CHAPTER 03

1519 Words
KRISTOFFER'S POV "WE HAVE TO CHECK IT FIRST!! BAKA MAY MGA TAO SA LOOB!" "D@MN IT! GUSTO MONG M*M@TAY TAYONG LAHAT DITO? PASABUGIN MO NA ANG B*MBA!" "BUT SI-- "JUST DO IT... THAT'S AN ORDER!" Agad akong napa balikwas mula sa aking pagkaka higa dahil sa panaginip na iyon. Matagal na panahon na iyong nangyari ngunit hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin. Agad kong ibinaba ang aking binti sa malamig na sahig. Sandali kong ipinikit ang mga mata ko bago tuluyang tumayo at pumunta sa kusina. Dumiretsyo ako sa water dispenser at kumuha ng tubig doon at ininom. "What are you doing here?" Malamig na saad ko. Biglang bumukas ang ilaw at lumitaw sa harapan ko si natasha. "Na miss kita. Lagi akong nandoon sa club kung saan ka nag ta-trabaho, pero sabi ni trois ay umalis kana daw sa trabaho kaya pumunta na ako dito." Nakangiting saad nito. Nag lakad ito papalapit sa'kin at agad na ipinulupot ang kanyang mga braso sa aking bewang at isiniksik ang mukha niya sa aking katawan. "Umuwi kana." Walang ganang saad ko at inalis ang kanyang braso sa aking bewang. Nilagpasan ko ito at nag simulang mag lakad papunta sa sala. "Why so grumpy, Alexander? Sabihin mo kung among gusto mo. Hindi yung iniiwasan mo ako." Naka sunod na saad nito sa'kin. "Hey.. Gagawin ko kung ano man ang gusto mo." Pag mamaka awa nito. At doon lang ako huminto sa paglalakad at hinarap siya. Malaki ang ngiti nito at diretsyong naka tingin sa'kin. "I want you to leave at wag mo na ulit akong guluhin." Sagot ko. Agad na nawala ang ngiti sa mukha nito at napalitan ng pagkaka inis. "Kilala mo ako. Anak ako ng gobernador sa lugar na ito Alexander. Mag sisisi ka kapag patuloy mo akong gaganituhin." Pag babanta nito. "Suit yourself, Natasha." Tipid na sagot ko at muli itong tinalikuran. Nag lakad ako pabalik sa aking kwarto pagkatapos ay pabagsak na humiga sa aking kama. Naka titig lang ako sa kisame. Mag isa at tahimik sa napaka dilim na kwarto at tanging liwanag lang galing sa labas ang nag bibigay ilaw sa aking kwarto. Mas gugustuhin ko pang manirahan sa ganito dahil kahit mag isa lang ako ay tahimik ang buhay ko. Aanhin ko ang lugar kung saan madaming tao kung gulo lang din ang maidudulot nito sa'kin. "Tatanggapin ko kaya ang inaalok na trabaho ni martin?" Mahinang usal ko habang nasa kisame pa din ang mga tingin. "D@mn it." Asik ko at sinubukan muling maka tulog. Pero hindi talaga, inabutan nalang ako ng umaga ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Kaya nakapag desisyon akong mag jogging nalang. Habang nasa kalagitnaan ako ng pag jo-jogging ay may nakita akong dalawang tao na nag tatalo. Babe at lalaki iyon, bumagal ang aking pag takbo dahil naagaw nito ang atensyon ko. "KITANG-KITA KO KAYONG DALAWA, TAPOS ITATANGGI MO PA?" Rinig kong sigaw ng babae. Mukhang naka inom ito at ganun din ang kasama niyang lalaki. "IT'S JUST A MISUNDERSTANDING, ALAIRE! YOU GOT THE WRONG IDEA." Pasigaw na sagot din ng lalaki. Napa iling na lamang ako at muling ibinalik sa dati ang bilis ng pag takbo ko. Hindi pa man ako tuluyang nakaka layo ay narinig ko ang malakas na sigaw ng babae. Huminto ako sa aking pag takbo at muling lumingon sa direksyon nila. Kitang-kita ko kung paano pilit na inaalis ng babae ang pagkaka hawak ng lalaki sa kanyang braso. May sinabi ang lalaki sa kanya, hindi ko iyon marinig dahil medyo malaki na ang distansya na meron ako sa kanila. Ilang sandali lang ay biglang lumingon sa gawi ko ang lalaki. "What are you looking at?" Maangas na saad nito. Sunod na lumingon sa'kin ang babae. Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang dumapo ang tingin ko sa kanya. She looks familiar, pero hindi ko ma pangalan kung kailan at saan ko siya nakita. "Get lost, dude." Muling saad ng lalaki sa akin. Kaya iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanila at pinag patuloy ang pag takbo ko. Hindi na ako muling lumingon pa sa kanila hanggang sa tuluyan na akong maka layo. Ilang saglit lang ay narinig ko ang malakas na tunog ng pag busina. Muntik na akong masagasaan, mabuti nalang at agad akong naka iwas. Nakita kong sasakyan iyon ng lalaki na nakita ko kanina, huminto ako sa aking pag takbo ay tinanaw lang iyong sasakyan hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin. Ang gandang babae, pero papatol lang sa walang kwentang lalaki. Bigla akong nawalan ng gana kaya nag lakad nalang ulit ako pauwi sa bahay. FEW MINUTES LATER.... Hindi pa man ako tuluyang nakaka lapit sa bahay ay may nakita akong isang kulay puti na sasakyan. Naka parada ito sa tapat ng aking bahay. Naging kalmado lang at ako nilapitan ang sasakyan, nang tingnan ko ito ay walang tao sa loob. Maya-maya lang ay may narinig akong mahihinang yapak sa aking likuran. Alerto akong lumingon sa aking likuran at tinutukan ito ng k*tsilyo. "Hindi ka parin talaga nag babago." Nakangiting saad nito sa'kin. Agad kong ibinaba ang aking k*tsilyo at agad itong lumapit sa'kin para yakapin ako. "It's been a while, senior." Bati nito sakin at agad ding inilayo ang kanyang katawan. Isa ito sa mga naging kasamahan ko noong nasa serbisyo pa ako. "How did you find me?" Tanong ko sa kanya. "Tinanong ko sa director natin. Mabuti nga at ibinigay niya sa'kin ang lokasyon mo." Sagot niya. Pagka rinig ko ng kanyang sagot ay agad akong tumalikod at nag lakad papasok sa loob ng bahay. Tahimik lang itong naka sunod sa'kin. "Alam kong iniisip mo kung bakit bumyahe ako papunta dito at ang sagot ko lang ay nandito ako para bisitahin ka. Nang muli ko siyang lingunin ay naka upo na ito sa sofa. "Alam kong may ibang dahilan pa maliban dyan." Seryosong saad ko sa kanya. I saw a hint of amusement in his face. "You're really different. Alam na alam mo talaga ang takbo ng utak ko." Hindi maka paniwalang saad nito. Nag lakad ako patungo sa kusina para mag timpla ng kape para sa aming dalawa. "Ang totoo ay inutisan ako ng head director na puntahan ko. Gusto niyang malaman kung kumusta ka na." Panimula nito. Muli akong bumalik sa sala dala-dala ang kapeng ginawa ko at agad na inilapag ito sa lamesa. "Okay na ako dito, Andres. At isa pa hindi na niya kailangang mag utos ng tauhan para lang makita ang kalagayan ko. May koneksyon ang opisina sa kahit saang sulok ng mundo." Saad ko at nag simulang uminom ng kape. Hindi kaagad naka sagot si Andres at nakatingin lang ito sa'kin. "The truth is. He's asking if you want to come back." Mahinang usal nito. Sandali akong natigilan doon. Ibinaba ko ang hawak kong tasa at isinandal ang aking likod sa sandalan ng sofa. "Alam mo ang magiging sagot ko d'yan, Andres. I already quit and I don't want to do that job anymore." Naging sagot ko. Malalim na bumuntong hininga si Andres at ilang segundo lang ay may inilapag itong isang maliit na brown envelope sa aking harapan. "Inaasahan na ng head director ang sagot mo na yan, but still. Gusto niya parin na tanungin ka ulit, nagbaba kasali siya na mag babago ang sagot mo ngayon." Saad nito. Agad kong inabot iyong envelope at agad iyong binuksan. "iilan yan sa mga bagong biktima ng grupong madalas nating naka harap noon. Tumigil na sila noon, pero nang malaman nilang wala kana sa serbisyo ay muli silang bumalik." Pag kwento nito. Isa-isa kong tiningnan ang mga litrato na nandoon at ganun nalang ang pag igting ng bagang ko ng may makita akong mga bata. "You might consider this one, senior." Rinig ko pang saad niya. Habang tinitingnan ang mga litrato ay may isang nakakuha ng atensyon ko. "That's the congressman. We made an investigation and it turns out that he's connected to those terrorist. We heard that they're looking for a bodyguard." Saad ni Andres. "Gusto ng director na pumasok ako bilang isang bodyguard ng congressman?" Mahinang tanong ko. Sunod-sunod ang naging pag tango nito. Napa hilot ako sa aking sentido at muling binitawan ang litratong hawak ko. "You don't have to worry. Ihahanda ng opisina lahat ng kailangan mo para makapasok ka kaagad bilang bodyguard. Ikaw ang pinaka magaling sa larangan na ito, kaya gusto ng boss na Ikaw ang gumawa ng misyon." Mahabang paliwanang nito. Hanggang sa maka alis si Andres ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi nito. Kailanman ay hindi ko na muling naisip na bumalik sa larangan na ito. Umalis ako sa serbisyo dahil gusto ko ng tahimik na buhay at para makalimutan ko ang isang napaka laking bangungot na minsan ng sumira sa pagkatao ko. But guess what? Nandito na namana ako. Hindi ko talaga magawang mamuhay ng tahimik. TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD