THIRD PERSON'S POV Sunod-sunod na kumatok ang kasambahay sa pintuan ng kwarto ng dalagang si Alaire. Kanina pa ito sa labas ngunit wala itong matanggap na sagot mula sa dalaga. "Miss Alaire. Male-late na po kayo sa pupuntahan niyo." Pasigaw na saad nito. Naging malakas na ang pag katok nito, kaya kahit labag sa loob ni Alaire na bumangon ay wala siyang magawa. Naka-pikit pa ang kaliwang mata nito habang nag lalakad patungo sa banyo. Agad itong naligo at mahigit isang oras din ang lumipas bago ito natapos. Agad siyang nag bihis ng damit at bahagyang nag ayos pagkatapos ay lumabas na sa kanyang kwarto. Naging malikot ang mga mata nito at sinusuri ang paligid. "Si tom po ba ang hinahanap niyo, miss?" Tanong ng kasambahay na nasa kanyang likuran. Agad niya itong nilingon at binig

