CHAPTER SIX

2689 Words
HINDI mapuknat ang pagkakangiti ni Atasha.  Nasa bayan sila at tumitingin-tingin sa mga tiyangge.  It was the town fiesta kaya napakadaming mga nagkalat na maliliit na stall.  Kasa-kasama niya sa paglilibot sina Niko at Trishia.  Ito ang kauna-unahang beses na nakapunta siya sa isang piyestang bayan.  Kinailangan niyang magsuot ng saklob, transparent glasses, maluwang na t-shirt at jeans para lang hindi siya makilala ng mga tao.  Hindi lang sila makakapag-enjoy sa paglilibot kung pagkakaguluhan lang siya ng mga tao do'n.   Iyon na ang huling dalawang araw niya sa bayan ng San Lorenzo and she planned to make the best out of it.  Naging napakasaya ng mga nagdaang linggo para sa kanya.  Everyday was like a gift.  Hindi niya akalain na magiging ganito siya kasaya sa pagtigil niya dito but Niko and Trishia made it possible.  Walang lumilipas na araw na hindi siya tumatawa dahil sa kakulitan ni Trishia.  Busog na busog din ang puso niya dahil sa pag-aasikaso sa kanya ni Niko.  For the first time in so many years she felt like she belonged in a family.    Matagal naman na silang ayos ng ina simula nung magdesisyon itong magpa-rehab.  But their relationship had never been the same as before.  Lagi ay nando'n ang awkwardness at tension.  They have been estranged for so many years kaya hindi na nakakapagtaka pa 'yon.  Pero sinusubukan naman nilang pareho na maging ayos ang lahat.  Sa tuwing may pagkakataon siya ay dinadalaw niya ito sa Cebu, ang probinsiya ng pamilya ng ina.  After being sober for a year ay nagdesisyon itong doon na manirahan.  Hindi na niya ito pinigilan dahil sa tingin niya ay makakabuti rin dito ang manirahan sa isang payapang lugar.   Kaya ngayon ay hindi niya mapigilang malungkot sa isiping aalis na siya sa makalawa.  Kung siya lang ang masusunod ay mas papahabain pa niya ang bakasyon.  But she's not that free, meron siyang trabaho na kailangang balikan, mga kanta na dapat kantahin at isulat.  Pagbalik niya sa trabaho ay tiyak na mapupuno na naman ang schedule niya.  Baka matagalan pa bago niya muling makasama ng ganito ang mag-tiyo.  At 'yon ang mas labis niyang ikinalulungkot.   Naputol ang pag-iisip niya nang biglang hawakan ni Trishia ang kamay niya.  Hinawakan din nito ang kamay ni Niko at sabay sila nitong hinigit patungo sa isang grupo ng nagkukumpulang mga tao.  Tatanungin na sana niya ang bata kung bakit sila nito dinala doon nang makita niya ang isang mahabang kawayan na nasa gitna at pinapalibutan ng mga tao.  Merong isang lalaki na sinusubukang umakyat sa kawayan and the crowd was cheering for him.  Napatanga siya.  Hindi niya akalain na uso pa pala ang Palo Sebo sa mga piyestahang ganito.   Nasa gitna na ng kawayan ang lalaking umaakyat nang dumulas ito pababa.  Sinubukan pa ulit nitong umakyat pero nagtuluy-tuloy na ito pababa hanggang sa tuluyan nang lumapat ang mga paa nito sa lupa.  Kahit gano'n ay pinalakpakan pa rin ito ng mga tao.  Pumagitna ang isang matandang lalaki na waring nagsisilbing emcee ng palaro.   "Mga kaibigan!  Sino pang nais sumubok na umakyat sa ating Palo Sebo?" tanong nito sa mga taong nando'n.   Nagulat naman siya nang bigla na lang nagtaas ng kamay si Trishia.  "Manong!  Manong!" tawag nito sa matanda.   Bumaling naman ito sa bata at aliw na ngumiti dito.  "Masyado ka naman yatang maliit para sumubok na umakyat."   "Hindi po ako," sagot ni Trishia sabay tulak kay Niko pauna.  "Ang Tito ko po."   Napangiwi naman si Niko.  "Trishia--"   "Sige na, Tito.  Minsan lang naman 'to eh.  Pagkakataon mo na para magpasikat kay Ate Asha."   Tumingin sa kanya si Niko.  "Hindi mo ba ako tutulungan?"   "Kaya mo na 'yan," natatawang wika niya.   Napabuntung-hininga ito at wala nang nagawang lumapit sa mahabang kawayan.   "Mga kaibigan!  Meron po tayong bagong challenger!  Magagawa kaya niyang abutin ang tuktok?" malakas na sigaw ng matanda.   Naghiyawan naman ang mga tao bilang tugon.  Nag-inat sandali si Niko bago tinanggal ang suot na sapatos.  Kumapit ito sa kawayan at sinimulan nang akyatin 'yon.   "Go Tito!"   "Go Niko!"   Magkasabay na sigaw nila ni Trishia.   Nasa kalagitnaan na si Niko nang magsimula itong dumulas pababa.  Sinubukan nitong labanan ang pagdulas pero hindi talaga ito makalampas-lampas sa gitna ng kawayan.    "Tito, kapag narating mo yung tuktok, hahalikan ka raw ni Ate Asha!" malakas na sigaw ni Trishia.   Napataas naman ang kilay na tiningnan niya ang bata.  "And when did I say that?"   Nagkibit-balikat lamang ito.  "He needed motivation."   At mukhang epektibo naman ang naisip na motivation ni Trishia.  Waring nagsilbi 'yong booster sa binata.  Huminto na ito sa pagdulas at sa wakas ay nakalampas na rin sa gitna.  Bumilis ang pag-akyat nito hanggang sa magdire-diretso na ito paakyat sa tuktok.  At nang makuha nito ang flag na nakatusok sa tuktok ng kawayan, nakakabinging hiyawan at palakpakan ang pumailanlang sa paligid.  Nagpadausdos na si Niko pababa na agad namang nilapitan ng matanda.   "Palakpakan po natin ang magiting na binatang ire!" sigaw nito na itinaas pa ang isang kamay ni Niko.   Ibinigay ng matanda ang isang basket ng sariwang mga prutas sa binata bilang premyo nito.  Matapos batiin ng mga taong nando'n ay lumapit na ito sa kanila.   "Tito, ang galing-galing mo," salubong dito ni Trishia.  "Hindi ko talaga ini-expect na mararating mo yung tuktok.  You must really want to be kissed by Ate Asha."   "Trishia," pinasakan nito ng isang buong mansanas ang bibig ng pamangkin, "don't talk anymore."   "I think it would be really unfair of me kung hindi kita hahalikan kahit sa pisngi man lang," pagbibiro niya.  "After all, you did a good job climbing that bamboo pole."   Bumaling sa kanya si Niko, bago pa ito makapagsalita ay itinulak na ito ni Trishia palapit sa kanya.   "Ito namang si Tito Niko, pakipot pa.  Magpahalik ka na kay Ate Asha," wika ng bata habang patuloy sa pagnguya ng mansanas.   Niko let out an exasperated sigh.  "Should I just let you kiss me?" halata namang nagbibiro lang na tanong nito.   Bigla naman siyang napatawa.  Kapag ganitong tinutubuan ito bigla ng sense of humor ay sobra-sobrang pagkaaliw ang nadarama niya.  "Yes, I think you should."   Tumingkayad siya para sana halikan ito sa pisngi pero bigla naman itong bumaling sa kanya.  Kaya sa halip na sa pisngi nito mag-landing ang labi niya, lumapat 'yon sa labi nito.  Kapwa sila nagkagulatan sa nangyari.  Dali-dali siyang lumayo dito.  It felt like all the cells in her body suddenly went into havoc.  Hindi siya dapat mag-react ng ganito.  Their lips merely grazed each other, for Pete's sake!  It's not as if he kissed her thoroughly.  Pero kung makapag-react naman ang puso niya ay daig pa niya ang paulit-ulit na hinalikan.   Sinulyapan niya si Niko.  He was no better than her.  Mukha itong na-estatwa at itinulos sa kinatatayuan.  He was also blushing furiously.  Noon niya naramdaman ang unti-unting pag-iinit ng pisngi niya.  Hanggang sa tuluyan na nga siyang mamula.  Hindi siya makapaniwala na pati siya ay namumula na rin.  She was not really the blushing type, kahit na anong klase pang sitwasyon ang kausungan niya ay hindi siya basta-basta namumula.  Then why was she blushing like a freaking virgin right now?   "Wow, amazing.  Kung mamula kayong dalawa parang 'yon ang first kiss niyo ah," komento ni Trishia na nasaksihan ang buong pangyayari.   Nagkatinginan sila ni Niko.  Tama nga naman si Trishia, they were acting like a pair of teenagers.  Mukhang na-realize din 'yon ng binata because he just started laughing.  Maski siya ay hindi na rin napigilang mapatawa.   "Next time, sabihin mo sa 'kin kung lilingon ka para naman makapag-prepare ako," pagbibiro niya.   "I don't know, I kind of like surprises," makahulugang wika nito bago siya nginitian.   Napangiti na rin siya.  Yes, she kind of liked surprises too.  KINAGABIHAN, nasa tapat ng isang maliit na food stall sina Atasha, kumakain sila doon ni Trishia ng squid balls.  Hinihintay nila do'n si Niko na kasalukuyang kinakausap ng event planner na siyang in charge sa program na magaganap ngayong gabi sa may plaza.  Hinigit ito kanina ng babae dahil nagkaroon daw ng problema sa program at nanghihingi ito ng tulong sa binata.   Sinulyapan niya ang direksyon na pinuntahan ng dalawa at agad naman niyang nakita ang mga ito.  They were huddled close together, kahit nasa malayo ay hindi nakalampas sa kanya na nagpa-panic na ang babae.  Inakbayan naman ito ni Niko na wari bang inaalo ito, trying his best to comfort her.  Hindi niya maintindihan pero hindi niya talaga nagustuhan ang nakita.  It was as if tiny needles were prickling her insides.  Making her want to just go to them at kaladkarin ang babae palayo kay Niko.  Agad niyang pinilig ang ulo para palisin ang iniisip.    "Don't worry Ate Asha, may asawa na si Tita Lina at may mga anak na rin.  So rest assured na hindi niya aagawin si Tito Niko," biglang wika ni Trishia na ang tinutukoy marahil ay ang event planner.  Nakita siguro nito na nakatingin siya sa dalawa kaya nito nasabi 'yon.   "Bakit mo naman naisip na nag-aalala ako?"   "Well, for one mukhang gusto mo na siyang sakalin, as if you're jealous or something."   Natigilan naman siya sa sinabi nito.  Was she jealous?  'Yon ba ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang nainis sa pagkakalapit ni Niko at ng Lina na 'yon?  Pero imposible.  Why would she be jealous?  Maski nga kay Treyton ay hindi naman siya gano'n kabilis magselos.  Does this mean she was over him?  No, that would be too good to be true.  Then why does she feel these overly possessive feelings for Niko?   Hindi na niya nasagot ang tanong dahil sa paglapit nina Niko sa kanila, nakaakbay pa rin ito kay Lina.  Pero dahil nalaman niya na may asawa na ang babae, di hamak na nabawasan ang pagkainis niya dito.   "Anong problema?" tanong niya nang makalapit na ang mga ito, mukha pa rin kasing problemado ang babae.   "Nagback-out kasi at the last minute yung guest singer na sana kakanta before mag-start yung program," sagot ni Niko sa kanya.   "Hindi ko na alam ang gagawin.  Tiyak na magagalit si Mayor kapag nalaman niya 'to.  He would never hire me again," nagpa-panic nang wika nito.   Hindi naman siguro magagalit ang mayor dahil lang sa hindi pagdating ng isang guest singer.  Pero mukhang hindi gano'n ang iniisip ni Lina.  She looked lik she might go crazy any minute now.   "I can help," wika niya bago pa magbago ang isip.   "At paano ka naman makakatulong?" tanong nito, not too kindly.   "I can be your guest singer."   "Are you sure?" mabilis na tanong ni Niko, worry obviuos in his eyes.   "In case you haven't heard, ang kailangan ko ay sikat na singer o kahit hindi sikat, basta may pangalan.  I don't even know you," ani Lina.   "Dalhin mo ako ngayon sa back stage kung saan gaganapin yung program and you will know exactly who I am."   Mataman naman siyang pinagmasdan ni Niko bago nagwika, "It's okay Lina, you can trust her."   Pinalipat-lipat ni Lina ang tingin nito sa kanila ni Niko, sa bandang huli ay napabuntung-hininga na lang ito.  "Ah bahala na nga!  Sumunod ka sa 'kin," wika nito sa kanya.   "Sigurado ka ba talaga dito?" tanong ulit ni Niko bago siya sumunod kay Lina.  "Pwede kang video-han ng mga tao na manonood sa plaza and the press will know you're here."   "It's fine.  Malapit na rin namang matapos ang bakasyon ko."  Bigla namang lumungkot ang ekspresyon ng mukha ng binata nang ipaalala niya 'yon dito.  "And besides, hindi mo ba gustong tulungan ko ang kaibigan mo?" dugtong niya, trying to lighten up the mood.   Nagpakawala ito nang malalim na hininga.  "Okay.  Hihintayin ka na lang namin ni Trishia sa may plaza."  Nginitian niya ang mag-tiyo bago tumalikod sa mga ito at sundan si Lina.  Pagdating sa may plaza, sa may gilid sila dumaan para hindi makipagsiksikan sa mga taong nando'n na at naghihintay na magsimula ang programa.  Pagdating sa may backstage ay agad silang sinalubong ng baklang emcee.   "Lina, kanina pa kita hinahanap, nasa'n na ba yung singer mo?" wika nito paglapit nila.  "Nand'yan na si Mayor, kailangan na nating magsimula."   "Nandito ang singer ko," walang siglang wika ni Lina na hinigit siya sa tabihan nito.   "Sino naman 'to?" tanong ng emcee.   Muntikan na niyang paikutin ang mga mata.  Gano'n ba talaga ka-effective ang disguise niya at kaunting pagtatago lang ng buhok at pagsusuot ng salamin ay hindi na siya makikilala ng mga to?  Pero kung iisiping mabuti, wala naman sigurong kahit na sino na mag-iisip na makikita nila ang isang Asha Abueva sa maliit na bayan na 'to.    Tinanggal niya ang suot na saklob at hinayaang kumawala doon ang mahaba niyang buhok.  Inalis na rin niya ang suot na salamin.  Muntikan na siyang mapatawa nang makita ang reaksyon ng dalawang taong kaharap.  Kulang na lang kasi ay malaglag ang panga ng mga ito sa pagkabigla.   "O-oh my God!" malakas na sigaw ng bading na emcee.  "Are you really Asha?"   "The one and only."   Mas lalo pang lumakas ang pagtili nito.  "Hindi mo man lang sinabi sa 'kin na si Asha Abueva pala ang kinuha mong singer, eh di sana mas nakapag-prepare ako," kastigo nito kay Lina na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin sa kanya.  Lumapit ito sa kanya.  "Naku kailangan natin ng make-up.  Make-up team pumunta kayo dito, dali!"   Kagaya ng dalawa ay nagulat din ang tatlong bading na siya yatang bumubuo sa make-up team nang makita siya.  Nang makahuma ay mabilis siyang minake-up-an ng mga ito.  Ilang minuto pa pagkatapos no'n ay nagsimula na nga ang program.   "Magandang gabi madlang people of San Ignacio!  Happy fiesta sa ating lahat!" masiglang bati ng emcee sa mga manonood.  "Bago magsimula ang program natin ay gusto ko munang ipakilala ang ating special guest.  Hindi kayo maniniwala na nandito siya ngayon para alayan tayo ng kanta.  Maski nga ako, hindi pa rin makapaniwala na nandito siya.  Ladies and gentlemen, please welcome, our country's Pop Rock Princess, Asha Abueva!"   Isang nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa pahayag ng emcee.  Halatang hindi naniniwala ang mga ito na nando'n nga siya.  Kaya naman bago pa man maisipan ng mga ito na sigawan ang emcee at sabihan ng sinungaling ay agad na siyang lumabas at naglakad patungo sa gitna ng stage.   Lumapit siya sa mic.  "Good evening everyone, nag-e-enjoy ba kayo?"   Waring noon lang natauhan ang mga ito at sabay-sabay na naghiyawan nang makilala siya.  Kanya-kanyang labasa ng cameras ang mga ito.  Agad niyang inilibot ang mga mata at tumigil lang 'yon ng matagpuan na niya ang hinahanap.  Not far from the stage, she saw Niko.  Nasa tabihan nito si Trishia.  Kahit nasa malayo, kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito.    Napangiti siya.  Only Niko would worry about her performing in front of all these people.  Pero wala naman talaga itong dapat ipag-alala.  Because performing was her life and she was most confident when she's at the center of a stage.  But nevertheless, masaya pa rin siyang malaman na nag-aalala ito sa kanya.  Sa isiping 'yon, isang kanta lang ang naisipan niyang awitin ng mga sandaling 'yon.  At kakantahin niya 'yon para kay Niko.   "This is my own accoustic version of this song."  Kinuha niya ang gitara na ni-request niya kanina kay Lina na dagli naman nitong ibinigay sa kanya.  "Sana po ay magustuhan niyo."   Umupo siya sa upuan na inilagay ng mga ito sa stage and she started strumming the guitar in the tune of the song 'Halo' na inawit ng sikat na international singer na si Beyonce.  Tumingin siya sa direksyon ni Niko.  Their eyes met and then she sang.   "Remember those wall I built, well, baby they're tumbling down.  And they didn't even put up a fight, they didn't even make a sound.  I found a way to let you in, but I didn't really had a doubt.  Standing in the light of your halo, I got my angel now.  It's like I've been awakened, every rule I had you breakin'.  It's the risk that I'm takin', I ain't never gonna shut you out..."   At habang patuloy siya sa pagkanta, habang nakatingin siya kay Niko, habang ang mga mata nito ay nakatuon lamang sa kanya, isang bagay ang kanyang napagtanto.    Maybe, just maybe, she was falling a little bit in love with Niko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD