Kabanata 15

1559 Words
MUGTO na ang mga mata ni Ae sa kaiiyak magmula noong umuwi sila ni Deydey. Yakap niya ang kanyang mga tuhod habang nakaupo sa kama. Ngayon niya mas napagtatanto na totoong nahulog na nga ang loob niya kay Linel. She hates herself for not believing her heart the moment it started telling her the truth. Now that Linel is no longer in the country and she has no means to contact him, pakiramdam niya ay dinudurog ang kanyang puso. She couldn't believe that her first heartbreak would be from the man she hated the most. Parang tinatarak ng punyal ang munti niyang puso ngunit wala siyang magawa para isalba ang sarili niya. Kumatok sa pinto si Deydey. "Ae? Pasok ako, ha?" She sniffed. "S-Sige po," sagot niya matapos niyang punasan ang kanyang mga luha. Umiwas din siya ng tingin nang hindi nito makita ang namumugto niyang mga mata ngunit dahil tinitigan siya nito ay hindi nakatakas sa mga mata ni Deydey ang itsura niya. Deydey sighed. Ibinaba nito ang hawak na laundry basket na puno ng malilinis niyang damit. Lumapit ito sa kama at naupo bago nito hinawakan ang kanyang braso. "Bakit naman umiiyak ka? Tingnan mo, namamaga na 'yang mga mata mo," may lambing nitong sabi. Her lower lip trembled. Tinitigan niya ito gamit ang luhaan niyang mga mata. The concern and warmth in Deydey's eyes melted her defense. Next thing she knew, she was already crying on Deydey's shoulder like a baby who doesn't know how to pacify herself. Sinabi niya kay Deydey kung ano ang iniiyakan niya. It was so hard to be vulnerable and let Deydey know what's really going on with her. Sa mga kaibigan niya lang naman kasi siya nag-o-open up kaya lang ay hindi na talaga siya nakatiis. Baka kung wala pa siyang mapagsasabihan ng nararamdaman niya ay sumabog na ang dibdib niya. Deydey patiently listened to her. Nang kahit paano ay tumahan siya ay hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "Alam mo, Ae? Hindi naman talaga maiiwasan 'yang puppy love na 'yan. Halos lahat naman yata ng tao ay dumaan sa ganyan. Pero hayaan mo na. Lilipas din 'yan. Masakit lang sa simula pero masasanay ka na lang hanggang sa magigising ka isang araw na okay ka na." Ngumiti ito. "Maglibang ka para hindi mo palaging maiisip. Kung gusto mo, tuturuan kita kung paano magluto para may libangan ka habang wala pang klase. Lalabas din tayo kapag gusto mong lumabas." She sniffed. "Salamat, ate Deydey." Hinaplos nito ang kanyang ulo. "Magpahinga ka na muna. Ilalagay ko lang 'to sa damitan mo." Tumango siya't hinintay itong matapos sa kailangang gawin. Nang makaalis ito ng kanyang silid ay muli niyang sinubukang tingnan kung active na ulit ang accounts ni Linel. Her hopes dropped when she realized that his account was still deactivated. Maging ang account ni Linus ay hindi rin niya mahanap. She tried to swallow her pride and send Micah a chat ut looks like Micah didn't want to respond at all. Nawawalan tuloy siya lalo ng pag-asa na makakausap niya pa si Linel. Pinunasan niya ang kanyang mga luha saka niya kinuha ang bouquet na ibinigay ni Linel sa kanya. As much as she wanted to preserve it as it is, Ae felt the urge to open the one in the middle. Ingat na ingat siya sa pag-alis sa papel mula sa pagkakatiklop. Ayaw niyang mapunit iyon dahil iyon na lamang ang alaala ni Linel sa kanya. Now that she doesn't know if they would ever see each other again, she wanted to make sure that she'd take good care of the bouquet as much as she can. Humugot siya ng malalim na hininga saka niya sinimulang basahin ang journal entry, ngunit simula pa lamang ng entry ay parang may sumuntok na sa dibdib niya. Hey, I switched places with Linus because Linus was not feeling well and I didn't want him to lose his points. During the sportsfest, I saw this really cute lower-grade girl with a pink bow thing on her hair. Wala naman sana akong pakialam kaya lang sinisilipan ng mga tarantadong estudyante. Nabugbog ko 'yong mga naninilip sa kanya. I was punished but I didn't care because she came to me and fed me even when the teachers told her not to do so. Man, I fell in love instantly 'cause dude, who does that? Most girls in my school are afraid to stay under the heat for so long but she did just to make sure I'd eat. Sinubuan pa nga ako ng pagkain at tinulungang uminom. Tangina, pag-ibig na 'to. I swear to God, I'm gonna wife her up someday. I'm gonna make cute babies with her. Lots and lots of cute babies. I'm gonna build her a mansion and I'm gonna treat her like a f*****g queen. LOL. I'm losing my mind. This must be love. No, no. This is love. Tangina, tinamaan na si Linel Elmont Shault. Haha! Xoxo, Evangeline's one and only Linel Halos tumigil ang t***k ng puso ni Ae sa nabasa. Her eyes slightly widened while her lips parted in disbelief. That was . . . Linel all along? She had a crush on Linel, not with Linus? Lumipad ang palad niya sa kanyang mga labi nang magsimula na namang umagos ang kanyang mga luha. Kaya pala baliw na baliw sa kanya si Linel? Dahil ito naman talaga ang bumugbog sa mga nambastos sa kanya noon? Naiyak na lamang siya sa reyalisasyon. Si Linel ang totoong nagustuhan niya. Inakala lamang niyang si Linus iyon dahil nagsuot ito ng salamin na kapareha ng sa kakambal nito. Hindi niya naman napag-aralan nang husto ang itsura nito noong araw na iyon dahil hindi pa siya ganoon ka-invested kay Linus. But now that she's reading his journal entry about that specific day, her memories confirmed that it was really Linel whom she had a crush on. "It was you . . ." She sobbed. "It was you all along . . ." She kissed the letter and placed it closed to her heart. Hinayaan niya ang sariling iiyak ang nararamdamang sakit at pagsisisi. Ngunit kahit na namugto na ang mga mata niya kaiiyak ay hindi nabawasan ang kirot na nararamdaman niya sa kanyang puso. Dumagdag lamang ang nadiskubre niya sa nagpabigat sa kanyang dibdib kaya kinabukasan ay nagpasya siyang umalis. She took a cab to the Manila Ocean Park. Nang oras na para siya ang bumili ng ticket ay pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib. "T-Two." She swallowed the lump forming in her throat. "T-Two tickets p-please." Pigil na pigil niya ang sariling maging emosyonal habang hinintay na ibigay ang binili niyang tickets. Nang makuha ang wrist bands ay isinuot niya ang kanya saka niya hinawakan ang isa. She imagined Linel wearing it, hoping it would somehow ease the loneliness she's feeling. Pumasok siya sa loob at inalala ang unang date nila ni Linel. Kapag naiiyak na siya ay isinasara niya ang mga mata niya't iniisip na katabi niya ngayon si Linel. Na pareho nilang pinagmamasdan ang aquarium at sinasabi nito sa kanya ang scientific names ng bawat sea creature na nakikita nila. Sa isip niya ay kasama niya ito ngayon. Hawak nito ang kamay niya. Natitigan niya ang asul nitong mga mata na tila kumikislap sa tuwing tumititig ito pabalik sa kanya. Dinig niya sa kanyang isip ang malutong nitong tawa. Ramdam niya ang paghaplos ng hinlalaki nito sa gilid ng kanyang palad. At kitang-kita niya kung gaano katamis ang ngiti ng mamula-mula nitong mga labi habang nakatingin ito sa kanya na para bang siya na ang pinakamagandang babae sa mundo. He loved her. It wasn't just a silly crush. Linel loved her yet she wasted that once in a lifetime kind of love. Muntik na siyang mapahikbi nang naging malinaw ang gwapong mukha ni Linel sa kanyang isip. Bakit nagpadaig siya sa pride niya? Bakit sinayang niya ang pagkakataong aminin dito ang tunay niyang nararamdaman? She pursed her lips as her imagination became more and more vivid. Ngunit habang tumatagal na inaalala niya si Linel ay unti-unti ring pumapasok sa isipan niya ang malungkot nitong mga mata. Pati na ang mga salitang binitiwan nito nang sabihin nitong hindi na siya guguluhin pang muli ng binata. If only she could turn back time. If only she could go back to that day. She would definitely run towards him and tell him that she's in love with him. Ngunit huli na ang lahat. Linel had already left. Ni walang kasiguraduhan kung babalik pa ba ito. Her heart tightened when another realization hit her. Paano kung bumalik nga ito ngunit may iba na itong mahal? Paano kung sa mga panahong hindi sila nagkikita ay maglaho rin ang nararamdaman nito para sa kanya? The thought of Linel falling out of love scared her. Ngayon niya mas napagtatanto kung gaano na talaga niya ito kamahal. She may be young but she's sure now, that the love she has for Linel isn't just a puppy love that will soon go away. It's definitely something that would live in her heart for a long time. A lone tear trailed down her cheek while she imagines Linel holding her hand. "I miss you," her voice cracked. "Balik ka na. Hindi na kita aawayin o itataboy." She sobbed. "Please, bumalik ka na, Linel. Bumalik ka na sa'kin . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD