Chapter 10 ELISHA GABRIELLE HINDI nakikinig si Mama kahit anong senyas o pakiusap ko. Mas lalong pang tumitindi ang boses niya habang patuloy ang kwento niya, kaya napilitan akong itaas nang bahagya ang tono ko. "Ma, tama na po, nakakahiya na po kay Architect," sabi ko, pilit na pinapakalma ang sarili kahit ramdam ko na rin ang pagkapahiya. Pinanlakihan ako ng mga mata ni Mama, halatang hindi natuwa sa ginawa ko. "Ano ka ba, Brielle? Nagsasabi ako ng totoo, 'wag mo akong sawayin!" Malakas ang boses niya, at dinuro pa niya ako sa noo. Mabilis akong napaurong sa ginawa niya, lalo na't ayaw niyang magpaawat sa sinasabi niya, tila ba mas lalong nagiinit ang Mama. Hindi ko na kaya ang nararamdaman kong kahihiyan. Lumapit ako kay Architect, na nagtitimpi lang na nanonood sa kilos ni Mama, a

