CHAPTER 05

1408 Words
THIRD PERSON'S POV Sa kabilang daku naman ay abala si Luna sa pakikipag talo sa kanyang ama. "Dad.. I already told you that I don't need a personal bodyguard. I can handle myself, magiging sagabal lang sila sa buhay ko." Inis na saad nito. Kausap nito ang kanyang ama sa telepono. "Anak.. you know I am a politician. Ginagawa ko lang ito para sa kaligtasan mo. I know how stubborn you are at alam ko din na lagi mong kasama ang anak ng makaka laban ko sa eleksyon. They will use you against me." Saad ng kanyang ama sa kabilang linya. Napa hawak na lamang ang dalaga sa kanyang noo dahil sa sinabi ng kanyang ama. Tutol ito sa relasyong meron sila ni Kyle. Kung minsan nga ay pini-freeze nito lahat ng kanyang bank accounts pati na ang kanyang ATM dahil hindi ito nakikinig sa sinasabi ng kanyang ama. "Dad, iba si kyle. Hindi siya katulad ng sinasabi mo and he already proved himself to you." Mahinang saad ng dalaga. Matunog ang naging pag hinga ng kanyang ama sa kabilang linya. "So please, stop it. I don't need bodyguards they're such a nuisance. Hindi ako nakakapag enjoy kasi lagi silang naka buntot sak-- "I order them to follow you. Ginagawa lang nila ang kanilang trabaho. Huwag mo nang pilot ang gusto mo Luna Alaire. Kailangan mo ng bodyguard tapos ang usapan." Sagot ng ama nito at kaagad na pinutol ang linya. Sa inis ng dalaga at itinapon nito ang kanyang cellphone at padabog na humiga sa kanyang kama. "Grr... Ngayon pa lang ay naaasar na ako sa magiging bodyguard ko. Well that's not a problem, I can easily get rid of them." Mahinang saad nito. Ilang sandali lang ay naka tanggap siya ng text mula sa kanyang nobyo kaya agad itong bumangon mula sa kanyang pagkaka higa at lumabas ng kanyang kwarto. KRISTOFFER'S POV Unang araw ko ngayon bilang isang personal bodyguard. Kakarating ko lang sa bahay ni congressman Enriquez. Una kong nakita si Tom at nang makita niya ako ay nag lakad ito patungo sa kinaroroonan ko.. "Good morning, sir." Bati nito sakin. Napa iling ako dahil sa tawag nito sa'kin. "Just call me Alex." Pag tatama ko sa kanya.. Ngumiti lang ito sa'kin at sinabayan ako sa pag lalakad. Maya-maya lang ay may naka salubong kaming isang lalaki at may dala-dala itong na bag at inabot ito sa'kin. "Pinapa-bigay ng congressman." Aniya at kasunod nitong inabot ay ang susi ng sasakyan. "Ako na ang mag mamaneho." Presinta ni tom kaya inabot ko sa kanya ang susi ng sasakyan. "Ilang minuto lang ay dadating na si miss Alaire. Kaya mag simula na kayong bumyahe papunta sa airport." Sabi nito at agad kaming tinalikuran.. Sandaling nanatili ang tingin ko sa lalaking iyon. "Ganyan talaga yan. Masyadong striktong, porket pinag kakatiwalaan ni congressman." Biglang usal ni tom. Nilingon ko ito. "Matagal na yan dito?" Kyuryusong tanong ko. "Oo mahigit anim na taon na siyang nag sisilbi sa congressman." Mahinang sagot nito. Sandali kong kinagat ang aking dila bago unti-unting tumalikod para tumungo sa parking lot kung nasaan ang sasakyan. Habang si tom naman ay tahimik lang na nag lalakad sa aking likuran. "Matanong ko lang, ilang taon kana ba?" Pormal na tanong sa'kin ni tom. Binuksan ko muna ang pinto ng sasakyan bago muling humarap sa kanya para sagutin ang kanyang tanong. "Thirty-two." Tipid na sagot ko. Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan at ganun din siya. "Twenty-seven palang ako. Dapat ay mas maging magalang pa ako." Tumatawang aniya. Natawa lang din ako sabay ikinabit ang akings seatbelt at agad siyang sinenyasan na mag maneho na. "Gaano kana katagal sa kanila, tom?" Seryosong tanong ko. Diretsyo lang ang aking tingin sa harap at pinag mamasdan ang bawat madadaanan namin. "Six months palang." Tipid nitong sagot. "Pwede bang kung ano ang dating trabaho mo? Bodyguard din ba?" Sunod-sunod nitong tanong. Here comes the question and answer portion.. "More difficult than that, wag mo nang itanong kung ano dahil wala ka ding makukuhang sagot sakin." Agarang sagot ko. Hindi na din ito nag tanong at nag thumbs up lang sa'kin. Naging tahimik ang byahe namin hanggang sa makarating kami sa airport. Nauna akong lumabas ng sasakyan at agad na sinuyod ng tingin ang paligid. Sunod na lumabas si tom ng makita kong walang problema ay agad akong lumingon sa kanya at sinenyasan siyang pumasok na sa loob ng airport. Naiwan ako sa labas. Ilang minuto lang ay nakita ko si tom na palabas ng airport. Humakbang ako papalapit sa kanya para tulungan ito, ngunit bahagya akong natigilan ng makita ko ang isang pamilyar na babae na naka sunod sa kanya. Siya iyong babaeng nakita ko noong nakaraang linggo habang nag jo-jogging ako. Agad kong ipinilig ang ulo ko at inalis iyon sa aking isipan. Nang maka-lapit ito sa gawi ko ay sandali niya akong tinitigan. "Bagong bodyguard, tom?" Tanong nito habang naka taas ang kaliwang kilay niya. Suplada... "Opo, ma'am. Bagong hire po ni congressman." Magalang na sagot ng kasama ko. Muli niyang ibinalik sa'kin ang kanyang tingin at agad akong nilampasan. Napa buga ako ng malalim na pag hinga at bago tinulungan si tom na ipasok ang mga maleta nito sa likod ng sasakyan. Nang maging maayos na lahat ay nagsi pasukan na kami ni tom sa loob ng sasakyan. Tiningnan ko muna ang rearview mirror para malaman kung maayos na ba itong naka upo sa likuran. At nang makita kong maayos na ay agad kong kinalabit si tom para patakbuhin na ang sasakyan. Tahimik lang ang buong byahe. Ang kaninang maingay na si tom ay naging tahimik. Siguro dahil may iba na kaming kasama ngayon sa loob ng sasakyan. Biglang naputol ang katahimikan na namutawi sa amin ng biglang tumunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko iyon ay numero ito ng congressman kaya agad ko iyong sinagot. "Yes, congressman?" Agad na bungad ko. "Pabalik na kayo sa mansyon?" Tanong nito sa'kin. "Yeah. We're on our way sir." Sagot ko. Narinig ko ang bahagyang pag ubo nito. "Good. Go straight to the mansion. Don't listen when she argued with this." Bilin nito.. "Copy that." Naging sagot ko at agad nitong pinutol ang linya. Lumingon ako kay tom. "Diretsyo tayo sa mansyon." Mahinang saad ko at tumango lang ito. Nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano sumama ang mukha ng anak ng congressman nang marinig niya ang sinabi ko. "No. Idirestyo mo ako kina Sam, tom. May usapan kami kaya hindi ako pwedeng dumiretsyo sa mansyon." Angal nito. Agad akong lumingon sa kanya at sumalubong sa'kin ang matalim na mga mata nito. "We just follow orders ma'am. Ang sabi ay dumiretsyo kami sa mansyon kaya yun ang gagawin namin." Kalmadong saad ko. Sa puntong ito ay dalawang kilay na niya ang tumaas at sobrang sama ng tingin niya sa'kin. You can't sway me with those eyes lady. "Bago ka palang, pero iniinis mo na ako. Alam mo ba na kaya kitang paalisin bilang bodyguard? I can easily get rid of you." Galit na boses nitong saad. Tumiim ang bagang ko at inalis ang tingin ko sa kanya. "To the mansion, tom." Matigas na saad ko. Kahit hindi ko makita ang mukha nito ay ramdam na ramdam ko ang tulis ng tingin niya sa'kin. Hanggang sa marating namin ang mansyon at masama ang mukha nito. "You're getting on my nerves." Saad nito at binuksan niya ang pintuan ng sasakyan. Pabato niya iyong isinara at padabog na nag lakad papasok sa loob ng mansyon. "Unang beses niyo pa lang magkita ngayon, pero mainit na ang dugo niya sayo." Kumento ni tom. Hindi ko na iyon sinagot at nag simula na akong ibaba ang kanyang mga maleta. Naka sundo lang ako kay tom dahil hindi pa ako ganun ka pamilyar sa bawat sulok ng mansyon. "I'm sorry about her attitude, Alex." Biglang sumulpot si congressman. Mahina akong tumawa. "It's okay, congressman. Hindi po problema iyon." Sagot ko. Tinanguhan niya lang ako at bago niya ako tuluyang lagpasan ay marahan nitong tinapik ang balikat ko. "Ipagkala tiwala ko siya sayo mula ngayon. Please keep an eye on her." Aniya bago ako tuluyang lagpasan. TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD