Ipinasya ni Blue na paunahin si Bea ng ilan minuto, bago s'ya lumabas ng opisina. Kaya lamang may tila magneto ang sariling paa n'ya. Kusa s'yang lumabas. Kaya si Bea ay ilan hakbang lamang ang layo mula sa kanya. Dahil nakasunod s'ya rito ay malaya n'yang napagmasdan ang likod nito. Nakasuot ito ng terno na blouse at skirt na kulay peach. Above the knee lamang ang skirt na may maliit na slit sa gitnang bahagi nito. Hapit na hapit ang terno nito sa katawan nitong tila perpektong nililok ng isang magaling na iskultor. Hindi n'ya napigilan ang mapatingin sa kurba ng balakang nito na tila sobrang seksing nadadala ng paglakad nito. Ang mga dibdib nito ay sakto lamang ang laki. Disente lamang tingnan ang kasootan nito pero kaakit-akit sa kanyang paningin. Napalunok s'ya nang sumagi sa isipa

