Kabanata 16

1676 Words
"BAKIT ba kasi naimbento pa 'tong aral-aral na 'to. Pwede naman akong maging trophy wife na lang," asik ni Vina habang inis na inis na binubuklat ang libro. They are all preparing for the upcoming midterms exam. Alam ni Ae na hindi lamang ang pagre-review ang kinaiinit ng ulo ni Vina ngayon, kun'di pati ang pambayad nito ng tuition. Vina tried to borrow from them yesterday. Hindi ito napahiram ni Raiah dahil sapat lamang din ang pera ni Raiah para sa pambayad ng sarili nitong tuition. Meanwhile, Ae refused to lend Vina some money. Noong huling pinahiram kasi niya ito, ibinigay lang sa nobyo at ginamit pang-hotel. She would've understand if the guy was really struggling to survive but no! Kilala niya ang boyfriend ni Vina ngayon at marami iyong issues ng cheating. Ayaw na lamang niyang magsalita kay Vina dahil nagtatalo lamang sila sa ganoong bagay. Wala naman daw kasi siyang experience para makisawsaw siya sa love life nito. Raiah stopped sipping her caramel macchiato. "Vina, hindi ka pwedeng maging trophy wife kung wala ka namang ipagmamalaki sa buhay. Sige na, mag-aral na." Tinaasan ni Vina ng kilay si Raiah. "At sa tingin mo getting a degree and passing the board exam would make us trophy wives?" "No," Raiah replied in a breathy way. "But it'll help us secure jobs and make money so we can survive with or without a man." Lihim na ngumiti si Ae. She wanted to say point has been made but it might just put Vina in a worse mood. Baka mag-away pa silang tatlo kaya itinikom na lamang niya ang bibig niya. Vina rolled her eyes. "Oo na. Strong independent women na na paminsan-minsan deserve din naman ng lambing." Inirapan nito si Raiah. "Para namang hindi ka na nangangarap makapangasawa ng doktor na luluhuran ka palagi." Raiah laughed. "Nagising na ako sa katotohanan, Vina. Walang gano'n sa totoong buhay." Ibinaba ni Ae ang inumin niyang dirty matcha na may dalawang shot ng espresso. "It's the modern world. I don't think doctors have time to worship their women. Karamihan sa kanila, halos sa ospital na tumira, 'di ba?" Tumango-tango si Raiah habang abala itong mag-highlight sa sariling notes. "Alam n'yo, himala na lang kapag nakapangasawa ako ng doktor na handang maging tapat sa akin at sambahin ako kaya mag-aaral na lang ako nang mabuti at magiging doktor balang-araw." Bumuntonghininga ito. "Like I said, nagising na ako sa katotohanan na walang gano'n sa totoong buhay." Vina smirked. "Tapos nagkaroon ka 'no? Agawin ko talaga," biro nito. Ae just shook her head then opened her notes. Ang mga biro talaga minsan ni Vina. Napapabuntonghininga na lamang tuloy siya. Hindi na niya inintindi ang biruan ng dalawa. She focused on reviewing until it was time for Raiah and Vina to go to their part-time jobs. Dahil ala una pa lang naman ng tanghali ay nagpasya siyang huwag na munang dumiretso ng uwi. Mai-stress lang naman siya sa daratnan niya sa kanila. "Bye, girls." she said before getting into a cab. "Manong, sa Manila Ocean Park." Habang nasa byahe pauwi ay pinagmasdan ni Ae ang mga sasakyan at gusali sa labas ng taxi. She couldn't believe that it's been four years since Linel left. Ni isang tawag o chat ay wala siyang natanggap. It was hard to accept that they ended things that way. At magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi na siya nasasaktan. "Dalawa ulit?" tanong ng cashier. Sa kada-Sabado na lamang ba naman na pagpunta niya ng Manila Ocean Park, hindi pa ba ito masasanay? She smiled. "Yeah." The cashier smiled back before handing her the tickets. Isinuot niya ang wrist band niya saka na pumasok sa loob. This is how she often spends her Saturdays. She would stroll inside the Manila Ocean Park while reminiscing her memories of Linel. She didn't want those memories to fade in the back of her mind so she often keeps them alive as much as she could. Kahit man lang sa alaala ay nakakasama niya pa rin ang first love niya. Papasok na sana siya sa loob ng Oceanarium nang mag-ring ang kanyang phone. Dinukot niya iyon sa kanyang sling bag at sinagot ang tawag nang makitang galing iyon sa Daddy niya. "Daddy?" "Anak, anong oras ka uuwi?" "Mamaya rin pong alas tres. May dinaanan lang po ako." Narinig niya ang pagbuntonghininga nito. "Hihintayin kita bago ako lalabas." Nakamot ni Ae ang kanyang sentido. "Iinom na naman ba kayo ni Ninong Mak?" "Pagbigyan mo na ako, anak." Napabuntonghininga na lamang si Ae. Her parents reconciled three months after she finished senior high. Ang saya-saya niya pa noong una ngunit nang napansin niya ang malaking pagbabago ng ama ay unti-unting napawi ang ligayang naramdaman niya sa pagbabalikan ng mga ito. Her dad would always drink. Tila iyon ang paraan nito para mapawi ang sakit na naidulot ng pangangaliwa ng mommy niya. Although her Dad has a new job already, hindi na ito ganoon kasipag sa trabaho. Pakiramdam ni Ae ay nasira nang husto ng pangangaliwa ng mommy niya ang self-esteem ng daddy niya. Dati ay ginagalingan nang husto ng daddy niya sa trabaho. Ngayon ay halos tamad na tamad itong pumasok. Siguro ay palagi nitong naiisip na nakaakyat ito noon sa corporate ladder dahil nakipagrelasyon ang mommy niya sa boss nito. Na hindi naman iyong husay nito sa trabaho at effort ang nagdala rito sa posisyong alam ni Ae na minahal nito nang husto. Cheating, she thinks, doesn't just ruin the relationship. It breaks the trust, and the self-worth of the other person. The cheating history of her mother might have been forgiven by her dad, but it was never forgotten, and that's what's destroying her dad even more. Hindi na ito pwedeng magalit sa kanyang ina dahil nagkapatawaran na ang mga ito, kaya sarili naman nito ang pinaparusahan nito ngayon. Ae sighed after ending the phone call with her Dad. Isiniksik niya sa bag ang kanyang phone saka na siya pumasok sa loob ng Oceanarium. She stood on her usual spot. Sa mismong pwesto kung saan sila noon tumayo nang matagal ni Linel para pagmasdan ang sea creatures na lumalangoy sa higanteng aquarium. Gaya rin ng madalas niyang ginagawa, isinara niya ang kanyang mga mata ay bahagyang ibinuka ang palad niya na tila mayroong nakahawak doon. She imagined Linel holding her hand, looking at her with his dreamy blue eyes, and smiling ear-to-ear while explaining to her the scientific names of every sea creature they are seeing. It brought a familiar warmth in her heart as her memory of him became more and more vivid. Kahit paano ay napawi na naman ang pangungulila niya rito. Ilang segundo niya pa iyong ginawa, ngunit bago pa man niya naibukas ang kanyang mga mata ay mayroon nang humawak sa kanyang palad. Napamulat si Ae. She looked at the little boy who's now holding her hand with a cute smile on his face. "Oh, hey," bati niya sa bahay. Tila nahihiya naman itong kumaway sa kanya gamit ang isa nitong kamay. Ngumiti siya rito saka siya lumuhod nang magpantay sila. Tantya niya ay nasa dalawang taong gulang ang paslit. His innocent brown eyes seemed to glisten as he stared at her with fascination. "Nasaan ang mga magulang mo?" The kid didn't answer. Pinagmasdan lamang siya nito na tila tuwang-tuwa sa kanyang mukha. Ae sighed. "Halika, hanapin natin sila, okay?" She stood up and held the kid's hand. Akmang lalakad na sila para hanapin ang mga magulang nito nang marinig ni Ae ang pamilyar na tinig. "Filmore! God, I've been looking everywhere." Ae tilted her head and searched where the familiar voice came from. Akala niya ay pinaglalaruan lamang siya ng kanyang imahinasyon, ngunit nang matitigan niya ang pamilyar na asul na mga mata ay halos tumalon palabas ng kanyang dibdib ang kanyang puso. Linel . . . She tried to blink her eyes as Linel stared back at her. Umigting ang mas nadepina na ngayon nitong panga. His blue eyes became cold as he dodged her gaze. Hindi niya naiwasang pasadahan ito ng tingin habang papalapit. The butterflies in her belly went gaga when she realized that Linel turned out really fine. No. Fine is such an understatement. His body grew bigger and more defined. His stubbled beard made him more mature, and his army haircut made him look like someone girls would want to beg for s*x! Diyos ko, si Linel na ba talaga ito? Yes, he's always been good-looking but this one is definitely someone straight out of a magazine cover! His expensive manly perfume caressed her nostrils as soon as he bent a little to pick up the kid she was with. Kinarga nito ang bata at hinaplos ang buhok. "You shouldn't have ran away, Fil. God, you almost gave me a heart attack," pagkausap nito sa bata habang tila walang pakialam sa kanya. Meanwhile, Ae just stood there staring at him in a state of disbelief. Gusto niyang ibuka ang bibig niya at kumustahin ito ngunit hindi niya magawa. She couldn't help it. Ilang taon siyang nangarap na makita niya itong muli. Ngayon namang nasa harapan na niya ito ay parang hindi siya makapaniwala. Ae swallowed the lump forming in her throat while still staring at Linel. Akmang ibubuka na niya ang bibig niya para kausapin ito nang magsalita ang batang buhat nito. "Papa, utom." Parang tumigil ang t***k ng puso ni Ae. Her body froze on her spot and her eyes blinked a couple times. Papa? Did the little boy just called him Papa? Linel pinched the little boy's cheek. "Let's go home then." Binato siya nito ng tingin. "Thanks for finding him," he said in a cold way before he started walking towards the exit. Nanatiling nakaawang ang mga labi ni Ae habang nakatanaw siya sa dalawa. Nang mawala sa paningin niya ang mga ito ay namuo na lamang ang kanyang mga luha. Diyos ko. Is he . . . married now? She pursed her lips as her chest begin to tighten. Mukhang wala na nga yata talaga silang pag-asa na magkaayos pa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD