Kabanata 13

1227 Words
HALOS hindi makatulog si Ae buong gabi kaiisip sa nangyari. Linel left the school early. Hindi siya hinatid ng binata at hindi rin ito nagpadala ng chats sa kanya buong araw. Tila ba masama ang loob sa kanya dahil sa narinig na sinabi niya kay Vina. A part of her wanted to call him and tell him that she didn't mean what she said. Ngunit naroroon din ang takot niyang aminin sa sariling nagkakagusto na nga siya rito. Her ego keeps getting in the way, stopping her to make a move. Hirap na hirap tuloy siyang matulog dahil nagtatalo ang isip at puso niya. Mukha tuloy siyang zombie kinabukasan dahil ilang oras lamang ang naging tulog niya. "Ayos ka lang ba, Ae?" tanong ni Deydey sa kanya nang makita nito ang eyebags niya. Ae nodded. "Opo." Deydey placed a plate of food in front of her. "Tumawag pala ang Mommy mo. Baka mag-extend daw siya dahil may mga inaasikaso siya ngayon." Hindi na niya kinibo si Deydey. Wala rin naman siyang ganang pag-usapan ang mommy niya. Isa pa ay masyadong okupado ni Linel ang kanyang isip. Sabado pa naman ngayon. Walang pasok kaya Lunes na ulit sila magkikita. Ilang beses siyang na-tempt na padalahan ito kahit isang chat man lamang ngunit pinipigilan siya ng pride niya. Hindi tuloy siya mapakali buong weekend. She ended up visiting Raiah and doing some advance studies, hoping that it would help clear her mind. "Gusto mo pa ng juice?" alok nito sa kanya. She sighed. "Hindi na, okay lang ako. Hindi rin ako gutom." Tumango ito. "Sana makapasa tayo sa entrance exam ng university, 'no?" "Yeah." Nagpangalumbaba siya. "Raiah, I have a question." "Ano 'yon?" sagot nito habang nakatutok ang mga mata sa librong binabasa. "What would you do if someone is mad at you?" Ngumisi ito. "Si Linel ba?" Napaayos siya ng upo. "O-Of course not. Pakialam ko naman kung magalit sa'kin 'yon." Nagkamot ito ng patilya. "Uhm, apologize? Kung kasalanan ko naman." "But what if your pride gets in the way?" Nagkibit-balikat ito. "Ano ba ang mas mahalaga? 'Yong pride o 'yong tao?" Napabuntonghininga na lamang si Ae dahil sa totoo lang ay hindi niya rin alam kung alin ang tamang sagot. Yes, Linel had somehow managed to change her perspective of him, but her ego didn't want to give him the chance to see how much he had affected her. Siguro isang dahilan din ay naroon ang takot niyang kung malaman ni Linel na nagbago na ang tingin niya rito ay i-take advantage na siya nito. What if she's right about him? What if he's only after the fun of chasing her? Hindi nawala sa isip niya ang mga bagay-bagay tungkol sa sitwasyon nila ngayon ni Linel. Nahirapan na naman tuloy siyang matulog kaya pagsapit ng Lunes ay malalim na naman ang eyebags niya. Isa pa ay naiinis siya dahil tila kaya na siyang tiisin ni Linel ngayon. Her inbox have been quiet since Friday. Kung gusto talaga siya nito, bakit hindi man lang ito nag-chat? Yes, galit ito sa kanya pero bakit natitiis siya nito? A part of her felt hopeful that Linel would pick her up this time. Ngunit nainitan na siya't lahat kahihintay rito sa madalas nitong pinagpaparadahan ay walan Linel na dumating. Parang gusto tuloy niyang umiyak sa inis noong na-late siya dahil inasahan niyang darating ito. "Oh, ngayon ka lang na-late, ah?" anang gwardya. Ae sighed. "Na-late po ng gising," she lied. "Uhm, si Linel po napansin n'yo na?" "Oo, kanina pa. Kasabay si Tyra na pumasok." Parang sinaksak ng punyal ang dibdib ni Ae. Pumasok na ito? Kasabay pa iyong babaeng patay na patay rito? "Ayos ka lang?" tanong ng gwardya nang hindi siya nakakilos. Ae inhaled a sharp breath then nodded. "O-Opo." Isinuot na niya ang bag niya. "P-Pasok na po ako." Pinanood na lamang siya ng gwardya na maglakad papasok. Her eyes felt hot as the guard's words echoed inside her head. Naghahalo ang inis at selos na hindi niya maamin sa sarili. Idagdag pang nabubwisit siya ngayon dahil late siyang nakarating ng eskwelahan dahil umasa siyang susunduin pa rin siya ni Linel. Wala siyang gana sa unang dalawang subject. Napagalitan pa siya ng guro sa second subject dahil hindi raw siya nakikinig. Ang aga pa lang ay sira na ang araw niya! "Ano bang nangyayari sa'yo, Ae? May nangyari na naman ba sa inyo?" nag-aalalang tanong ni Raiah sa kanya habang naglalakad sila patungo ng canteen. Wala namang pakialam si Vina. Abala lamang ito sa cellphone at nagtitipa ng chat. "I'm okay," she lied before she flashed a fake smile. "Napuyat kasi ako sa pinanood ko kaya wala ako sa focus. Inaantok pa." Tumango na lamang ito't nagtanong na lamang tungkol sa susunod nilang subject. She tried to answer, hoping that Raiah's questions would occupy her mind. Ngunit pagdating nila ng canteen at natanaw niya si Linel na kasama na sa mesa sina Tyra ay parang may pumiga sa kanyang puso. Halos hindi siya nakakilos lalo na nang nakita niyang hinaplos ni Tyra ang braso ni Linel. Nagtatawanan din ang grupo ng mga ito. Maya-maya ay napansin siya ni Fine. Itinuro siya nito kaya nilingon siya ni Linel ngunit nang napansin ni Linel na nakatingin siya ay kaagad din itong umiwas ng tingin. Linel even stood up and left the canteen as if he didn't want to be around her. Para siyang sinuntok sa dibdib nang lampasan lamang siya ni Linel. The corners of her eyes felt hot until she could no longer hold back her tears. "Ae?" nag-aalalang tawag ni Raiah. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha saka siya lumabas ng canteen. Kaagad namang sumunod sina Vina at Raiah sa kanya. "Ae, ano bang nangyayari?" Raiah asked in a worried tone. Vina smirked. "Ano? Pinaiyak ka ni Linel?" Raiah looked at her. "Si Linel ba?" She sobbed. Tinitigan niya ang kaibigan. A part of herr wanted to finally admit that she's jealous because she's already falling for Linel. Ngunit masyado siyang nasasaktan ngayon para magawa niyang ipaliwanag ang lahat sa kaibigan. Raiah's lips pursed. "Ang gagong 'yon? Naku, malilintikan sa'kin 'yon, eh!" She sniffed. Raiah had always been the sweetest and most compassionate among the three of them. Kaya hindi niya inasahang ganito ang magiging reaksyon nito ngayon dahil akala nito ay may ginawa si Linel para umiyak siya. Binitiwan siya ni Raiah. Maya-maya ay nagmartsa na ito para sundan si Linel. Hindi naman kaagad nakakilos si Ae. She froze on her spot until Vina finally grabbed her by her arm. Sinundan nila ang nag-aamok na kaibigan. Maya-maya ay inabutan nila si Raiah na tinatawag na si Linel sa senior's building. "Hoy, Linel!" Linel turned to face Raiah. Tatawagin na sana ni Ae ang kaibigan ngunit bago pa man niya nagawa ay lumipad na ang kamao nito. Ae's eyes widened in shock when she saw how Raiah punched Linel on his cheek. Pinagsalitaan pa nito si Linel at binantaan na huwag na huwag na siyang lalapitan pa. "Raiah!" tawag ni Ae. It caught Linel's attention. Tumingin ito sa kanyang direction saka nito inigting ang panga. Linel looked at Raiah's furious eyes before he said the words that completely shattered Ae's innocent heart. "Don't worry, Chavez. I won't bother your friend anymore." He threw her a cold stare. "I'm done squeezing myself into her life . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD