LANCE POV
"What the hell is this?" Gulat na tanong ko habang nakatingin sa bulletin board ng School
Tinignan ko ang katabi kong sina Evans at Scott na katulad ko ay gulat din
Pano ay nakalagay sa bulletin board ang mga pictures nina Xian at Yrrah habang nasa Mcdo may picture din kung saan naglalakad palabas ng Mcdo ang dalawa at magkahawak kamay, hanggang sa sumakay si Yrrah sa kotse ni Xian
"Sino ang tarantadong naglagay niyan?" Galit na tanong ni Adrian na kararating lang at mabilis nitong pinagtatanggal ang mga pictures
Ako naman ay pinaalis ko ang mga estudyanteng nakiki chismis
Habang si Evans ay tinawagan si Xian, si Scott ay si Kyle naman ang tinawagan
***
YRRAH'S POV
"Kyle sino yung tumawag?" Tanong ko kay Kyle habang on the way na kami papuntang school
"May konting gulo lang" aniya pero halatang inis
Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pakikinig ng music
N/p: Perfect by One Direction
"Yrrah mag cut muna kaya tayo?" Biglang sabi ni Kyle ng malapit na kami sa school
"Baliw ka? Kailan pa ko nag cut?"
"Sabi ko nga"
Pagka-park ng kotse ay nauna na kong bumaba sa kotse at naglakad na papunta sa first class ko
"So talaga pa lang inakit niya si King Xian?"
"Unbelievable"
"Mukha lang anghel pero nasa loob talaga ang kulo"
"Porket isinayaw siya ni King ay ang lakas na ng loob niya"
"Siya pa naman ang first Princess"
Tinignan ko ng may pagtataka ang mga nagbubulungang mga estudyante,
Lahat ng nadadaanan ko ay sakin nakatingin, sabay bulungan, bulungan na dinig na dinig ko naman
Pero anong pinagsasabi nila na inakit ko si Xian?
Tumuloy lang ako sa paglalakad ko at hindi sila pinansin
Pagkapasok ko sa first subject ay ganun parin, tinginan pagkatapos ay bulungan
"Problema ng mga to" bulong ko habang nakatingin sa mga chismosa
After ng first subject ay mabilis kong hinanap si Jade sa loob ng campus
Pero nang makita niya ko ay kaagad siyang naglakad palayo, kaya mabilis ko siyang hinabol
"Jade!" Tawag ko at mas binilisan ko pa ang paghabol ko sa kanya
Nang maabutan ko siya ay hinawakan ko siya sa braso
"Bakit mo ko iniiwasan?" Tanong ko pero hindi naman siya sumagot
"Jade naman"
"Wag mo na lang akong lalapitan o kakausapin, ayokong madamay sa galit ng LEU sayo"
"Anong pinagsasabi mo?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko at umalis
Tumingin ako sa paligid at pinagtitinginan ako
What the f*ck is happening right now?
"Yrrah!" Tinignan ko sina Evans at Scott na nakalapit na sa akin
"Anong nangyayari dito?" Tanong ko sa kanilang dalawa
"Look at this" inabot sakin ni Scott ang cellphone nito
At ang picture namin ni Xian ang agad kong nakita. Bakit may ganito?
"P-Papaanong napunta to dito?"
"Yun nga ang inaalam namin ngayon" ani Scott
Kaya pala..
Kaya pala ganun na lang nila ako tignan, dahil akala nila ay inaakit ko si Xian.. Ang akala nila ay inaagaw ko ang Campus King sa Campus Queen na si Briana
Napakagat na lang ako sa labi ko habang binabasa ang mga masasamang comments laban sakin
First kong masabihan ng mga ganitong masasakit na salita sa buong buhay ko, may mga tumatawag pa sakin ng malandi at makati.
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang malapit ng pumatak pero tinuloy ko parin ang pagbabasa
"Yrrah akin na yan" kinuha sakin ni Evans ang cellphone dahil sa pag iyak kom Hindi ko akalain na magkakaganito
"Dont worry about this, siguradong lagot kay Xian ang nagpakalat nito"
Hindi ko na pinansin ang sinasabi nila at naglakad na lang ako papunta sa may garden ng campus
Heto ang pinaka dahilan kaya ayokong patulan ang sinasabi ni Xian, ayokong mangyari to.
Dahil sa mata ng buong LEU ay para lamang sa campus queen ang campus king. Yun ang patakaran ng mga taga LEU.
Umupo ako sa isang bench at nag-isip
Anong gagawin ko?
Parang lahat galit na sakin
Gusto kong maka graduate sa LEU ng matiwasay!
"Yrrah" tinignan ko si Xian na nasa tabi ko na pala
Mukhang galit ang mukha niya,, pero naroon din ang expression ng guilt at pag-aalala
"Wag ka na kasing lapit ng lapit sakin" naiiyak kong sabi
"Layuan mo na lang ako! Para matahimik na lang sila"
"Sabihin mo na lahat, wag lang ang salitang lalayuan kita" kalmadong sabi ni Xian pero halata ang galit sa mukha nito
"Pero nagagalit na silang lahat sakin!"
"Wala akong pake sa kanila"
"Xian naman, gusto kong magkaroon ng normal na buhay dito sa LEU! Ayoko na may nagagalit sakin" halos nagmamaka-awa ko pang sabi sa kanya pero umiling lang siya at hinawakan ang mga kamay ko
"Kahit gawin ko ang gusto mo ay hindi parin sila titigil, at alam mo yun"
"Pero anong gagawin ko? Ayoko ng ganito"
"Let me be your boyfriend"
"Hindi ito ang oras para sa kalokohan na yan"
"Tell me Yrrah, paano ko ba papatunayan na seryoso ako sayo?" Seryoso niyang tanong sakin habang titig na titig ang mga mata niya sa mukha ko
Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya
Gusto ko siya., matagal na.. Pero natatakot parin ako sa mga pwedeng mangyari
"Yrrah.. Trust me masasanay din sila, pero kung lalayuan kita ngayon ay iisipin nilang tama sila"
"Paano ang kuya ko? Magagalit siya" nagdadalawang isip kong sabi sa kanya, pero ewan ko at yun ang nasabi ko..
"Dont worry about that, kakausapin ko siya" naka ngiti siya habang sinasabi yun
"Pero.."
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng kinuha niya sa bulsa ang infinity necklace na naiwan ko pala kahapon sa kanya
"All you need to do is to wear this one. Yrrah, let me be your King"
Dug, Dug, Dug
Dug, Dug, Dug
Dug, Dug, Dug
Ang lakas ng t***k ng puso ko.
Tama ba itong gagawin ko?
"Pero madaming magagalit sakin"
"Mas mahalaga ba sila?"
"Ayoko na may nagagalit sakin"
"Isang tanong Isang sagot.. Sila o Ako?"
Natahimik ako saglit sa tanong niya..
"Wag mong papakawalan ang isang mahalagang bagay na pagsisisihan mo sa huli" bigla kong naalala ang sinabi noon ni Kuya Yohan
Kaya pikit mata kong kinuha ang kwintas at isinuot
Sana lang.. Sana lang tama ang desisyon kong to.