Kabanata 5

1386 Words
ABALA ang lahat para sa opening ceremony ng Foundation Day lalo na ang Music Club at Orchestra na magiging finale performance. Evangeline will be leading the National Anthem. Kaya naman kahit nasa dressing room at ihinahanda ang kanyang sarili ay paulit-ulit niyang kinakanta nang mahina ang Lupang Hinirang. She cleared her throat as she put on some blush. Panay rin ang tingin niya sa kanyang phone. Sabi ng Mommy niya ay darating ang mga ito ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring reply ni isa sa mga magulang niya. Her phone vibrated. Kaagad niya iyong dinampot dahil akala niya ay galing na sa parents niya ang chat, ngunit nang makita ang laman ng ipinadalang mensahe ni Vina ay bumagsak lamang ang mga balikat niya. Linel posted some stolen photos of her during their date last Saturday. May caption pa itong, "luluhod palagi para sa'yo". Bumuntonghininga siya at padabog na inilapag ang phone. "God, Linel. When will you make my life easy?" she whispered to herself. She suddenly remembered her date with Linel. It wasn't actually as bad as she expected. Kung hindi lang nga niya paiiralin ang pride niya ay masasabi niyang nag-enjoy din naman siya. Linel seemed smart. Kahit hindi nito tingnan ang pangalan ng mga hayop na nakita nila roon lalo na ang mga isda ay kabisado nito ang Scientific names. She's actually attracted to smart people. Maybe that's why she's friends with Raiah and Vina, and why she developed a crush towards Linus. Todo lamang ngayon ang suway niya sa sarili na magkagusto kay Linel, kahit na alam na niyang hindi naman pala ito kasing tanga gaya ng iniisip niya. "Ae," tawag ni Raiah sa kanya. Suot na nito ang uniporme ng club kung saan sila kabilang. Ang Science Club. She smiled. "Nakita mo na ba sina Mommy sa theater?" Umiling ito. "Hindi nga, eh." Binuksan nito ang bag at kinuha roon ang bottled water na hindi malamig ang lamang tubig. "Oh. Walang hindi malamig kanina kaya siniguro ko munang mawawala ang lamig bago ko ibigay sa'yo." Ae's heart warmed. The things Raiah does for her makes her realize that she really has a good friend on her side. "Thank you." Hinagod niya ang kanyang dibdib. "Sakto kailangan kong uminom. Kinakabahan ako." "Kaya mo 'yan. Basta kahit hindi dumating sina Tita at Tito, tingin ka lang sa amin ni Vina." Tumingin ito sa suot na wrist watch. "Una na ako, ah? Hahanapin ko pa si Vina. Baka kasama na naman ng jowa niya 'yon." Tumango siya. "See you later. Salamat ulit sa tubig." Kumaway na lamang ito sa kanya saka na lumabas para hagilapin si Vina. Binuksan naman ni Ae ang bote ng tubig at uminom nang kaunti. She calmed herself and then waited for the program to start. Nang tawagin siya ng student council member ay tumayo na siya't nagtungo sa back stage. "Ikaw muna and then susundan ka ng opening prayer," timbre ng student council student na kaklase ni Linel. Tumango na lamang siya't humugot ng malalim na hininga. She finds it funny how their foundation day is celebrated two months before the graduation. Nevertheless, this week-long celebration is actually one of the most awaited by the students of SJ High. Ang school grounds ay buhay na buhay dahil sa mga palamuti at pakulo ng bawat clubs at private organizations. Nakita niya pa ang club nina Linus kanina. Aktibong namimigay ng pamphlets at mga succulents. Of course, naroon din si Micah bilang isa sa official photographers ng school publication. Sumilip siya sa kurtina't sinubukang hanapin ang mga magulang niya, ngunit mukhang isa na naman ang event na ito sa napakaraming school affairs na hindi talaga pag-aaksayahan ng mga magulang niya ng oras. Napailing na lamang siya. Dapat sanay na siya, hindi ba? Palagi namang napapako ang pangako ng mga ito sa kanya. She shut her eyes and took in deep breaths to shoo away the heaviness in her chest. Maya-maya'y tuluyang tinawag ang kanyang pangalan. Lumabas siya at pumwesto sa gitna ng stage kung saan nakalagay ang mikropono, ngunit bago pa nagsimulang tumugtog ang SJ Orchestra ay nahagip ng kanyang mga mata si Linel. Her eyes opened widely when she saw what he and his friends were holding. It was freaking banner for her with her face on it! Muntik nang matampal ni Ae ang kanyang noo dala ng kunsumisyon. Ano ba ang akala nito sa gagawin niyang pag-awit ng Lupang Hinirang? Audition sa The Voice o X Factor? Diyos ko, gusto tuloy niyang sigawan ang grupo nito at bumaba roon upang sabunutan ang magaling na si Linel! She tried to ignore him as much as she could so she wouldn't lose her focus. Ngunit maya-maya'y bigla itong sumigaw habang tahimik ang lahat. "Go, baby! You can do it! Show our nation some love!" he proudly said. Tumayo pa nga talaga! Nagtawanan ang lahat habang ang mga guro at principal ay napailing na lamang dahil sa sinabi ni Linel. Namula tuloy ang mukha ni Evangeline sa sobrang hiya. Pinaningkitan niya ng mga mata si Linel ngunit ang may pag-flying kiss pang nalalaman ang magaling! Nagngitngit ang mga ngipin ni Evangeline. Sandali niyang nakalimutang may mikropono nga pala sa kanyang harap kaya nang bumulong siya dala ng matinding inis kay Linel ay nadinig ng lahat ng tao sa hall ang kanyang sinabi. "Naku, punyeta ka talagang assuming na lalake ka. Hintayin mo kong matapos kumanta ng Lupang Hinirang kakaladkarin kita patungong Luneta at ipaparanas ko sayo kung paano napatay si Jose Rizal." Malutong na nagtawanan ang mga tao kaya biglang natauhan si Evangeline. Her face turned completely red and she almost lost her composure. Binalot siya ng matinding hiya. Napayuko siya ngunit maya-maya'y nadinig niya ang pamilyar na tinig na sinigawan ang mga tao. "Hey, shut up! My baby's losing her focus! Kapag hindi 'yan nakakanta ng maayos ng Bayang Magiliw, lulunurin ko kayo sa Manila Bay!" Napairap si Evangeline kasabay ng kanyang pagbuntonghininga. "Tanga talaga. Siya nga itong dahilan bakit ako nawawala sa focus. Lupang Hinirang 'yon, bobo ang sarap mong ibalik sa sinapupunan ng nanay mo!" asik niya, muling nakalimutang nakatapat ang bibig niya sa mikropono. Nagtawanang muli ang mga tao nang marinig ang kanyang sinabi kaya naman wala nang nagawa ang mga guro kung hindi makialam. Even the student's council members had to help just to shush the crowd. Sinabihan na rin si Linel na kung mag-iingay ay sisipain palabas ng hall. Nang muli nang tumahimik ang lahat ay sinenyasan na ng kanilang club president ang orchestra master. The musicians started playing the National Anthem and Evangeline did her best not to glance at Linel's direction. She sang the National Anthem with all her heart just like how they practiced. Halos mapabuga siya ng hangin nang matapos niya ang kanta na hindi siya pumipiyok o nalalagutan ng hininga kahit ang orihinal na tempo ang tinugtog ng orchestra. Tahimik lamang ang lahat hanggang sa natapos ang pag-awi ng Lupang Hinirang. Maya-maya ay biglang tumayo si Linel sa upuan nito at pinaputok ang baong confetti. "Hell yeah, that's my baby!" he proudly cheered. Kinalabit pa nito ang mga katabing estudyante. "Pumalakpak kayo, mga tanga ang galing ng girlfriend ko. f*****g ungrateful fellow countrymen. Hindi isinulat ni Rizal ang Lupang Hinirang para lang hindi niyo palakpakan pagkatapos kantahin." Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ni Ae dala ng matinding kunsumisyon. Naningkit ang kanyang mga mata, at dala ng sobrang galit kay Linel ay kinuha niya ang mikropono at sinigawan ito. "Stupid! Hindi si Jose Rizal ang nagsulat ng Lupang Hinirang and you're not supposed to clap your hands, f*****g dumb ass!" Everyone gasped, but Linel just smirked and raised his hand as if telling everyone that everything is fine. "Pagpasensyahan niyo na kung mainit ang ulo. My girlfriend is usually not in the mood when she doesn't get kisses from me." Tumingin itong muli sa kanya. "Kita tayo sa backstage, baby. I'll give you all the kisses you need. Laplap pa kung gusto mo." Malutong na nagtawanan ang mga estudyante habang na-stress nang husto ang buong faculty. Halos tumakbo naman si Evangeline patungo sa direksyon ni Linel nang mabugbog na ito nang tuluyan dahil sa kahihiyang ibinibigay nito sa kanya ngayon. Lintik na Linel Elmont Shault talaga ito! She swears she'd drown him in Manila Ocean Park on their next date!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD