Biglang bumukas ang pinto ng office habang kasalukuyan na busy si Bea sa pagtipa sa computer. Awtomatikong napatingin s'ya sa pinto nang marinig n'ya ang tinig ng babae. Napatda s'ya sa kinauupuan at hindi na n'ya nagawang alisin ang mga mata sa babae. Napahawak s'ya sa bibig n'ya. Ang babae ay dire-diretso na tumungo kay Blue. Kumandong pa ito kay Blue nang paharap! Habang tila sawang ipinulupot ang kamay nito kay Blue. Habang sinisibasib nito ng halik si Blue. Nahalayan s'ya sa nakita kaya kunwari ay may kinuha s'ya sa drawer ng mesa n'ya at pabagsak n'yang isinara ito upang makalikha s'ya ng ingay. Doon pa lamang huminto ang dalawa sa paghahalikan. Tumingin ang babae sa pinanggalingan ng ingay. Kumunot ang noo nito pagkakita sa kanya at ibinalik ang tingin kay Blue. Hindi kasi nito

