CHAPTER #1.

1440 Words
​NAPATINGIN ako sa malaking bahay na nasa harap ko ngayon. Grabe talaga ang mayayaman. Kahit saang anggulo ka tumingin, sumisigaw pa rin sa kanila ang kayamanan. ​"Dito tayo, Tristan. Lilinisin natin itong hardin at tataniman ng bagong halaman." Nilinis muna namin ni manong Nestor yung hardin. Napatingin ako sa malaking bahay, nakasara ang kurtina ng bintana. ​"Alam mo bang isang tao lang ang nakatira sa malaking bahay na ito?" napatingin ako kay manong. ​"Dinga, manong? Bakit?" ​"Lumayo na siya sa kaniyang mga magulang at kapatid. Ngayon, mag-isa na lamang siya na nakatira diyan. Wala rin siyang boyfriend." ​"Boyfriend? Kung ganoon, manong, babae yung nakatira diyan?" ​"Oo, si Señorita Maria ang nakatira diyan." Tumango ako at nagsimula nang maghakot ng mga damo na binunot namin at inilagay sa sako. ​Matapos naming magdamo, nagbungkal na ako habang si manong naman ay inihahanda na yung mga itatanim naming halaman. ​"Manong Nestor, marunong ka bang gumawa ng lababo? Tumutulo kasi," ani ng isang maid. ​"Ay, hindi ako marunong sa ganiyan," ani ni manong. ​"Naku, nandiyan pa naman si Señorita. Absent kasi si Juno kaya walang mag-aayos," ani ng maid at tila natatakot siya. Bakit, masungit ba yung amo nila? ​"May gamit ba kayo diyan? Marunong kasi ako mag-ayos," presinta ko. ​"Oo, meron." Sumunod ako sa maid. Nagtungo kami sa isang maliit na bahay at pumasok siya sa loob para kumuha ng gamit. ​"Hindi kasi basta-basta nagpapasok si Señorita ng kung sino-sino kaya naman hindi kami puwedeng tumawag ng mag-aayos na hindi namin kilala." Tumango ako sa kaniyang sinabi at pumasok na kami sa loob. Kusina agad ang bungad dahil sa back door kami dumaan. ​"Ayan oh, medyo malakas ang tagas." ​"Sige, ako na bahala." ​"Sige, igagawa na lamang kita ng meryenda." Tumango ako sa kaniyang sinabi at nagsimula na akong gawin yung tulo sa lababo. Grabe, lababo lang, mamahalin na. ​Wala bang hindi mamahalin dito? Kasi parang nakakatakot hawakan, ang dumi ko pa naman kasi nagbungkal ako ng lupa. ​Naku, hayaan mo na nga. Aarte pa ba sila dahil wala namang ibang gagawa nito. ​Hindi naman ganoon kahirap ayusin ang tulo. May lumuwag lamang na piyesa kaya may tumulo, ngayon ay naayos ko na. ​May narinig akong naglalakad, siguro siya yung maid kanina kaya hindi ko na lang pinansin. Matapos kong ayusin ang ilalim ng lababo, tumayo na ako. ​"Ayan, tapos na. May lumuwag lang na piyesa, buti na lang hindi mahirap ayusin kaya naayos ko agad." Tumingin ako sa babae at ngumiti. ​Ngunit agad na nawala ang ngiti ko nang makita kung sino yung babae. May hawak siyang baso ng tubig, sumimsim siya dito habang nakatingin sa akin. Napaatras ako ng isang hakbang. ​Anak ng... ang liit nga naman ng mundo. ​"Host and now, taga-ayos ng lababo," aniya. ​"At hardinero rin. Isa ako sa nag-aayos doon sa hardin... ngayon." Nakita ko yung maid na nakatayo sa pinto, tahimik lamang siya doon. ​Mukhang siya ang boss nila. Mukhang siya ang may-ari ng malaking bahay na ito. Mayaman siya kaya sure ako na siya. Maria Diana pala name niya, nakalimutan ko. ​Ibinaba ni Diana ang hawak niyang baso sa lamesa kaya napalunok ako at tumingin sa ibang direksyon. ​"Kung tinanggap mo sana yung..." ​"Ah, it's nice to see you again, madam Diana. Sana huwag ka nang bumisita doon sa trabaho ko," ani ko habang paatras na naglakad papunta sa pinto at saka lumabas. ​No, no, no... ayoko maging sperm donor, ayoko pang mag-asawa at mas lalo na, ayoko pang maging tatay. ​"Hibang na talaga siya. Akala ba niya lahat ng lalaki ay papayag sa gusto niya?" Bumalik na lamang ako kay manong para ituloy ang trabaho ko. ​Hapon na nung natapos kami. Tumayo ako at saka nag-unat ng katawan. Nagulat ako nang makita si Diana sa bintana. Kumurap pa ako kasi namalik-mata lamang ako pero hindi, nakatayo siya habang nakatingin sa akin at may hawak siya na wine. ​Agad akong nag-iwas ng tingin. Good thing hindi siya ang nagbigay ng sahod namin kundi yung secretary niya, at finally matapos kaming mabayaran ay umuwi na kami agad ni manong. ​May trabaho pa ako, baka ma-late ako ng kaunti. ​"Heto, ibili mo ng gamot si nanay bukas, tapos yung matitira sa iyo na." Ibinigay ko sa kapatid ko yung pera na isinahod ko. Lahat, walang natira sa akin. Pero okay lang, at least sa kanila napunta, hindi sa walang kuwentang bagay. ​"Kuya, may check-up si nanay sa Huwebes." ​"Sige, ako na lang sasama kay nanay." ​Na-late ako ng isang oras sa trabaho. Nagsabi naman na ako kay madam. Pumayag naman na siya pero pagdating ko daw ay may customer na agad. ​Kaya naman pagpasok ko, hindi na ako nakipagkita sa mga kasama ko. Agad akong nagtungo sa VIP kung nasaan yung customer. ​"What the..." Lalabas sana ako ulit nang makita kung sino yung customer ko, ang kaso ay nagsalita siya. ​"Upo, o sasabihin ko sa madam mo na alisin ka na sa trabaho." Napahinto ako sa kaniyang sinabi. ​"Sandali. Hindi porke mayaman ka, gagawin mo na ang gusto mo." Grabe talaga ang mayayaman, lahat ng gusto kailangan nakukuha nila. ​"Upo." Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. ​"Matulog ka, ako na ang bahala." Kumurap ako sa kaniyang sinabi. ​"Sandali, customer kita. Binayaran mo ako kaya naman gagawin ko ang trabaho ko. Itong trabaho lang na ito ang nagbabayad sa akin ng malaki tapos mawawala pa kapag natulog ako." O di kaya kapag hindi ko sinunod ang gusto mo. ​Inilabas ni Diana ang kaniyang laptop at inopen niya ito at saka na siya nagsimulang mag-type. ​"Pinsan ko may-ari ng club na ito at isa ako sa big investor kaya naman gusto ko ang masusunod," aniya habang ang kaniyang tingin ay nasa laptop. ​Umayos ako ng upo at pinagmasdan ko nang mabuti si Diana. Mahina lang ang naririnig naming ingay dito mula sa labas kaya naman kahit papaano, I think makakapag-focus siya sa trabaho. ​Pero bakit siya nagtatrabaho at pinatutulog niya ako? ​"Bakit ako? Yung top 1 namin, pogi, malakas ang charm at sure ako na maganda ang genes niya." ​"Bago ikaw, siya ang una kong inavail, ang kaso ay mayabang siya kaya nag-pass ako at ikaw ang sunod ko," aniya. Tumango ako at kinuha yung alak at saka nagsalin sa baso. ​"Sa mundo ng mayayaman, bakit hindi ka na lang doon pumili? Sure ako na maraming pogi at magagandang genes," ani ko at ininom yung alak na isinalin ko sa baso. ​"Puro plastic surgery, at puno ng iba't ibang chemical ang body dahil sa mga beauty products na iniinom o turok," aniya. Tumango ako. ​"Bakit ako?" ​"Natural beauty. Tamang mahangin lang." Napangiwi ako sa kaniyang sinabi. ​"Kung sa mundo ka ng mayayaman pipili, sure ako na maraming pipila na anak rin ng mayaman para maging asawa ka." ​Napahinto si Diana sa kaniyang ginagawa. ​"They all want me." Tumango ako. ​"Kasasabi ko lang. Sure na pagpipilian ka nila kaysa naman yung kukuha ka ng host." ​"They want my wealth and me." Nagsalin ako ulit sa baso ng alak. Ako na lang iinom, mukhang hindi na siya iinom. ​"Di ba ganoon naman talaga, ang mayaman ay para sa mayaman?" ​"They want to use me." Napahinto ako sa kaniyang sinabi. ​"Now makinig ka, host boy. Sa mundo ng mayaman, kapag mayaman ka at walang kakayanan na gumawa ng pera, gugustuhin ka pa rin nila pero kapag nakuha ka na nila, yung yaman mo kasama doon at ikaw magiging alila na lang." Tumingin si Diana sa akin, kinuha niya yung hawak kong baso. ​"Pero kapag mayaman ka at marunong kang gumawa ng pera, kokontrolin ka nila. Gagawin ka nilang machine na gumagawa ng pera." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, basta lumunok na lang ako at nanahimik. ​"Mayaman ako at kaya kong gumawa ng pera, kaya naman gusto nila ang yaman ko at skills ko," ani ni Diana. Tiningnan ko ulit si Diana. ​"Gusto mo ba ng anak para tagapagmana?" ​"No." Kumurap ako sa kaniyang sinabi. Ibinaba ni Diana yung baso at tumingin sa akin ulit. ​"Gusto kong ma-experience yung magkaroon ng pamilya, at since mukhang malabong makahanap ako ng matinong lalaki, kahit anak na lang," aniya. Bumalik si Diana sa kaniyang ginagawa. ​Hindi na ako makapagsalita kaya naman uminom na lang ako hanggang sa malasing ako. *************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD