Gabby
"Hindi mo pa rin ba ako patatawarin?"
Nakalunch break ako ngayon at sa cafeteria ko napiling kumain. The coast is clear dahil hindi normal ang oras ng lunch break ko. Walang katao tao rito dahil malapit na rin talaga magsara ang cafeteria namin. Nagpalipat kasi ako ng oras ng shiftline dahil hindi talaga ako komportable sa ibang mga katrabaho ko.
I was really happy nang pumayag ang boss ko sa requested shift na gusto ko dahil sa rason ko. I know na makasarili ako sa napili kong shiftline dahil nasa umaga talaga ang peak hours pero hindi ko na kasi kinaya kaya napilitan ako magrequest.
What I'm not happy about is that my boss still bothers me. Akala ko pa naman mauuna na siyang umuwi simula ngayon pero nagkamali ako dahil talagang hihintayin niya raw ako araw-araw na umuwi para maihatid sa unit ko.
I just want to work and earn money so leave me alone, Sir.
"Sir-"
"Ibinigay ko na iyong shift na gusto mo. Hindi pa rin ba sapat iyon para mapatawad mo ako?" Iniusog ko ang upuan ko dahil bigla siyang umupo sa tabi ko.
Just leave me alone! Oh, my god.
"Sir, puwede po ba na itigil na natin ito? Nandito po kasi ako para magtrabaho." pakiusap ko saka iniayos ang container ng baon ko. Sa totoo lang naiinis na ako sa amo ko kaya hindi ko maiwasang padabog na iayos ang baon ko.
"Pero gusto kita."
I love to hear someone tell me that pero hindi mula sa kaniya. Amo ko siya at wala akong nararamdamang espesyal para sa kaniya. Hindi ako nagpapakachoosy gayong naghahanap nga ako ng syota. Hindi ako nag-iinarte or what. Hindi ko lang talaga siya makuhang magustuhan sa paraang gusto niya.
Puwede ko siya sakyan pero alam ko ang habol niya. I can do it secretly para hindi masira ang pangalan ko pero I don't want to do it just to please my desires. Ang mali nuon.
Kinalma ko ang sarili ko saka ko siya tinignan sa mata. "With all due respect, Sir, hindi mo po ako gusto."
"I do." pagpupumilit niya saka inilapit pa lalo ang upuan sa akin.
"You only want my ass, Sir. Gusto mo lang ako matikman. I hope hindi mo po ako sisantihin dahil lang hindi ko maibigay ang gusto mo. I like working with you as my boss, Sir. I witnessed how hands on you are on our work and I really looked up to you on my first day here dahil sobrang galing mo magtrabaho. I aspired to be like you pero sinisira mo po ang mataas na pagtingin ko sa iyo dahil sa ginagawa mo."
Napayuko siya saka umutras kaya nahinga ako ng maluwag. I was preparing myself for the worst. I was thinking that he will jump on me dahil halata sa mukha niya kanina. Good thing at hindi natuloy.
"I'm sorry. Nagustuhan lang talaga kita."
"Ikama?" nakangising tanong ko. Napangisi lang ako kasi alam ko ang tipo ng tao na tulad niya.
"Yeah," Gotcha. Napailing tuloy ako. "You just look so good kaya hindi ko maialis mata ko sa iyo ever since dumating ka rito."
"I'm not that good looking naman po."
"You are." Nag-angat siya ng ulo saka tumingin sa mga mata ko. Nakangiti na siya ngayon. "To be honest, ilang beses na kitang natikman sa isip ko. Creepy, I know. Hindi ko lang mapigilan. I was even planning to be a bottom kahit top ako just so I can feel you pound me."
"Too bad, Sir. Too bad." Tumawa na lang ako ng bahagya para hindi awkward. Tinamaan rin kasi ako sa mga sinabi niya. With his looks and body, I can totally do him. Pagkain na ang lumalapit. Nag-iingat lang talaga ako.
"Hope we can still be friends, though. Alam ko na wala ako sa posisyon para hilingin na maging magkaibigan tayo matapos ko umamin sa mga kahalayan ko sa iyo pero gusto ko pa rin na maging magkaibigan tayo rito sa office. You can stop calling me, Sir. Just call me by my name. Robin."
"Oks, Robin. Let's stay friends. At least naalis ka na sa listahan ng mga taong gusto ko iwasan." matawa tawang sinabi ko saka siya inalok ng pagkaing dala ko pero tumanggi siya at nakipagkwentuhan na lang.
I'm glad na naclear out na ang amo ko sa mga pinoproblema ko at okay na kami. Hindi kasi madaling pasukin ang gusto niya mangyari. Mahirap kasi kung nagkataon na pinatulan ko siya, mamatahin kami ng mga tao. Some might throw us nasty looks. Some might even think that we're having s*x kasi iyon ang common thinking ng mga tao basta magsyota ang dalawang lalake.
Kung sa akin lang, it's okay to have s*x with him. I'm down for it lalo pa at ilang taon na akong hindi nakakaranas nito. Ang ayoko lang, iyong mga puwedeng kalabasan. Baka masira ko pangalan ng pamilya ko kapag nalaman nila ang nangyayari sa amin ng amo ko. Baka rin mavideohan niya ako while having s*x with him kaya I chose to stay on the safe side. Hindi ko kasi talaga kilala ang amo ko kaya hindi ko alam ang mga kaya niyang gawin.
Another thing, hindi pa totally accepted ang LGBT sa Pinas. Kung pumasok ka man sa same-s*x relationship, you need to be strong dahil kukutsain ka ng mga tao. Aasarin ka at iinsultuhin. Kung ano anong masasakit na salita ang maririnig mo.
Ikaw rin mismo ang mahihiya na maglakad sa publiko na may kahawak na kapwa mo. Masyado na kasing mapanghusga ang mga tao kaya alam ko na iyong ibang kasali sa LGBT, mas pinipili na lang na magtago kahit hindi sila masaya sa pagpapanggap.
Ako kasi, hindi ako vocal kung ano talaga ako. I just let people think whatever they think of me. Sa itsura ko, hindi kasi ako halata but I'm gay. Kapag may nagtatanong, saka ko lang sinasabi kung ano ako. I may like girls but it's only limited to having crush on them. Hindi kasing lalim ng pagkakagusto ko sa mga lalake - both sexually and emotionally.
I just hope one day that the LGBT community can be accepted worldwide. Ako kasi ang naaawa sa iba. They can't truly be happy because of the community that we are in.
I decided to stay at the roof. May swimming pool kasi rito. It's already night and I know for a fact na sobrang lamig ng tubig pero hindi pa rin ako nagpapigil at naligo pa rin. I'm the only one here, probably because it's already 11PM. Wala naman akong pasok bukas so okay lang na magpuyat ako.
Nahiga lang ako sa float matapos ko kuhanin ang cell phone ko. Gusto ko muna kasi umahon kahit lalamigin lalo ako. Nang maiayos ko na ang sarili ko sa float, I opened f*******:.
I posted Alone on my feed.
A few minutes later, tumunog ang cellphone ko, indicating a new message. I opened it and got confused.
"Hi. Pa-accept naman po ng friend request."
The message was from a person named Sebastian. Marami na akong friend requests pero i-eexempt ko siya sa mga pending, na wala naman akong balak i-accept dahil mga hindi ko kilala. I want someone to talk to right now, baka puwede siya maging pangpalipas oras.
That sounds harsh. Oh, well. Baka siya rin naman ganuon ang tingin sa akin kaya nagmessage.
"Hello." I replied after accepting his friend request.
"Wow. Inaccept ako."
"Sino ka?"
"Sebastian."
"Obviously. Bakit mo pala ako in-add?"
"Wala lang. Gusto ko lang ng kausap."
"Are you sure? Baka naman in-add mo ako kasi sikat ang pamilya ko."
"Hindi. Talagang gusto ko lang ng kausap na nakikita ko ang mukha. Hindi ko kasi nakikita mukha sa Omegle kaya nagbakasakali ako dito sa FB."
"Why me though?"
Hindi ko napigilan magtanong. Sa rami ng tao sa f*******:, ako pa talaga ang napili niyang ichat? Baka naman may hidden agenda ito. Nanggaling pa man rin siya sa Omegle.
"Nakita ko kasi na nagpost iyong kaibigan ko sa wall mo kaya naisip ko na magpalipas ng oras sa pagchachat sa iyo."
I knew it. Palipas oras nga ang hanap nito. Patulan ko na lang rin siguro kasi gusto ko rin talaga magpalipas ng oras. Hindi muna ako nagreply. Tinignan ko muna ang profile niya kaya lang nadismaya ako kasi wala itong kalaman laman. Dummy account.
"Why not use your real account? Gumagamit ka pa ng dummy. Siguro ginagamit mo iyan para sa kung ano anong kalokohan."
"Good boy ako. Hahahahaha. For privacy lang. Ayokong may makakilala sa akin at sabihing nakikipag-usap ako sa kapwa ko lalake na parang naghahanap ng kalandian."
"From what it looks like, mukha ngang humahanap ka ng kalandian. Imagine, what time na pero nagchachat ka pa rin sa stranger. Lol."
"Sabagay. Pero magpapalandi ka ba kapag nilandi kita?"
Nagulat ako sa tanong niya at nang makarecover, natawa ako. I'll stick to the safe side. Ayoko mascreenshot ang conversation namin kapag pinatulan ko ang trip niya. I'll have to filter my words.
"No. Hindi nga kita kilala and I don't do online relationship. Isa pa, you're a guy."
"Kaya ko magpa-in love kahit straight pa. Tried and tested."
"Ang yabang. Pero sorry, ha? I don't fall easily. And most importantly, hindi ako nagpapalandi sa hindi ko kilala. Hindi ko nga alam itsura mo. Lol."
"Baka kapag nakita mo ako, magkacrush ka sa akin."
"Again, hindi ako tinatablan sa mga ganiyan. Kung malakas kumpyansa mo sa sarili mo, then show yourself."
"Huwag na, makilala mo pa ako."
"Lol. Kilala ba kita para sabihin na kilala kita kapag nakita ko picture mo?"
"Yep."
Napabangon ako sa float dahil sa sinabi niya. Is he serious? Kilala ko talaga siya? I don't know why I thought of Drew. Kaya lang imposible na siya ito. Hassle para sa kaniya ang gumawa ng isang account para lang magtrip.
"Drew? Kung ikaw iyan, tarantado ka. Tigilan mo ako."
"Hindi ako si Drew. Ako si Sebastian."
"Mamatay ka man?" I asked dahil kilala ko si Drew. Ayaw niya sa mga ganyang tanong. Takot kasi siya mamatay. Well, it's normal pero iyan lang kasi ang alam ko na way para malaman kung si Drew ba itong kausap ko o ano.
"Yep."
Our talk continued hanggang 2AM. I don't normally do this pero I enjoyed talking with him. Wala naman kaming napagkwetuhan na sobrang deep. I also heard his voice. Ayoko kasi sa chat dahil sa takot na baka madala ako sa pag-uusap namin at kung anong masabi ko. At least kapag kausap ko talaga siya, madali kong maidedeny na ako ang nasa kabilang linya dahil iba ang normal voice ko sa ginamit ko habang kausap siya if ever man na irecord niya ang pag-uusap namin.
His voice was good. Deep enough to make me think na lalakeng lalake talaga siya. I also imagine him being sexy as f**k. Sorry, that's just how I am. Hindi ko kasi napigilan. I insisted na magsend siya ng picture para at least alam ko itsura niya pero sinabi niya lang na saka na kapag nagkita kami.
I'm scared na makipagkita sa kaniya kaya um-okay na lang ako kahit hindi naman talaga ako makikipagkita. Again, I'll play safe. We decided to be friends, if you can call what we'll have that. We can call or message each other kapag trip namin. That's how he defined our friendship.
He's seriously fun to talk to.
Morning came. Pagkatapos ko mag-almusal, nagbihis ako dahil pupunta na ako sa gym ng condo. When I opened the door, bumungad sa akin ang isang hindi kalakihang box. Siguro kasing laki lang ng box ng sapatos pangbata.
May note ito kaya iyon muna ang kinuha ko. I got scared. Baka kasi bomba ito or what. Nanginginig na binuksan ko ang note. Bumungad sa akin ang smiley na drawing at may pangalan ko. Nasa itaas na tupi ang drawing at sa ibabang tupi nito, nakasulat ang nagpagulo ng isip ko. Hindi ko kasi alam kung matatakot ako o kikiligin.
Crush talaga kita dati pa. I always see to it na dapat makita kita kahit isang beses sa loob ng isang linggo. Sana okay lang sa iyo na magkaroon ng admirer :)
-Sebastian
And with that, I started receiving different types of chocolate everyday.