Chapter 4

2339 Words
Minabuti na lamang ni Blue ang manahimik at kalmadong umupo sa swivel chair n'ya habang kunwari ay nakikinig sa mahabang litanya ng Ate n'ya. Ang hindi lang n'ya naiintindihan ay kung bakit sa dinami-dami ng tao sa Pilipinas ay si Bea pa ang nakuha ng Ate n'ya, para maging assistant n'ya. "Nagkataon lamang ba?" singit ng isang bahagi ng isip n'ya.  Ipinasya n'yang iwaksi sa isipan n'ya ang anumang duda. Hindi na n'ya nais pa na pag-aksayahan na isipin si Bea.  Sa wakas, natapos na ang mahabang salaysay ng Ate n'ya. Napansin siguro nito na hindi na s'ya nakikinig dito. Nakaupo na lamang ito habang pinagmamasdan s'ya. Napakunot ang noo n'ya, nang may makitang tila kakaibang ngiti sa labi nito at agad din nitong inalis. "So, okay ka na?" tanong nito sa kanya habang ang isang kilay nito ay nakataas. "Ano'ng okay?" sagot n'ya rito. "Bakit mo ba kasi ako binigyan ng assistant? Maayos naman lahat, wala naman problem. Kaya ko Ate! Ako pa ba!" nagmamalaki pa na wika ni Blue. "Kaya? hmmmp… andami mo nga naka-pending na trabaho!" "Hello! Tanggapin mo na lang kasi na tumatanda ka na kaya bumabagal na ang isip mo at lakas mo!" ngiting-ngiti ito habang sinasabi ang huling tinuran. "Mas matanda ka!" ganting tugon n'ya rito at sabay silang nagtawanan. Sa ganoon paraan, nawala na ang tensyon sa pagitan nila. Ganoon naman sila lagi kapag may hindi pagkakaunawaan. Sa huli magtatawanan sila.  Alam din kasi n'ya kung gaano s'ya kamahal ng Ate n'ya. Hindi s'ya nito matitiis at ganoon din naman s'ya sa Ate n'ya. Mahal n'ya rin ito. Noong mga bata pa kasi sila, sa tuwina ay laging sinasabi ng Mommy at Daddy nila na huwag mag-aaway. Lagi raw sila dapat na magkakampi ayon pa sa mga ito dahil sa huli, sila lang dalawa ang magtutulungan.  Lumaki sila na nagmamahalan bilang magkapatid. Paminsan-minsan may away pero hindi nagtatagal ay nagkakaayos din sila. Sa paglaki nila naging protected s'ya sa Ate n'ya. Walang basta makakalapit na lalaki sa Ate n'ya kaya halos lahat din ng manliligaw nito ay dumadaan sa  mga kamay n'ya. Puro  hanggang panliligaw lang din naman ang nagagawa ng mga ito sa Ate n'ya. Dahil sa huli wala naman sinasagot ang Ate n'ya, isang bagay na hindi n'ya naiintindihan sa Ate n'ya.  Tangi lang nitong sinasabi ay saka na raw ang pag-ibig. Sarili lang daw muna nito ang uunahin. Mahirap daw may boyfriend at baka raw matulad ito sa mga kaibigan, limited na lagi ang kilos.  "Kailangan lagi may consent sa boy friend, sa lahat ng gagawin," anito.  Hindi s'ya agree sa katwiran ng Ate n'ya dahil kung s'ya ang lalaki, tama lang na magpaalam ang isang nobya sa nobyo nito. Natural lang iyon. Kung mahal mo dapat ganoon talaga. Ganoon pa man, minabuti na lamang n'yang hindi na magkomento.  Nitong mga nakaraang araw ay natambakan nga s'ya ng trabaho. Marami s'yang pending. Pero hindi dahil hindi na n'ya kaya. Talagang  nagkasabay-sabay lamang kasi ang mga event ng mga kaibigan n'ya. Hindi s'ya makatanggi. Nasobrahan lang din ang pagsasaya n'ya, kasama ang mga kaibigan. Kaya naapektuhan ang trabaho n'ya.  Bagay na lingid sa kaalaman ng Ate n'ya kaya siguro kinuha s'ya ng Assistant. Mali nga lamang ang nakuha nito. Ipinasya na lamang n'yang pagbigyan ang Ate n'ya sa gusto nito. Wala naman na si Bea sa kanya. Para sa kanya ay ordinaryong babae na lamang si Bea, na katulad ng mga nakakasalamuha n'ya sa Company nila. At magiging kabilang na nga ito simula ngayon araw na ito. "Saan naman mag-o-opisina ang kinuha mo'ng assistant, Ate?" pagkuwan ay tanong n'ya rito. "Saan pa ba? E `di rito, sa office mo!" "Napakaluwang kaya neto ohhh! Kasya nga, kahit ako eh. Ayan, ano'ng ginagawa ng table na iyan?" Habang itinuturo nito ang tinutukoy. Doon kasi naka-pwesto ang Mommy nila noon. Assistant din dati ng Daddy nila ang kanilang Mommy.   Nang ipinamahala na sa kanya ng Daddy n'ya ang posisyon nito at opisina ay hindi na n'ya binago ang ayos. Wala naman kasi s'yang nakikitang mali. "Walang dapat ayusin dito," dugtong nito.  "Talagang nakasadya iyan para sa magiging assistant mo, kung sakali. Kaya siguro hindi na tinanggal ni Daddy iyan." "Okay, wala na 'kong sinabi," walang emosyon na tugon n'ya rito. "Alam na ba n'ya ang mga duties and responsibilities n'ya?" pagkuwan ay tanong n'ya kay Red. "Syempre naman," sagot nito habang nakangiti.  Masaya siguro ito dahil nanalo ito sa kanilang dalawa. Hindi na lamang n'ya pinansin ang ngiti nito. "Kailan s'ya magsisimula?" sa halip ay tanong n'ya. "Ngayon na syempre, my dear brother. Para mahabol mo mga pending mo." "Sige, papasukin mo na s'ya. Make sure lang na alam na n'ya gagawin n'ya." "Marami akong dapat gawin at wala akong time na turuan pa s'ya," diretso n'yang pahayag sa Ate n'ya. At nagkunwari na nagsimula na s'yang nagpatuloy sa trabaho n'ya. "Edi  inamin mo rin," anito pagkuwan. "Ang alin?" nakakunot ang noo n'yang tanong. "Na kailangan mo ng assistant," anito na ngiting-ngiti pa rin.  At agad na itong tumalikod at lumabas ng opisina Kaya hindi na n'ya nagawa pa na sagutin ito. Nagkibit balikat na lamang s'ya. Iiling-iling na kinuha n'ya ang mga papeles na dapat n'yang pirmahan pero wala doon ang isip n'ya. Mukha ni Bea ang pilit na sumisingit sa isipan n'ya. "That girl!" inis n'yang wika sa isip. Samantala, pagkalabas ni Red ay  hindi pa rin napapawi ang ngiti nito sa labi. Nang makita ni Bea ang paglabas ni Red mula sa opisina ni Blue ay agad s'yang tumayo. Lumapit naman si Red sa kanya. "Okay na," anito sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay n'ya.  "Pasok na tayo sa loob." At inakay na s'ya nito.  Tahimik lang s'ya na sumabay rito. Pagkapasok  nila ay abala si Blue sa mga papeles nito. "Blue," pagkuwan ay tawag ni Red sa kapatid nito.  Nag-angat ng tingin si Blue at muli ay  nagsalubong ang kanilang mga mata. Seryoso lang na tumingin ito sa kanya. "I want you to meet your New Assistant, Bea Alvarez,"  patuloy ni Red. "And, Bea," baling nito sa kanya. "Meet your boss, my brother, Blue De Mesa." "Please to meet you, Sir," ani Bea kay Blue at inilahad n'ya ang kamay n'ya rito.  Kahit kinakabahan at hindi n'ya inaasahan na sa ikalawang pagkakataon madarama n'ya ulit ang kakaibang spark sa paghahawak muli ng kanilang mga kamay.. "Please to meet you too, Bea." At tinanggap ni Blue ang mga kamay n'ya. Si Red ay tahimik na nag-observe. Sa isip n'ya,"Talagang nagkunwari na hindi magka-kilala. Okay choice n'yo iyan, bahala kayo!  Hehehe."   "So," putol ni Red sa dalawa pagkuwan..  Daan para pa-simpleng bawiin ni Bea ang mga kamay n'ya na hawak pa rin ni Blue "Bea, this is your table." Iginaya na s'ya nito papunta sa table n'ya. "Kayo na bahala rito ha. Kung may mga tanong ka, itanong mo na lamang kay Blue." "Okay, Miss Red, thank you," maikli n'yang tugon dito. "Sige, maiiwan ko na kayo," turan muli ni Red sa kanya. "Blue," tawag pansin n'ya sa kapatid.  "Ikaw na bahala rito." Atlumabas na nga si Red ng opisina. Samantala, hindi malaman ni Bea kung saan magsisimula. Nate-tense s'ya. Akala n'ya magagawa n'ya ang magpaka-propesyunal. Bagay na sanay na n'yang ginagawa. Marami na s'yang naka-trabaho pero minsan man ay hindi s'ya na-tense ng ganito. Kahit sa unang araw pa man ng kanyang trabaho. Ipinasya n'yang mag-ayos ng table at inayos ang mga folder sa shelf na malapit sa table n'ya. Inisa-isa n'yang tiningnan ang mga records at binay-order.  Si Blue naman sa kabilang banda ay hindi rin makapag-focus. Maya't maya n'yang lihim na pinagmamasdan si Bea. Sa isip n'ya lalong kuminang ang ganda nito. Simple make-up lamang ang ginamit nito sa mukha. Lipstick lamang yata at powder pero talagang hindi mo pagsasawaan na pagmasdan ito.  Ang bawat galaw nito ay nakakaakit at kaysarap pagmasdan. Sabi nga ng iba, Mukha pa lamang, ulam na! Isa lamang ang hindi nagbago rito. Bato pa rin ang puso nito at walang pakiramdam. Kung meron s'ya nito, dapat nang malaman nito na s'ya ang magiging boss nito ay dapat umatras na ito. Subalit nandito ito ngayon, walang anuman na nagtatrabaho. Ganoon ba talaga ito sa kanya. Wala lang. Lihim s'yang nasaktan.  "Hindi, hindi na n'ya ako pwedeng saktan muli, " aniya sa isip. "Hindi na nito mauulit ang ginawa nito sa kanya. Pwede pa siguro kung ako ang manakit sa kanya!  Oo, tama, bakit ba hindi ko agad naisip. Ito na siguro ang tamang pagkakataon para makaganti! Ipaparamdam ko sa kanya ang sakit na idinulot n'ya sa akin dati. Ibabalik ko sa kanya ang ginawa n'ya sa akin!"  Mabilis s'yang nag-isip, excited na s'yang gantihan ito at sakto oras na ng lunch. "Miss, Alvarez," tawag pansin n'ya rito. "Lunch time na, sumabay ka na sa'kin sa canteen para hindi ka na maligaw." "Okay po, Sir," tugon ni Bea dito.  Ayaw sana n'ya sumabay rito, subalit ito na ang nag-offer kaya sasabay na s'ya. Atleast  hindi na s'ya maghahanap kung nasaan ba ang canteen. Lumabas na si Blue at tahimik na sumunod si Bea sa likuran nito. Habang naglalakad ay lahat ng mga empleyado na nakakasalubong at nakakasabay nila sa hallway ay bumabati lahat kay Blue.  "Kilala s'ya ng lahat ng empleyado marahil," wika ni Bea sa isip. "Tinitingala s'ya ng lahat." At napansin din ni Bea na kapag mga babae na empleyado ang makakasalubong nito ay halata na kinikilig ang mga ito kay Blue. Kitang-kita sa mga ito ang pagkislap ng mga mata.  "Ganoon na ba talaga ang mga kababaihan ngayon? Hantaran na sa pagpapakita ng  feelings para sa mga lalaki? Wala na ba talagang tago-tago?" tanong muli ni Bea sa isip.  At ito naman na si Blue, tila nag-e-enjoy sa nakukuha nitong atensyon sa mga babae. Huli na nang maisip n'ya kung bakit ba s'ya nakikialam sa buhay nito? Nandito s'ya para magtrabaho, hindi para punahin ang mga kilos at paligid ni Blue. "Nagseselos ba s'ya?" Iwinaksi n'ya sa sistema ang huli n'yang naisip at nagpatuloy na sa paglakad kasunod si Blue.  Si Blue naman habang naglalakad ay ngiting-ngiti.  "See Bea? Ang binalewala mo noon at itinuring na basura, magpasa-hanggang ngayon ay tinitingala! Tapos ikaw? Ano ka ngayon? Iba ka talaga! Wala ka'ng katulad, nag-iisa ka! " wika sa isip ni Blue. Sa wakas ay nasa canteen na sila. Naghanap si Bea ng bakanteng mauupuan habang si Blue naman ay dumeretso sa counter at nagpila para bumili ng lunch. Kinuha n'ya ang baon sa lunch bag n'ya. Inayos ito pagkatapos at saglit na tumayo para maghanap ng counter kung saan nakalagay ang mga pinggan at baso na pwedeng hiramin ng mga empleyado na may sariling pagkain na baon. Nang makita ito ay kumuha s'ya.  Ang lalaking empleyado ng Canteen ay nakangiti na nagtanong sa kanya. "Ma'am, new employee here?" English pa na tanong kay Bea, akala siguro nito ay foreigner s'ya. "Opo, bago lang po ako dito, Kuya," sagot n'ya rito at ngumiti. "Ahhh okay, Pilipino ka pala, Miss. Akala ko kasi foreigner ka," saad nito habang nagkakamot ito ng ulo. "Hehehe, hindi Kuya, Pilipino rin po ako," aniya rito na nakangiti.  "Sige, Kuya, maiiwan na po kita, salamat po."  Naglakad na si Bea pabalik sa table na inukupa n'ya. "Okay sige, Miss,  salamat," pahabol na tugon na lamang nito. Sa counter ay kunot ang noo na nakatanaw si Blue kay Bea. Kitang-kita n'ya ang ngiti nito habang nakikipag-usap sa empleyado ng canteen. Nang nasa University sila ay hindi man lang n'ya nakitang ngumiti ito ng ganoon. Napaka-damot nito. Pero ngayon natanaw n'ya ang ibinigay nitong ngiti sa kanilang empleyado. Hindi rin nakaligtas sa mga mata n'ya ang paglapit ng isa pa na empleyado ng canteen. Kahit malayo s'ya, alam na n'ya ang pinag-usapan ng dalawa.  "Natanong mo ano'ng pangalan?" Nabasa n'yang wika ng lumapit. "Hindi eh," habang iiling-iling at kumakamot sa ulo, ang nakausap ni Bea. "Sayang, pare," nanghihinayang na wika ng lumapit sa nakausap ni Bea. "Sir?" tanong ng service crew sa counter kay Blue nang napansin nitong sa isang panig na Canteen nakatingin ito. "Okay, isang order ng caldereta, sigang, dalawang saging at dalawang pineapple juice in can."  Hindi n'ya namalayan na s'ya na pala ang nasa pila. Nagbayad na s'ya at dumeretso sa table kung saan umupo si Bea. Dire-diretso n'yang inilapag sa table ang tray ng pagkain at naupo pagkatapos. Kitang-kita n'ya sa mga mata ni Bea na nabigla ito na makiki-table s'ya rito pero hindi ito nagsalita. Inabot n'ya kay Bea ang isang saging at isang pineapple juice. "Salamat po, Sir," matipid lamang nitong tugon at nagpatuloy na ito sa pagkain. Kumain na s'ya. Habang kumakain si Blue, paminsan-minsan ay sinusulyapan n'ya si Bea. Mas maganda ito sa malapitan. Kahit na napaka-seryoso nito ay maganda pa rin ito. Lahat ng anggulo sa mukha nito ay wala kang maitatapon. Sayang nga lamang kasi hindi na sila pwede. Kaya naman hanggang tingin na lamang s'ya rito. Si Bea naman ay hindi talaga n'ya inaasahan na makiki-table sa kanya si Blue. Buong akala n'ya ay sinabay lamang s'ya nito sa Canteen para hindi maligaw. Nabigla man ay pinili na lamang n'yang huwag na magkomento. Isa pa boss n'ya ito. At hindi pa rin pala ito nagbabago. Mabait pa rin ito sa kanya. Ibinili s'ya ng saging at pineapple. Naalala n'ya ang sinabi nina Georgina at Carla noon."Ang swerte mo girl," wika ng dalawa  "Malamang, kung nandito ang dalawang iyon ay sasabihin na naman nila iyon sa'kin," wika ng isip n'ya.  Nate-tense man ay pinilit n'yang magpaka-kaswal, lalo na at napuna n'yang panay ang sulyap sa kanya ni Blue. Inubos n'ya ang baon. Isip n'ya baka kasi hingin na naman ni Blue. Natigilan s'ya nang maisip n'ya iyon. "Umaasa ba s'ya?" "Malakas ka pala kumain, Miss Alvarez," boses na nagpahinto sa pag-iisip n'ya. "Yes, Sir? May sinasabi po kayo?" tanong n'ya rito.  Hindi kasi n'ya gaano naintindihan dahil nasa kalagitnaan s'ya ng malalim na pag-iisip. Ewan ba n'ya, nasa harap lang naman n'ya ito pero hindi n'ya talaga narinig ang sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD