YRRAH'S POV
Huminto lang ang kotse nang nasa harapan na kami ng isang napaka laking bahay,, i mean mansion na siguro to sa laki o baka palasyo na
Pagkabukas ng napakalaking gate ay ipinasok na ni Xian ang kotse nito sa loob
"Xian heto ba ang bahay niyo?" Tanong ko sa kanya
"Bahay ko"
"B-bahay mo?" Gulat kong tanong
Gaano ba ito kayaman? Sobra naman ata!
Pagkababa namin sa kotse ay agad kong iniwas ang kamay ko ng aktong hahawakan na naman ni Xian ang kamay ko, nakakadami na siya
"Wala kang karapatan, Hindi mo ko girlfriend" pagsusungit ko sa kanya at nauna na kong naglakad sa kanya papasok ng bahay
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Xian, kaya hindi ko rin mapigilan ang pag-ngiti ko
"Wala bang tao dito?" Tanong ko dahil nakasara ang malaking pinto
Nagkibit balikat lang si Xian at itinulak ang pinto
At pagkabukas ng pinto ay bumungad sakin ang mahigit sa twenty atang mga maid na may suot pang kulay black na uniform.
Sabay-sabay pa silang nagsi-bati samin at para silang robot na sabay sabay yumuko at walang expression ang mga mukha, kaya agad akong lumapit at nagpunta sa likod ni Xian,
"Ang weird ng mga maid mo" bulong ko sa kanya at hinawakan ko pa ang laylayan ng suot niyang polo habang tinitignan ang mga nakahilerang maid
"Don't mind them" sabi nito na naka ngiti
Naglakad si Xian papasok at para lang akong batang nakasunod
Sumampa siya sa may mahabang hagdan kaya sumampa din ako
Nang wala na kong makitang maid ay saka lang ako umalis sa likod ni Xian
"Ang parents ko ang nag hire sa kanila kaya sila ganyan"
"Ahh"
Binuksan ni Xian ang pinto ng isang kwarto at pumasok, ako naman ay alanganing naglakad din papasok
"Kwarto mo to?"
Tumango lang ito sa tanong ko
Lumapit ako sa balcony ng kwarto ni Xian, at halos mapa nganga ako sa ganda ng mga halaman sa baba,
Lumapit si Xian sa tabi ko at iniabot niya sakin ang kwintas na binili niya kanina
"Isuot mo yan pag handa ka nang maging girlfriend ko" sabi niya na naka ngiti
"You mean.. Pag isinuot ko to ay girlfriend mo na ko?" Paninigurado ko
Tumango naman ito
"Wow, hindi ka man lang manliligaw?"
"Courting isnt my thing" simpleng sabi lang nito at pumasok na ulit sa loob ng kwarto
Tinignan kong mabuti ang kwintas, ang infinity pendant nito ay napapalibutan ng mga malilit na diamond kaya pala ang mahal. Nakaka temp tuloy na isuot
Sinundan ko si Xian sa kwarto at kita kong may kausap ito sa phone nito kaya umupo na lang muna ako at pinakinggan kung sino ang kausap nito
Hmm.. Mukhang isa sa mga Campus Prince ang kausap niya
"Yes im with Yrrah.. Ihahatid ko na lang siya sa inyo mamaya.. Yeah dont worry about her"
T-teka! Si Kyle ba ang kausap niya
Mabilis akong lumapit kay Xian pagkababa ng tawag
"Si Kyle ba yun?"
"Yes"
"Anong sabi?"
"Tinanong niya kung kasama kita"
"At sinabi mo na kasama mo ko?"
"Oo"
Lagot!
Mamaya na ang uwi ni Kuya Yohan baka isumbong niya ko
"Uuwi na ko" sabi ko kay Xian
"Mamaya na lang" sabi niya at umupo lang ito sa harap ng computer nito at nag type
Anong gagawin ko dito??
"Xian uuwi na ko"
"Stop calling me Xian"
"Huh? Anong gusto mo? King Xian?"
"Call me babe" ngiti niyang sabi habang nakatingin sa screen ng computer
"Asa ka" sabi ko at lumapit sa isang naka display na picture frame
At nanlaki ang mata ko ng makita kong ako pala ang nandun! Oo picture ko ang nasa frame! Nasa library ako at nagbabasa dun
"Bakit may picture ako dito?" Tanong ko at lumapit pa ko kay Xian
Tinignan ni Xian ang picture at kibit balikat na sumagot
"Ewan"
"Anong ewan? Dont tell me na matagal mo na kong gusto?" Natatawa kong sabi
"What if kung sabihin kong oo?" Ani Xian at tinignan ako ng seryoso
Matagal na niya akong gusto? Eh matagal ko na rin naman siyang gusto diba?
So.. Crush din pala ako ng Crush ko?
***
KYLE'S POV
Saktong pagkaparada pa lang ni Xian sa kotse nito at agad ko na itong binuksan at mabilis na pinababa si Yrrah
"Pumasok ka na sa loob dali! Hinahanap ka na ni Kuya Yohan" nagmamadali kong sabi
Patay talaga ako kay Kuya Yohan pag nalaman niya na pinabayaan kong pumunta si Yrrah sa bahay nina Xian.
Kung hindi lang dahil si Xian Laxamana to
"Bro pasensya na pero lagot kasi ako sa kapatid ni Yrrah e" sabi ko kay Xian
Tumango lang si Xian at umalis
Hay.. Hindi ko lang talaga matanggian si Xian. Bakit? takot ako dun eh. Well lahat naman ata ay matatakot sa isang Xian Laxamana diba? Patay kang bata ka kapag kinalaban mo yun.
At malay ko ba na magkakagusto ang tulad ni Xian sa pinsan ko?
Pumasok na ko sa loob ng bahay at nadatnan kong nagpapaliwanag si Yrrah sa kapatid niya
"Kuya pumunta lang naman ako kina Jade" palusot ni Yrrah
Tahimik akong umupo ako sa sala at pinanood silang magkapatid
"Kina Jade? Ang sabi ni Kyle ay nasa Mall ka kasama ni Adrian"
Tinignan ako ng masama ni Yrrah
Nasabi ko na bang takot din ako kay Yrrah?
Umiwas ako ng tingin sa kanya
At pagkatapos ng mahabang palinawagan ay wala namang nagawa ni Kuya Yohan kung hindi ang paniwalaan ang kasinungalingan ni Yrrah.. Eh makita pa lang ni Kuya Yohan si Yrrah na umiiyak ay taob na si Kuya Yohan eh, ganun niya kamahal si Yrrah
"Kyle lagot ka sakin mamaya" banta sakin ni Yrrah, kaya agad akong nagtago sa likod ni Kuya Yohan
Pero itong si Kuya Yohan ay itinulak lang ako sa harapan ni Yrrah, tsk! Magkapatid nga sila.
Pagkatapos ng dinner ay agad kong pinuntahan sa kwarto si Kuya Yohan para kunin ang pasalubong niya sakin
Pagkabigay niya ay hindi niya muna ko pinaalis dahil may itatanong daw siya sakin
"Anong relasyon meron si Yrrah kay Xian Laxamana?" Walang paligoy-ligoy na tanong niya sakin na hindi ko naman ikinagulat
"Kuya,, bakit hindi na lang si Yrrah ang tanungin mo?"
"Sa palagay mo ba ay aamin ang kapatid ko sakin?"
Nag alinlangan pa ko kung sasabihin ko, pero sa huli ay sinabi ko rin
"Kuya, i think may gusto si Xian kay Yrrah" sabi ko
"Seryoso ba siya sa kapatid ko?"
"Siguro"
"So hindi ka sigurado?"
"Eh Kuya kasi maraming kwento about kay Xian na marami na daw siyang naging babae na hindi ko naman alam kung totoo, pero ngayon ko lang kasi nakita si Xian na nagkagusto at kusang loob na lumapit sa isang babae kaya hindi ko talaga alam kung seryoso siya" paliwanag ko
"Kung hindi siya seryoso mas mabuting tigilan na lang niya si Yrrah, dahil baka mapatay ko lang siya pag pinaiyak niya ang kapatid ko" seryosong sabi ni Kuya Yohan
Napalunok ako sa dahil sa sinabi ni Kuya Yohan.
Kung nakakatakot kalabanin si Xian Laxamana, mas nakakatakot pag ang isang Yohan Anderson ang kinalaban
Dahil kahit graduate na ito sa LEU ay alam kong kilala pa din siya. He's like a legend. Nakasulat na ang pangalang Yohan Anderson sa LEU.
Because he is the Former Gang leader and Campus King of L. Edward University.