Chapter 07–Strict Boss

2028 Words
Chapter 07 Elisha THREE days passed, at hindi naging madali ang trabaho ko sa ilalim ng pangangasiwa ni Architect Dela Costa. Strikto siya sa lahat ng bagay, lalo na sa oras—ayaw niya ang kahit kaunting pagkahuli. Pero kahit ganoon, ginagawa ko ang lahat para magawa nang maayos ang trabaho ko. Pinapirma niya ako ng kontrata para makasiguro siyang sa kanya lang ako–magtatrabaho, na pinayagan naman ni Miss. Lapinig at sinang–ayunan ko dahil malaki rin ang bayad. Kailangan ko, para sa board exam. Kasama sa trabaho ko, ang pagbitbit ng mga papeles. Isang araw, may kailangan siyang pirmahan na mga papeles, galing sa office of the Mayor at kasama roon sa pinirmahan niya ang isang papel na hindi man lang niya binasa kung ano ang nilalaman nito. Ngayong araw, ang anunsiyo kung sino ang magiging summa cüm laude sa medical school kung saan ako nag–aaral. Ramdam ko ang kaba na kumakalat sa buong katawan ko habang pinapakinggan ko ang pagtitipon sa online broadcast. Alam kong napaka–competitive ng batch namin, at sa totoo lang, hindi ko umaasa na kahit na anong honors. Sapat na sa akin ang makapasa. Ngunit hindi rin maitanggi ang munting pangarap na sana, kahit paano, mukuha ko ang isang posisyon. Habang nakikinig ako, isa–isang tinawag ang pangalan ang may honors, kasunod ng malalakas na palakpakan sa bawat isa. Kinkabahan ako, kung saan ang summa cüm laude at magna cüm laude na lang ang hindi pa sinasabi, parang may thrill sa buong paligid. Napalingon ako sa kabilang mesa, naroon ang grupo ng kapatid ni Althea. Makikita sa mukha nila ang excitement, panigurado akong siya ang magiging summa cüm laude. Ilang saglit lang inanunsiyo ang magna at si Aika Torralba ang tinanghal, agad gumuhit sa mukha niya ang pagkadismaya at inis. Kitang–kita sa mukha niya na hindi niya ito tanggap. "And for this year's summa cüm laude," sabi ng Dean nang may halong saya sa boses niya, "with the highest GPA among the graduating class...Ms. Elisha Gabrielle Santillan!" Shocked. Parang bumagal ang oras, at saglit akong natulala. Me? Ako ang summa cüm laude? Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan mula sa kalooban ko, para akong maiiyak sa tuwa. Pero sa kabila 'nun ramdam ko ang mga tingin ng mga tao sa paligid ko, at may mga bulong–bulong na nagsimula mula sa mga estudyante. "Bakit siya? Dapat si Aika?" narinig kong sabi sa likuran ko. "Oo nga eh," sagot naman ng isa, na tila nagtataka rin. Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang inis sa mga mukha ni Aika, tiyak kong magsusumbong na naman ito sa Ate niya. "Hawak ni Mayor 'yan. Baka nakakalimutan mo, share holder si Mayor dito," segunda pa na bulong ng isa at sabay silang nagtatawanan. Pinili kong hindi pansinin ang mga usapan nila. Dahil malinis ang konsensiya ko at pinaghirapan ko ang narating ko. "All my hard work finally paid off," sabi ko sa aking sarili. Tumayo ako at dahan–dahang lumapit sa harap, feeling the weight of all the sleepless nights, the endless exam, and the sacrifices I made over the years. Nang makalapit na ako, huminga ako nang malalim at ngumiti sa aming Dean at sa mga proffesor. Nakatayo ako sa harapan nila bilang summa cüm laude, felt surreal—a testament to everything I'd been through, every hardship that brought me here. Sa sandaling ito, alam kong lahat ay naging sulit. Deserve ko ito. Deserve na deserve. "Thank you po, Sir Dean," sabi ko, sobrang thankful sa achievement ko. "Sa lahat po ng suporta at gauidance, lalo na sa mga professors na tumulong sa akin sa bawat hakbang." Ngumiti ang Dean namin at ibang professor na naroroon, at muling nagsalita ang Dean namin, ang boses niya'y puno ng pagmamalaki. "Santillan," sabi niya, "you deserve this honor. Your hard work and dediction have been remarkable. Congratulations." Nakangiti ako sa lahat, nangingiti rin ang ilang mga kaklase ko habang pumapalakpak, pero hindi ko maiwasang mapansin si Aika nakabusangot. Kita ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo at ang inis sa kanyang mga mata. Malinaw na hindi siya natuwa sa naging resulta. Alam ko ang mga usapan—na siya ang inaasahang magiging summa c*m laude dahil sa mga koneksyon niya bilang anak ng Congressman at sa yaman nila. Pero hindi ko na lang pinansin. Hinayaan kong lumipas ang inis na naramdaman mula sa kanya. Narito ako para magpasalamat sa mga sumuporta at naniwala sa akin, at wala na akong ibang gustong gawin kundi ang ipagmalaki ang mga taong naging bahagi ng tagumpay ko. Huminga ako nang malalim at muling ngumiti sa mga tao, buo ang loob. Ngayon ay alam kong lahat ng pagod at sakripisyo ay nagbunga. Pagkatapos ng anunsiyon, nagsilabasan na kami mula sa social hall. Hindi na ako nagtagal pa roon; gusto kong umuwi agad para ibalita ang magandang balita sa pamilya ko. Sa gilid ako ng kalsada tumayo, nag–aabang ng tricycle na masasakyan. Habang hinihintay ko ang pagdaan ng tricycle, bigla akong nakatanggap ng tawag. Si Architect. "Where are you?" tanong niya agad, medyo may bahid ng inis sa boses. "You're not at the hotel. Kanina pa kita hinihintay." Magsasalita na sana ako para sagutin siya nang bigla kong narinig ang busina ng sasakyan sa tabi ko. Napalingon ako at agad kong nakilala ang pamilyar na itim na SUV—sasakyan ni Mayor. Bumaba ang bintana at sumilip si Mayor, ngumiti siya at magalang na nag–imbita. "Elisha, sakay ka na. Hatid na kita." Nag–aalangan man, saglit akong natigilan. Tatanggi sana ako, pero naisip kong nagmamadali rin akong makabalik sa hotel. Mas mabuting sumama na lang ako kaysa mapagalitan pa ni Architect Dela Costa. "Salamat po, Mayor," sabi ko. Pumasok ako sa sasakyan, benalewala ang mga mata ng ibang studyante na nakakita sa akin. Malinis ang konsensiya ko, wala akong ginagawang masama. HABANG nasa sasakyan, tinanong ako ni Mayor tungkol sa pag–aaral ko. Medyo nagulat pa ako nang bigla niya akong batiin. "Congratulations, Elisha, for being the summa cüm laude. You truly deserve it." Parang napamaang ako sa sinabi niya. "Salamat po, Mayor, pero...paano niyo po nalaman?" Ngumiti lang siya, bahagyang nagkibit–balikat. "Nabanggit sa akin ng Dean. Proud siya sa iyo at proud ako sa'yo." Hindi ko maiwasang mapangiti, ngunit kahit sa dami ng pasasalamat ko, may bahagi sa akin na nag–aalanganin pa rin sa kanya. "If you need any help, Elisha, just let me know. I’m here to support you." Mahina akong tumango sa may edad na lalaki. Nagpasalamat ako sa alok niya, pero nagpasya akong tanggihan iyon nang magalang. "Salamat po, Mayor, pero kakayanin ko naman po siguro ito mag–isa." Matapos ang ilang sandali, nakiusap ako na ihatid na lang ako sa hotel. Pagdating namin doon, bumaba ako at tumungo agad sa suite ni Architect para magpaalam. Excited akong ipaalam sa pamilya ko ang magandang balita. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako sa nadatnan ko—kalat ang mga papeles, may mga damit na hindi naayos, at tila walang anumang kaayusan sa buong suite. Naabutan ko si Zhuanne na hawak ang cellphone niya, nakakunot ang noong nakatitig sa akin, na para bang may kailangan akong ipaliwanag. "Ano ang ginawa niyo ni Mayor?" tanong niya nang direkta, may halong galit ang tono. "Kaya ba ang tagal–tagal mo bago makabalik dito, dahil kasama mo siya? Santillan, hindi mo ba naiisip ang trabaho mo?" Napamulagat ako, at bago pa ako makapagpaliwanag, muli siyang nagsalita, hindi na iniintindi ang mga salita ko. Tuloy–tuloy ang mga tanong niya at ang tila pagdududa sa akin, na parang wala siyang intensyong pakinggan ang paliwanag ko. "Linisin mo na rin 'tong suite ko," dugtong niya nang may diin, hindi na hinintay ang sagot ko. Walang nagawa kundi tumango na lang ako, pilit na iniintindi ang galit niyang hindi ko maintindihan. Napilitan akong tumango. Nilapag ko ang dala kong sling bag sa ibabaw ng mesa at inumpisahang, pulutin ang mga kalat sa sahig. Huminto ako saglit, upang magpaalam sa kanya na kailangan ko ang makauwi. "Sir, pagkatapos ko po dito...maaari po bang umuwi na muna ako?" tanong ko nang mahinahon. Nag–angat siya ng tingin at ngumisi nang bahagya, ang mga mata'y tila may halong panunuya. His lips twisted into a sarcastic smirk as he looked at me, assessing me like I was up to something suspicious. "No. You're not going anywhere," sabi niya, ang malamig na tono niya ay hindi man lang nagbigay ng pagkakataon para makiusap pa. Nagpumilit ako, kahit alam kong hindi siya madaling kausap. "Please, sir. Saglit lang po talaga, may kailangan lang po akong gawin sa bahay," sabi ko, pilit na pinapakita ang aking sinseridad. Napatingin siya sa akin nang matalim, at doon ko nakita ang mapanuksong ngiti sa kanyang labi. His jaw clenched, and his eyes narrowed with a glint of something bitter. “Why are you in such a hurry, huh? You're leaving because you have plans with Mayor, right?" Napansin ko ang malisyosong tono sa boses niya, at ang tingin niya sa akin ay puno ng pagdududa. Nagulat ako at napahinto sa ginagawa ko, hindi makapaniwala sa paratang niya. Tumitig siya sa akin, hindi man lang itinatago ang kanyang pangungutya. "Sugar daddy mo?" dagdag niya, ang boses niya ay puno ng paghamak at tila nakikita kong natutuwa siya sa bawat salita niya, na para bang may hinahanap siyang kahinaan sa akin. Hindi ko napigilang mapanganga, at halos maiyak na sa bigat ng akusasyon niya. Ngunit nagdesisyon akong huwag magpakita ng kahinaan. I clenched my fists tightly, forcing myself to hold back the tears that threatened to fall, determined not to let him see how much his words hurt me. Humakbang siya papunta sa sliding door na patungo sa infinity pool ng suite, walang bakas na awa o konsiderasyon sa mga sinabi ko. Pero bago siya tuluyang makalabas, hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumigaw ako, pilit na ipinapaliwanag ang dahilan kung bakit gusto kong umuwi. "Sir, gusto ko lang po talagang umuwi ngayon para maibahagi sa pamilya ko ang balita...na ako po ang summa cüm laude." Bahagya kong napalunok, umaasang kahit papaano ay maaantig siya sa sinabi ko. Napahinto si Architect sa tinuran ko, dahan–dahang humarap muli sa akin. Tila hindi makapaniwala, ang kilay niya ay nakakunot, at may bakas ng pagdududa sa kanyang mga mata. Ngunit sa halip na makakita ng kahit kaunting simpatya sa kanyang mukha, nakita ko ang malamig na tingin niya at ang manipis na ngiting puno ng pangungutya. "So what?" malamig niyang sagot, na para bang hindi niya pinapansin ang halaga ng pinaghirapan ko. "Summa cüm laude? And you think that changes anything here? That it entitles you to slack off? Newsflash: your achievements mean nothing if you can't even handle the basics." Napalunok ako sa narinig, ramdam ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya na parang hampas sa aking pagkatao. Nakatingin lamang ako habang patuloy siyang naglakad papunta sa infinity pool, tuluyan na niya akong iniwan sa gitna ng magulong kwarto. Ang mga salita niya ay pumipintig pa rin sa aking isip, habang pilit kong pinipigilan ang luha. Sumunod ako sa kanya. "But, Sir—" sinubukan kong sumingit muli, kahit alam kong mahirap siyang makumbinsi. "No,” malamig na putol ni Architect Dela Costa, bumaling siya pabalik at tinitigan ako ng diretso sa mata. "Ako ang boss mo, at ako ang magdesisyon kung anong oras ka uuwi." Ramdam ko ang panghihina ng aking mga balikat sa sinabi niya. Parang lahat ng excitement at saya na nadama ko kanina ay biglang naglaho, napalitan ng inis at sama ng loob. Pilit kong pinipigilan ang luha na gustong kumawala, ayaw kong ipakita sa kanya kung gaano kasakit sa akin ang bawat salitang pinakawalan niya. Ngunit hindi ko maiwasang mamasa ang mga mata ko, sa inis at sama ng loob. Tumalikod ako at balikan ang iniwang kalat sa sahig, sinusubukan kong itago ang panghihinayang at pangarap na biglang parang tinapak–tapakan. Walang tigil sa kakatulo ang mga luha ko. Sa bawat pagpulot ng gamit, pilit kong iniisip na matapos ang araw na ito, makakauwi din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD