Chapter 06
ELISHA GABRIELLE
NAPAILING ako at tumanggi. "I don't have time to be meeting any guys right now, sir. Busy ako, and I'd rather focus on my work here." Dahilan ko.
He nodded, tila hindi na pinilit. "Alright then," sagot niya habang sinusuot ang kanyang coat. "But if you change your mind, just let me know."
Nang matapos siyang mag-ayos, tumingin siya sa akin, may bakas ng ngiti sa kanyang mga mata. "By the way, ibaba mo na rin ang mga blueprints sa pool area. Nandoon si Mayor at ang contractor para sa project."
Napalunok ako, bahagyang kinakabahan. Mayor Escobar ba?Alam kong dapat sanay na ako sa pangalan niya, pero iba pa rin ang dating nito sa akin. Siya ang nagpapaaral sa akin, at balitang–balita ang tungkol sa kanila ni Mama, pero hindi ko talaga alam.
Pero ang isang bagay na hindi ko masabi kanino man ay ang atensyon na pinapakita sa akin ni Mayor, dati kasi nagtrabaho ako kay Mayor 'nung isang sem na huminto akong magaral dahil kulang talaga ako sa pangtuition. Naikwento ko kay Mayor ang problema ko kaya tinulungan niya ako pero may kondisyon iyon at natatakot akong dumating ang araw na iyon, hindi ko alam kung handa akong harapin iyon.
Binata pa si Mayor kahit nasa edad na singkwenta. Gwapo at matikas pa rin ang tindig, kaya hindi nakapagtataka kung bakit marami pa rin ang humahanga sa kanya.
Huminga ako nang malalim at kinuha ang mga blueprint mula sa mesa. "Sige, sir. Dadalhin ko na po sa pool area," sabi ko, pilit na pinapakalma ang t***k ng puso ko, at hindi mapigilang itanong ang bumabagabag sa isip ko. "Sir, kasama po si Mayor Escobar sa project niyo?"
Napatingin si Architect Dela Costa sa akin, may bakas ng interes sa mukha niya. "Yes," sagot niya nang may kumpiyansang tono, habang inaayos ang kuwelyo ng coat niya. "He's a business partner of Mr. Torralba—Althea’s father. They're both heavily invested in this project."
Tumango lang ako sa kanya at humakbang na ito palabas ng kwarto.
Pagkalabas ni Architect, naghintay pa ako ng ilang minuto bago ako sumunod papunta sa pool area, bitbit ang mga blueprint. Hindi ko maiwasang huminga nang malalim bago lumakad, inihahanda ang sarili sa pagharap sa mga bisita. Alam kong nandoon si Mayor, at sa bawat hakbang ko papunta sa pool area ay mas lalong tumitindi ang kaba sa dibdib ko.
Pagdating ko sa pool area, agad kong nakita sina Mayor at ilang contractor na nakatayo sa isang tabi, tila abala sa pag—uusap. Naroon din si Althea, nakatayo sa gilid, abala sa pakikipag–usap sa isa sa mga contractors, ngunit agad akong nakaramdam ng hindi maganda sa kanyang presensya.
Agad na napako ang tingin ko kay Mayor, at sa sandaling makita niya ako, hindi ko napigilang mapansin ang pagkislap ng mga mata niya—isang tingin na puno ng interes at, sa isang banda, may halong paghanga. Parang nagliwanag ang mukha niya sa aking pagdating, at hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa ganoong tingin niya. Hindi na bago sa akin ang pagtrato niya, pero palaging may bahagyang takot at kaba sa tuwing makikita ko ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
Ngumiti si Mayor at bahagyang tumango sa akin bilang pagbati. Naramdaman ko ang bigat ng kanyang tingin na tila sinusuri ang bawat galaw ko. Nang lumapit ako upang ilapag ang mga blueprint sa mesang malapit sa kanila, narinig ko ang boses ni Mayor na nagtanong. "Kumusta ka, hija? Mukhang busy ka sa trabaho, ah."
Medyo nahihiya akong tumango at ngumiti nang magalang. "Opo, Mayor. Medyo marami pong kailangan ayusin."
Tumango si Mayor, at tila napansin ko ang kaunting pag-aalala sa kanyang mata. "Huwag mong pabayaan ang sarili mo, hija. Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako."
Sa gilid ng paningin ko, napansin kong nakakunot–noo si Althea, isang makahulugang tingin ang ibinigay sa akin, palipat–lipat sa amin ni Mayor. Ngunit hindi ko na inintindi iyon at nagpokus na lamang sa trabaho ko, sinusubukan iwasan ang mga mata ni Mayor at Althea na tila hindi kumukurap habang nakatingin sa akin.
Habang inaayos ko ang mga blueprint sa mesa, narinig ko ang boses ni Mayor sa likod ko, bahagyang pabiro ngunit may halong seryosong tono. "Kung tinanggap mo sana ang alok ko dati, hija, hindi ka sana napapagod ng ganyan."
Napatingin ako kay Mayor, nagulat sa sinabi niya, at hindi ko maiwasang mapansin muli ang mga mata ni Althea na agad na tumalim sa narinig. Napataas siya ng kilay, at halatang hindi napigilan ang sarili sa pagsagot. "Like mother, like daughter ba ang peg, Mayor?" may kaunting mapang–asar na tono sa boses niya, tila may gustong iparating sa mga nakakarinig, dahil sinadya niyang lakasan.
Nagulat ako sa narinig, at bahagya kong naramdaman ang pamumula ng mga pisngi ko sa kahihiyan. Napansin kong agad na tinakpan ni Althea ang kanyang bibig, parang nagkunwaring nagulat sa kanyang sariling sinabi. Ngunit bago pa ako makapagsalita, muli siyang nagsalita, ngayon ay tila may pagmamaliit sa kanyang tono.
"Oh, I forgot! Kaya pala siya nandito sa hotel namin, dahil sayo, Mayor, kahit ilang beses ko na siyang pinapatanggal dito. And ikaw rin pala ang taga–bayad ng tuition niya, huh?" Sinabi niya ito nang tila may halong pang–aasar at pinipilit na ipahiya ako sa harap ng mga tao. Ramdam ko sa akin ang tingin nilang lahat, lalo na't naroon si Architect at ang iba pang mga contractor na tila nagulat sa pagbulalas ni Althea.
Napakagat–labi ako, pilit na pinipigilan ang sarili na 'wag magpakita ng kahinaan sa harap nila, ngunit hindi ko maiwasang maramdaman ang paggapang ng hiya sa aking buong katawan. Napayuko ako, pilit na iniiwas ang tingin kay Mayor at sa iba, habang nagdadalawang–sip kung dapat bang sumagot o manahimik na lamang.
Ngunit bago pa ako makapagsalita, nagsalita si Mayor, may halong iritadyon sa kanyang boses. "Ms, Torralba, that's enough," madiin niyang sinabi. Tumitig siya kay Althea nang matalim bago bumaling sa akin, hindi ko alam kung malasakit ba ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Let me make one thing clear," sinabi niya, sa malakas ngunit kalmadong boses na narinig ng lahat. "She deserves this scholarship because she' s one of the brightest students in her class. Hindi ko siya tinutulungan dahil sa ibang bagay, kundi dahil nararapat siya. Matalino siya, masipag, at may disiplina—qualities na bihira na ngayon."
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting ginhawa sa pagtatanggol ni Mayor kung totoo iyon.
Nagkibit–balikat si Althea, tila hindi masaya sa narinig, ngunit hindi na siya sumagot pa. Tumalikod siya at naglakad palayo, ngunit hindi bago ako binigyan ng isang malamig at mapanghamak na tingin. High School pa lang kami noon, ganito na ang turing sa akin ni Althea lagi ko kasi ako ang number 01 sa eskwela.
Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Tumingin ako kay Mayor at bahagyang tumango bilang pasasalamat sa pagtatanggol.
HABANG unti–unti kong nililipat ang mga blueprint sa mesa, bigla kong naramdaman ang paglapit ni Mayor sa tabi ko. Bago ko pa namalayan, marahan niyang hinagod ang likod ko, na nagbigay ng kaunting gulat at kaba sa akin. Mabilis akong umatras, hinahabol ang sariling hininga at pilit na iniiwas ang tingin sa kanya.
Habang ginagawa ko iyon, napansin kong nakatingin sa akin si Architect mula sa hindi kalayuan. May kakaibang tingin siyang ibinibigay—parang may halong panunuya at pang-uuyam, na tila nagtataka kung ano nga ba ang totoong namamagitan sa amin ni Mayor. Ang mga mata niya ay matalim at sinisipat ang bawat kilos ko, na lalong nagpa–intensify sa kaba ko.
Pakiramdam ko ay nasa isang eksenang walang ligtas na daan palabas, at ang bigat ng mga tingin ni Architect Dela Costa ay parang sumasakal sa akin. Ngunit sa kabila ng lahat, pinilit kong magpakita na hindi ako apektado. Huminga ako nang malalim, itinaas ang ulo ko, at pilit na ipinakitang wala akong dapat ikahiya.
Ipinagpatuloy kong ayusin ang mga blueprint sa ibabaw ng mesa, pilit balewalain ang nangyari sa kanina.
Hanggang sa nagsimula na ang kanilang meeting, at naupo sina Mayor, Architect Dela Costa, Althea, at ang mga contractor sa isang mahabang mesa at abala sila sa paguusap about sa proyekto. Ako naman, nakatayo lamang sa gilid, nakahanda para sa anumang utos na ibigay sa akin.
Hindi pa nagtatagal ang meeting nang magsimula nang mag–utos si Althea. "You, get us some coffee," utos niya, na halos hindi man lang ako tingnan. Agad kong sinunod iyon, at pagbalik ko pa lang ay muli na naman siyang nag–utos. "Paki–check kung may tissue doon at sandwiches magpagawa ka. Dapat alam mo 'yan?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata.
Napilitan akong tumango. Kahit na ramdam ko ang pagkainis sa bawat utos niya, pinilit kong kumalma at sinunod pa rin siya. Bumalik ako sa loob ng hotel, kinuha ang mga sinabi niya. Nang makuha ko na ay bumalik ako sa mesa.
Tumayo lang ako sa gilid at tahimik na naghintay kung mayroon pang iuutos. Ngunit sa tuwing akala ko ay makakabawi na ako ng lakas sa pagtayo lang doon, muli siyang maghahanap ng kung ano–anong maiutos sa akin. Parang gusto niyang patunayan sa kanilang lahat na wala akong ibang silbi kundi ang mag–asikaso sa kanila.
Maya–maya na naman, inutusan niya akong magdala ng tubig para sa lahat, at ilagay sa malinis na petsil. Bitbit ang tray na may mga petsil na puno ng malamig na tubig at mga baso, naglakad ako pabalik sa mesa, sinisikap maging maingat at steady ang bawat hakbang.
Paglapit ko na sa mesa upang maayos na maibigay sa kanila ang tubig, hindi sinasadya, may naramdaman akong bagay na humarang sa aking paa ko. Hindi ko ito agad napansin, kaya't bigla akong napatid, dahilan upang matapon ang tray at ang mga baso sa mesa. Ang malamig na tubig ay tumapon sa ilang blueprint at dokumento, nag–iwan ng basang marka sa mga ito.
Nagulat ako at natulala na lamang, habang mabilis na umangat ang mga mata ko kay Althea. Napansin kong may ngisi siyang nakatago, tila ba ikinatuwa ang pagkakamali ko. Napansin ko rin ang mga mata ni Architect Dela Costa, nanlalamig at tila may halong inis.
Mabilis akong nag–sorry. "I'm so sorry, sir, Mayor—hindi ko po sinasadya." Pilit kong pinipigil ang panginginig ng kamay ko habang pinupulot ang mga baso, sinusubukang ayusin ang kalat.
Pero ramdam ko ang mga tingin ng bawat isa sa akin, lalo na kay Althea, na mas lalo pang lumapad ang ngisi sa gilid. Alam kong hindi aksidente ang lahat ang nangyari, sinadya niyang patirin ang paa ko upang magkamali ako, at ang simpleng pagkakamaling iyon ay parang patunay sa kanya na wala akong lugar dito.
Hiyang–hiya akong kinakabahan ng sobra, natataranta habang sinisikap kong punasan ang blueprint na nabasa ng tubig, gamit ang laylayan ng aking t–shit na suot. Tumindi ang kaba ko nang mapansin ang mga tinta sa blueprints, dahil nagsimula itong kumalat, tila binubura ang ilan sa mga nakasulat at guhit sa mahalagang dokumento.
Napansin ko ang galit na namuo sa mga mata ni Architect Dela Costa, his jaw clenched, at ang mga mata niya'y nagliliyab sa pagkadismaya. Bago ko pa mabawi ang sarili, mabilis niyang hinila ang braso ko, itinalikod ako sa mesa at inilayo sa mga ka–meeting niya.
"Althea, was right," mariin niyang sabi, halos hindi napipigilan ang galit sa kanyang boses. "You're so clumsy. Look at what you've done." Pinandilatan niya ako, at ramdam ko ang tindi ng inis sa tono ng kanyang boses. "You ruined the blueprint. Do you have any idea how many nights I spent perfecting that design?"
Hindi ko magawang tumingin sa kanya nang diretso, pero hindi ko rin magawang umiwas sa tindi ng tingin niya. Mahinang ibinulong niya ang mga salitang. "You're such a fool," pero sapat ang tono para maramdaman kong kulang na lang ay sumpain niya ako. Parang may bagyong sumalubong sa akin sa bawat salitang sinabi niya, at hindi ko alam kung paano makakabawi sa pagkakamali ko.
Gusto kong humingi ng tawad, pero tila natutuyo ang lalamunan ko, at hindi ko magawang magpaliwanag sa kanya. Marahas niyang binitawan ang braso ko. "Dammit!" He murmured bago ako talikuran.