Kabanata 14

1431 Words
"TAHAN na, Ae," pag-alo ni Raiah kay Ae habang nakaupo sila sa bleachers. She tried to wipe her tears and looked at her friends. May ice pack na nakapatong sa kamao ni Raiah. Napalakas kasi ang suntok nito kay Linel kanina kaya ngayon ay idinadaing ang kamao. "Raiah, you shouldn't have done that." She sniffed. "I appreciate that you can stand up for me but you shouldn't have done that to Linel." Umismid si Vina. "Ipinagtanggol ka na nga, eh. Bakit parang kasalanan pa ni Raiah ngayon eh deserve naman ni Linel na masuntok?" Inis na nagpunas ng luha si Ae. "Because I wasn't crying 'cause he did something to me, alright?" inis niyang sagot kay Vina. Sa totoo lang ay napipikon na siya rito. Kung hindi lamang siya nag-aalala na mai-stress si Raiah sa kanilang dalawa ay pinatulan na niya ang kagaspangan ng ugali nito. Vina doesn't even look concern. Parang masaya pa nga ito na ganito ang sitwasyon nila ni Linel sa kanya. Ayaw lamang niyang i-entertain ang obserbasyon niya dahil baka mali siya ng hinala. Kumunot ang noo ni Raiah. "H-Hindi? Kung gano'n ay . . . bakit ka umiiyak dahil sa kanya?" Ae's lower lip trembled. She couldn't find the right words to express how she really feels about Linel. There's an underlying feeling of being mocked for falling for him. Ngunit naroroon din ang takot na baka hindi na niya magagawa pang aminin na nahulog na nga ang loob niya rito. Besides, she's not even sure if she's really in love with Linel or she's just having an infatuation. Masyado pa siyang bata para mapagtanto ang kaibahan ng dalawa. Basta ang alam niya, nasasaktan siya nang husto ngayon dahil sa sinabi ni Linel. His words and the way he said it earlier, para bang sinukuan na talaga siya nito. Para bang tanggap na nito na hinding-hindi niya masusuklian ang nararamdaman nito para sa kanya. "Ano? So bakit?" Vina asked. Sounding impatient. Raiah gave Vina a warning look. Maya-maya ay bumaling itong muli sa kanya at hinawakan siya sa kamay. "Ae, kaibigan mo kami. Pwede kang maging honest sa amin." Muling bumuhos ang kanyang mga luha. "I . . . I don't know what to say. P-Pakiramdam ko . . . Pakiramdam ko nahulog na ang loob ko sa kanya. I'm so scared to admit that to myself because I could be wrong. Na baka infatuated lang ako at naiisip ko lang 'to kasi nag-pull away na siya. What if I am only searching for the familiar Linel that's why I'm losing my mind right now?" Napahikbi siya. "God, I don't know what to do." Natahimik ang mga kaibigan niya. Tila maging ang mga ito ay hindi inasahang iyon ang tunay na dahilan kung bakit siya umaatungal ngayon. Hindi niya masisisi ang mga ito. Galit na galit siya kay Linel tapos heto siya ngayon at umiiyak dahil pakiramdam niya ay mahal na niya ito. Vina sighed while rolling her eyes. "Hindi ka pa naman nagkaka-boyfriend, Ae! Wala kang basehan kung love nga 'yan o infatuation lang. Besides, you hate him so much. Parang ang bilis namang magbago ng nararamdaman mo kung in love ka na kaagad?" Napaiwas na lamang ng tingin si Ae. Iyon din naman ang iniisip niya. Posible bang mahulog ang loob niya nang ganoon kadali samantalang ilang taon niyang kinamuhian si Linel? Hindi na siya nagkumento pa. She just tried her best to calm her heart before they headed back to their room. Ngunit kahit nasa gitna ng klase ay may pagkakataon pa ring parang gusto niyang maluha sa tuwing naaalala niya ang mga salitang binitiwan ni Linel. Gulong-gulo ang isip niya lalo na at papalapit na ang pagtatapos ng klase. Mabuti na lamang at nakaalalay sa kanya si Raiah. Napababalik siya nito sa reyalidad sa tuwing natutulala siya o nawawala sa focus kapag ginagawa nila ang requirements na kailangang ipasa bago matapos ang school year. Linel continued to ignore her. Kapag nagkakasalubong sila ay ito na mismo ang umiiwas. Madalas niya rin itong makitang kasama ang grupo nina Tyra. There's a glint of loneliness in his eyes even when he's smiling, yet no matter how much Ae wanted to talk to him, palagi na lamang siyang nauunahan ng takot at pride niya. "Halika na, Ae. Huwag mo nang tingnan," ani Raiah nang napansin siya nitong nakatingin na naman kina Linel at Tyra. She sighed. Ilang araw na lang ay graduation day na. She heard Linel was able to pass all the special projects and other requirements the teachers had asked for him to pass. Ibig sabihin ay magtatapos ito ngayong taon. Mawawala na ito sa SJ at mukhang aalis na nga ng Pilipinas. Ae doesn't know what to feel. Habang lumiliit nang lumiliit ang bilang ng mga araw bago ang graduation ay pabigat din nang pabigat ang dibdib niya. Hirap na rin siyang matulog at palagi niyang pinagmamasdan ang origami bouquet na ibinigay ni Linel sa kanya. She let out a heavy breath before she put down the bouquet. She's tempted to open the one in the middle. Ngunit natatakot siyang masira niya iyon. Kahit naman ganito ang sitwasyon nila ni Linel ay gusto niya pa ring i-preserve ang remembrance nito sa kanya. Dumiretso siya sa kama at binuksan na lamang ang social media account niya. She pursed her lips before she finally let her urge to stalk him win. Ngunit ganoon na lamang ang naging pagsikip ng dibdib niya nang makitang wala na ang accounts nito. Even his IG account was gone. Hindi niya alam kung naka-block ba siya sa accounts ni Linel o nag-deactivate ito. Naluluha na naman siya. It's so frustrating to be so young and inexperience about what she's going through. Natatakot naman siyang magtanong o humingi ng payo sa mas nakatatanda sa kanya. Baka sabihin ay iyon ang inaatupag niya kaysa ang pag-aaral. Ae sighed. Bukas na ang graduation day. Huling pagkakataon na rin niya para mamili kung kakausapin ba niya si Linel o hahayaan na lamang niyang magkalimutan silang dalawa. Nang hindi siya nakatiis ay muli siyang bumangon. She grabbed her art envelope and decided to write him a letter. This time, she let her heart speak on her behalf. Natuluan pa nga niya ng luha ang papel ngunit hindi na niya pinansin. After making her letter for Linel, Ae headed to bed and tried her best to get some sleep. Pagkagising kinabukasan ay binilisan niya ang kanyang kilos. She even made sure that she looked pretty. Nang masigurong ayos na ang itsura niya ay bumaba siya't dumiretso sa kusina kung saan niya naabutan si Deydey. "Ae, hindi makakarating ang mommy mo sa moving up ceremony. Tayo na lang, ha?" ani Deydey. Halatang naaawa sa kanya. She sighed. Sa totoo lang ay dapat sanay na siya ngunit hindi niya pa rin maiwasang malungkot. Kahit man lang ba isang beses, hindi siya kayang paglaanan ng mga magulang niya ng panahon? Nilapitan siya ni Deydey saka nito hinaplos ang kanyang braso. "Hayaan mo na. Nandito naman ako para sa'yo. Alam kong ilag ka pa sa'kin pero sa maniwala ka o sa hindi, may malasakit ako sa'yo." Ngumiti ito. "Smile ka na. Ang ganda-ganda mo, oh? Sayang naman." Her heart warmed. "Salamat, ate Dey." Ngumiti itong muli saka na siya ipinaghanda ng almusal. Nang matapos ay sabay silang umalis ng bahay upang pumunta ng eskwelahan. Panay ang ikot ng mga mata ni Ae sa paligid. She keeps on looking for Linel in the crowd. Ngunit nagsimula na't lahat ang programa ay wala pa rin ito. Even Linus wasn't in his supposed seat. Tanging si Micah ang nakita niya pati na ang mga kaibigan ni Linel. A part of her felt scared. Kaya nang hindi siya nakatiis ay sinundan niya si Fine noong natanaw niya itong tumayo at mukhang palabas ng theater kung saan ginaganap ang programa. "Saan ka pupunta, Ae?" tanong ni Deydey. "Diyan lang po, ate mabilis lang po." Hindi na niya hinintay ang tugon nito. She hurriedly followed Fine until she was able to get out of the theater. "Fine!" sigaw niya. Tumigil ito sa paglalakad saka siya nilingon. "Oh, Ae." She walked faster until she reached him. "S-Sina . . . Linus at Linel? I didn't see them." Kumunot ang noo nito. "Hindi mo alam?" Napakurap siya. "Hindi alam ang ano?" "Flight nila kaninang madaling araw. Hindi na sila umabot ng graduation kaya maagang kinuha ng parents nila ang lahat ng credentials nila." Halos tumigil ang t***k ng puso ni Ae. Linel had already left the country. He left without him knowing how she truly feels .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD