“Sino bang inaabangan mo, Madam? Kanina ka pa pasilip-silip d’yan!” Muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil sa biglaang pagsasalita ng isa sa mga staff ng bar na si Tin. Ilang gabi na ba akong ganito palagi sa tuwing duduty dito sa bar?! Mag-iisang linggo na yata akong palaging kabado at tuliro dahil baka isang araw ay bigla na lang sumulpot dito ang Bryce na ‘yon! Akala ko pa naman nakaiwas na ako ng tuluyan noong tumigil na s’ya sa kakatext sa akin. Akala ko lang pala dahil kaibigan pa s’ya ng Kuya ko! Tinamaan naman talaga ng magaling oh! Sa dami ng magiging kaibigan bakit nasama pa ang gagong Bryce na ‘yon! Nakaka-stress! “Wala. Inaabangan ko lang si Yuwan. Baka maagang dumating ngayon. Gusto kong umuwi ng maaga,” palusot ko at agad na napatingin sa suot na relo. Noon ay ganito

