YRRAH'S POV
At the library.
Tamad kong tinitigan ang sampung libro na nakapatong sa mesa na nasa harapan ko. Kailangan ko kasing mag-aral para sa paparating na exam next week. At dahil isa akong honor student ay hindi ako pwedeng magtamad tamad.
Kinuha ko ang isang libro at binuklat, nasa kalagitnaan na ako ng pag-aaral ko nang marandaman ko na nag vibrate ang phone ko, tinignan ko yun at may text na nakalagay.
From Kyle:
Nasaan ka?
Hindi na lang ako nag reply sa text ni Kyle dahil paniguradong hindi ako makakapag-aral ng mabuti kung pinuntahan ako nito.
Binalik ko ang tingin ko sa librong hawak ko. Ilang sandali lang ay may biglang kumausap sa akin. "Hey, may papel ka?"
Umangat ang tingin ko sa harap ko at natigilan ako dahil hindi ko inasahan na si Xian Laxamana ang makikita ko sa mismong harapan ko.
Tumingin ako sa paligid at ilan lang ang mga estudyante ang nandito at may kanya kanya pa silang mga mundo.
Pero kahit na! How come na hindi nila napansin ang pagpasok nang Campus King dito sa library? Alam kong magwawala ang mga ito sa oras na mapansin nila ito.
Tinignan ko ulit siya, nakatingin siya sa akin kaya nagmadali akong kumuha ng papel sa bag ko. Pagka abot ko ng papel ay hiniram din nito ang ballpen ko na nasa tabi ko lang.
Nagsulat ito sa papel at ako naman ay nakatingin lang. May ilang libro din sa tabi nito, mukhang nandito din ito para mag review. Pero bakit hindi ko man lang napansin na may umupo na pala sa harapan ko? Si Xian Laxamana pa! The Campus King!
Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa libro. Pero hindi talaga ako makapag concentrate. Binabasa ko ang libro pero wala naman akong matandaan.
Tinignan ko ulit si Xian na nakatutok parin ang atensiyon sa libro. Alam kong baka hindi na ulit ito mangyari na makakasabay ko ang Campus King pag rereview dito sa Library, kaya sinulit ko na lang at tinitigan ko lang siya.
After five minutes...
Mabilis akong napaiwas ng tingin ng bigla siyang tumingin sakin, "Yrrah, okay lang tumitig." sabi nito na naka ngiti ng pilyo at naging dahilan kaya nag-init ang pisngi ko na for sure ay pulang pula na dahil sa hiya.
Speechless naman ako, mabuti na lang at nag text ulit si Kyle kaya nagkaroon ako ng excuse para umalis na sa library.
"I have to go" wika ko at mabilis na akong lumabas ng library na hindi ko na hinintay pa ang response nito, hinanap ko kaagad si Kyle.
"Anong nangyari sayo? Bakit ang pula ng mukha mo?" Tanong kaagad ni Kyle pagkakita niya sa akin.
"Maiinit kasi" palusot ko.
"Mainit? Eh naka air condition ang buong campus" takang sabi nito.
"Ewan" yun na lang ang sinabi ko habang pinapaypayan ang sarili.
"Yrrah!" Tawag sakin ni Jade. Jade is the Campus 3rd Princess, and yes kaibigan ko siya.
"Bakit?"
"Tara Mall tayo" sabi ni Jade at kaagad akong hinila sa braso.
"Hoy, saan mo dadalhin si Yrrah?!" Sigaw ni Kyle.
"Don't worry ibabalik ko siya ng buo sa bahay niyo" natatawang sigaw din ni Jade na kinindatan pa nito si Kyle na naka kunot ang noo.
"Ano bang meron?" Tanong ko habang nasa sasakyan na kami papauntang mall daw.
"Bibili tayo ng gift"
"Gift? Bakit? Sino ang may birthday?" Takang tanong ko dito.
"Duh! SaFridayy na kaya ang birthday ni Scott Adamson!"
"Huh? Invited ka ba?"
"Ano ka ba! Lahat ng taga LEU ay invited sa birthday niya. Especially us! Royalties." Ngiti nitong wika sabay hawi ng buhok nito. Jade was enjoying her title as one of the school royalties.
"Ahh..." Sagot ko na lang at tumango.
"Anong ahh... ka diyan, don't tell me hindi ka na naman pupunta?"
"Hindi nga"
"Yrrah naman! Campus Princess tayo. At kailangan ay pumunta tayo sa birthday ng isang Campus Prince"
Tsk! Hindi ko naman piniling maging Campus Princess. At required ba na umattend? Sa pagkakaalala ko ay hindi naman ata.
"Busy ako sa Friday" wika ko dito.
"Yrrah naman! Ayaw mo bang makita ang Campus King?"
"Si Xian? Nakita ko na siya kanina"
"Huh? Weh? Saan" hindi naniniwalang tanong ni Jade.
"Kanina lang, sa Library"
"Sus! Imagination mo na naman"
"Nandoon nga siya kanina sa Library" sabi ko pero umiling lang hetong si Jade.
"Yrrah, padatingpa lang si King Xian sa Campus ay alam na kaagad ng mga taga LEU, kaya imposibleng nasa Library siya pero hindi pa rin alam ng lahat. At ano naman ang gagawin niya sa Library? Eh sa sobrang talino niya hindi na niya kailangang mag-aral pa" mahabang paliwanag ni Jade.
Hindi na lang ako nagsalita. Alangan namang multo yung nakita ko diba?
What if kung sabihin kong nakita ko rin si Xian sa may flower shop? Malamang ay hindi rin ito maniniwala.
Pagdating sa Mall ay kaagad na itong naghanap ng pwedeng maging regalo at dahil pinilit niya ako ay bumili na rin ako kahit wala naman akong balak umattend ng birthday party.
After naming makabili ng pang regalo ay damit naman ang binili namin.
"Yrrah heto try mo, mukhang bagay sayo." inabot niya sakin ang isang red na dress.
Kinuha ko naman 'yun at isinukat. Two inches above the knee ang haba at gusto ko siya kasi hindi revealing ang dating.
Paglabas ko ng fitting room ay nakita kong may kausap si Jade. Pagkalapit ko sa kanila ay nakita ko na si Briana Perez at Eunice Mercado pala ang kausap niya. Briana is the Campus Queen and Eunice is the Campus 4th Princess.
"Hello, Yrrah" bati sakin ni Eunice.
"Hi" ngiting sagot ko dito.
Si Briana naman ay ngumiti lang sa 'kin, hindi kasi kami close. Madalang ko lang din siyang makita. Habang si Eunice ay medyo ka close ko dahil kaklase ko siya sa ilang subject.
Hindi rin naman sila nagtagal at umalis din ang mga ito.
"Ang ganda talaga ni Briana." sabi ni Jade. Tumango naman ako dahil totoo naman na maganda si Briana. Briana is like real royalty because of the way she dresses.
"Bagay talaga sila ni King Xian." aniya na nakapag pakunot ng noo ko.
"Bakit naman sila bagay?" Tanong ko kay Jade.
"Maganda siya at Gwapo si King Xian. Campus Queen siya at Campus King naman si King Xian." Paliwanag ni Jade na hindi ko sinang ayunan.
Kapag Campus King ay dapat sa Campus Queen agad siya bagay? Hindi ba pwedeng sa Campus Princess naman??
Pagkatapos naming mamili ay kumain muna kami sa isang food stall at umalis na din naman pagkatapos.
"Thank you sa paghatid" wika ko kay Jade pagkababa ko ng sasakyan niya.
"Thank you din sa pagsama sa 'kin" naka ngiting tugon ni Jade at umalis na.
At pumasok na 'ko sa bahay nina Kyle dahil dito kami nakatira ni Kuya Yohan simula ng mamatay ang parents namin.
Nasa 3rd year high school lang ako nung mamatay sa aksidente ang parents ko. Kaya sina Tita Vicky na mommy ni Kyle na ang nag-alaga sa amin ni Kuya Yohan.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nadatnan ko lang na nanood ng Tv si Kyle. Lumapit ako dito at ibinigay ko sa kanya ang pasalubong na pagkain na binili ko. Para kasi itong bata si Kyle minsan, gusto lagi ng pasalubong.
"Wow! Yrrah the best ka talaga, paano mo nalaman na gutom ako?" Ngiti nitong sambit habang kinakalkal ang dala ko.
Umupo lang ako sa tabi niya at tinignan ang pinapanood niya. "Kyle, aatend ka ba sa birthday ni Scott?"
"Campus Prince?"
"Yep."
"Siyempre naman pupunta ako" anito.
"Bakit ka aatend?"
"Hmm... Bukod sa personal niya akong ininvite? Ahm, kaibigan ko rin naman siya kahit paano"
"Close kayo?" Ang kilala kong kaibigan talaga ni Kyle ay si Adrian na isa din sa mga royalties.
"Close naman lahat ng Campus Prince eh" cool na sabi niya habang ngumunguya.
Oo nga pala. Dahil pare parehas na mahilig sports ang mga ito ay lagi nga ang mga ito na magkakasama. Si Xian Laxamana lang talaga ang laging missing in action sa kanila.
"Bakit? Hindi ka ba aatend?"
"Wala naman sigurong mangyayari kung hindi ako aatend diba?"
"Tsk! Aasahan ng buong LEU na aatend lahat ng mga Royalties. Last year hindi ka rin umatend at ikaw lang ang hindi umatend kaya after ng birthday ay ikaw ang nagiging number one topic ng LEU." Napairap ako ng ipaalala na naman ni Kyle ang nangyari.
Last year kasi na nagkaroon ng parehong engrandeng birthday celebration sina Scott Adamson at Irish Perez na parehong Royalties. At invited ang buong LEU.
Hindi rin ako pumunta dahil nga wala naman rason para pumunta ako dahil hindi ko naman ka close yung may birthday. At ayun nga, kinabukasan ay ako nga ang number one topic sa school sa loob ng one week.
Hay... Ang hirap din kayang maging isa sa mga Royaties. Hassle!
***
Hazlyn Styles