CHAPTER 1

1329 Words
YRRAH ANDERSON'S POV "Kuya, kailan ang balik mo?" Tanong ko kay Kuya Yohan habang kumakain kami sa isang Restaurant. "Maybe next week." Aalis kasi ito mamaya papuntang Hongkong para umattend sa isang Business Conference. Sinasanay na kasi siya para I manage ang business ng pamilya na iniwan ng parents namin. After naming kumain ay agad ng lumabas si Kuya upang kunin ang naka park na kotse. At palabas na rin ako dito sa restaurant na pinagkainan namin ng makita ko ang mga tingin ng isang grupo ng mga babae na mukhang kasing edad ko lang. "Look! taga LEU siya" "No doubts, ang ganda niya kasi" "Wait, siya yung 1st Princess ng LEU diba?" "Omg! You mean siya si Princess Yrrah?!" "Ang ganda niya sa personal" Napailing na lang ako dahil sa dinig kong usapan nila. Kita ko pang kinuhanan ako ng picture ng isa sa kanila kaya nagmadali na akong lumabas ng Restaurant na yun. I hate attention. Hindi naman ako artista, pero ang dami ng mga nakakakilala sa akin kahit saan ako magpunta. At wala ding "Princess" ang pangalan ko kahit tignan niyo pa ang birth certificate ko. Pero dahil isa raw ako sa mga Campus Princess ng LEU ay ganun ang tawag nila sa 'kin. Paano nga ba ako naging Campus Princess? Well, nag enroll lang naman ako sa LEU dahil sa kagustuhan ng Kuya ko at ng pinsan ko dahil doon din sila nag-aaral ng college. At nang pumasok na ako (first day of class) ay nagulat na lang ako dahil kilala na ako nang lahat ng mga estudyante sa LEU! Imagine how shocked I am that time kasi wala akong kaalam alam kung bakit biglang kilala na ako. At sa pinsan ko lang nalaman na isa pala ako sa mga binoto ng mga taga LEU para maging Campus Princess. At dahil ako ang may pinaka maraming boto ay ako ang naging Campus first Princess. Nang maihatid na ako ni Kuya dito sa school ay kaagad kong nakita si Kyle, siya ang pinsan ko na nag-aaral din dito sa LEU. Pareho kaming second-year college pero magkaiba ang course naming dalawa. Pagkalabas ko ng kotse ay lumapit pa si Kyle kay Kuya Yohan. "Kyle, bantayan mo muna si Yrrah habang wala ako." Bilin ni Kuya kay Kyle kaya napa simangot ako. Kasi hanggang ngayon na 18 na 'ko ay parang bata pa rin ako kung ituring ni Kuya. "Don't worry Kuya, kahit lamok hindi makakalapit dito kay Yrrah." wika naman ni Kyle. How protective. Tumango lang si Kuya at umalis na. "Hay, Yrrah mukhang tatandang dalaga ka dahil sa pagiging over protective ni Kuya Yohan," naiiling na sabi ni Kyle habang nakatingin sa kotse ni Kuya Yohan na palayo. "Huh? Ikaw din naman ah. Tinatakot mo yung mga gustong manligaw sa 'kin" natatawa kong sabi sa kanya. "Tsk! Papatayin ako ni Kuya Yohan kapag hinayaan ko ang mga yun" Sus, deny pa 'to. Sabay na kaming pumasok sa loob ng school. "Hello Prince Kyle, Hello Princess Yrrah," bati sa amin ng ilang estudyante na hindi naman namin kilala kaya ngumiti na lang kami. By the way, hetong si Kyle ay isa nga pala sa mga Campus Prince, siya ang 4th Prince ng LEU. "Yrrah, alam mo bang next week na papasok si Xian?" Biglang sabi ni Kyle kaya agad akong napalingon sa kanya "Talaga?" Exited na tanong ko. Tumango lang naman siya. Omg! Xian Laxamana a.k.a King Xian. Ang nag-iisang Campus King ng LEU. At dahil siya ang Campus King ay paniguradong siya ang pinaka gwapong estudyante ng LEU! Crush ko siya actually, pero normal lang yun dahil Crush naman siya ng buong Campus. Nagustuhan ko siya hindi lang dahil sa gwapo siya, matalino din ito. Kahit madalang lang itong pumasok (na dahilan kaya madalang lang siyang makita sa campus) ay lagi parin itong nangunguna sa mga exam. Varsity player din (Pero madalang din kung makita sa basketball court dahil nga hindi masipag pumasok) at panlaban ito ng campus pagdating sa chess at swimming contest. Isa daw itong "genius" sabi ng mga professor namin. Nang makapasok na ko sa klase ko ay tungkol kay Xian ang topic ng mga kaklase ko. As usual. Ano bang aasahan ko? Eh, almost one month atang hindi pumasok sa school si Xian eh. ** Nang uwian na ay agad na kong umalis. Hinihintay na ako ni Kyle. "Kyle, daan muna tayo sa isang malapit na flower shop diyan. Nagpapabili si Tita Vicky ng bulaklak" "Okay" Pagka dating sa flower shop ay ako na lang ang bumaba sa kotse at pinaghintay ko na lang si Kyle sa loob. "Good afternoon ma'am, ano pong bulaklak ang hinahanap niyo?" Salubong sakin ng isa sa mga sales lady nitong flower shop. "Bigyan moko ng 25 pieces of red roses." kaagad namang siyang kumuha ng bulaklak. Habang hinihintay ko siya ay napunta ang pansin ko sa mga tulips sa tabi. Lumapit ako at tinitigan ang mga ito ng maayos. Bukod sa rose ay ay tulips ang isa sa mga gusto kong bulaklak. Ang ganda kasi. Kinuha ko ang isa sa mga tulips at inamoy ito. "Xian, tara na!" kaagad akong napalingon dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. Tumingin ako at nagulat ako ng makita ko kung sino ito, lalo na ang kasama niya. Si Lance Clarkson. Ang Campus 1st Prince. At kasama nito si Xian Laxamana! The Campus King! Oh my god! Kaagad na akong tumalikod sa kanila, gosh! baka mukhang haggard ang itsura ko, nakakahiya! Pero... D*mn! Si Xian Laxamana yun! Kung katulad lang ako ng ibang Babae sa school ay baka kanina pa ko nagpapansin kay Xian at nagsisigaw. "Miss, heto na ang mga bulaklak" lumapit ako at kaagad kong kinuha ang wallet sa bag ko. Nang mabigay ko na ang bayad at nagmadali na ako sa paglabas, pero hindi pa ko nakaka abot sa pinto ay tinawag naman ulit ako ng tindera, "Miss, heto po ang sukli niyo." pasigaw na habol niya sa 'kin. Kaya no choice ako kung hindi ang lumapit at kunin ang sukli. "Yrrah Anderson?" Napapikit na lang ako ng marinig ko ang boses ni Lance Clarkson. Humarap ako dito at kaagad na nag hi sa kanya. "What a coincidence! Sa dami ng lugar dito pa tayo nagkita." anito habang nakangiti. "Oo nga," Tumawa pa ako kahit hindi naman talaga ako natatawa. "Xian, come here!" Tawag niya kay Xian na nakatingin lang sa amin, I mean sa akin lang ata? Lumapit ito at nakatingin pa rin sa 'kin. Gosh! Ang lakas ng t***k ng puso ko. Calm down Yrrah! Yung puso mo baka marinig. "Xian, I'm sure kilala mo naman si Yrrah diba?" Tanong ni Lance kay Xian at umiling naman si Xian. Ouch! Hindi pala ako kilala. Pero hindi na nakakapagtaka. Sa sobrang dalang ba naman nitong pumasok. Ngayon ko nga lang ito nakita sa malapitan, madalas ay sa malayo lang talaga siya pwedeng makita dahil sa dami ng mga nakapalibot sa kanya. "Siya ang pinsan ni Kyle Anderson, siya si Yrrah Anderson the Campus 1st Princess." pakilala sa 'kin ni Lance dito. Tumango naman si King Xian at ngumiti. At dahil sa ngiting yun ay lalo pang lumitaw ang pagiging gwapo ng Hari ng LEU. "Hi, nice to meet you." sabi niya na naka ngiti pa rin. Ang maka-usap ang Campus King ang isa sa mga bagay na hindi ko inaasahan na mangyayari. What a lucky day! ** *Third Person POV* "Bro, sure ka bang ngayon mo lang nakita si Yrrah Anderson?" Curious na tanong ni Lance sa kasama niya. "Ngayon lang" simpleng sagot naman ni Xian habang naka ngiting nakatingin pa rin sa papalayong si Yrrah Anderson. "Xian, tama na baka malusaw" naka ngising sabi ni Lance sa kaibigan dahil sa nakikitang pagtitig nito sa dalaga. Natatawa namang napailing si Xian at kinuha na ang mga binili nilang bulaklak. At sa huling pagkakataon ay muli itong sumilay sa dalaga habang may ngiti pa din sa labi. *** Hazlyn Styles
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD