Evangeline could no longer look at her mother the same way. Kapag nagkakasalubong sila sa bahay ay halos siya na ang umiiwas. Madalas ding parang ayaw na niyang umuwi dahil pakiramdam niya ay nasasakal siya sa loob ng bahay nila.
If it wasn't for their new maid, she would probably just spend the entire time FaceTiming Linel just so she wouldn't cry.
Ae put down her hair brush then looked at the screen of her phone. "Bababa na ako for breakfast," aniya kay Linel.
Tumango ito. "I'll wait for you at the same spot," sagot nito bago nagsuot ng polo.
Ae ended their videocall. Ibinulsa niya ang kanyang phone saka niya dinampot ang mga gamit niya para makababa na. Her mom wasn't around when she went to the kitchen for her breakfast. Tanging si Deydey lamang ang naroon at matamis siyang nginitian.
"Good morning, Ma'am Ae. Maagang umalis ang mommy mo. Nagbilin siya na hindi siya makakauwi ng tatlong araw kaya tayo lang dalawa rito hanggang sa Linggo. May request ka bang ulam?" tanong nito habang sinasalinan ng fresh milk ang baso niya.
Umiling lamang siya't sinimulan nang kainin ang ihinanda nitong almusal. Wala siyang ganang pag-usapan ang mommy niya. Sa totoo lang ay mas gusto pa nga niya ngayon kapag hindi ito umuuwi. She doesn't feel suffocated nor triggered to confront her mom and ask if she really had an affair.
Ae pulled out her phone to check the chat she just received from Linel. Sinabi nitong paalis na ito sa tahanan ng mga Shault para pumunta sa labas ng subdivision kung saan siya nito palaging inaabangan nagn sabay silang pumasok.
Her anger and disappointment with her mom had led her to get closer to Linel. They would go to school together, have recess and lunch together, even study together. Nagiging kumportable na siya rito at mas nakikilala na rin niya ito.
She finished her food as fast as she can. Nang matapos siyang kumain ay sandali siyang bumalik sa itaas para magsepilyo. Deydey accompanied her to the gate. Nilakad niya hanggang sa labas ng subdivision kung saan siya hinihintay ni Linel.
It didn't take long before Linel pulled up. Lumabas pa ito ng sasakyan para ipagbukas siya ng pinto.
"Seriously, you don't have to do that all the time," aniya nang makasakay sila ng kotse.
His brows furrowed. "Do what?"
"Holding the door for me? Kaya ko namang pumasok ng sasakyan mo." She faked a scoff. "I'm not disabled."
"Yeah, and I am not a mediocre who doesn't know how to do basic gentleman shits." He pinched my cheek. "Seatbelt, baby."
Umiling-iling na lamang siya't isinuot na ang kanyang seatbelt. Nilakasan naman ni Linel ang volume ng stereo saka na pinaandar ang kotse.
Pagkarating nila sa school ay si Linel na naman ang bumuhat sa mga gamit niya. He dropped her at her classroom before he headed to the senior's department.
"Consistent talaga si Linel sa paghahatid-sundo sa'yo, Ae," puna ni Raiah nang maokupa ni Ae ang silya sa tabi nito. Vina, on the other hand, was too busy with her phone to mind them.
Ae smiled. "Nagawa mo ang assignment sa class ni Mrs. Zamora?" pag-iiba niya ng usapan.
Tumango ito. "Oo, pati 'yong essay. Ikaw?"
"Yeah. I FaceTimed with Linel last night. Sabay kaming gumawa ng assignments."
Narinig nila ang pagbuntonghininga ni Vina. "Ano ba naman 'yan, Ae? Puro na lang Linel 'yang naririnig ko sa'yo. No offense, ha pero medyo nakakarindi na."
Hindi napigilan ni Ae ang pagtaas ng kanyang kilay. "Excuse me? Bakit big deal na puro si Linel ang lumalabas sa bibig ko ngayong magaganda ang sinasabi ko about him pero noong kinakainisan ko siya, wala ka namang reklamo?"
"Guys, tama na. Huwag kayong mag-away," kaagad na pigil ni Raiah sa kanila.
Vina rolled her eyes on them. Dinampot nito ang notebook para sa first subject nila saka ito lumipat ng upuan.
Halos umakyat lahat ng dugo ni Ae sa kanyang ulo. "Ano bang problema no'n?"
Raiah immediately rubbed her back as if trying to help her calm down. "Pabayaan mo na, please. Problemado lang 'yon kasi nag-away na naman ang parents niya dahil sa pambayad niya ng school fees."
"So? May sarili rin naman tayong problema, eh. Pero hindi naman natin ibinubunton sa kanya."
"Kakausapin ko na lang mamaya, Ae. Sige na, kumalma ka na. Hayaan mo na lang siya. Iba-iba lang siguro tayo ng coping mechanism."
She rolled her eyes. Ayaw na lamang niyang tuluyang masira ang araw niya. Isa pa ay kilala niya si Raiah. Mai-stress lamang ito dahil ito ang maiipit sa gitna. Kung hindi lang niya iniisip si Raiah ay bahala na talaga si Vina sa sarili nito.
Ae tried to focus in their lessons. Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya talaga maalis ang inis niya kaya naman nang magkita sila ni Linel during recess ay kaagad nitong napansin ang salubong niyang mga kilay.
"What's happened?" tanong nito.
Ae didn't know how to tell him. Tumingin naman sa kanya si Raiah bago ito bumuntonghininga. "Nagkatampuhan kasi sila ni Vina."
Tumango si Linel. "Hayaan mo na. Let's go. Libre ko na kayo."
Hindi na siya umimik pa. Sumama sila ni Raiah kay Linel at hinayaan na lamang itong ilibre sila ng snacks. They occupied one of the tables with Linel's friends. Linel sat next to her. Nang maubos nila ang pagkaing binili nito ay pasimple nitong sinalat ang kamay niya sa ilalim ng mesa.
She looked at Linel when he started giving her hand a massage while he's talking to his friends. Abala naman si Raiah sa panonood ng video clips tungkol sa Kelton Medical Center kaya walang pakialam sa mundo.
"Gago, ang hirap no'ng pina-quiz niya," ani Fine.
"Huwag kang magmura. Naririnig ka ng baby ko," kaagad na sabat ni Linel sa kaibigan. Namula naman sa hiya si Ae dahil sa sinabi nito.
Tumawa nang malutong ang mga kaibigan ni Linel. "Lintik ka, Linel napakakorni mo talaga pagdating kay Ae."
Linel smirked. "Pakialam ko kung nababaduyan kayo? Baby ko naman talaga 'to. Kaya ko nga inaalagaan."
Ae pursed her lips as she turned tomato red. Wala talagang preno ang bibig ni Linel kahit kailan!
Afraid that they would tease her once they see that she's blushing, Ae excused herself and told them that she'd go to the ladies room.
"Samahan na kita," presinta ni Raiah saka ito tumayo.
They both went to the ladies room. Sumandal si Raiah sa sink at nagpatuloy sa panonood ng video habang nagbanyo naman si Ae. Pagkalabas niya ay naroroon na si Vina. Muntik na naman tuloy tumaas ang kilay niya.
Vina sighed. "I'm sorry, okay? Nag-aalala lang naman ako sa'yo, eh kasi baka dahil lang may family problems ka kaya feeling mo attracted ka kay Linel. Baka lang nagiging outlet mo siya para hindi mo matutukan 'yong problema ng family mo."
Umiwas siya ng tingin at naghugas ng kamay. Nagpunas din muna siya ng mga palad bago niya muling hinarap si Vina.
"You could've spoken your mind in a better way. Kung makapagsalita ka parang hindi mo ko kaibigan. Last time I checked, wala naman akong masamang ginawa sa'yo para gano'n ang maging tono mo sa akin."
Vina held her arm. "Sorry na nga, eh. Saka tapatin mo na lang kami para hindi rin ako nagugulat sa'yo. Ano? Gusto mo na rin ba si Linel? Nahuhulog na ba talaga ang loob mo sa kanya? O ginagawa mo lang 'to para magtino siya at umalis na? 'Yon naman ang plano mo, 'di ba? Ang siguraduhing makaka-graduate siya nang mawala na siya sa landas mo?"
Ae felt conscious when other students went inside. Mukhang narinig pa ng mga ito ang sinabi ni Vina. A part of her felt ashamed to admit that she's already developing feelings for Linel. Paano ay nakakailang ang paraan kung paano siya tiningnan ng ibang estudyanteng pumasok sa banyo.
"Ae, ano? Are you still sticking to your plans?" ulit ni Vina nang hindi siya kaagad nakakibo.
She felt pressured to answer. Humugot siya ng hininga't muling tiningnan si Vina. "Oo na, okay? I'm not attracted to him. I'm just sticking to my plans."
Inalis niya ang pagkakahawak ni Vina sa kanyang braso saka siya nagmartsa palabas ng ladies room, ngunit ganoon na lamang ang pagtigil ng kanyang puso nang napagtanto niyang naroroon sa labas si Linel at tila naghihintay sa kanya.
"L-Linel . . ." she called when she saw his dark expression and clenching jaw.
Umayos ito ng tindig saka ito humugot ng matalim na hininga. "Galing mo naman pala. 'Di bale, hindi na kita kukulitin. Gagraduate ako nang mawala na ko sa landas mo," halatang masama ang loob nitong sabi bago siya tinalikuran.
Ae froze on her spot. Her heart sunk as she watched Linel walk away.
Bakit . . . parang nasasaktan siya?
Nilunok niya ang namuong bara sa kanyang lalamunan saka niya ikinuyom ang kanyang mga kamao.
No. She can't possibly be in love with him.
Hindi