Chapter 1

1726 Words
Bea Alvarez Abala na inaayos ni Bea ang mga papeles ng mga natapos n'yang i-audit sa kanyang private office nang tumawag sa intercom ang kanyang boss, si Andrea Anderson. "Hello, Bea, can we talk? Please go to my office, now na," anito sa kanya. "Okay yes, Ma'am," sagot n'ya rito. Nagtataka s'ya dahil napakaseryoso nito. May mali kaya sa mga reports na ipinasa n'ya rito kaninang umaga? Hindi naman siguro kase lagi n'yang dino-double check lahat bago ito ipasa sa kanya. Itinabi muna n'ya ang mga susunod n'yang report at pumunta na agad sa office nito. Kumatok muna s'ya bago pumasok. "Good morning, Ma'am," aniya rito na nakangiti. Abala ito sa mga papeles subalit pagpasok n'ya ay agad na itinabi ang mga ito. "Please, sit down," turan nito sa kanya. Mataman s'ya nitong tinitingnan. Tila tinatantya s'ya nito. "Ma'am, may problem po ba sa mga  report ko?" tanong agad s'ya rito. Kahit sa loob n'ya alam n'yang wala. Sinisiguro kasi n'ya na laging maayos at tama ang mga ipinapasa n'yang reports dito. Mahal n'ya ang trabaho at ayaw n'ya na may masabi ang boss n'ya sa kanya. "Wala naman, Bea," maikling tugon nito.  Subalit may pakiramdam s'yang may seryosong dahilan kung bakit s'ya pinapunta sa office nito. "Bea, you know naman siguro how I admire you when it comes to work.. All in all, wala akong masasabi dahil alam ko kung gaano ka ka-dedicated sa trabaho mo. But my cousin from America is coming na and as a family legacy, kailangan na n'ya makuha ang position mo," mahaba nitong paliwanag. "Ma'am, tinatanggal n'yo na po ba ako, sa trabaho ko?" malungkot niyang tanong dito. Hindi n'ya inaasahan na bigla-bigla mawawalan s'ya ng trabaho. "I'm sorry, Bea," malungkot din nitong tugon sa kanya. "Kung ako lang sana masusunod ayaw ko na tanggalin ka. Kaso kailangan lamang talaga. But don't worry lahat ng benifits mo, ibibigay ko lahat. Pati separation pay. And aside from that, hindi ka naman literally mawawalan ng trabaho," anito sa kanya na nakangiti na. "Ano po ibig n'yo sabihin, Maam?" naguguluhan niyang tanong dito. Sa isip niya, kanina tatanggalin na s'ya nito. Tapos ngayon naman, sasabihin n'yang hindi naman s'ya mawawalan ng trabaho. Ano ba talaga? "Actually, ni-recommend kita sa friend ko. Bale sinabi ko sa kanya ang situation ko. Nanghihinayang kasi talaga ako sa'yo. And sakto kailangan nila ng accountant. Kesa humanap pa sila ng iba  tapos tuturuan pa. I suggest na ikaw na lamang ang kunin sa position. Magaling ka and professional, mabilis matuto. Lahat ng hanap nila nasa iyo na hindi ba? Pero, depende pa rin iyon sa'yo Bea, kung tatanggapin mo." "Ganoon  po ba?" wala s'yang maapuhap na sasabihin.  Biglaan kasi ang mga pangyayayari. Bukas makalawa agad-agad pala iba na magiging boss n'ya. Kung sakaling tanggapin n'ya iyong inaalok nito. Natutuwa s'ya sa isiping pinapahalagahan s'ya ng boss. Hinanapan agad siya ng mapapasukan. Kaya lamang ay maninibago na naman s'ya. Ano naman kayang katangian mayroon ang susunod n'yang boss na paglilingkuran? "Bea?" pukaw nito sa kanya. Napalalim ang  pag-iisip n'ya. "Sorry po, Ma'am, pasensya na po," nahiya n'yang tugon dito. "I understand, I'm sorry rin sa sitwasyon. Tatanggapin mo ba, Bea?" "Opo, sige po, Ma'am." Ipinasya na n'yang tanggapin dahil nakakahiya naman sa boss n'ya. Tinulungan na s'ya nito, kaya sino ba s'ya para tanggihan ito? Isa pa, pabor na sa kanya, hindi na s'ya maha-hassle maghanap ng malilipatan na trabaho. "Okay, sige. Be ready tomorrow, pupunta rito ang friend ko.  Para ma-introduce na rin kita sa kanya personally. For now, let us work again," wika nito at ngumiti sa kanya. "Okay po, Ma'am, thank you po," tugon niya at lumabas na.  Natapos ang maghapon n'ya na halos lutang ang isip n'ya. Kung anu-ano ang mga pumapasok sa isip n'ya. At nang makauwi sya'y malungkot pa rin s'ya. Siguro, dahil sa napamahal na  sa kanya ang trabaho n'ya. At isa pa naging napakabuti sa kanya ng boss n'ya. Nagmano muna s'ya sa Ina at nagpaalam na magbibihis lang muna saglit ng pambahay. Pagbaba n'ya ay naghahanda na ang kanyang Ina ng pagkain. "Oh, Bea, maupo ka na r'yan ako na bahala sa paghahanda ng pagkain natin. Mukhang pagod ka yata? Mukhang may problema ka," tila napansin ng kanyang Mama ang pagkabalisa n'ya. "Ma, lilipat na'ko ng trabaho," agad n'yang wika rito, tutal malalaman din naman nito. "Hah? teka lang," nagtatakang wika nito. Bakit naman, anak? Nag-resign ka ba? Tinanggal ka ba nila? Bakit?" walang prenong tanong ng Mama n'ya. Nag-aalala marahil sa kanya. Lalo at alam nitong mahal n'ya ang trabaho. "Nilipat lang ako, Ma, hindi naman ako tinanggal. Magbabago lang ako ng boss," diretso n'yang sagot dito para hindi na ito mag-alala sa kanya. "Ganoon ba? Bakit ka nilipat? Saan ka nilipat? Baka malayo naman, hindi katulad sa dati dalawang sakay ka lang," mababakas sa mukha nito ang pag-aalala. At  bigla n'yang naalala na hindi n'ya pala naitanong sa boss. Kung saan s'ya lilipat at kung sino ang magiging boss n'ya. Anong sasabihin n'ya sa Mama n'ya? Nawala sa isip n'ya kanina na itanong. Ano ba 'yan?! "Doon lamang din sa malapit, Ma, okay naman daw roon. Kaibigan ng boss ko ang may-ari," tugon n'ya rito para `di na ito  mag-usisa at mag-alala. "Ah okay, kung ganoon naman pala ay mabuti. Mag-iingat ka na lamang lagi anak." "Opo, Ma," maikli n'yang tugon. Pagkatapos kumain ay agad s'ya dumeretso sa kwarto n'ya. Magre-rehearse s'ya ng mga possible na itanong sa kanya ng susunod n'yang boss kung sakali man na i-interview s'ya nito.  Nakatulugan n'ya ang pagre-rehearse. Nagising na lamang s'ya sa alarm ng kanyang orasan.  Araw-araw sa paggising n'ya ay may nakahanda na s'yang almusal. Naka-ready na ang kanyang baon. Pinagluluto s'ya ng kanyang Mama, bago ito umalis papuntang trabaho nito. Nagta-trabaho ito bilang isang tindera ng RTW sa bayan. Matagal na n'ya itong pinapatigil sa trabaho at sinabihang sa bahay na lamang mamalagi. Ngunit mapilit ito. Maiinip lamang daw ito sa bahay. Sa trabaho raw nalilibang  ito. Walong oras lang naman daw ang trabaho. Kaya naman maaga rin ito nakakauwi sa kanilang tahanan. Atleast, `di na raw nila problema ang pagkain. Dahil may sweldo ito, katwiran pa nito. Bayarin na  lamang sa kuryente at tubig ang hinihingi ng Mama n'ya sa kanya.  Kaya ang sweldo n'ya halos  sa ipon n'ya sa account sa bangko napupunta. Kumain na s'ya at naligo. Nag-ayos at lumakad na. Nilalakad na lamang n'ya ang papunta sa sakayan ng jeep. Hangga't kaya n'ya magtipid ay nagtitipid s'ya. Habang naglalakad papunta sa terminal ay tulad pa rin sa dati na madalas mangyari.  Ang mga nakakasalubong  sa daan ay napapatingin. Kung hindi naman ay lilingunin s'ya. Pati sa mga nakakasakay n'ya sa jeep. Hindi kasi talaga ordinaryo ang beauty n'ya. Mukha s'yang Latina. Nasanay na s'ya na sa twina talagang napagkakamalan s'yang foreigner. Nakarating s'ya sa Company nila at dumeretso pa rin sa kanyang opisina. Tatapusin n'ya ang mga gawain n'ya. Hihintayin na lamang n'ya na tawagin s'ya uli ng boss n'ya.  Pagkalipas lamang ng  isang oras, tumawag na ang boss n'ya.  "Bea, please come to my office. Narito na ang friend ko," deretsong wika nito at ibinaba na nito ang telepono. Inayos na n'ya ang kanyang sarili at agad tinungo ang office ng kanyang boss. Kumatok muna s'ya ng tatlong beses bago pumasok. "Hello po, Maam, good morning!" nakangiti n'yang bati sa boss n'ya. May isang babae na nakaharap sa boss n'ya na marahil ay ang tinutukoy nitong kaibigan nito. Nang magsalita s'ya, humarap ito sa kanya. Napakaganda nito, mukhang sophisticated pero may napakaamong mukha. "Good morning din po, Maam," baling n'ya rito. Nginitian s'ya nito at pinaupo. Parang pamilyar sa kanya ito. Pero, hindi n'ya alam kung saan nakita ito. "By the way, Bea, meet your new boss. My friend, Red De Mesa," pakilala ng boss n'ya sa babae.  Pagkarinig  n'ya sa pangalan ay namangha s'ya rito. Kilala n'ya ito! Lingid sa kanyang kaalaman ay naobserbahan s'ya ng babae. "Hello, Bea," pagbati nito sa kanya ng nakangiti. "Nice meeting you!" habang inilahad nito sa kanya ang mga palad.  Napaka-friendly nito at parang magaan na katrabaho. "Thank you Lord!"  lihim n'yang pasasalamat sa taas. Mukhang mabait naman pala ang susunod n'yang boss. "Thank you po, Ma'am." Inabot n'ya ang mga kamay nito ng nakangiti. "So, are you ready?" patuloy ng babae at `di pa rin inaalis ang pagkakangiti sa mga labi. "I guess pwede na tayong mag-start by  next week," habang mataman s'ya nitong tinitingnan. "Andrea, what do you think?" baling nito sa kanyang boss. "Well, it's up to her kung kailan n'ya gusto mag-start, Red," tugon nito. "Anyways, sabi ko naman sa'yo assets si Bea. Walang magiging problem sa Company n'yo, kapag s'ya ang kinuha n'yo." "Oh, I see. So, Bea, okay ka ba next week?" "Okay po, Maam, sige po," tugon n'ya rito. "So, that's it! ok na!" "By the way, Bea, let me tell you first, actually hindi ako ang totally makakatrabaho mo. Ang brother ko actually, si Blue De Mesa," anito at mataman s'yang tiningnan. Ninerbyos s'ya pagkabanggit sa pangalan ni Blue. Hindi s'ya nagpahalata, nagkunwari s'yang nakikinig lamang dito. Kaya nagpatuloy na ito sa pagsasalita. "Bale ikaw ang magiging personal assistant n'ya. And this is my calling card in case may mga tanong ka pa." "Okay po, Maam, salamat po," matipid n'yang sagot. "Miss Red na lang, Bea, ang itawag mo sa'kin. Mas gusto ko iyon," turan nito na nakangiti pa rin. "Okay po, Miss Red," matipid n'yang sagot.  Parang napipi s'ya magmula nang malaman n'yang si Blue ang magiging boss n'ya at hindi si Miss Red. Hindi naman na  s'ya pwedeng umatras. Kailangan n'yang maging professional.  Natapos ang kanilang pag-uusap at pinatapos na lamang ng boss n'yang si Andrea ang huling report n'ya. At okay na raw, kahit hindi na s'ya pumasok. Para makapag-prepare  sa bago n'yang trabaho. Lahat ng mga benifits n'ya ay totoong ibinigay sa kanya nito. Niyakap s'ya nito bago nagpaalam sa kanya. "Salamat, Bea, sa lahat," wika nito at naiiyak. "Hehehe, pasensya na iyakin ako. Anyway one time mapapasyalan din kita. Good luck!" "Salamat din po, Ma'am, sa pagtitiwala at patuloy na pagtitiwala."  Hindi n'ya napigilang umiyak at niyakap ang kanyang boss.  "Pasensya na rin po kayo," habang pinapahid ang luha n'ya.  "Hehehe, mas iyakin po yata ako sa inyo," at sabay silang nagtawanan.  "Mami-miss ko po kayo, Ma'am," aniya. "Ako rin." At nagyakap sila muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD