niyang sakripisyo ay para sa kinabukasan mo.” “Kinabukasan ko? Nagbibiro kaba, Manang? Lahat ng sakripisyo na ginagawa niya ay para sa kinabukasan ng kompanya at iba pa niyang negosyo. ‘Wag niya akong gawing tanga. Hindi lahat ng pangapangailangan ko madadaan sa pera.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD