Gabby
The same old thing still occurs every day. Sobrang boring pala talaga ng buhay ko. Office, unit, bahay ni Drew at ng pamilya ko or mall lang ang napupuntahan ko. I don't have close friends kaya si Drew lang madalas ang nabubulabog at nakakasama ko. My cousins have their own family and life to take care of kaya hindi ko sila mapuntahan araw-araw.
Here I am, sitting infront of my PC, scrolling through f*******:. I need to have something to distract me away from my thoughts.
Because what I'm thinking of is inappropriate.
Pero kahit na pinigilan ko ang sarili ko, I still found myself scrolling on a dating site.
"My god, Gab." pabulong na sinabi ko sa sarili ko pagkaclick ko sa isang profile.
The guy on the picture is good looking and all pero hindi ko magawang iclick ang message button. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit kahit ilang beses ko na ginawa ang bagay na ito, hindi pa rin ako tumitigil. I mean, ganito kasi ang ginagawa ko - gagawa ng account, magba-browse sa profile ng kung sino-sino basta nacute-an ako, pero in the end, wala akong naimemessage at nauuwi sa pagdedelete ng account.
Hindi ko na matandaan kung ilang beses at alam ko sa sarili ko na lagpas pa sa bilang ng mga darili ko ang nagawa kong account sa site na ito.
Being me sucks.
Ewan ko pero may parte sa akin na nahihiya dahil baka isipin ng tao na makausap ko na desperado ako dahil gumawa ako ng account. But wouldn't that make us the same? I don't know pero ang alam ko talaga, ang iba ruon, may account dahil gusto ng OLX - hanap, usap, deal.
Sometimes I think to myself na ganuon rin naman ako. Gusto ko gawin ang alam kong ginagawa nila pero nahihiya ako. Baka masira ko rin ang pangalan ng pamilya ko kapag ginawa ko iyon.
I want to experience that. I want someone... to give me what I wanted to feel.
Ang lonely ng buhay ko, shet.
And because I'm a massive failure on that site, it ends up with self gratification.
I'm young but I'm not free because I care too much about my name and image. Ayoko naman na dahil lang sa pangsariling kagustuhan ko, masira ko ang pangalang dinadala ko. Being me is already a burden to everyone around me. The only good thing about me is that I was born an Eru.
Siguro kung hind ako Eru at ganito ako mag-isip, marami na akong naka-OLX.
I'm not spiting my name. I'm just simply tired of being restricted and being compared to my brother and sister.
I'm turning 25 in a week and I've only been laid once.
"Can I sit here?" Napaangat ako ng tingin dahil sa tanong ng isang babae. Ang ganda niya at ang laki ng tiyan niya. "Wala na kasing available na table and I'm really tired. I hope you don't mind."
"Not at all." Iniusog ko ang librong binabasa ko pati na ang milktea ko para may mapaglagyan siya ng milktea at doughnut niya.
"Thank you." Ngumiti lang siya at halata sa mukha niya ang pagod. Naawa ako bigla dahil sa itsura niya. Natatakot rin ako dahil baka bigla siyang manganak and I honestly don't know what I would do if that happen. "I'm really sorry kung naabala kita at nakiupo sa table mo. Some people really don't bother letting old people and pregnant women sit as long as they are comfortable." lintaya niya na halatang inis sa mga uri ng tao na binanggit niya.
I agree. Kung nakita ko siguro siya, knowing na wala na talagang available table, maggigive way ako. Nagbabasa lang naman kasi ako.
"Yeah." nakangiting pagsang-ayon ko sa kaniya. I want to resume reading pero baka isipin niya na rude ako. Kaya lang, bakit niya iisipin iyon kung in the first place, hindi naman kami magkakilala - unless isipin niya na dapat ko siya i-entertain dahil magkasama kami sa table na ito.
"Sorry, nakalimutan ko." Iniayos niya ang buhok niya saka ito inipit sa tainga niya. "I'm Jade."
Iniayos ko ang salamin ko saka ko inilahad ang kamay ko, na kinuha naman niya. "Gab."
"That's short for Gabriel, I guess. I know who you are."
"You know?" Nagtaka ako bigla dahil sa sinabi niya. She knows me? Hindi nga pamilyar ang mukha niya kaya paano niya ako nakilala?
"I saw you on TV. Celebrity ka, right?" Iniabot niya ang inumin niya saka sumipsip rito. Inilapag niya rin naman kaagad ito para kuhanin ang doughnut. "Kaya pala naisip ko na pamilyar ka kasi artista ka."
"Tama ka sa pangalan ko pero hindi ko alam kung masasabi ko na artista ako. Hindi naman ako uma-acting like my family, or even endorse products kaya nagulat ako na kilala mo ako."
"No, you endorsed once. Iyong DJB eyewear."
Napaisip ako sa sinabi niya. I did but that was three years ago. Ang galing naman niya at natandaan niya ako.
"Ah, right. Pero ang galing kasi hindi talaga iyon palaging ipinapakita sa TV yet naaalala mo ako."
"I guess I'm good at remembering people na nalabas sa TV." Tumawa siya ng bahagya na sobrang nacute-an ako. Hindi ko tuloy maialis ang mga mata ko sa kaniya.
I really should remind myself that she's pregnant and already taken. It's wrong to hit on her and also, wala talaga akong lakas ng loob para manglandi. Isa pa, I'm gay as f**k.
Weird that I feel giddy all of a sudden. Kanina lang gusto ko mapag-isa kaya umalis ako sa unit ko para maggala at idate ang sarili ko. Gusto ko siya maging kaibigan. She must be fun to be with.
"Hey, so... if it's not much to ask, can we be friends?" nahihiyang tanong ko. "You can decline if you want. Sorry for being a creep." mabilisang dugtong ko sa tanong ko. Nakaramdam kasi ako ng hiya.
"No, that's okay. Pero on one condition." Nginitian niya ako saka lumingon sa paligid. "Kuya," tawag niya sa staff ng cafe na naglilinis ng mesa. "Puwede makahiram ng pen and paper?" Nakangiting inabutan siya nito matapos kumuha iyong staff ng inirequest niya. "Pa-autograph muna."
"Really?" I was dumbfounded but I felt happy. Happy because this only shows that I'm not just a nobody. Happy because for the first time, someone asked me for an autograph. Iyong genuine na ngiti ko kanina, napalitan ng pilit dahil naisip ko na baka kaya lang nanghihingi ng autograph ito ay dahil sa apelyido ko. That sucks if that's really what this is all about. Kinuha ko iyong inilahad niyang ballpen at papel saka siya ngitian ng bahagya. "Before that, puwede magtanong?" Tumango siya kaya humugot ako ng malalim na paghinga. "Nagpapa-autograph ka ba dahil sa apelyidong dala ko? Or maybe, dahil sa mga magulang at mga kapatid ko?"
"Hindi." mabilis na sagot niya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Ikaw kasi iyong kauna-unahang artista na nakausap at nakita ko in person kaya natuwa ako. Plus, mabait ka, we're friends now and because it's you."
A couple of hours passed na masaya kaming nag-usap ni Jade. Naputol lang dahil sinundo na siya ng mga kaibigan niya. She even introduced me to them and told me to keep in touch after giving me her number.
I got a new friend. I had fun. I guess this day isn't really that bad after all.
"Look." After typing, I pressed send. Isinend ko rin iyong selfie namin ni Jade kaya for sure, mauulol ito si Drew. Ang isinend ko talaga ay iyong hindi kita ang tiyan ni Jade. Gusto ko kasi inggitin ang kaibigan ko. Mahilig kasi ito sa magagandang babae at sa itsura ni Jade, it's impossible na hindi ito trip ni Drew.
"Sino iyan?"
"Guess." Bumukas na ang elevator kaya lumabas na ako at dumiretso sa unit ko. Once I got in, naghubad muna ako at nagboxer lang para magpalamig dahil sobrang init sa labas. Pagkaupo ko sa sofa, saka ko lang tinignan ang message ni Drew.
"Pakyu. Guess mo mukha mo. Sino nga?"
"My new friend."
"K"
"You forgot to put a period."
"Edi k. Arte mo!"
"Himala lang kasi na wala kang comment sa kaibigan ko."
"Send the pic again."
Nagtaka ako sa message niya kaya napataas ang isang kilay ko. "Scroll up!"
"Just send it!" Nagkibit balikat na lang ako saka ito sinend. "Comment."
"Abnormal ka talaga! Matutulog na ako!"
"Walang good night kiss?" tanong niya saka nagsend ng gif na naghahalikan. Actually hindi siya halikan talaga. Laplapan siya kasi halos kainin na ng magpartner ang mukha ng bawat isa.
"Ulol! Kiss my ass! Good night!"