bc

The Bachelor's X-Rave Model

book_age18+
572
FOLLOW
1.3K
READ
HE
sensitive
boss
drama
bxg
office/work place
love at the first sight
assistant
like
intro-logo
Blurb

An unforgiving, bitter, scarred-face bachelor meets an adult site photo model, who's the daughter of the man he hates the most.

______________________

Puwera na kung pera ang usapan, hindi naniniwala si Callum na may babaeng totoong magmamahal sa kanya lalo na sa hitsura niya. Subalit dumating si Dani na nagpabago sa kanyang mundo at nagmamahal sa kanya nang higit pa sa halaga ng kanyang salapi. Iniisip niya na imposible upang maging totoo—hanggang sa matuklasan niya ang tunay na dahilan—na siyang waring sumasaklaw sa likod ng mga kilos ng dalaga...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Cal, may ipapakita ako sa ‘yo,” sabay pakita ni Peter sa hawak nitong tablet sa binata. Nakangisi pa ang kanyang kaibigan. Nakabalandra doon sa screen ang ilang sexy at nude pictures ng mga babae sa tinatawag na bend-over.com na isang adult site. Nang matapos niyang tingnan ito ay binigyan niya ng isang matalim na tingin ang kaibigan. ‘Why am I even looking at these?’ sa isip niya pa. “Wala ka bang magawa sa buhay mo kundi ang ipakita sa ‘kin ang mga porn pictures na ‘yan, Peter?” asar na anang beinte y otso anyos na binata. Ibinalik na niya sa trabaho ang pansin. Kasalukuyan silang nasa pribadong opisina niya sa penthouse ng gusaling pagmamay-ari niya. Namana niya ito mula sa nasawing mga magulang dahil sa isang aksidente⸺bagay na ayaw man niyang isipin ay palagi niyang naaalala. Ito ay dahil may araw-araw siyang reminder⸺ang isang peklat sa kanyang kaliwang pisngi. Itinatago niya ito gamit ang kanyang mahabang tuwid na buhok na hanggang panga ang haba. Limang taon na ang nakalipas pero hindi pa rin niya nakalimutan ang nangyari. At ayaw niyang kalimutan. Hanggang ngayon ay hindi pa nakapagbayad ang sa tingin niya ang may kasalanan sa aksidenteng iyon. Kahit na pinawalang-sala iyon sa korte ay naniniwala siyang ang taong iyon ang may kasalanan sa pagkadisgrasya nilang mag-anak. “May Pinay kasi akong nakita rito, Cal. Baka naman gusto mo lang. Alam mo na,” pamimilit ng kaibigan. Nakangisi pa ito sa kanya na nanunukso. Para itong asong ulol sa paningin ni Callum. Sabagay, hindi niya ito masisisi dahil wala naman siyang karelasyon pagkatapos ng aksidente. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang saglit. Naalala niya sandali ang nakaraan at mabilis na iwinaglit iyon sa isipan. Huminga siya nang malalim. “Heto, o,” untag ulit ni Peter sa kanya. Halos ingudngod nito ang tablet sa mukha niya para lang tingnan niya. “Tingnan mo nga ulit nang mabuti.” Nakabusangot siyang inilayo nang bahagya ang aparato para matingnan ang nais nito. “DaniTease. Location: Philippines. Kahit kalahati lang ng mukha niya ang nakikita sa mga pictures niya, halatang maganda siya. At ang sexy niya, ‘di ba?” pagpatuloy na satsat ni Peter sa kanya. Ipinakita pa nito sa kanya ang photo gallery ng babaeng iyon. Wala talaga itong completely nude pictures kundi ay sexy photos lang. Tipong pang-tease lang ang dating ng mga ito, kagaya ng nickname na gamit nito sa profile. May see-through na suot ito, meron ding two-piece at topless pero tinakpan ng mga kamay nito ang katamtamang laking dibdib at may mga sexy, hot, at suggestive poses pa. Kahit paano ay naiintriga siya sa babaeng ito. Sa lahat ng ipinakita ng kaibigan ay ito lang ang hindi nagpapakita ng mukha na nag-su-suggest na gusto pa rin nitong maging anonymous at private sa adult site na iyon. Nakita rin niyang may maraming likes, votes, views, at downloads ang mga larawan nito. Dahan-dahang inilayo ng kaibigan ang tablet pero nakasunod pa rin ang mga mata niya sa screen na tila nakadikit na roon. “O, ano? Hindi ka na makapagsalita diyan,” biro ng kanyang kaibigan. Tumikhim siya at napakurap-kurap ng mga mata. Pagkatapos ay sinamaan ng tingin si Peter. “Eh… ano naman ngayon ang gusto mong sabihin ko tungkol sa babaeng ‘yan? Baka sa totoong buhay ay pangit talaga siya kaya ang best angle lang ang ipinapakita niya, ‘di ba?” Umiwas na siya ng mukha pero pagkatapos niyang magnakaw ng sulyap sa tablet nito. Inabot niya ang isang folder at ni-review ang isang marketing proposal para sa bagong modelo ng kotseng ilo-launch sa susunod na buwan. Maghahanap ng isang fresh face na modelong babae para sa proyektong ito. Sa tingin niya ay okay naman iyon. New car model, fresh face. Iconic at symbolic din iyon. Bago at hindi pa nakikita. Iyong ganoong concept. Hindi na rin masama ang sales strategy kahit na medyo off. Dapat kasi mga influencer at sikat ang pipiliin para sa bagong ilo-launch na product nila para siguradong magtatagumpay sila. Iyon naman talaga ang gusto ng mga tao, na makita ang mga sikat. Sa ngayon, gusto niya pa ring suriing mabuti ang bagong anggulo na ito kaya nag-take notes na siya na for further discussion ito bago pinirmahan ang papeles. Napaangat siya ng tingin nang mapunang sumilip pala ang kaibigan niya sa kanyang pinipirmahang papeles. Nakatabon ang mahabang buhok niya sa isang mata, katulad ng dati. Ngumisi si Peter na medyo lumayo na sa kanya. “Ako ang nakaisip ng proposal na ‘yan. Galing ko, ‘no?” pagmamalaking anang kaibigan. Minasdan niya lang ang kaibigang may thin strap beard na bagay rito. “O, ano? Makikipag-chat na ako kay DaniTease?” tanong nito. “Shut up! Don’t you even dare!” babala niya sa kaibigan. “Come on, Cal! It won’t hurt, will it?” pamimilit ni Peter sa kanya. “I swear, if you’ll do it⸺” “I won’t drag your precious name to this, I promise, Cal!” anang Peter na pinutol ang nais niyang sabihin. Nagtaas pa ito ng kamay na animo’y nanunumpa sa harap niya na tila watawat ng Pilipinas. “That’s not even the point! She’s not the one we’re looking for, Pete! I don’t want you to stain this project with someone from that adult site, and then what? Flack it? That’s the end of us!” “Cal, you’re not thinking it in my perspective at all,” kulit ni Peter. “Let me handle this, okay?” “No, Pete. End of discussion!” Napabuntong-hininga ang kaibigan niya saka napatingin ito sa tablet na hawak kung saan nakabalandra ang larawan ng babaeng nakatakip ang mga kamay sa mga globo nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook