Kabanata 27

1647 Words
TULALA at parang maiiyak na naglakad palabas ng elevator si Ae. Hindi maproseso ng utak niya ang narinig mula kay Tyra kaya kahit tuloy ayaw niyang magkaroon ng ideya ang mga kaibigan niya tungkol sa relasyon nila ni Linel ay mukhang mabubuking siya ng mga ito ngayon. She wasn't able to hide her tears when she came back to her unit. Para rin kasing sasabog ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay kung wala siyang makakausap tungkol sa sinabi ni Tyra ay mababaliw siya kaiisip. Raiah was the first one to look at her. Nakikipag-video call kasi si Vina at parang may niloloko na pag-aari nito ang condo niya. Nalukot ang noo ni Raiah. "Anong problema, Ae?" nag-aalala nitong tanong saka siya sinalubong. Hinayaan niyang kunin ng kaibigan ang bitbit niya. Todo naman ang pigil niya sa kanyang mga luha habang naninginig ang ibaba niyang labi. She couldn't contain her emotions anymore. Kaya nang yakapin siya ni Raiah ay tuluyan na siyang napaiyak sa balikat nito. Doon lamang nagkaroon ng pakialam si Vina sa kanya. Pinatay nito ang tawag at lumapit sa kanila upang itanong kung ano ba ang iniiyakan niya. Ae wasn't able to answer at first. Iniyak na muna niya ang bigat sa kanyang dibdib bago niya kinwento sa mga kaibigan ang totoo pati na iyong sinabi ni Tyra sa kanya. Raiah didn't comment but the look on her face was enough for Ae to know that Raiah is in doubt with Linel. Hindi niya naman ito masisisi. Alam naman nilang dinidikitan ni Linel si Tyra bago pa nagtapos ang mga ito ng Senior High. Noong nagalit na si Linel sa kanya dahil sa mga sinabi niya kay Vina. Bumuntonghininga si Vina. "Alam mo, ayaw ko mang sabihin 'to pero what if gusto ni Linel na itago ninyo ang relasyon n'yo kasi nga may relasyon sila ni Tyra? Hindi naman malabo. High school pa lang, naghaharutan na sila bago ka niya nilandi." She tried to sniff. Panay naman ang hagod ni Raiah sa likod niya upang pakalmahin siya. Tila ayaw nitong magbitiw ng salita na lalo lamang makapagpapasama ng loob niya kaya kahit halatang galit ito ay piniling itikom ang bibig. Tiningnan niya si Vina habang patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha. Ewan ba niya pero parang hindi niya maramdaman na concern ito. Parang masaya pa ngang makitang nagkakaganito siya ngayon. Ae wiped her tears. "Pero supportive si Linus sa relationship namin. Wala ring sinabi ang friends ni Linel about Tyra." "Aba, natural wala talagang sasabihin. Pagtatakpan nila si Linel. Saka, Ae? Diyos ko, hindi ka ba nag-iisip? Paano kung pinatulan ka lang para gantihan ka? Sinaktan mo noon at pinaasa. Do you think he'd just forgive you that easily? Ano 'yon? Basta na lang niyang binaon sa limot ang lahat?" tanong ni Vina na lalong nakapagpasikip sa dibdib ni Ae. Hindi siya nakakibo. Ayaw niyang kwestyunin si Linel ngunit naaapektuhan siya ng mga sinasabi ni Vina. Napapatanong na rin tuloy siya sa sarili kung totoo ngang gusto pa rin siya ni Linel. She swallowed the lump in her throat. "Pero hindi, eh. He even bought this place for me." "Malamang para may pagtataguan kayo kapag gusto ka niyang galawin. Para hindi kayo mahuli ni Tyra doon sa bahay nila," sagot ni Vina. Lalo lamang tuloy sumakit ang damdamin niya. Paano kung ganoon nga? Matatanggap niya ba? Kaya niya bang maging kabit? No, no. Galit na galit siya sa mommy niya noong nalaman niyang nangaliwa ito. Hindi niya kayang tanggapin kung totoo ngang kabit siya ni Linel. She bowed her head low and just let her tears fall. Hinayaan na lamang din niyang magbunganga si Vina sa kanya kahit na sa totoo lang ay masyado nang masakit iyong ibang sinasabi nito. "Ikaw naman kasi, ang bilis mong bumigay. Saka bakit ka pumayag ibili ka ng condo? Bayarang babae ka ba?" Raiah sighed. "Vina, tama na." Nagpunas ng luha si Ae bago niya kinuha ang kanyang phone. She looked up Fine's account and messaged him, asking to meet up so he could clarify what Tyra had told her. Sinilip ni Vina ang chat. Nang mabasa ang pakiusap niya kay Fine ay umirap ito sa kawalan. "Ano ba, Ae? Kahit tanungin mo si Fine, magsisinungaling din 'yan sa'yo. Ang mabuti pa, ibalik na natin 'tong mga gamit mo sa inyo. Huwag mo nang kunin 'tong unit," pangungumbinsi ni Vina ngunit hindi niya ito pinansin. She waited for Fine to respond. Mabuti na lamang at online ito at nabasa kaagad ang chat niya. Pumayag itong puntahan siya kaya bumaba siya at hinintay ito. Hindi niya na hinayaang sumama ang mga kaibigan niya nang hindi maapektuhan ni Vina ang isip niya. "Hey," bungad ni Fine nang makita siya nito sa loob ng coffee shop na nasa ground floor lamang ng building. She sniffed. "Sorry sa abala. Gusto ko kasing maliwanagan." "It's okay. Mukhang . . . napaiyak ka ni Tyra, ah? Maga na 'yang mga mata mo. Hindi matutuwa si Linel niyan." Nagpunas siya ng luha. "Sabi kasi ni Tyra kay Linel 'yong batang dinadala niya. In-invite pa nga niya ako sa baby shower. Nag-o-overthink ako kasi palagi silang magkasama bago 'yong graduation ninyo." "What?" halos matawang tanong ni Fine. "Oh goodness, hindi na talaga siya tumigil." "W-What do you mean?" Fine sighed. "I can guarantee you that it's not Linel's child. Noong palagi naming kasama si Tyra, dahil 'yon sa si Tyra ang nagdidikit sa sarili niya kay Linel. Nawalan na ng pakialam noon si Linel dahil akala nga niya hindi mo talaga siya papatulan kaya pinabayaan na niyang dumikit-dikit sa'min si Tyra. Minsan din nag-aabang siya sa gate nina Linel para sumabay pumasok. She's that desperate to have Linel to the point na parang delusional na si Tyra. She's been spreading rumors in the past four years that she and Linel are dating. Na may mga out of town trips pa sila. Paano naman mangyayari 'yon kung wala sa bansa si Linel? Kung umuwi man, halos kami-kami lang ang kasama?" Napahikbi siya. "Totoo ba 'yan, Fine? Hindi mo ba pinagtatakpan si Linel?" "Ae, kilala lang kaming gago no'ng high school pero hindi kami sinungaling pagdating sa mga ganitong bagay." She sobbed. "Sorry. Sabi kasi ni Vina baka pagtakpan mo lang dahil kaibigan mo." Muling napabuntonghininga si Fine na tila na-stress. "You know, ayokong makialam sa inyo ng friends mo but something is really off about that one friend of yours. She seems unhappy when you're happy. Parang may inggit na itinatago. No offense, though. Just my observation. Iba rin kung tumingin noon kay Linel kapag hindi ka nakatingin o kung hindi ka kasama. Parang nang-aakit. Hindi lang namin pinapansin. Wala rin namang pakialam si Linel kahit akitin niya pa 'yong tropa ko. Sa'yo lang naman nahibang 'yon." Napakurap siya habang pinupunasan ang kanyang pisngi. "S-Si Vina?" "Yeah, but I could be wrong though. Hindi ko naman siya gaanong kilala dahil ilag ako sa kanya. Si Raiah, okay pa but that other girl? I don't know pero mabigat ang loob ko sa isang 'yon." Sumandal ito sa silya. "Pero ikaw lang din ang makakapag sabi kung tamang kaibigan ba siya para sa'yo. Obserbahan mo na lang siguro." Tumango na lamang siya. Masyado pa ring magulo ang isip niya ngayon para bigyang pansin si Vina. Nami-miss na nga niya si Linel, sinabayan pa siya ni Tyra. "Anyway . . ." Fine sighed. "Don't ever worry about Linel's loyalty. He's single and I will always vouch for him. Kahit tinatapunan 'yon ni Randall ng babae tuwing nagbabakasyon, hindi talaga pumatol. Here. Look at these photos." Inilabas nito ang phone at ipinakita ang mga larawan. May petsa sa screen kung kailan nakuhanan ang mga iyon. All of it were taken in the past four years. At sa lahat ng larawan ay palaging malayo sa mga babae si Linel. Hindi rin nakangiti na tila tumitingin lamang sa camera para sa picture. "Binilin ka rin samin kahit na ayaw sana niyang may makaalam ng tungkol sa iyon. Tingnan-tingnan ka raw habang wala siya. Bantayan kung may aaligid sa'yong lalake. Baliw na baliw sa'yo 'yon kaya huwag ka nang umiyak. Kahit na ipa-DNA test natin 'yong anak ni Tyra, ako na mismo nagsasabi sa'yo na imposibleng kay Linel 'yon." She sniffed. "Salamat, Fine. Sorry, hindi ko lang talaga naiwasang maging emosyonal." "Ayos lang. Ganyan talaga. Basta tiwala ka lang kay Linel saka siguro mas magandang itago mo na lang sa mga kaibigan mo 'yang relasyon ninyo. Hindi kasi lahat ng payo, Ae nakakabuti." Tumango siya't nagpasalamat ulit dito. Hindi na rin niya ito inabala pa. After finishing their drinks that Fine had bought for them, nagpaalam na rin siya rito na babalik na sa unit niya. "Oh, anong nangyari sa pag-uusap ninyo? Dineny ba?" tanong ni Vina pagkapasok niya. Pinakatitigan niya ang mga mata ni Vina. She tried to search for any sign of concern in her friend's eyes, ngunit ni katiting ay wala siyang nakita. All that's written in Vina's eyes was . . . excitement, as if she wanted to hear her say that she's going to break up with Linel. Meanwhile, Raiah looked concerned. Tikom ang bibig ngunit tila nag-aalala nang husto sa kanya. Ayaw niyang ikumpara ang dalawa. Lalong ayaw niyang husgahan si Vina dahil baka nami-misinterpret lamang niya ito. Maybe she'd gather more evidences first that Vina isn't really a true friend before she would cut ties with her. Alang-alang na lamang kay Raiah na siyang maiipit kung sakaling ayaw na niyang kaibiganin pa si Vina. Humugot siya ng hininga't pilit na nginitian si Vina. "I think so," she lied. "But I'm keeping this place even if I'd break up with him. After all, sa akin naman 'to nakapangalan." Kitang-kita niya kung papaanong napawi ang kislap sa mga mata ni Vina. Napalunok na lamang tuloy siya't nilampasan na ito. Now she's becoming more convinced that Fine might be right
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD