Chapter 2

2670 Words
Last day na n'ya ng pahinga. Bukas magkikita muli sila ni Blue. At halos araw-araw pa n'yang makakasama. Habang hindi pa dumarating ang bukas ay tahimik na binalikan ni Bea, kung paano n'ya nakilala si Blue De Mesa. Ang soon to be boss n'ya. 10 year's ago  Kasalukuyan s'yang kumakain sa Canteen ng University na pinapasukan n'ya. Wala s'yang kasama dahil parehong absent ang dalawa n'yang kaibigan na lagi n'yang kasama na kumakain tuwing break-time. Walang ano-ano'y bigla itong lumapit sa kanya. "Miss, pwedeng makiupo?" tanong nito.  Ang baritonong tinig nito ang nagpabilis sa pintig ng puso n'ya. Napakaganda kasi pakinggan dahil sobrang swabe at lalaking-lalaki ang dating. Nag-angat s'ya ng tingin upang sinuhin ang nagmamay-ari ng tinig. Nagtama ang mga mata nila... At doon, nakita n'ya ang ngiting hinding-hindi nanaising hindi suklian ng kahit sino na kalahi n'ya at hindi n'ya ibibilang ang sarili. Dahil sadyang nakakahalina sapagkat sa magkabila nitong pisngi ay may malalalim na biloy na sadyang lumilitaw kapag ngumiti ito. "Okay lang ba?" tanong nito.  Ngiting-ngiti pa rin at titig na titig sa kanya. "Okay lang, sige, wala naman akong kasama," nakayuko n'yang sinagot ang binata dahil naasiwa s'ya sa paraan ng pagtitig nito. Hindi n'ya kayang salubungin ang mga mata nito. "Okay, salamat," tugon nito. At umupo na ito sa kabilang dulo ng mesa na nakaharap sa kanya. Tahimik na kumain ito. Manaka-nakang tumitingin ito sa kanya dahil sa sulok ng mga mata nya'y pinagmamasdan n'ya ito. Pamilyar na kasi ito sa kanya. Campus crush ito.  Nagtataka lang s'ya kung bakit nag-iisa ito. Sa tuwina kasi lagi nitong kasama ang mga barkada nito. Kung hindi man ay kasama nito ang nobya. Bakit kaya ito nag-iisa? Hindi n'ya naiintindihan, parang tila nanginginig s'ya  habang hawak ang tinidor at kutsara. At parang bumilis ang pintig ng puso n'ya. Dahil doon hindi na lang n'ya tinuloy ang pagkain. Ibinaba n'ya ang mga kamay at ikinubli sa ilalim ng mesa… Maya-maya'y nagtanong ito sa kanya. Napansin siguro nito ang pagtigil n'ya sa pagkain. "Tapos kana?" "Oo, tapos na," matipid n'yang sagot. "Meron ka pa sa plato mo ohhh." "Ano kasi, ahhhhmmmm, naparami  ang pinabaon ni Mama. Marami na ako nakain... " "Nabusog ako," pagdadahilan n'ya rito. "Ganoon ba? okay!" at nagkibit balikat ito. "Okay lang ba kung sa'kin na lamang ang natira mo na food?" pagkuwan ay tanong nito. "Huh??" takang tanong niya. At napatingin s'ya rito dahil sa pagkabigla! Hindi n'ya inaasahan ang hihingi ito ng pagkain. Dahil higit na masarap ang in-order nitong pagkain para sa sarili kaysa kanya. Isa pa, sa estado ng buhay nito ay imposibleng kumain ito ng tira ng iba. "Sige na, please," pakiusap nito habang ang mga palad nito ay pinagdikit na tila nananalangin na pagbigyan n'ya ito. "Sayang naman kung itatapon mo lamang hindi ba? Andami nagugutom sa labas," dugtong nito. "Pero," tangi n'yang nasabi.  Wala kasi s'yang maapuhap na salitang isasagot dito. "Paano kung may sakit pala ako nang hindi mo alam tapos kakainin mo  tira ko? Nahawa ka kasi?" mahaba na lang n'yang paliwanag sa halip dahil hindi pa rin s'ya lubusang makapaniwala. "Okay lang naman iyon," tugon nito. "The more the marrier." sabay kindat pa nito sa kanya na nakangiti. Hindi n'ya alam kung biro ba iyon kaya nagpasya s'yang huwag na makipagtalo. "Sige, ikaw bahala." Tsaka n'ya inabot dito  ang plato n'ya at pati na rin ang kanyang baunan na may laman pa. "Salamat," hindi pa rin napapawi ang ngiti nito. "Ang sarap pala ng luto ng Mama mo," papuri nito sa pagkain. "Salamat," tipid n'yang wika rito. "Miss, ano nga pala pangalan mo?" "Hmmm, Bea, ang pangalan ko," sagot n'ya. "Ahmmm, okay nice meeting you, Bea! I like your name… Hmmmm, Bea, what? If you don't mind..I mean `yong Surname mo," pagkuwan ay patuloy nito. "Bea Alvarez," sagot n'ya na napilitan. "By the way,  I"m Blue Thomas De Mesa." Inilahad ang kamay nito sa kanya. "Hmmmmm," tikim nito habang  hinihintay nito na tanggapin n'ya ang kamay nito.  Sa kilos nito ay hindi maipagkakailang malakas ang self confidence nito. Hindi naman pala ito mukhang mayabang kapag malapitan. Friendly naman pala at gentleman. Alanganin s'yang tanggapin dahil feeling n'ya nanginginig pa rin ang mga kamay n'ya. Ipinasya n'yang abutin ang mga kamay nito para lang pala roon ay mabigla! Tila may boltahe ng kuryente na dumaloy sa sistema n'ya nang sandaling pagdaiti pa lamang ng kanilang mga palad. Kaya mabilis n'yang binawi ito. "Ahmmmm, okay na," tangi n'yang nasabi.  Para hindi ito makahalata sa naging epekto nito sa kanya. Naalarma s'yang bigla dahil hindi n'ya gusto ang pakiramdam n'ya.. Nagkunwari s'yang tumingin sa kanyang relo at sinabi na, " Sorry, maiiwan na kita, malapit na ang next class ko."  At dali-dali s'yang naglakad papunta sa next class n'ya kahit may mahaba pa s'yang oras para magpahinga sa break time. Mabilis ang mga hakbang na umalis s'ya. Kailangan n'yang agad makalayo. Nakalayo na s'ya nang magsalita ulit ito. "Ganoon  ba! Okay sige, salamat at ingat."  Kumaway na lamang ito habang sinusundan na lamang s'ya nito ng tingin. Sinulyapan n'ya ito saglit at muli nakita n'ya itong ngumiti sa kanya.. Hindi na n'ya ito binigyang pansin. Dumeretso na s'ya sa classroom n'ya. Kinabukasan, nasa gate pa lamang s'ya ng university ay laking gulat n'ya nang  bigla itong sumulpot sa harapan n'ya. "Hi! Good morning, Bea!" anito sabay ngiti. "Good morning din," tanging sabi n'ya. Tsaka dire-diretso na s'yang naglakad. Subalit, nakasunod ito at sinabayan s'ya sa paglakad. "Ahhhhmmmm… Bey," anitong nakangiti. Binigyan s'ya ng palayaw nito.  "Heto nga pala baunan mo," habang itinataas ang paper bag na pinaglagyan nito sa baunan n'ya.  "Hindi ko naalalang nawala sa isip ko na inihabol sa'yo dahil mukhang nagmamadali ka na. Bandang class out sinubukan kitang hintayin sa gate kaya lamang hindi na yata kita inabutan," patuloy nito habang sige pa rin ito sa pagsabay sa kanya. Sa pagkakalapit nila ay amoy na amoy n'ya ang napakasarap sa ilong nitong pabango. Hindi sinasadyang napasinghap s'ya.. Pumormal s'ya at hindi nagpahalata rito. Hindi s'ya tumigil sa paglakad, dire-diretso lang s'ya. Nakaangat pa rin ang kamay nito habang hawak ang paperbag. Kaya napilitan s'yang kunin ito at magpasalamat. "Thank you!" wika n'ya, sabay abot sa paperbag.  Tuloy pa rin ito sa pagsabay sa paglakad kaya napilitan s'yang tanungin ito. "May kailangan ka pa?" walang emosyon n'yang tanong dito.  Para maramdaman nitong hindi n'ya gusto ang ginagawa nitong pagsabay sa kanya. Sa kasamaang palad ay parang hindi ito apektado sa ipinakita n'yang disgusto.  "Wala na," ngumiti pa ito sa kanya.  "Sasabayan lang kita hanggang sa class n'yo..." Hindi na s'ya nakipagtalo dahil ayaw na n'yang magsalita pa. Habang naglalakad sila ng sabay ay napansin n'yang pinagtitinginan sila ng mga nakakakita na magkasama sila. Ang ilan ay nagbubulungan. Ang iba ay nagpaparinig at hindi nga nakaligtas sa pandinig n'ya ang sinabi ng isang grupo. "Ang swerte naman n'ya... S'ya na yata ang bagong nililigawan..." wika ng isa. "Oo nga!" saad naman ng isa pa. "Sabagay, maganda rin naman si girl. Nakita ko nga sila kahapon sa canteen... Nag-share pa sila ng pagkain." "Ouch, sabi ng puso ko…" wika naman ng isa. "Wala na talagang pag-asa!" anang isa pa. "Asa pa kayo!" dagdag pa ng isa.  "In your dreams! Maganda ang bago na girlfriend oh!" Kung sa ibang babae siguro nangyari ang magaganap ngayon, talagang malulubos ang kasiyahan dahil sa sadyang kilala sa unibersidad si Blue. Bukod sa gwapo na'y, mayaman din kasi ito. Hindi lingid sa kanya na maraming sadyang tagahanga ito.. Isa na rito ang classmate n'yang si Georgina. Isa na rin ito sa mga naging kaibigan n'ya. Naging malapit sila dahil sa kabila ng pagiging may kaya nito sa buhay ay nakita at naramdaman n'yang may puso ito. Naging close sila at kalaunay inamin nga nitong isa ito sa tagahanga ni Blue. Kasama rin sa tagahanga ni Blue si Carlito, also known as "Carla " sa classroom nila at sa lahat ng mga nakaka-close nito. Napaka-jolly kasi nito at friendly kaya siguro halos kilala s'ya ng lahat. Sakto lang ang level nito. Hindi mayaman,  hindi mahirap. Hindi lingid ang paghanga nito kay Blue dahil hantaran nitong isinisigaw ang paghanga rito...  Sa wakas nasa tapat na sila ng classroom n'ya at dire-diretso s'ya sa pagpasok. "Bye, Bey! See you again!" Hindi n'ya ito nilingon. Sa halip tinungo n'ya ang upuan na sadyang ini-reserve para sa kanya ng dalawa n'yang kaibigan. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Georgina at Carla ang paghatid sa kanya ni Blue. Pag-upo n'ya ay nanunudyong mga ngiti at mata ang sumalubong sa kanya. Nagpatay malisya s'ya at kunwari ay kinuha sa bag n'ya ang libro at binasa ito. "Ehem... wala ka man lang bang gustong i-share sa amin girl?" excited na tanong ni Carla, na  animo'y kiti-kiting kilig na kilig. "May nanalo na! Wala ng pag-asa!" Napahawak ito bigla sa bibig nito dahil napalakas ang boses nito.  Nilinga-linga nito ang mga classmate nila at nagpa-sorry. "Oo nga naman, Bea," sabad ni Georgina.  "Ano ang real score? Nanliligaw na ba?" curious din ito. "Nakasabay ko lang s'ya," aniyang nagkibit-balikat.  "Wala lang iyon! Ano ba kayo." "Wala lang iyon?" tanong ni Carla.  "May pa-see you, see you again pa na sinabi!" natitilihan ito. "Ewan ko doon," sagot n'ya. Magsasalita pa sana si Bea, nang dumating na ang English Professor nila. Natapos ang mga subject nila na hindi na nila naituloy ang pag-uusap. Sabay-sabay na silang nagtungo sa canteen para kumain. Si Georgina ay bumili muna ng makakain n'ya. Dahil tulad n'ya my sariling baon din si Carla.. Naayos na nila ang kanilang baon at sakto naman na dumating na si Georgina. Tulad ng dati may free dessert sila lagi mula rito. "Bea, para saan naman ang paper bag na iyan?" tanong ni Carla.  Nang mapansin nito ang paper bag na kanina n'ya pa hawak.  "Red na red tapos may puso pa. Kailan ka pa nahilig sa ganyang kulay at art?" Hindi n'ya kasi talaga hilig ang art at color Red.. At alam ito ni Carla at Georgina. Hindi n'ya agad napansin ang color at design kung hindi lamang sinabi ni Carla. "Ano ba laman n'yan?" tanong ni Georgina. "Ahhh, wala baunan," mabilis n'yang sagot. "Hahhhhh! dalawa baunan mo?" sabad naman ni Carla. "Hindi… Ibinalik lamang ni Blue itong isa," sagot n'ya. "Anooooo?" sabay na tanong ni Carla at Georgina na namamangha. "Ano ba! grabe kanina pa kayo ganyan!" sagot n'ya. "Eh bakit nga?" halos sabay pa rin na tanong ng dalawang kaibigan. "Ano'ng ibinalik?" pangungulit ni Carla.  Makikita sa mukha nito ang pagtataka at pagkamangha. "May hindi ka sinasabi sa amin, girl," dagdag naman ni Georgina na tila curious na. "Kasi kahapon," wika niya.  "Ganito kasi iyon… Sa canteen, mag-isa ako kumain, wala kayo hindi ba?" "Lumapit s'ya, nakiupo sa table ko." "Sige," sabi ko. "Hindi naman kasi sa'kin itong canteen tapos hindi ko kasi naubos ang  pinabaon ni Mama, kasi napasobra. Busog na ako eh. Tapos hiningi n'ya sa'kin. Sa kanya na lang daw kasi sayang. Kaya binigay ko na. Tapos nagmamadali kasi ako kahapon Kaya nakalimutan ko iyon baunan sa kanya. Kaya kanina binalik n'ya at tuloy nakisabay lang sa'kin kanina," mahaba n'yang paliwanag. Alam din n'yang kukulitin lang s'ya ng kukulitin ng dalawa kapag hindi n'ya sasagutin ang mga ito kaya sinabi n'ya na lahat.  Maliban sa naramdaman n'ya na hindi dapat. "Ah, ganoon ba?" sagot ng dalawa, tila hindi kumbinsido. "Mayaman iyon eh. Bakit hihingi at kakain ng tira?" patuloy ni Carla.  Nang may pumasok sa isip nito na idea ay pilyong napangiti ito.  "Hmmmmmp .. Ang sweet n'ya pala!" kilig na kilig ito. "Ang swerte mo, girl! Down to earth din pala sya!" Walang reaksyon na tiningnan n'ya ito. Hindi n'ya hahayaan ang sarili na maapektuhan sa kilig moments nito. "S'ya lang?" dugtong ni Georgina. "Oo, s'ya lang," sagot naman n'ya. "Pwedeng makita ang paper bag?" sabad ni Carla. "Ano ka ba!" saway ni Georgina kay Carla at siniko ito. Pinaikot-ikot lamang ni Carla ang eye ball nito bilang tugon sa pagsaway ni Georgina. "Oh." Baling n'ya kay Carla, sabay abot n'ya ng paper bag dito.  Para wala ng mahabang usapan. Dahil gusto na n'yang tuldukan ang tungkol kay Blue. Agad-agad naman na kinuha ni Carla ang paper bag. Excited na kasi ito kanina pa na makita ang laman. May pakiramdam itong may ibang laman ang paper bag at hindi ito nagkamali. Nagtitili ito sa kilig. "Sabi ko na nga ba!" sambulat nito.  "May something!" pakendeng-kendeng na lumapit ito sa kanya . Si Georgina ay tumayo agad at lumapit na rin sa kanya. Ipinakita  ni Carla ang laman ng paper bag sa kanya. Walang anumang sinilip n'ya iyon at natulala s'ya. May laman na isang tangkay ng Rosas na may naka-attach na letter at isang maliit na box na chocolate. "Oh, ano?" wika ni Carla.  "I told you," habang ang mga mata nito ay nakatuon sa kanyang tila nag-aakusa.. Si Georgina naman, nakapamaywang sa harap n'ya at tila hinihintay ano man ang sasabihin n'ya. "Hindi ko alam na may ibang laman ang paper bag na iyan!" walang anumang wika n'ya.  "Sige, sa inyo na lamang iyan. Kunin ko na lamang ang baunan ko." Hindi s'ya magpapakita sa mga ito ng anumang damdamin na gusto nilang makita mula sa kanya. "Hay!" wika ni Georgina.  "Sawa ako sa chocolate. Sa'yo na lang Carla." "Hindi! no no no," tugon ni Carla kay Georgina.  "Gusto ko man para souviner galing kay Blue... Kaya lamang hindi naman sa'kin binigay. Tatanggapin ko lang iyan kung sa'kin binigay." "Hmmmp," nakahalukipkip n'yang turan sa mga kaibigan.  "Bahala kayo, kung ayaw n'yo! Ibibigay ko na lang sa iba natin classmate!" "Hay grabe ka, Bea!"namamanghang sabi ni Carla.  "Are you out of your mind? Hello! kay Blue galing iyan! Maraming nangangarap sa paligid mo na mapansin n'yanand yet ikaw girl na binigyan pa ng chocolate at flower. Ipamimigay mo lang? Dagukan mo nga iyan George!" baling nito kay Georgina.  "Baka sakali magising sa katotohanan." "Oo nga naman, girl," wika ni Georgina.  "Alam mo, napakaswerte mo. Pangarap ko iyan. Kung ako binigyan ng ganyan ni Blue, buong puso ko na tatanggapin at sasagutin ko s'ya agad! Wala ng ligawan," kinikilig din itong hindi mawari. "Sabi n'yo nga hindi ba? kung kayo?!" aniya.  "Kaso, hindi ako, kayo, kaya hindi tayo pareho. Iba kayo, iba ako!" aniyang hindi na maalis ang pagkairita. Napansin ng mga kaibigan n'ya ang pagkairita n'ya kaya ipinasya nilang huwag na muna magsalita. Tahimik na nagsimula na silang kumain.. Nang matapos ay tahimik pa rin ang dalawa n'yang kaibigan kaya nakonsensya s'ya. Kaya naman nagpasya s'yang humingi ng pasensya sa mga ito. "Sorry," aniya sa mga kaibigan. Nagkatinginan sina Georgina at Carla na animo'y  nagkaka-intindihan sa isang bagay. Kahit sa pamamagitan ng mga mata lamang ng mga ito. "Your forgiven," halos sabay pa magsalita ang dalawa. "Sorry rin, kung makulit kami. Kinikilig lang kasi kami para sa'yo," dagdag ni Carla. "Oo nga, kaya sorry, girl," saad naman ni Georgina. "Okay lang sige, salamat," tanging tugon naman n'ya. At niyakap na lamang ang mga ito. Natapos ang araw niya at nakauwi na. Pagdating sa bahay ay nadatnan n'yang nagluluto pa ang Mama n'ya. "Mano po, Ma," wika n'ya at nagmano. "Kaawaan ka ng Mahal na Ama, anak. Sige, anak, magpalit ka na muna ng damit mo. Malapit na kumulo ito, kakain na tayo." "Sige po, Ma," tugon n'ya sa Mama n'ya at nagtungo na sa kanyang silid. Ipinatong n'ya ang paper bag sa side table ng kanyang higaan at wala sa loob na kinuha n'ya ang Rosas at sinamyo. Maya-maya'y naisip n'yang basahin ang sulat na nakatali sa Rosas. Nilalaman ng sulat : Dearest Bey,           Thank you sa food, nabusog ako. Hopefully matikman ko muli ang luto ng Mama mo.            Take care,                                                                                                   Love,                                                  Blue                                                Napahawak s'ya bigla sa dibdib n'ya habang hawak ang sulat. Kumabog muli ito. "Love?" wala sa loob n'yang ulit sa ginamit ni Blue na complementary close.  "Bakit may muli? Hindi pwede!" tanggi ng isip n'ya.  Ibinalik n'ya sa loob ng paper bag ang sulat kasama ang Rosas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD