Girls like her wait in the dark for someone who will save her heart- Belle Mariano
“I felt like this scene was déjà vu. You and I were watching the sunset together,
and this feeling… it’s familiar.
How I wish this moment would never end.
How I wish time could stop, even just for a while.”
Sana hindi ko marinig ang salitang…
“And cut. Good job, guys.” Para bang bigla akong binuhasan ng malamig na tubig ng marinig kong cue ng director na iyon. Narinig ko namang nagpalakpakan na ang mga tao sa paligid namin hudyat na tapos na ang scene or should I say, the whole project was done. This was the final scene of the music video.
Pinapakiramdaman ko naman ang lalaking sa likuran ko. Kasalukuyang nasa tabing dagat kami at nakaupo sa pinong buhangin. Habang nakayakap naman si Wyn sa aking likuran. Hindi namin alintana kung madumi na ba kami ganito lang ang sinabing gagawin kaya sinunod lang namin. Pero ang kasama ko mukhang walang narinig.
“Ahm, Wyn.” Nag-aalinlangang sambit ko. Hindi ko alam kung nakatulog ba ito dahil nasa balikat ko ang ulo nito habang nakayakap sa likuran ko. “Tapos na.” pero ayoko pang tapusin.
“Ganito mo na tayo pansamantala. I like this feeling.” Hindi na lang ako nagsalita sa sinabi dahil ganun rin ako.
“I felt like this scene was déjà vu. You and I were watching the sunset together,
and this feeling… it’s familiar.
How I wish this moment would never end.
How I wish time could stop, even just for a while.”
Inulit na naman nito ang huling lyrics sa kantang sinasabit nito kanina. Ilang beses ko na iyon narinig at kahit ako rin nagkakaroon ng Last Song Syndrome sa kanta niyang yun. Alam kong hindi lang siya magaling kumanta pero magaling rin siyang magcompose pero hindi ko alam kung saan niya pinanghuhugutan ang lyrics na iyon. Ayoko mang umasa pero para bang saakin niya pinapatama ang mga salitang iton.
“Nagustuhan mo ba yung song?”
“For sure magugustuhan iyon ng mga fans mo.” – pag-iiba ko. Bakit ba kinakabahan nanaman ako and I fell like this feeling was familiar.
“Ikaw ang inatanung ko. Bakit nililihis mo nanaman ang sagot mo? Oo or Hindi lang ang sagot.”
“Oo naman. Maganda ang pahiwatig ng kanta mo. Kung hindi ako nagkakamali tungkol siya sa love na matagal nilang hinintay at kahit na ganun ang nangyari worth it sa huli. tama ba?” Nag-aalangang sabi ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga titig niya.
“Yeah, Tama ka. I know this will be worth it until the end.” Mataan niyang sambit saakin na para bang may pinapahiwatig pa itong iba.
“Pasensya na sa pag-abala sainyo. Pero pinapatawag na kayo ni direct.” – Bigla naman akong nakahinga ng maluwag ng marinig ko iyon. Hindi pa ako handa mga ganun pahiwatig niya. Alam kong sa pagkakataon ito hindi na ako nag-aassume pero ayoko ng umasa ulit.
**********
**********
“Tama na yan Wyn, baka hindi ko na maubos pa yan.” Pigil dito habang hindi naman ito magpaawat sa paglalagay ng mga pagkain sa plato ko.
“Kailangan mong kumain ng marami. Hindi mo ba nakikita yang katawan mo parang kapag humangin lang tatangayin ka kaagad.” Bigla naman akong napatingin sa mga kasama ko na mukhang nagpipigil magsalita. Alam kahit sila ay nahihiwagaan saamin ni Wyn. Paano ba naman dahil simula ng matapos kanina ng shooting ay bigla naming siyang nagging ganito. What I mean para bang naging caring ito bigla. At kahit itong mga kasama namin ay nabigla sa ganitong asal niya.
“Hayaan mo muna yan si Elle, Wyn. Kukuha rin naman yan kapag naubos niya ang pagkain niya. Kumain ka na rin.” Tumingin naman ako kay Direct para awatin niya si Wyn. “Nakakatawa kayong dalawa dahil simula mag-umpisa itong project natin ay halos magbangayan at mag-away kayo at ngayong natapos na ang project saka kayo nagging ganito kasweet sa isa’t isa. Mukhang hindi ito ang magiging huli ng loveteam niyo. Tama ba ako?”
“Tito Lander naman, ano ba yang pinagsasabi niyo.” Napakagat naman ako ng ibabang labi ko dahil sa nasabi ko. Wala pa lang nakakaalam dito na magkaamaganak kami ng director. Aside kay Wyn. Mukhang nagulat ang mga ibang kasama namin.
“Magkamag-anak kayo ni Direct, miss Elle?”
“Ang asawa ko at mommy ni Ellese magpinsang buo.”
“Akala ko nga dati kayo ni Wyn ang magkamag-anak kasi kung makaasta itong alaga ko ay para bang komportable masyado kahit kakakilala niyo lang naming few weeks ago.” Sabat naman ng manager ni Wyn. Natawa si Direct sa sinabi yun ng manager ni Wyn.
“7 years ago kung hindi ako nagkakamali dati kasi nagpapaturo yang si Wyn saakin na manligaw. May babae kasi siyang gustong-gusto kaya.” Natahimik naman kaming lahat mukhang interesado ang lahat. Ako naman kinakulita ko ang taon sinabi ni tito, kung hindi rin ako nagkakamali magfiance pa kami ng time na yun tapos malalaman kong may gusto pala siyang iba at nagpapaturo pa siyang manligaw sa tito ko. Nanggigil tuloy ako bigla.
“Wait hindi ko naintindihan. Paano naman kayo nagkakilala kung related siya kay Miss Elle?” Pinaningkitan ko naman si Angela dahil sa sinabi nito gusto niyang ibulgar kung anong meron kami dati ni Wyn. Patay malisya naman ito at hindi inintindi ang sinyales ko sakanya.
“Ahm, Ano kasi…pwede ko bang sakanila?” humihingi naman siya permisyo saamin ni Wyn.
“Fiance ko dati si Ellese.” Napapikit na lang ako dahil sa samo’t saring reaction na narinig ko. Tumingin naman ako sakanya na mukhang hindi naapektuhan sa sinabi niya. Bakit ganun?
“Ay oo, madalas kasi kaming magkasama ni Elle kaya nang magkaroon siya ng fiancé ay parati ako ang kasama nilang guardian nila kahit saan sila pumunta dati ay akong taga bantay kaya naging close na rin yan si Wyn. Hahaha.”
“Ganun pala.”
“Kaya kahit noong naghiwalay sila hindi naman nawala ang connection ko kay Wyn.” Tipid na lang akong napangiti dahil kahit papaano pala hindi nawala ang communication nilang dalawa. Naalala ko dati na para silang magbarkada lang kahit halos mahigit sampung taon ang agawat nila sa isa’t isa. Sabagay napacool lang kasi ni Tito kapag wala sa trabaho pero pag work talaga ay masyadong seryoso walang kapamilya-kapamilya sakanya.
“At diyan na nagtatapos ang kwento, baka kung saan pa mapunta ang usapan. Ang mahalaga ngayon ay ang successful ng project salamat dahil kung hindi sainyong lahat hindi natin magagawa ng maayos at maganda ito. Sana makatrabaho ko pa kayo sa hinaharap.” Pag-iiba ko ng usapan dahil alam kung hindi ko pa gagawin ay baka kung saan na mapunta ang usapan at mukhang mas interesado talaga sila sa buhay namin.
Natapos ang hapunan ng matiwasay at mabuti na lang talaga dahil hindi na sila nagpumilit na ungkatin ang mga nakaraan namin ni Wyn.