KRISTOFFER'S POV Sobrang bilis nang mga pangyayari, natauhan ma lamang ako nang mapansin kong may sasakyan na sumusunod sa'min. Kasalukuyan akong tumatakbo sa isang masukal na kagubatan habang buhat-buhat si Alaire na walang malay. Nasira ang sasakyan dahil sa malakas na pagka bunggo nito sa malaking kahaloy, kaya wala akong ibang mapag pipilian kundi ang pasukin ang kagubatan. Madilim ang paligid. Hindi ko pwedeng buksan ang cellphone ko dahil nararamdaman ko pa rin na naka sunod lang sa amin ang mga armadong grupo. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay tinitingnan ko ang mukha ni Alaire. Umaasa ako na sana gumising na ito, dahil hirap na hirap akong buhatin siya dahil na daplisan ng bala ang balikat ko.. Bakit kasi ngayon pa nangyari ito kung kailan wala so Tomas. "Hang in there

