Kabanata 6

1444 Words
ILANG araw nang hindi pinapansin ni Ae si Linel dahil sa kahihiyang ibinigay nito sa kanya noong opening day ng kanilang foundation day. Panay ang pagpapapansin nito sa kanya't paghingi ng tawad ngunit iniirapan lamang niya ito. "I-try natin 'yong corndog doon, oh!" suhestyon ni Raiah habang itinuturo ang isa sa mga booth na nakahilera sa kanilang school grounds. "Wala na akong pera," sagot ni Vina. Ae smile. "It's fine? Libre ko na kayo." Both of her friends got into SJ because of their scholarship grants. Kaya naiintindihan niyang kung minsan ay talagang kinakapos ang mga ito lalo na si Vina. Vina's family are struggling financially. Ganoon din naman si Raiah ngunit hindi gaya ni Vina, nag-iisang anak lamang si Raiah tulad niya. On the other hand, Vina has several siblings whom she's expected to support financially once she gets a job. Nagpasalamat ang dalawa saka na sumama sa kanya patungo roon sa booth na itinuturo ni Raiah. Alam niyang may pera pa si Raiah ngunit hindi na niya ito hinayaang bayaran ang sariling pagkain. Ae opened her pink wallet containing several bills. Sa sulok ng mata niya ay napansin niyang tinitigan iyon ni Vina habang mariing magkalapat ang mga labi. She took a blue bill and then gave it to the student selling corndog. Nagpadagdag na rin siya ng drinks at fries para sa kanilang tatlo. "Ang laki naman ng corndog n'yo," ani Raiah habang nakatitig sa corndog na nilalagyan na ngayon ng mustard at ketchup. "Parang hindi kasya sa bibig ko." "Pagkasyahin mo, gaga," ani Vina saka tumawa. Tila iba ang nasa isip kaya kinurot ni Ae sa tagiliran. Humagikgik lamang ito saka na kinuha ang sariling pagkain. They went to the track field and sat on the bleachers. Habang kumakain ay napatanaw si Ae sa pamilyar na bulto. She waved at Linus. Ngumiti naman ito at lumapit sa kanilang pwesto. "Hi, girls," bati nito bago naupo sa kanyang tabi. "Ano 'yan?" usyoso niya sa buhat nito. "Ah, product ng club namin." "Pabili kami," sagot niya. Linus smiled then handed three packs of what he's selling. "My treat." Nginitian niya ito pabalik. Maya-maya ay humugot siya ng hininga't nilingon ang pamilyar na pwesto. "Naaalala mo ba no'ng may bumastos sa akin during the sportsfest two years ago? Binugbog mo sila kaya ibinilad ka sa araw. Nabasag pa ang salamin mo pero hindi man lang sila nakasuntok sa'yo kasi ang galing-galing mong makipaglaban." Alanganing ngumiti si Linus bago ito tumikhim. Umiwas din ito ng tingin kasabay ng pagtuwid nito ng upo. "Uhm, y-yeah. You . . . you fed me, right? Kahit bawal." Ngumiti siya't tumango rito bilang tugon. Ironically, Linel started showing interest to her since that day. Ang sabi ni Raiah ay baka natuwa raw ito sa kanya dahil pinakain niya at pinainom si Linus kahit tirik na tirik ang araw. Linus clicked his tongue. "By the way, have you seen Linel?" Umiling siya ngunit maya-maya ay natanaw niya si Linel na naglalakad palapit sa kanilang pwesto. Matalim ang titig nito kay Linus habang nakaigting ang panga. Tila ba pinagseselosan ang kakambal. "Speaking of the devil," Ae murmured before she glared at Linel. Linus sighed before he stood up. Sinalubong nito ang kapatid. Nag-usap ang mga ito nang magpang-abot. Linel kept on throwing her glances as if they were talking about her. Inirapan na lamang niya ito saka siya ulit kumagat sa kanyang pagkain. "Kapag hindi nakasalamin si Linus saka kapag hindi niya inayos ang pagkakabutones ng uniform niya, mapagkakamalan mo siyang si Linel," puna ni Raiah habang hawak ang stick ng corndog nito. "But Linel has a particular vibe though. It's easy to spot who's Linel and who's Linus," she said. "But if they will copy each other, it's gonna be hard to tell which is which," dagdag ni Raiah bago tila nai-stress na tinitigan ang corndog. "Hindi kasya sa bibig ko. Nakakainis." "Lakihan mo kasi ang buka ng bibig mo," ani Vina kay Raiah. Napapailing na lamang si Ae sa dalawang kaibigan. Nang makitang papalapit na sa kanyang pwesto si Linel ay ibinaba niya ang corndog saka siya sumimangot. Gusto na sana niyang yayain ang mga kaibigan niyang umalis ngunit tinabihan na siya ni Linel. May dinukot din ito sa bulsa saka iyon ipinakita sa kanya. She sighed then looked at her friends. Mukhang nakuha naman ng dalawa ang nais niyang sabihin kaya dinampot ng mga ito ang kanya-kanyang inumin saka sila iniwanan. She narrowed her eyes on him as soon as Vina and Raiah left. "Hindi mo ko madadaan sa pa-tsokolate mo, Linel." Nagkamot ito ng batok bago bumuntonghininga. "I'm sorry. I was really unreasonable during the opening ceremony." His eyes soften as if he's sincere with his apology. "I won't do stuff like that again. I will avoid every single thing that will make you upset. Just please stop ignoring me." Nalunok ni Ae ang sarili niyang laway nang maapektuhan siya ng lambing at ekspresyong nakapinta sa mukha ni Linel. Iniwasan niya ang tingin nito saka siya bumuntonghininga. "Mas matanda ka sa'kin pero ako pa ang nangungunsumi sa'yo," asik niya. "I'll do better, Evangeline." Hinawakan nito ang kanyang tuhod. "I won't cause you anymore trouble." Tinaasan niya ito ng kilay. "At kapag binigyan mo pa ulit ako ng problema?" Linel sighed. "Titigilan na kita." She glared at him. "Mabuti naman," mataray niyang sagot bago siya kumagat sa kanyang corndog. Bahagyang kumurba ang mga labi ni Linel. Maya-maya ay pinunasan nito ang sulok ng kanyang mga labi gamit ang hinlalaki. Ae was caught off-guard. Natitigan niya ang asul na mga mata nito nang hindi niya sinasadya. She got lost for a few moments as if Linel's eyes have never been this mesmerizing. Napatitig tuloy siya rito nang matagal habang tila may kakaibang kapayapaang bumalot sa kanyang puso. "Hi, Linel!" agaw ni Tyra sa kanilang atensyon. Kaagad na napaayos ng upo si Ae. Her cheeks burned as she looked at Tyra's direction. Inirapan naman siya nito saka ito kumaway kay Linel. She sighed. "Bakit hindi na lang si Tyra ang gawin mong girlfriend, Linel? Iyan, siguradong hindi kayang magalit sa'yo." Linel grunted. Maya-maya ay inirapan nito si Tyra. "It's you whom I want." "Baka naman gusto mo lang ako dahil ayoko sa'yo? Maybe it's the chase that makes you want me?" Umismid ito. "Even if our feelings become miraculously mutual, baby I'd still be on my knees for you." Nagwala ang mga paru-paro sa tiyan ni Ae dahil sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. She really hates it when her body reacts this way because of Linel. Para kasing niloloko niya ang sarili niya! Umiling-iling siya. "It's hard to like you back. I'm sorry." "Because you think I'm a good-for-nothing?" he asked. She pursed her lips and nodded. "Y-Yes." Linel smirked. "Magtitino ako para sa'yo." "Hindi dapat para sa akin, Linel. Magtino ka kasi gusto mong ayusin ang buhay mo." "Right, right. Magtitino ako kasi gusto kong ayusin ang buhay ko nang hindi nakakahiyang maging asawa mo someday." "Here we go again, Linel," she said under her breath. Linel let out a delicious chuckle. Maya-maya ay tinitigan siya nito habang may kurba pa rin sa labi. She lifted a brow. "What?" Linel shook his head while staring at her. "Nothing. I just can't believe I'd ever fall for someone this hard." Muling uminit ang pisngi ni Evangeline. She looked away to dodge his gaze but Linel held her by her chin and made her turn her head towards him again. Tila nagsusumamo na ngayon ang mga mata nito habang hawak siya sa kanyang baba. It was as if he's so desperate to make her realize that he's serious about his feelings for her. "I have something to show you," he said. Nalunok ni Ae ang bara sa kanyang lalamunan. "W-What is it?" Linel smiled before he stood up. Nang makatindig ay inialok nito ang palad sa kanya. "Come with me." She was hesitant at first. Ngunit aywan ba niya kung bakit ibinigay niya pa rin ang kamay niya kay Linel. It was as if her body wanted to trust him this time no matter how much she loathes him. Linel brought her to the locker area. Binuksan nito ang sariling locker saka may kinuha roong bungkos ng mga bulaklak. No, it's not just a bouquet of flowers. The flowers were origamis of what seems to be a bunch of letters. "I made it for you," he said as he handed her the bouquet. Tumambol ang puso ni Ae nang tanggapin niya ang ibinibigay nito. "A-Ano 'tong . . . mga bulaklak? Saan gawa?" Linel flashed a half smile before he sighed. "My journal entries about you . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD