Chapter 5

2237 Words
"Ang sabi ko, malakas ka pala kumain." "Po? Hindi naman po, ginutom lang po siguro ako, Sir." "Mukha nga," parang nakakaloko nitong sagot sa kanya. Nainis si Bea sa paraan nang pagngiti ni Blue. Minabuti n'yang manahimik na lamang. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Blue ang nakita nitong pagkainis sa mga mukha ni Bea, nang sabihin n'yang malakas itong kumain. "One point," sa isip n'ya. At ngumiti pa s'ya ng nakakaloko para lalo itong mainis. Maya-maya'y nilinis na ni Bea ang baunan n'ya at kinainan. "Sir, mauuna na po ako sa inyo. Pupunta pa po kasi ako ng wash room," pagkuwan ay wika ni Bea at tumayo na. "May wash room sa office, Miss Alvarez," sagot ni Blue sa kanya. "Doon ka na gumamit," offer nito kay Bea. "Hindi po, Sir, okay lang po. Sa employee's wash room na lang po ako." "No, roon ka na lang sa office. Maraming empleyado rito sa building. Matatagalan ka kapag nakasabay mo ang bugso ng mga empleyado," giit ni Blue. "Sige po, Sir, salamat," matipid na lamang na tugon ni Bea. "Sabay na tayo umakyat, hintayin mo'ko." Ibinalik lamang ni Blue ang mga kinainan at sabay na silang naglakad pabalik papuntang opisina. Bigla na ang pagdagsa ng empleyado. Marami na silang nakakasalubong. Nauuna pala ng thirty minutes ang break time nila. Para siguro makaiwas sa mga empleyado. Mangilan-ngilan lang ang nakasabay nila kanina. "Ngayon ay sobrang dami pala! " wika ng isang bahagi sa isip ni Bea. Inaasahan na n'ya ito dahil alam na n'ya na marami empleyado ang company. Subalit na-amazed pa rin s'ya. Nanibago lang siguro s'ya. Sa dati kasi n'yang napasukan na trabaho ay minimal lang ang tao. Ang ibang employee ay nagmamadali sa pagtungo sa canteen. Ang iba naman ay kahit nagmamadali kapag nasilayan si Blue, bigla-bigla parang naglalakad na lamang sa buwan kung maglakad. Hanggang sa may mga nakapansin na sa kanya na kasabay n'yang naglalakad si Blue. Mga group of employees. "Hay, may kasama na si Sir," turan ng isang employee. Napakaganda naman n'ya, girlfriend n'ya siguro iyan," habang ang mga kasama nito ay nakatuon lahat sa kanya ang mga mata. "Malamang girl friend n'ya iyan, pipili ba ng pangit si Sir," wika ng isa. "Time na para magising kayo sa pantasya. Maging masaya na lang tayo kay Sir. Bagay na bagay nga sila eh, tingnan n'yo!" kilig na kilig na pahayag nito. "Nang marinig ni Bea ang pahayag ng isang employee ay hindi n'ya maiwasan na kiligin. Kakaibang saya ang naramdaman n'ya habang naglalakad ay para s'yang nangangarap nang gising. Kaya hindi n'ya napansin ang pababang isang baitang na hagdanan. Na-out of balance s'ya. Babagsak na s'ya nang may maagap na nakasalo sa kanya. Walang iba kundi si Blue. At sa pagkakasalo sa kanya ay nagdikit ang mga mukha nila. Napakurap-kurap ang mga mata n'ya. Langhap na langhap n'ya ang napakabangong masculine body nito. Hindi n'ya namalayang napapikit s'ya na tila naghihintay na tuluyan s'yang halikan ni Blue. Subalit Hindi ito nangyari. Itinayo s'ya ni Blue. Bea, boses na nagpagising sa pangangarap n'ya. Napahiya s'ya hindi lamang sa sarili, kay Blue, kundi sa lahat ng mga nakasaksi ng nangyari. Umayos s'ya ng tayo, kahit na ramdam n'yang parang hindi s'ya makakalakad ng pantay. Naipitan yata s'ya ng ugat. "Aray!" lihim na wika ni Bea sa sarili. Ramdam n'ya na masakit kasi may naipitan s'yang ugat. Titiisin n'ya ang sakit ng paa n'ya. Kailangan n'yang makalakad ng diretso. Napahiya na s'ya. "Mag-iingat ka sa paglalakad. Dapat maging aware ka sa mga daan dito," tila may concerned na pahayag ni Blue kay Bea na ` di namalayan na nakahawak na ang mga kamay n'ya sa braso ni Bea. "Okay ka lang ba?" ptuloy pa nito na parang walang mga nakamasid sa paligid na lumuhod ito at tangkang i-che-check ang paa n'ya. Subalit mabilis s'yang nagsalita at iniwas ang mga paa. "Okay lang po ako, Sir," pilit na kinakalma ni Bea ang boses. Nakakahiya pinagtitinginan na sila ng mga empleyado. "Sure ka?" hindi kumbinsido na tugon ni Blue habang nakatingala sa kanya. "Opo, Sir." "Okay, sige ikaw bahala, sure ka ha!" ulit nito. At tumayo na ito sa pagkakaluhod. "Opo, Sir." "Okay, sige." At nagpatuloy na sila sa paglakad. Nakakailang hakbang pa lamang s'ya ay hindi na n'ya kaya. Mabuti na lamang at sadyang tila umantabay si Blue sa kanya. "Sabi mo, okay ka lang? May okay bang ganyan?" Kitang-kita n'ya sa mga mata nito ang pag-aalala. "Halika nga!" Mabilis s'yang pinangko nito at hindi na n'ya nagawa pa'ng magprotesta. "Humawak ka sa'kin at huwag mo lang ako basta tingnan!" maawtoridad nitong utos sa kanya kaya wala s'yang nagawa kundi humawak dito. Tila nawala ang sakit ng paa ni Bea nang sandaling pangkuin s'ya ni Blue. Mas inaalala n'ya ang kabog ng puso lalo at sobrang lapit nila sa isa't-isa. Kinakabahan lalo s'ya na baka marinig nito ang kabog ng puso n'ya. Sa kabila ng kabang kanyang nadarama ay parang tila ayaw na n'yang matapos ang sandaling pangko s'ya ni Blue. Ang sarap-sarap sa pakiramdam na malapit sila sa isa't-isa. Ngunit lahat ay sadyang natatapos. Hindi n'ya namalayan na mabilis silang nakarating sa clinic ng kumpanya. Maingat s'yang inihiga ni Blue. "Check her now, Cindy!" maawtoridad nitong utos sa Company Nurse. At dali-dali naman na chi-nek s'ya ng nurse. Tinanong s'ya ng nurse, kung ano nangyari at sinabi nga ni Bea na natapilok s'ya. "Naipitan lang s'ya ng ugat, Sir, mild injury lang po ito," wika ng nurse matapos i-check ang paa n'ya. Habang nagpapaliwanag ang nurse ay kumuha ito ng yelo para gamitin as first aid. "Need lang ng massage at mahila ang ugat ng part na naipitan. "Ganoon ba? Mabuti naman kung ganoon, Cindy," tugon ni Blue sa nurse. "Thank you po!" lihim na sambit ni Blue sa taas at mataman na tumingin kay Bea. Si Bea naman ay nakayuko lang. Hindi n'ya kayang tumingin kay Blue. Nahihiya s'ya rito. Bakit ba s'ya natapilok nang ganoon? "Iyan kasi, nangangarap ka nang gising! Kaya iyan ang napala mo!" sisi ng isip n'ya. "Miss Alvarez," tawag pansin sa kanya ni Blue. "D'yan ka na muna. Marami pa akong dapat tapusin. Maiiwan na kita," diretsong wika nito sa kanya, Tumingin lamang s'ya rito at tumango. Tuluyan nang umurong ang dila n'ya dahil sa hiya na nadarama n'ya. First day of work n'ya palpak agad. Lumabas na ito ng clinic. Tila nanghina s'ya, nang mawala ito sa paningin n'ya. Na-miss n'ya ito agad kahit kakaalis lang nito. Bakit ganito ang nadarama n'ya? Ano ba talagang nangyayari? Samantala, habang naglalakad na pabalik ng opisina si Blue ay hindi n'ya maiwasan mainis sa sarili. Ang babaeng balak n'yang paghigantihan. Nang napansin n'yang babagsak ito ay kinakabahan na mabilis n'ya itong sinalo, natakot s'ya para rito. Nakita n'ya lang na nasaktan kanina ay labis-labis na ang kanyang pag-aalala. At kaninang sinalo n'ya ito at magkalapit ang mga labi nila... Gustong-gusto na n'ya itong halikan. Ang napakaperpektong labi nito na tila kaylambot at kaytamis. Kinailangan lang n'yang pigilan ang sarili. Hindi dapat. Tama na ang minsang sakit na nakamit n'ya mula rito. Hindi na n'ya hahayaan na masundan pa muli ito. Pagdating sa opisina n'ya ay nag-focus na s'ya sa mga naiwan n'yang gawain. Hindi na n'ya dapat pa na intindihin si Bea. Dahil ang Medical team ng Company na ang bahala rito. May in-charge na maghahatid sa tahanan nito sakaling hindi pa ito okay. Ang bag at lunch bag nito ay ipinahatid na rin n'ya sa clinic. Hinding-hindi n'ya ilalapit ang sarili rito. Sa clinic naman ay inip na inip na si Bea. Pakiramdam n'ya ay napakatagal ng oras. Umaasa pa rin s'ya sa pagbabalik ni Blue para kumustahin s'ya. Nami-miss n'ya ang presensya nito. Subalit lumipas ang dalawang oras na walang Blue na dumating. Nang coffee break na ay umasa s'yang muli. Subalit walang Blue na nagpakita. Iniisip nalang n'ya, siguro ay dahil marami itong kailangan gawin. Lalo at s'ya na Assistant nito na inaasahan nito na maging katuwang sa trabaho ay heto, nasa clinic . Dahil naipitan ng ugat. Bago mag-uwian, umasa s'ya na tatawagan s'ya ni Blue sa telepono sa clinic ngunit bigo s'ya. Hinatid s'ya ng Company mobile sa tahanan nila na walang Blue na nagpakita. Nang nasa harap ng bahay na ang company mobile ay dali-dali na lumabas ang kanyang Mama. Natawagan na n'ya ito kanina nang nasa clinic pa s'ya. Mababakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. "Anak, ano ba nangyari sa'yo," tanong ng Mama n'ya sa kanya habang nagtatangka itong tumulong na alalayan s'ya sa paglakad. Nang naipasok na s'ya sa loob ng bahay sa kanilang sala ay nagpasalamat ang kanyang Mama sa Medical team na naghatid sa kanya. Iuuwi sana s'yang naka-wheel-chair. Nang sa gayon ay hindi raw s'ya mahirapan na maglakad. Ngunit tumanggi s'ya. Lalo lamang mag-aalala ang Mama n'ya.Kaya naman n'yang ilakad ang paa, iika-ika nga lamang s'ya. "Okay lang po ako, Ma. Natapilok lang po ako kanina, kaya naipitan ako ng ugat." "Mild lang naman daw po. Okay na po ako. Konting massage na lang po at babalik na sa normal ang paa ko. Tinuruan po ako ng nurse kung paano ang pag-massage." "Ganoon ba? Mabuti naman at mild lang, Bea. Sa susunud mag-iingat ka sa paglalakad, lalo at `di mo pa kabisado ang bago mo na kompanya." "Ipaghahanda na lamang muna kita ng makakain mo. Dito ka na lamang sa sala kumain," wika ng Mama n'ya at tumungo na ito sa kusina. Pagbalik ng Mama n'ya ay may dala na nga itong pagkain para sa kanya. "Ubusin mo lahat ito, Bea, para agad ka gumaling." Ipinaghanda s'ya ng Mama n'ya ng tinolang manok na may maraming sayote at dahon ng malunggay, one cup of rice, saging, at orange. May kasama rin na gatas. At inubos n'ya lahat. Ibinuhos n'ya sa pagkain ang pagkabigo n'ya na pupuntahan s'ya muli ni Blue, bago sila mag-out. Habang kumakain s'ya ay tahimik s'yang pinagmamasdan ng Mama n'ya. Tila may kakaiba kasing lungkot sa mukha ng kanyang anak. At kakaiba ito ngayon. Base sa paraan ng pagkain nito. Tila wala ang isip sa pagkain. Basta subo lang ito ng subo. Hindi naman dating ganito ito. "Bakit kaya? May kinalaman kaya ang usaping puso rito?"sa isip ng Mama n'ya habang iiling-iling ito. "Tapos ka na, Bea? Ako na mag-massage sa paa mo," himig ng Mama n'ya ang tila nagpagising sa kanya. Sige lang kasi s'ya ng sige sa pagkain n'ya. Wala s'ya sa sarili. "Opo, Ma. Masarap pagkaluto ng tinola, napasarap kain ko, Ma," sagot n'ya sa Mama n'ya na nakangiti, para ikubli ang lungkot na hindi pa rin mawala sa mukha n'ya. "Ako na lang po mag-massage, Ma. Mas okay raw sabi ng nurse kapag ako mag-massage. Para raw matantya ko po `yong pakiramdam ng paa ko kung nag-i-improve." "Okay, sige, hatid na lamang kita sa kwarto mo para roon mo na i-massage. Para makapagpahinga ka na rin, Bea." At dahan-dahan na nga s'yang inalalayan ng Mama n'ya sa paglakad hanggang sa kanyang kwarto. Nang iwan na s'ya ng kanyang Mama ay tila nakaramdam s'ya ng sobrang pagod. Kahit sa clinic lang s'ya halos naglagi sa buong araw. Tila pata ang paa n'ya, walang anumang sakit na nararamdaman. Mas ramdam pa n'ya ang sakit ng puso kaysa ng paa n'ya. Labis s'yang umasa sa pagbabalik ni Blue sa clinic dahil kitang-kita n'ya sa mukha nito ang pag-aalala kaninang pangkuin s'ya nito. Pero bakit pagkatapos ay nawala lahat? Hindi na nga s'ya binalikan, hindi pa s'ya kinumusta. Asang-asa s'ya na concern si Blue sa kanya. Siguro nga, baka nagkakamali lamang s'ya ng sapantaha. Ganoon siguro talaga si Blue sa mga empleyado ng kumpanya nito. Kahit siguro kapag nagkataong sa iba nangyari ang tulad ng nangyari sa kanya ay ganoon din ang gagawin ni Blue. Bakit ba s'ya nagkakaganito? Umiibig ba s'ya kay Blue? Bakit mahalaga sa kanya kung ano ang mararamdaman ni Blue para sa kanya. Paulit-ulit na tanong n'ya sa sarili. Bago matulog ay minasahe n'ya ang kanan na paa. Sa paraan na itinuro ng nurse. Hindi n'ya tinigilan ang paa hangga't hindi naging maayos at bumalik ito sa normal. Kailangan n'yang pumasok bukas. Hindi pwedeng mag-absent. Kaya na n'yang pumasok sa trabaho. Hindi n'ya ugali ang mag-absent. Kung wala naman dahilan. Kinabukasan ay agad s'yang nagising at dumeretso sa banyo. Paglabas n'ya galing banyo ay naghihintay pala ang kanyang Mama sa labas ng banyo. Sa may tabi ng kusina. "Kumusta pakiramdam mo, Bea? Napakaaga mo naman na naligo. Huwag mo'ng sabihin na papasok ka pa? Pahinga ka muna!" Hindi pala ito pumasok sa trabaho. Marahil ay dahil sa may sakit s'ya. "Opo, Ma. Papasok ako sa trabaho, okay naman na po ako." "Ha?! Paano ka naging okay? May injury ka nga, tapos papasok ka sabi mo?" "Tumigil ka nga! Hindi ka muna papasok ngayon. Heto kumain ka na," wika ng Mama n'ya habang patungo na ito sa kusina para maghanda na ng kanilang almusal. "Okay na po ako, Ma. Minor injury lang po `yong nangyari kahapon." "Kaya naman ngayon ay okay na po ang paa ko. Tingnan n'yo po," wika n'ya habang tila modelo s'yang nagpalakad-lakad at umiikot sa kanilang kusina. Kailangan n'yang ipakita sa Mama n'ya na talagang wala na s'yang ano man na nararamdaman. Para payagan s'ya nitong umalis. Kilala n'ya ang Mama n'ya, siguradong hindi s'ya nito papayagan na umalis. Hindi s'ya magpapatinag dahil kagabi pa n'ya pinag-isipan nang mabuti na papasok s'ya lalo't okay na s'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD