THIRD PERSON'S POV Sumapit ang hapon at patuloy pa ring nakikipag laro ang dalaga sa mga bata. Lahat sila ay masaya at hindi na napapansin ang oras. Habang si kristoffer naman ay nasa di kalayuan at tahimik na pinag mamasdan ang dalagang nakikipag kulitan. Gusto niya sana itong lapitan para sabihin sa dalaga kung anong oras na, dahil kailangan na nilang ujuwi bago sila abutan ng dilim sa Daan, pero sa t'wing mag babalak siyang lumapit ay may pumipigil sa kanya para gawin iyon. Ito ang kauna-unahang beses na makita niyang tumawa ng ganito kalakas ang dalaga, may trabaho siyang ginagampanan, pero sa kagustuhan nitong hayaan ang dalaga sa kanyang ginagawa ay isinan-tabi niya muna ang trabaho niya. "Kuya alex." Mahinang boses ng isang bata na tumawag sa kanyang pangalan. Nag baba ng ti

