Ae's father didn't come home yesterday. Nagcha-chat at tumatawag siya sa ama ngunit hindi man lamang siya nito sinasagot.
Her mother, on the other hand, acted cold for the rest of the night. Pagsapit ng umaga ay ipinaghanda siya nito ng makakakain saka ito nagbigay ng pera sa kanya.
Ae put her glass of milk on the table. "Mommy, may allowance pa po ako."
"That's for your taxi fare. You will have to take a cab from now on," malamig nitong sagot.
Magtatanong sana siya kung bakit niya kailangang mag-taxi kung uuwi rin naman ang daddy niya pagkalipas ng ilang araw. Ngunit bago niya pa nagawa ay narinig na nila ang tunog ng doorbell.
"I'll get it. Tapusin mo na ang almusal mo," anang kanyang mommy nang akma sana siyang tatayo upang tingnan kung sino ang dumating.
Ae had no choice but to listen to her mother. Maya-maya ay bumalik ito kasama ang isang dalagang may bitbit na lumang travel bag. The woman looks like in her early twenty's. Naka-clam ang may kahabaang buhok at ang katawan ay may kapayatan.
"This is my daughter, Evangeline. Ae, ito si Deydey. Inirekumenda siya ng tiyahin mo sa probinsya. She's gonna be our help around here," pakilala ng mommy niya sa dalaga.
Napakunot ng noo si Ae. "Kumuha ka na ng kasambahay, Mommy? Why? I thought you like maintaining the house on your own?"
Kahit kasi gaano ka-busy ang mommy niya ay gusto nitong ito ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Iyon daw ang stress-reliever nito. Sometimes she thinks it's her mother's way, too to avoid the awkward silence between her and her dad.
"I got promoted at work. Magiging busy na ako dahil kailangan ko nang magdoble kayod."
Lalong nalukot ang noo ni Ae. "Why? Malaki naman ang sahod ni daddy, mommy."
She saw anger and pain flickered in her mother's eyes. Imbes na sagutin siya ay humarap itong muli sa dalagang nagngangalang Deydey. "Halika ka at ipaliliwanag ko sa'yo ang lahat ng kailangan mong gawin dito sa bahay. Ae, finish your food and go to school."
Bumagsak na lamang ang mga balikat ni Ae nang tuluyan siyang iwan ng dalawa sa dining area. She sighed and was about to finish her food when her phone vibrated because of the chat she received from Linel. Na-unblock niya na ito sa kanyang social media accounts mula noong una nilang date. Somehow, she's slowly becoming comfortable responding to his chats.
Linel Elmont Shault: Pumasok ka na?
Ae pursed her lips as she typed a reply to him.
Evangeline Sobrepena: Hindi pa. Magta-taxi ako ngayon. Wala ang daddy ko.
Linel immediately replied.
Linel Elmont Shault: Can I pick you up instead? Dala ko kotse ko ngayon.
Sandali siyang nag-isip kung papayag siya ngunit sa huli ay natagpuan na lamang niya ang sariling umu-oo sa alok nito.
Naglakad siya palabas ng village kung saan nakaparada ang kotse ni Linel. He's leaning against the metallic blue BMW car when she saw him. Nakasuot ito ng itim na v-neck shirt at denim jeans. Seryoso ang ekspresyon nito ngunit nang makita siya ay biglang umaliwalas ang mukha.
Ae swallowed her own saliva as she approached him. Sinalubong naman siya nito saka nito kinuha ang bitbit niyang tote bag.
"Let's go," he said before he walked towards the shotgun seat and opened the door for her.
Ae pursed her lips as the butterflies in her stomach started to go crazy over Linel's unexpected chivalry. May kakayahan naman pala itong maging maginoo. Bakit ngayon niya lang iyon nakita?
She went inside the car and waited for him to get in. Nang makapasok ito ay kaagad siyang pinagmasdan na tila tinitingnan nito kung namamaga na naman ang mga mata niya.
"Your dad didn't come home?" he asked with a hint of concern.
She sighed. "Hindi. Ayaw rin sagutin ang calls at chats ko."
"Maybe he's just busy. Hayaan mo na muna," ani Linel.
Tumango na lamang si Ae saka niya isinuot ang seatbelt. Mabuti na lamang at hindi na nagtanong pa si Linel habang nasa byahe sila patungo ng SJ. Ayaw rin muna kasi niyang mapag-usapan ang sitwasyon ng pamilya niya.
"I'll see you later," ani Linel nang makababa sila ng sasakyan.
"T-Thanks for the ride," she said. Nahihiya itong tingnan.
Linel smirked then pinched her cheek. "I'll give you a ride home later."
"Hindi na--"
"I insist." He checked his watch. "Tara na. Kailangan ko pang tulungan sina Linus."
Tumango na lamang siya bago sila naghiwalay ng daan. She went to her friends and helped with their booth. Kahit paano ay naaliw siya sa mga activity ng eskwelahan ngayon. Malapit kasi ang booth nila sa jail booth at wedding booth kaya napanonood nila ang mga estudyanteng idinadala roon.
"Himala? Hindi ka pinakukuha ni Linel ngayon para mapakasalan sa wedding booth?" puna ni Vina habang pinanonood nila sina Linus at Micah na nasa wedding booth.
"Subukan niya at uupakan ko siya," sagot niya bago ibinalik ang tingin sa pekeng ikinakasal.
Surprisingly, she didn't feel jealous while watching Micah and Linus' fake wedding. Dati ay halos mamatay siya sa inggit ngunit ngayon ay parang wala na lamang sa kanya. Did her feelings for Linus fade already?
"Evangeline, kailangan ka naming hulihin," anang isa sa seniors na lumapit sa kanilang booth.
Kumunot ang noo niya. "Sinong nagpapakulong sa'kin?"
"Si Tyra," sagot nito.
Muntik nang magngitngit ang mga ngipin ni Ae. Ang babaeng iyon talaga!
She had no choice but to come with them. Nang maipasok siya sa jail booth ay sinilip pa siya ni Tyra kasama ang mga kaibigan nito.
"Paano ba 'yan? No bail ang jail booth ngayong taon?"
Tyra and her friends laughed. Natigil lamang ang pagtawa ng mga ito nang lumapit sa jail booth ang pamilyar na bulto. Looks like someone informed Linel that she was jailed. Hindi tuloy maipinta ang mukha ni Linel ngayon habang masamang nakatitig kina Tyra.
"Uhm, hi Linel. Would you like to go to--"
"Shut the f**k up and leave Evangeline alone. Mauubos na ang pasensya ko sa'yo," galit na putol ni Linel sa sinasabi ni Tyra.
Dahil napahiya ay inirapan ni Tyra si Ae bago ito nag-walk out kasama ang mga kaibigan. Bumuntonghininga naman si Linel bago ito tumingin kay Fine na nasa likuran nito.
"Fine, pay the fee and get me arrested," utos nito sa kaibigan.
Ngumisi si Finegan saka nito dinukot ang wallet para bayaran ang mga namamahala sa jail booth. Napaawang naman ang mga labi ni Ae nang papasukin na sa loob ng jail booth si Linel.
"May activity kayong mga senior mamaya, Linel. What are you doing?" salubong ang mga kilay niyang tanong.
Linel moistened his lower lip. "I can't let you stay here on your own. Pabayaan mo ang activity namin."
Sumimangot siya. "Mainit dito."
"Don't care, baby." Nilingon nito ang lalakeng kasama nilang nakakulong. "Iiiwas mo ba 'yang mga mata mo sa kakatitig sa girlfriend ko o dudukutin ko 'yan?" asik nito.
She sighed. "Linel . . ."
Bumuntonghininga ito. "Okay, I'll behave. I'm sorry."
Inirapan niya ito. "Kailangan ka nila ngayon sa booth ninyo. Hindi mo dapat ginawa 'to. Sayang ang oras mo kung maghapon kang makukulong dito kasama ko."
He smirked then pinched her cheek. "I told you, baby." Dinukot nito ang tsokolate sa bulsa't ipinakita iyon sa kanya habang nakatitig ito sa kanyang mga mata. "You will always be my top priority."
Ae's heart pounded in a way she didn't expect it would ever beat for Linel, and as she doesn't know if she's liking it or not.
Tahimik siyang nagpakawala ng hangin. Looks like she's really slowly having a change of heart about this man .