CHAPTER 04

1255 Words
KRISTOFFER'S POV "Mabuti naman at pina unlakan mo ang aking imbitasyon, Alexander." Saad ng congressman sa'kin. Kasalukuyan akong nasa bahay niya ngayon, ayaw niyang sa mismong opisina niya kami mag-usap. Kaya nandito ako ngayon sa bahay niya. "My pleasure Congressman." Tipid na sagot ko. Iminuwestro nito ang kanyang kamay sa isang bakanteng silya, parang pina-pahiwatig nito na umupo ako doon at agad ko naman iyong ginawa. "Kailangan ko talaga ng taong mapag kakatiwalaan ngayon. Alam mo naman kung gaano kahirap ang buhay bilang isang politiko. Sa tuwing lumalabas ako ng bahay ay hindi ko natitiyak ang aking kaligtasan maging ang kaligtasan din ng pamilya ko." Panimula nito. Naunawaan ko naman ang ibig sabihin nito. "I made a background check on you. Alam kong magaling ka sa ganito, at alam ko din na minsan ka ng naging bahagi ng isang matindi at malupit na grupo laban sa mga terorista. Kaya ginawa ko lahat ng makakaya ko para kumbinsihin ka." Muling dugtong nito. Maya-maya ay biglang bumukas ng pintuan, pumasok doon ang isang lalaki na may dala-dalang inumin at inilapag ito sa lamesa na nasa tapat lang namin ng Congress. "Have some, Alexander." Saad ng Congress. Tumango naman ako at agad na inabot ang isang tasa na may lamang t'saa. "Kung ang sweldo ang pag-uusapan ay hindi iyon magiging problema, just name your prize." Nakangiting saad nito sa'kin. Bahagya namang tumaas ang sulok ng labi ko sa sinabi nito. Iba talaga kapag mayaman, hindi problema ang pera. "Sahuran niyo ako sa kung ano ang magiging kalabasan ng serbisyo ko sa inyo, congressman." Naging sagot ko. Biglang humalakhak ang congressman at puma-palakpak pa ito. "I like that. Ang totoo nyan ay hindi ako ang babantayan mo." Biglang saad nito. Agad akong napa angat ng tingin dito. "What do you mean, congressman?" Nag tatakang saad ko. "Ang anak ko ang babantayan mo. I want you to keep her safe, at nais ko na lagi kang naka buntot sa kanya kahit saan siya mag punta. You'll be her personal driver and personal bodyguard. Matigas ang ulo ng anak kong iyon, kaya sa tingin ko ay hindi din magiging madali sayo ang bantayan siya." Namo-mroblemang saad nito. Wala namang problema sa'kin ang ganun, dahil parte iyon ng trabaho ko kaya sa tingin ko ay kaya ko. "Hindi magiging problema iyon, congressman. If that's my job then I have to do it." Seryosong sagot ko. Lumiwanag ang mukha nito dahil sa naging sagot ko. Ilang saglit lang ay may inilapag itong sobra sa harapan ko. "Think of it as a first payment. Ipina-handa ko na din ang mga ka-kailanganin mo. G*ns, car and suit so you don't have to worry about anything." Saad nito. Hindi na ako nag tanong pa at kinuha ko nalang ang sobre na may lamang pera. At agad na tumayo mula sa aking pagkaka upo para mag paalam. "You can start tomorrow, she's still in cebu at bukas na iyon babalik. Dumaan ka muna dito bukas para kunin ang sasakyan mo at ikaw na ang sumundo sa kanya sa airport." Paliwanag nito. Tipid akong tumango at nag simulang mag lakad palabas sa maliit nitong opisina. "You're the new bodyguard?" Biglang salubong sa'kin ng isang lalaki. Naka purong itim ito at may naka sabit na ear piece sa tenga nito. Sandali kong sinuri ang kanyang kabuuan at masasabi kong mas bata ito sa'kin. "Tomorrow." Tipid kong sagot at agad itong nilagpasan. Narinig ko pa ang mga yabag nito habang naka sunod sa'kin. "Ako nga pala si tom. Magiging partner mo para bantayan ang anak ni congressman." Pagpapa Kilala niyo sa'kin. Tumigil ako sa pag lakad ng makita kong nasa harapan ko na ito at inilahad ang kanyang palad sa'kin para makipag kamay.. "Alexander." Tipid na sagot ko at nakipag kamay sa kanya. Nginitian ako nito pagkatapos naming makipag kamay sa isa't-isa. Nasa hallway na kami kaya isinusuyod ko ang aking tingin sa paligid, pero wala namang akong napansin na kung ano. "Sa wakas may kasama na din ako. Masasabi ko na iba ang dating mo kumpara sa mga naging bodyguard ni miss Luna." Pag kwento niya. Ibinalik ko ang aking tingin dito dahil sa huli niyong sinabi. "Mga naging bodyguards?" Naka kunot noong tanong ko. Sunod-sunod itong tumango. "Oo madami na siyang naging bodyguard, pero walang tumagal dahil sa katigasan ng ulo niya." Umiiling na sagot nito. Kababaeng tao, pero mukhang lalaki ang ugali. "See you tomorrow." Tipid kong paalam at agad itong nilagpasan. Agad akong lumapit sa aking motor at ini-start iyon at agad na umalis. Lumipas ang ilang minuto at narating ko ang bar na pinag ta-trabahuan ko. Agad kong ipinarada ang aking motor, Hindi pa man ako nakababa sa motor ay nakita ko si yllah sa entrance. Nang makita niya ako ay agad itong kumaway sa'kin. "Duty kana ulit?" Makulit na tanong nito sa'kin. Hindi ako sumagot at ginulo lang ang kanyang buhok at dire-diretsyong nag lakad papasok sa loob. Wala pa gaanong tao doon ay dahil maaga pa naman. "Boss." Bati sa'kin ng bar tender. Sinenyasan ko lang ito at agad naman niyang nakuha ang ibig sabihin ko. "Oh. Anong ginagawa mo dito?" Rinig kong boses ko trois. Nilingon ko siya at nakita kong naka pormal na damit pa ito. "Kakarating mo lang?" Tanong ko sa kanya. Diretsyo itong umupo sa silya na nasa tapat ko. "Oo, may dinaanan pa ako eh. Ikaw bakit ka nandito, papasok kana ba?" Tanong niya sa'kin. Umiling ako at ilang sandali lang ay biglang sumulpot si Devlin at inilapag ang inumin sa lamesa ko. "May paa naman ako dev." Asik ko. Bahagya niya akong inirapan na siyang ikinatawa naman ni trois. "Customer kana kasi kuys. Nakakahiya naman na Ikaw pa ang kumuha doon." Sagot nito. "Ul*l.. Ang sabihin mo mag iniinis ka lang kaya mo ito ginagawa." Singit ni trois. Agad naman siyang nilapitan ni Devlin at mahinang hinampas sa kanya ang dala-dala nitong tray. "Alis na ako. May pangit dito, masisira pa ang maganda kong araw." Anas niya at agad na umalis. Habang umiinom ako ay tahimik kong pinag mamasdan ang kabuuan ng lugar. Matagal din akong nag ta-trabaho dito, kaya gusto kong pagmasdan muna ito sandali dahil alam kong matagal pa bago ulit ako maka-punta dito. "May bagong trabaho kana?" Tanong ni trois sakin. Inilapag ko ang hawak kong bote. "Oo. Personal bodyguard ng anak ni congressman." Seryosong sagot ko. Kitang-kita ko kung paano ito bahagyang nagulat. "Anong nakaka gulat doon?" Asik ko sa kanya. Maka hulugan niya akong nginitian. Ngiti na parang nag aasar na ano. "Alam mo bang maganda ang anak ni congressman. Naku.. Mapapa hamak ka talaga dyan. Hindi dahil sa delikado ang bunay mo, kundi ang b*rat mo." Tumatawang saad niya. Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa walang kwentang sinasabi niya. "Hindi ko pinag sasabay ang trabaho at Kal*bigan, trois. Professional ako kapag trabaho na ang pinag uusapan." Dipensa ko. Maka hulugan itong sumipol-sipol habang dahan-dahang tumayo mula sa kanyang pagkaka-upo. "Talaga lang ha? Baka magulat nalang ako at nakita kita dito na umiinom dahil selos." Aniya sabay tawa. Nag iba ang ekspresyon ng mukha ko at nang makita niya iyon ay patakbo siyang lumayo sa'kin at dumiretsyo sa kanyang locker. Huwag ugaliing ipag sabay ang personal na bagay o nararamdaman sa oras ng trabaho. Those things can make you fvcking weak and stvpid. TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD