Chapter 3

1999 Words
Present  Kinabukasan, maaga s'yang naligo at nagbihis. Kailangan n'yang maging maaga lalo at first day n'ya. Habang naglalakad patungo sa office ni Blue De Mesa, hindi maiwasan ni Bea ang kabahan. Bago umalis ng bahay ni-relax na n'ya ang isipan. Tulad ng lagi n'yang ginagawa bago pa man sumabak sa ano pa man na interview o trabaho nire-rehearse na n'ya agad ang mga possible na isasagot n'ya. Sakaling may itanong ang mga kakaharapin n'yang boss. Kakatwa ngayon, tila hindi na babalik sa normal ang pakiramdam n'ya. Dumadagundong talaga sa lakas ang kaba n'ya. "No, no, no," wika n'ya sa sarili. "Hindi pwedeng ganito ako! Kailangan ko ng break... Need to go to wash room muna siguro. Anyways, I am thirty minutes earlier. May time pa ako to calm myself. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? "tanong na naman n'ya ulit  sa sarili,  habang iiling-iling  na naglakad. Nag-ikot-ikot muna s'ya nang sa wakas ay may makasalubong s'yang tingin naman n'ya ay isa rin sa empleyado ng naturang building at mukhang mabait naman. "Hmmmmm… Excuse me, Miss." "Yes po?" tanong ng babae na suddenly namangha sa ganda n'ya.. Bigla kasi itong may parang naalala na kamukha ng kaharap n'ya pero hindi n'ya maisip.  "Teka, sino na kasi?" anang isip nito. "Hmmmm, sino na kasi?" pilit umuukilkil pa rin sa utak n'ya pero hindi n'ya talaga maalala. "Hello!" habang wini-wave ni Bea, ang kamay n'ya sa girl.  "Miss?" "Ay!" Doon  pa lamang nakabawi ang babae.. napahiya sa sarili…  "Ahmmm, ano nga uli iyon, Miss?" "Sabi ko po, tanungin ko lang po sana, kung saan po makikita ang wash room?" "Ahmmm... okay, okay, pasensya na... hehehe." "Diretso ka lang, Miss, then may makikita ka na pakanto, kumanan ka lamang.Then, kaliwa ka makikita muna." "Ahmmm, okay sige, Miss. Thank you so much," sabi n'ya na nginitian ang babae. "Okay, your welcome," sagot ng babae at tumalikod na.  Pero nasa isip pa rin at tanong n'ya, "Saan ko na kasi s'ya nakita? Familiar talaga s'ya. Napakaganda n'ya... Hmmmmp," napahawak s'ya sa bibig bigla at tumingin sa paligid. "Ano ba iyan! Nato-tomboy na yata ako! Sa ganda ko na ito? Hmmmmp.. Never mind na nga!" at nagpatuloy na sa paglakad. "Hmmmm,  diretso, tapos kanto.. kakaliwa ... Hmmmm ... Here I am, okay… Thanks God, walang tao," wika n'ya sa isip n'ya.  Umupo muna sya sa cubicle. Then, tinapik-tapik n'ya ang magkabilang pisngi n'ya . "Gising, Bea, Gising!" kausap n'ya sa sarili. "Ano ba'ng nangyayari talaga? Eh ano naman kung magkikita kayo ulit? Tapos ano naman kung, Boss mo pa? Work is work. Walang personalan. Isa pa, matagal na iyon! Baka nga hindi ka na kilala  at nakalimutan ka na," wika ng isa pa na bahagi ng isip n'ya. "Bea, Gising na! Gising!" Ipinasya n'yang mag-breathing exercise. "Inhale, exhale, inhale, exhale. Hay!  Hirap ano ba! Teka, oo pala! bakit ko ba nakalimutan?" Hinanap n'ya sa bag  ang pampahid n'ya, sa tuwing inaatake ng kaba. Isang pahid lamang kasi n'ya sa may bahagi ng mukha n'ya malapit sa noo ay kumakalma s'ya. Then, kinuha na rin n'ya ang bottle of water then, ininom. "Iyan ! Okay na, wala na!" Ipinasya na n'yang tumayo at pinagpag ang sarili. Then, lumabas at nagsalamin. Inayos ng konti ang mukha.. Pinasadahan muna ang kabuuan n'ya sa salamin at nakailang ikot nang biglang natauhan. "Ano ba iyan! Ano ba'ng ginagawa ko? Bakit conscious yata ako sa sarili ko? Makalabas na nga!" Paglabas n'ya, okay na s'ya, fully charged na s'ya. Habang papunta sa elevator ay marami na s'yang nakakasalubong na mga empleyado. Ang ilan sa kanila `di maiwasan na sundan s'ya ng tingin. Hindi na rin naman bago sa kanya ang ganoong scene. Bukod sa pagkakaroon n'ya ng foreign beauty. Mayroon talaga s'yang kahawig na celebrity. Isang Latina. Ayon sa Mama n'ya napaglihian daw yata nito ang Latina Actress. Noon panahong ipinagbubuntis s'ya. Talagang hindi raw pinapalampas na panoorin ang telenovela nito. Minsan pa nga raw ay  dumating na galing trabaho ang Papa n'ya. Pero, ni kanin ay hindi nagawang magluto ng kanyang Mama dahil sa sobra nitong pagkahumaling sa palabas nito. Kaya magmula nga raw nang mangyari iyon palagi na lang daw may dala agad na lutong ulam ang Papa n'ya. Para kanin na lang ang iluluto ng Mama n'ya. Natutuwa s'ya sa isiping baka nga totoo. Pero baka hindi rin kasi likas na may lahing kastila ang Mama n'ya. Ang lolo ng Mama n'ya ay isang Kastila. At ngayon, sa kanyang henerasyon ay nangingibabaw ang dugo ng kanyang lolo.. Minsan naitanong n'ya sa Mama n'ya. "Baka naman po kasi kamag-anak natin s'ya, Ma?" Pero sagot ng Mama n'ya hindi raw. Halos parang pinagbiyak na bunga kasi sila at kulay lang ng mata ang pinagkaiba dahil black ang kanya na nakuha n'ya sa kanyang ama. Pagpasok n'ya sa elevator, same scenario. Ang ilan ay napapatingin sa kanya at para bang gusto na s'yang i-approach pero nagkasya na lang siguro sa pagtingin sa kanya at nahiya na mag-usisa. Pagkalabas n'ya sa elevator ay tumambad na sa kanya ang opisina. Pumasok s'ya at lumakad  patungo sa may front desk at nagtanong dito. "Hello, Good morning, I am Bea Alvarez," pakilala n'ya sa receptionist.  "I am looking to---." hindi na n'ya naituloy ang sasabihin dahil tila inaasahan na nito ang kanyang pagdating. "Okay, saglit lang, Miss Alvarez." Pinindot nito ang intercom at sinabi sa kausap, "Miss Red, nandito na po si Miss Alvarez." "Okay, sige papasukin mo," tugon naman ng nasa kabilang linya. "Sige raw, pasok ka na," anito sa kanya at ngumiti. Kumatok muna s'ya ng tatlong beses, bago  n'ya binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang napakaaliwalas yet girly look na opisina ni Miss Red. Nakayuko at may pinag-aaralan na papeles si Red nang datnan n'ya. "Good morning po, Miss Red," aniya. "Please sit down, Miss Alvarez," habang hindi tumitingin sa kanya. Matapos ang ilang saglit ay nagtaas ito ng mukha at ngumiti sa kanya. "So, are you ready, Miss Bea?" anito sa kanya.  Hindi n'ya mawari, subalit parang may nakita s'yang kakaibang kislap sa mga mata nito. At tila  may pilyong ngiti sa gilid ng mga labi nito.  Iwinaksi n'ya sa isip ang kanyang nakita at baka nagkakamali lamang s'ya. "Hmmmm, yes po, Miss Red," aniya.  Alanganin s'yang ngumiti sa kaharap dahil kahit mukhang friendly ito sa kanya, isa pa rin ito sa mga magiging boss n'ya. "So, let's go?" anito at tumayo na. Nagpatiuna ito habang lihim na nangingiti. "At last , magaganap na ang first step," anito sa sarili.  Kung anuman ang nasa isip nito ay ito lang ang nakakaalam. Sumunod lamang si Bea sa likod ni Red habang tahimik na nananalangin na sana maging okay ang lahat at hindi s'ya nagkamali na tanggapin ang trabaho. Bukod kasi sa malaki ang sweldo ay isa sa kilalang Company ang Three Colors. Base sa ginawa n'yang research tungkol sa naturang kompanya, kaya Three Colors ang ipinangalan ng may-ari dahil ang tatlong miyembro ng pamilya nito ay pawang kulay ang pangalan. Ang asawa nito ay may pangalan na Violet. Ang panganay naman na anak nito ay may pangalan na Red. At ang bunso nitong lalaki ay may pangalan naman na Blue. Ang dalawang anak nito ang siyang nakatakdang tagapagmana ng naturang kompanya sa tamang panahon.   Ayon sa article na kanyang nabasa, Lucky Charm daw ng Don ang kanyang pamilya dahil magmula nang naipanganak ang dalawa nilang mga anak at isunod sa kulay ang mga pangalan nito ay naging sunod-sunod ang swerteng pumasok sa buhay nito hanggang sa maitayo na nga nito ang sariling Kumpanya. At pinangalanan nga itong Three Colors. Ang Three Colors ay isang kumpanya na matatagpuan sa Clarkfield Angeles, Pampanga. Brand name ito ng isang clothing line. Pang-export na rin ito dahil umabot na sa ibang bansa. Unti-unti na itong nakikilala at tinatangkilik na rin ng mga ibang lahi. Dahil bukod sa talagang quality ng damit na inilalabas ay talaga namang  hindi ito nahuhuli, kung  Fashion ang pag-uusapan. Every year  nasasama na rin ang likha nila sa Modelling Nation kung saan ang mga likha nila ay irarampa ng mga naggagandahang mga modelo. Si Red ang s'yang nangangasiwa sa factory habang si Blue ay sa Finance at the same time ay s'ya ngayon ang kasalukuyang CEO ng Company. Napag-alaman din n'yang distributor din sila mga mismong mga materyales na ginagamit nila sa factory. Kaya overall, walang sayang na pera at sa company lahat ang pasok. Sa kabila ng lahat ay maganda ang patakaran at palakad ng mga De Mesa. Kompleto ang benipisyo ng mga empleyado. May mga incentives at bonus. Ang mga empleyado ay naisusuot mismo nila ang mga gawa at likha nila dahil kalahati ng tunay na halaga ay makukuha nila ang kahit alinmang mapili nilang disenyo ng kasootan. Mayroon pa silang sari-sariling Credit line worth 20,000 Kaya naman halos lahat ng suot ng mga empleyado ay tatak Three Colors. Tunay na kakaiba at maganda ang palakad ng kumpanya. Bagay na hinangaan n'ya kaya tinanggap n'ya ang offer ni Miss Red. Sa wakas nasa harap na nga sila ng opisina ni Blue. Dire-diretsong pumasok si Miss Red, kasunod s'ya. "Oh,  Ate what makes you-----." hindi naituloy ni Blue ang sasabihin. Napatda siya sa nakitang kasama ng Ate n'ya. Walang pagbabagong ganda, ang nakita n'ya. Pero, biglang umasim ang mukha n'ya, nang maalala ang nakaraan. Pumormal s'ya at ibinaling ang tingin sa Ate n'ya. Ang hindi n'ya alam  ay lihim s'yang pinagmamasdan ng kapatid at lahat ng emosyong lumabas sa mukha n'ya. Pati ang biglang tila pagkubli nito ng nadarama ay nakita nito. "What is it, Ate? And the lady behind?" tanong n'ya rito. "Ohhh, yes, Blue, I want you to meet your New Assistant, Bea Alva---." hindi na nito natapos ang sasabihin dahil pinutol agad ni Blue ang anumang gusto nitong sabihin. "Whatttt!" hindi napigilang sambulat ni Blue. Huli na, nang ma-realize n'yang nandoon si Bea. "I'm sorry, Miss. If you don't mind, I want to talk to my dear sister first. If you'll excuse us for a while," baling n'ya kay Bea. Tumango naman si Bea, bilang pagtugon at sinabing, "Okay, Sir. I just wait outside." Agad na s'yang lumabas. "Miss, daw?" tanong n'ya sa isip.  "Hindi na ba s'ya nakikilala ni Blue? Bakit `di man lang s'ya nito nginitian." Lihim na nasaktan ang puso n'ya ng hindi napapansin. "Hmmmmm..  Ano naman ang gusto mo na i-expect? I-welcome ka n'ya? Sa gandang lalaki noon, malamang na hindi ka na naaalala ! Dahil marami naging girlfriend iyon!" sabi pa ng isang bahagi ng isip n'ya.  Kaya naman nagkasya na lang s'ya  na maghintay sa couch sa labas ng opisina. Sa loob naman ng opisina nagtatalo na ang magkapatid. "Ate, ano `to? Kailan pa ako nanghingi ng Assistant? You know perfectly na I don't want any other people inside my office! I don't even need any helper in my job! I can manage all my duties by my own!" galit n'yang sabi kay Red.  "Who told you, na  I need and---." "Hep, Hep, hep," putol ni Red sa iba pa na sasabihin n'ya. "Wait." "Hoy, Thomas!" tawag n'ya rito sa tuwing nagagalit na kapag hindi na n'ya gusto ang tono ng kapatid dahil second name nito ang Thomas. Ang buo kasi nitong pangalan ay Blue Thomas De Mesa. At s'ya naman si Red Kristine De Mesa, halos hindi nagkakalayo ang edad nila. S'ya ngayon ay 31at si Blue ay 30. Halos kulang isang taon lang ang agwat ng edad nila.  "Baka nakalimutan mo na, Ate mo'ko!" sigaw rin n'ya rito. "And look at you, nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin? Bakit ba sobrang big deal yata sa'yo na kuhanan kita ng assistant?!" "Ano'ng meron? I just wanted to help you, galit ka pa!" Nataranta si Blue.. hindi n'ya namalayan na nasobrahan ang reaksyon n'ya. Napahiya s'ya sa loob n'ya, nag-over react nga s'ya. Bigla s'yang umayos bago pa makatunog si Red.  Kilala n'ya ito.. Daig pa ang detective minsan kung makapag-imbestiga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD