Kabanata 28

1396 Words
NGAYON lamang yata nagpasalamat si Ae na patayan ang kolehiyo. Dahil kung hindi siya na-stress nang husto sa pag-aaral ay baka hanggang ngayon nagmumukmok pa rin siya. It was hard to not overthink at first, but as soon as she shifted her focus to her studies instead of constantly worrying about her love life, things became a little lighter for her fragile heart. Halos ibagsak niya ang kanyang katawan nang makapasok siya sa backseat ng taxi. Katatapos lamang ng internship niya kaya parang sa byahe pa lamang pauwi ay pipikit na ang mga mata niya. She gave the address to the cab driver. Nang magsimulang tumakbo ang taxi ay binuksan niya ang phone niya't tiningnan ang mga mensaheng natanggap. It's been a year since Linel left. Isang taon na rin silang walang komunikasyon ngunit palagi siyang kinukumusta ng malalapit nitong kaibigan. Randall and Fine would often bring her stuff, too like food, and for some reason, Vina didn't seem happy about it. May pagkakataon pang nahuli niya itong nagtaas ng kilay nang magtawanan sila ni Fine habang iniaabot nito sa kanya ang takeout food. Binuksan niya ang chat ni Deydey. Nagsusumbong ito tungkol sa naging pagtatalo ng mga magulang niya. Looks like her dad is having an affair. Mukhang ginagantihan nito ang mommy niya dahil sa nangyari noon. Napabuntonghininga na lamang siya bago niya tinawagan si Deydey. Sinagot naman nito kaagad ang tawag niya. "Ae?" "Anong nangyari, ate?" Deydey sighed. "May babae raw kasi si Sir. Nagtalo sila kagabi. Sabi ng mommy mo hindi pa rin siya napatawad ng daddy mo kaya gumaganti ngayon si Sir. Iyak nang iyak ang mommy mo. Pinipilit niyang kaya lang siya nagkaroon ng relasyon sa dating boss ni Sir para ma-promote si Sir." "Oh, anong sabi ni Daddy?" "Ayun, nanliit daw siya dahil sa ginawa ni Ma'am. Parang ipinamukha raw kasi ni Ma'am na hindi kayang umangat ni Sir sa kumpanya kung hindi pa gagawa ng kalokohan ang mommy mo." Naipikit ni Ae ang kanyang mga mata. This is why she rarely comes home to visit her parents. Nasasakal siya sa kanila dahil dama niya ang hidwaan sa pagitan ng mga magulang niya. Minsan naiisip niya na baka mas mabuti na lang kung maghiwalay na ang dalawa. Noong bata pa siya ay iba ang tingin niya sa broken family. She thought it's a stupid decision to break a family and find the easy way out. Pero ngayong nagkaisip na siya, naiintindihan na niya kung bakit may mga pamilyang kailangang masira para muling mabuo ang kapayapaan. Sa huli ay anak pa rin naman ang mahihirapan. Buo nga ang pamilya, puro naman sama ng loob ang mapababaon ng mga magulang sa isip ng mga anak. "Ae, hindi pa umuuwi si Sir magmula kagabi. Iyak nang iyak ang mommy mo. Ayaw rin niyang lumabas para kumain man lang. Kinakatok ko pero pinapaalis lang ako." She swallowed the lump forming in her throat. "Sige, pupuntahan ko si Mommy mamaya. Uuwi lang ako sandali para makapag-shower at makapagbihis." "Pasensya ka na, nakadagdag pa 'to sa stress mo. Kasambahay lang kasi ako. Wala akong kakayahang aluin si Ma'am. Mukhang sa'yo lang makikinig." She hopes so. Kaya lang ay kahit naman silang mag-ina ay hindi gaanong malapit sa isa't isa. Para bang may pader na nakapagitan sa kanila. Maybe that's why she's friends with Raiah and Vina. Pare-pareho silang may hinanakit sa mga magulang nila. "Ayos lang po, ate. Thank you for informing me. Tatawag na lang ako kapag papunta na ako diyan." "Sige. Mag-iingat ka." Tuluyan niya nang ibinaba ang tawag. Pinakalma rin muna niya ang dibdib niya bago niya ulit tiningnan ang ilan pang mensaheng natanggap niya. She scrolled through her messages until she received a chat from Fine's wife. Nasa baba raw ito ng condo building at hinihintay siya upang makapag-usap sila. Napakunot tuloy siya ng noo. Ano naman ang pag-uusapan nila? Um-oo na lamang siya't sinabing malapit na siya sa condo building. Pagkababa ng taxi ay nakita kaagad niya itong nakatayo sa harap ng building habang hawak ang bag nito. She shut the door of the taxi then walked towards Yuko. Malamig ang mga mata nito habang nakatanaw sa kanya't pinanonood siyang lumapit. "Hi," bati niya. Yuko inhaled a sharp breath. Her already thin lips went into a line before she broke her silence. "Where can we talk more privately?" may kalamigan ang tinig nitong tanong. Napakunot ng noo si Ae. Nagtataka kung bakit parang nagkokontrol ng galit ang asawa ni Fine. "Uh, we can go to my unit if you want." Marahan lamang itong tumango saka ito sumunod sa kanya. Nang makapasok sila sa elevator ay napansin niyang halos mamuti ang knuckles nito sa sobrang higpit ng pagkakahawak sa straps ng bag nito. Lalo lamang tuloy bumigat ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay galit ito sa kanya ngunit hindi niya naman alam kung bakit. The atmosphere inside the elevator felt suffocating. Wala pa mang sinasabi si Yuko sa kanya ay bumibigat na ang dibdib niya. Did she do something? Sinubukan niyang kalkalin ang alaala niya. Parang wala naman kaya bakit ganito ito? "H-How's Fil? Haven't seem him in months," basag niya sa katahimikan. Yuko didn't answer. Itinikom na lamang din niya ang bibig niya't nauna nang lumabas ng elevator. Bumuntot ito sa kanya hanggang sa tuluyan silang nakapasok sa loob ng unit. "Do you want some coffee?" alok niya. Nagpakawala ito ng malalim na hininga matapos niyang isara ang pinto. "I didn't come here to have coffee with you. Nandito ako para itanong kung saan ka kumuha ng lakas ng loob para landiin ang asawa ko." "What?" Her forehead creased. "Oh my goodness, saan mo naman nakuha 'yang ideya na 'yan?" "I've seen photos of Fine going in and out of this place. Huwag kang magsinungaling sa akin dahil kitang-kita ng dalawang mata ko na pinupuntahan ka rito ng asawa ko." Nahilot nang tuluyan ni Ae ang kanyang sentido. Pagod na nga siya galing ng internship, ito pa ang bubungad sa kanya. She tried to take some deep breaths. "Hindi ko alam kung saan mo nakuha 'yang mga larawang sinasabi mo, but just because Fine comes here doesn't mean we're having an affair. Kaibigan siya ng boyfriend ko at ihinabilin ako ni Linel sa kanila ni Randall--" "Oh, bullshit! Hindi ka na bata para ihabilin pa sa lalakeng pamilyado! Hindi ka rin baldado so cut the crap!" Naipikit ni Ae ang kanyang mga mata nang magsimula na ring mapitik ang kanyang pasensya. "You know what? This is crazy. Fine is a good friend of mine. He's my boyfriend's best friend and he doesn't deserve this. We both don't deserve this kaya huwag mo kaming pag-isipan nang masama. Isa pa, mahal ko ang boyfriend ko. Hindi ko siya kayang lokohin gaya ng iniisip mo." "And I don't deserve to be cheated on!" "He's not cheating on you, okay?! God!" She massaged her forehead. "He and Randall comes here to bring me food o kung ano pa man ang kailangan ko. You know why? Because their best friend, my man, asked them to look after me. Ni hindi na sila nagsasabi kapag dumadalaw rito. Basta na lang silang dumarating dito. At saka lang din sila pumupuna kapag nandito ang friends ko. You know why? Because we don't have an affair. Kung may relasyon kami ni Fine, sana hindi nagpupunta rito si Randall? Sana siya lang? Saka sana saka niya ako pinupuntahan kung kailan mag-isa lang ako?" "Malay ko ba kung totoo ang sinabi ng nag-chat sa akin na makati ka masyado kaya tinuhog mo ang asawa ko at si Randall? Na pinagtatakpan ka ng mga kaibigan mo't kinukunsinti?" She scoffed. "God, you're unbelievable at this point." Napailing siya. "Sino 'yong nag-chat sa'yo? Bakit hindi mo dalhin dito nang kami mismo ang magharap? Patingin ng mga larawan? Patunayan mong may pruweba talaga kayong may relasyon kami ng asawa mo." "It's not important anymore. My point is you need to stop seeing my husband. Kontrolin mo 'yang kakatihan mo. Don't you dare break my family." "And she wouldn't." Pareho silang natigilan nang mapatingin sa pinto ng kanyang silid nang makarinig ng tinig ng isang lalake. Nang makita nila ang lalakeng naka-topless at may hawak na bowl ng ubas ay halos parehong nanlaki ang kanilang mga mata. Ae's heart almost jumped out of her chest the moment she realized who the man is. "Linel . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD