bc

The Billionaire's Transaction

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
family
HE
age gap
second chance
confident
billionairess
heir/heiress
drama
bxg
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

​At twenty-seven, Diana is the undisputed Queen of the corporate world. She's richer than her siblings, more powerful than her rivals, and completely, utterly alone. She doesn't have time for dates, and she doesn't believe in love. She wants a child to inherit her empire, and she wants a man who can be bought.​Tristan is the king of Midnight Rose, the city's most exclusive host club. With a smile that melts hearts and a charm that commands thousands, he's the ultimate fantasy. But behind the designer suits is a man drowning in debt, fighting to keep his mother alive and his sister in college.​When Diana walks into the club and points him out, Tristan thinks it's just another night of playing the perfect boyfriend. He's wrong. Diana doesn't want a night of romance she wants a contract.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PATAY-SINDI ang mga ilaw at naghalo ang amoy ng alak at amoy ng vape na may iba't ibang flavor na amoy. Sabayan pa ng maingay na tugtug. ​ "Kakaiba talaga si Gael, ang yaman nung nag-table sa kaniya." Ibinaba ko ang hawak kong baso na may lamang alak at saka ngumiti. ​"Ano ka ba, mahaba pa ang gabi kaya naman marami pa ang darating. May magbo-book rin sa iyo." Tinap ko ang balikat ni Linon. Tumawa lamang siya at umiling. ​Medyo antok pa ako dahil nag-part-time ako kanina at wala akong gaanong tulog. Nakainom naman na ako ng gamot para sa sakit ng ulo. ​Kagabi kasi, naka-apat na bucket yung katable ko kaya malala ang pagkalasing namin. Tapos ilang oras lang tulog ko dahil may part-time pa ako. ​"Hoy, nandito pala kayo. Alam niyo ba na may VIP ngayon?" si Tion. ​"Gabi-gabi naman merong VIP. Dapat ang alalahanin mo, sino kaya ang mapalad sa ating tatlo ang kukunin?" ani ni Linon. Hangga't maaari, ayoko muna sanang tumanggap ng VIP. Malala kaya ang mayayaman na iyon, walang awa kung uminom. Last time na may VIP ako, nagkasakit ako. ​Ang tatapang ng mga iniinom. Sira na nga bituka ko, lalo pang masisira. ​"Psst, kayong tatlo raw sa VIP, sabi ni madam." Nagkatinginan naming tatlo nang sabihin sa amin iyon. Agad kaming tumayo at nagtungo sa VIP room. ​Pagpasok namin, nakita namin si madam. Malaki ang ngiti niya, siyempre pera na naman. Tumingin ako sa babae na VIP. Hindi siya nakatingin sa amin; nakaupo lamang siya at may hawak na baso na may lamang alak. ​"Madam, pasensya na, busy ang top 1 naming si Gael. At sila na lang po ang available ngayong gabi. Huwag kayong mag-alala, magagaling rin silang tatlo. Pumili ka lang kung sino sa kanila." Magalang si madam sa babae. Well, kahit kanino naman basta mayaman. ​Normally, kapag nakita kami ng customer, hindi na sila makapaghintay na mahawakan kami. Pero ang babae na ito, ni hindi man lang niya kami tinatapunan ng tingin. ​Mukhang mahirap ang isang ito. Sana hindi ako ang mapili. Ang hirap kayang manuyo ng cold-hearted na babae, hindi naman ganoon kalaki ang bayad sa amin. ​"Five hundred thousand," ani nung babae. Nagulat kami sa price. Malaki na rin, hindi na masama. ​Itinaas niya ang kaniyang tingin. Ang ganda ng kaniyang mga mata, ang kaso ay parang malungkot. Tiningnan niya kami isa-isa habang kaming tatlo ay nakangiti lamang at nakatayo. ​"I want you." Turo niya sa akin, kaya napatingin ako sa mga kasama ko. ​"Oh, Tristan, ikaw daw." Tumango ako at naglakad papunta sa tabi ng babae at naupo sa tabi niya. Umalis na yung dalawa. ​"Sige po, iiwan ko na kayong dalawa. Sana ma-enjoy niyo ang gabi. Oh, Tristan, bayad na yan si Madam, ikaw na ang bahala sa kaniya." Tumango ako sa sinabi ni madam at saka na rin siya umalis. Maya-maya, dumating yung waitress na may dalang alak at matapos niya iyong ibaba sa mesa namin, umalis na rin siya. ​"Umm... Hello, ako nga pala si Tristan. Anong gusto mong gawin natin ngayong gabi?" tanong ko sa babae pero hindi siya nagsalita. Tahimik lamang siya. ​Ano ba yan, mukhang magdamag na walang imikan ito. Iinom na lang ako kaysa magmukha akong tanga na kumakausap ng bato. ​"1 million, I want a husband." Naibuga ko yung iniinom kong alak kaya agad akong kumuha ng tissue at nagpunas. Tumingin ako sa babae, nakatingin siya sa akin. Agad kong inayos ang aking sarili. ​"Okay, then gusto mo tonight magiging asawa mo ako. Ano ang gusto mong itawag ko sa iyo, wife? Honey? Darling?" Mapang-akit kong sabi. Lalapit na sana ako sa kaniya ngunit tumalikod siya at may kinuha. ​Isang envelope ang kaniyang inilabas, inilapag sa lamesa. ​"Be my husband." Nagulat ako sa kaniyang sinabi. ​"Huwag kang mag-alala, hindi habambuhay, temporary lang. Meron naman tayong contract kaya hindi ka malulugi." Napahawak ako sa bibig habang nakikinig sa pinagsasabi niya. ​"Kapag pinirmahan mo na iyan, mag-asawa na tayo. Siyempre, gagawin natin ang mga ginagawa ng mag-asawa. Wala kang gastos, sa akin lahat. Hindi mo na rin kailangan magtrabaho, sa bahay ka lang, ako na ang bahala sa lahat." Kumurap ako at lumayo sa kaniya. ​"Miss, sino ka ba? Hindi kita kilala at saka wala pa sa plan ko ang mag-asawa," ani ko. Mas nakakatakot pa ito kaysa sa horror movie. ​"Two million. I want a child. Kapag nabigyan mo ako ng anak, iba pa ang bayad doon sa bata. Just like I said, wala kang gastos, sa akin ang lahat, and after kong magkaanak, mag-annul na tayo, akin ulit ang gastos." Kumurap ako sa kaniyang sinabi. ​"So parang sperm donor lang ako?" tanong ko. ​"Yes." ​"Eh, sperm donor pala hanap mo, edi sana doon ka sa doktor maghanap, hindi dito. Service lang ang kaya naming ibigay. Isang gabing service, iba pa ang bayad kapag nilabas pero wala sa work namin ang maging sperm donor." Bumuga siya ng hangin at naglabas ng dalawang card. ​"This is my calling card, and this card is for you. Nandiyan ang two million, sa iyong sa'yo lang. Siyempre, babayaran ko rin dito sa work mo pero iba iyon at iba iyang sa iyo," aniya. ​"Tawagan mo na lamang ako kapag pumayag ka." ​"Puwede bang iba na lang? Hindi pa ako ready maging tatay. Si Lenon, tatay na iyon, iniwan niya mag-ina niya kaya siya puwede." Tumingin siya sa akin at agad akong natakot kasi ang talim. At talagang nakakatakot. Iba talaga kapag dominant woman. Kaya kapag weak talaga ang lalaki, natatapakan ang ego nila kapag dominant woman ang kaharap. ​"Hindi mo kailangang maging ama sa bata, dahil akin lang siya. Don't worry, hindi ka maghihirap." Inayos na niya ang kaniyang gamit at saka tumayo. ​"I want you, ayoko sa iba. Ayoko rin ng turok, gusto ko yung direct process," aniya at saka na siya umalis. ​Grabe, wala akong masabi. Kakaiba talaga siya, first time ko ang ganito. Tiningnan ko yung calling card. ​"Maria Diana Zue, CEO of M.D company," basa ko. Kung hindi ako nagkakamali, isa iyon sa pinakamalaking kumpanya dito sa Pinas. ​Minsan naririnig ko rin na pinag-uusapan ang CEO ng kumpanya na iyon. Sabi nila na mahirap makipag-partnership sa kumpanyang iyon. Ginto siya ituring ng mga business CEO dahil para kang nanalo sa lotto kapag napapayag mo yung CEO nila na mag-invest. ​"Hindi ko alam kung suwerte ako o malas." ​Matapos ang buong gabi, umuwi ako ng lasing kasi tumanggap ako ng customer matapos umalis ni Diana. Nagising ako, tanghali na. Nakakaamoy na ako ng masarap na ulam. ​Bumangon na ako at saka bumaba. Ano kaya ang niluluto ni Cheska at ang bango. ​"Gising ka na pala, tamang-tama, tapos na ako magluto," ani ng aking kapatid, kaya naman nagtungo na ako sa lamesa. ​"Tumawag si Nestor kanina, anak. Sasama ka daw ba sa kaniya sa paglilinis?" tanong ni mama. ​"Opo, sayang rin." ​"Dapat magpahinga ka na lang. Siya nga pala, chineck ko yung gamot ni nanay kanina, paubos na. At saka bayaran na rin namin sa school." Napahinto ako sa sinabi ng aking kapatid. ​Sa katapusan pa sahod ko. Siguro mangungutang na lang muna ako sa mga kaibigan at kasama ko. Ngumiti ako at tumango. ​"Sige, gagawan natin ng paraan. At saka babayaran naman kami daw mamaya matapos naming maglinis ni mang Nestor, so bibili tayo agad ng gamot ni nanay." ​"Anak, maayos pa naman kalagayan ko kaya huwag mo muna akong intindihin. Ang gusto ko ay magpahinga ka." ​"Nanay, malaki na ako at saka money rin iyan. At saka kahit hindi para sa gamot niyo, magwo-work pa rin ako." Bumuga ng hangin si nanay. Wala akong nagawa kundi ipaalala sa kaniya na okay ako at siya ang pinakamahalaga ngayon. "Tristan gising kana ba?!" Nandiyan nasi manong Nestor. "Kain ka mona Nestor," yaya ni nanay sa kaniya. "Nako salamat, katatapos ko lang kumain. Sinundo ko lang itong si Tristan kasi sabi niya sasama siya." "Oho, sandali maliligo lamang ako" ***********

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
723.0K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.6M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
959.7K
bc

A Warrior's Second Chance

read
347.2K
bc

Not just, the Beta

read
342.5K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook