22

1226 Words

Pagkatapos ng unang beses na pagpunta ni Bryce sa bar ay parang palagi na lang akong nag-aabang na matapos ang shift ko! Hindi naman s’ya gabi-gabi na pumupunta dahil wala s’ya kahapon pero hindi pa rin ako mapakali dahil ibang-iba ang pakikitungo n’ya sa akin ngayon! Hindi ko alam kung nasanay lang ako na isang taong palagi n’yang nasasabihan ng tungkol sa mga katangahan n’ya sa pag-ibig ang turing n’ya sa akin kaya ilang na ilang ako ngayon na halos hindi na n’ya inaalis ang titig sa akin! Halos hindi ako makapag timpla ng alak ng maayos dahil sa mga pasimpleng paninitig n’ya sa akin. Hindi naman sa hindi ako sanay na natititigan ng kung sino. Iba lang talaga ang epekto n’ya sa akin dahil… dahil kahit papaano ay napalapit ang loob ko sa kanya at… at minsan pa ngang naging tanga dahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD