HALOS mabingi na si Atasha sa kakatalak ng manager niya. Umagang-umaga ay nandito ito sa penthouse niya at sinisermunan siya. Padabog nitong ibinaba sa center table niya ang diyaryo na dala-dala nito. Sa front page no'n ay nakalagay ang larawan niya habang yakap-yakap niya si Niko. Nakuhanan 'yon right after niyang kumanta sa program noong gabi ng fiesta sa bayan ng mga ito.
"Buong akala ko pa naman you went to Boracay or Palawan for your vacation, tapos malalaman ko na lang na sa isang maliit na bayan sa Quezon ka lang pumunta. You performed there without asking for a talent fee. Pero ang hindi ko matanggap sa lahat was that you're having an illicit affair with some unknown probinsiyano!" nanggagalaiti nang wika nito.
"Cecille, would you please calm down?" malapit nang mainis na wika niya sa manager. "Ano namang masama kung pinili kong magbakasyon sa isang maliit na bayan? Requirement na ba ngayon na sa mga kilalang tourist spot lang ako dapat pumunta? 'Yong tungkol naman sa pag-pe-perform ko do'n ng walang bayad, it was just one song, hindi naman siguro 'yon makakabawas sa yaman ko. And just so you know, I'm not having an 'illicit affair', as you put it."
"Fine, if you're not really having an affair, then pray tell me, sino ang lalaking 'to?" wika nito sabay turo sa mukha ni Niko na nasa diyaryo.
"It's not an affair if he's single and if we're officialy together."
"Anong ibig mong sabihin?"
"He's my boyfriend."
Boyfriend. She smiled at the term. Tama, kasintahan na nga niya si Niko. Hindi niya mapigilang mapangiti kapag naaalala niya how they finally became a couple.
Pagkatapos na pagkatapos na kumanta ni Atasha ay agad na siyang dumiretso sa may backstage. Nagulat pa siya nang makita doon si Niko. Bago pa siya makapagsalita ay isinuot na nito sa kanya ang tinanggal niyang saklob kanina at hinigit siya palabas sa backstage. Doon sila dumaan sa may gilid, sa parte na walang masyadong tao, hanggang sa makalayo na sila nang tuluyan sa may plaza.
"Pasensiya ka na kung bigla na lang kitang hinigit dito. Baka kasi kuyugin ka lang ng mga tao kapag nagtagal ka pa do'n," wika nito, his brown eyes filled with concern.
Napangiti siya. This man always thinks about her well-being. "Then thank you sa paghigit sa 'kin dito. Nasaan nga pala si Trishia?"
"Iniwan ko muna kay Lina, I told her to meet us later."
"Buti pumayag siyang magpa-iwan."
"Well, she refused at first pero nung sabihin ko sa kanya na hindi ako makakatakbo ng mabilis kung pareho ko kayong higit-higit, ayun, pumayag na rin siya."
"I bet she didn't take it that well." Nai-imagine na niya ang itsura ng bata habang sinasabi dito ng tiyo na magpaiwan muna doon kasama ni Lina.
"Yes, in fact it took me three bags of cotton candy and a cone of ice cream para lang pumayag siya."
Sabay na lang silang nagkatawanan sa sinabi nito.
Napatingin siya sa kamay niyang hawak-hawak pa rin nito. His hand was really warm against hers. Naisip niya ang bagay na napagtanto niya kanina, that maybe she was falling a little bit in love with him. How good would that be if that were really the case. Dahil kung mahuhulog man ang loob niya dito, she was sure that Niko would not do anything to hurt her. Tiyak niya na gagawin nito ang lahat mapasaya lamang siya. And she also wanted to do the same for him. She wanted to be with him and do everything she can to make him happy.
Nag-angat siya ng mukha, meeting his chocolate brown eyes. "I think it's high time we move our relationship to the next level."
A smile tugged on his lips dahil sa sinabi niya. "At ano naman yung next level?"
"You know, the boyfriend-girlfriend thing."
"Pero nanliligaw pa lang ako."
"Isang beses ko lang itatanong 'to sa 'yo, so you would only have one chance to answer it. Nikolo Montreal, do you want to be my boyfriend or not?"
Napakamot naman ito sa ulo. "Giving me an ultimatum is hardly fair."
"Well? I'm still waiting for an answer."
"I would be half mad if I say no, so yes, I'll gladly be you boyfriend."
Isang malawak na ngiti naman ang ibinigay niya dito at agad itong sinugod ng yakap. "Ngayon lang yata ako naging ganito kasaya to hear someone say 'yes'."
Mahigpit naman nitong ibinalik ang yakap niya. "At ngayon lang yata may babaeng nagbigay sa 'kin ng ultimatum para maging boyfriend niya."
"I'm not really any other girl."
Ipinatong nito ang baba sa ibabaw ng ulo niya. "Yes, you're certainly not."
Sa gano'ng ayos sila nakunan ng kung sinuman and that was the same photo na lumabas sa iba't-ibang tabloid the day after. Ngayon nga na tapos na ang bakasyon niya at nakabalik na siya sa bahay niya ay hindi pa rin namamatay ang issue na 'yon. What did she expect? Tiyak niya na matagal pa bago tuluyang mawala ang balita. Ang hinihiling lang niya ngayon ay sana 'wag masyadong kunsumihin ng mga reporter si Niko. Ayaw naman niya na kasisimula pa lang ng relasyon nila ay mapagod na agad sa kanya ang binata dahil lang sa mga hindi mapigil na mga reporter na 'yon.
"What? Nababaliw ka na ba talaga? Ano na lang ang sasabihin ng mga fan mo kapag nalaman nila that you're in a relationship with some... some probinsiyano? Kalalabas lang ng bago mong MV and your fans like your partnership with Andres Refrea. Madami ang nagsasabi that the two of you have chemistry. Meron na ngang gumawa ng fan club solely for the two of you. Ano na lang ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang tungkol dito?" sunud-sunod na wika ni Cecille.
Pinaikot naman niya ang mga mata, hindi makapaniwala na may mga tao na mag-iisip na meron silang chemistry ni Andres. "As if I'd go out with that flirt. Kung magagalit sila sa 'kin dahil lang sa hindi mangyayari 'yong gusto nila na maging kami ni Andres, then they're not really my fan. And would you stop calling Niko a probinsiyano as if it's some kind of disease? It's starting to get on my nerves."
"Okay, kung hindi kita mapipigilan na makipagrelasyon sa... sa lalaking 'yon, then just deny your involvement with him kapag may nagtanong sa 'yong reporter. Para kahit paano ma-contain ang problema na 'to."
"No way," mabilis niyang wika. "Hindi ko itatanggi si Niko like he's some dirty little secret na dapat kong ikahiya. He's a respectable person who owns a flower farm, he's not a druglord, he's not somebody's husband, he's not someone famous. I don't see any reason why it would be a problem kung malalaman ng mga tao na boyfriend ko siya."
Itinaas nito ang parehong kamay na para bang tinatanggap na nito na hindi siya nito makukumbinsi kahit na ano pang sabihin nito. "Let's just hope that Trey would agree with you."
Natigilan naman siya nang banggitin nito ang pangalan ni Trey pero agad din niyang nahamig ang sarili. "He doesn't have any say in this," matigas niyang wika.
Nagkibit-balikat lamang ang manager bago nagpaalam sa kanya at lumabas na ng kanyang penthouse. Pagkalabas nito ay napahiga na lang siya sa couch na inuupuan. Parang napakatagal na simula nung marinig niya ang pangalan ni Treyton. When in fact it was only more than three weeks ago since she last saw him. Nung pumunta ito dito sa penthouse niya, asking for comfort and she denied him and ended any kind of relationship they had.
Sa dalawang linggo na kasama niya si Niko, mabibilang lang sa daliri ang dami ng beses na pumasok sa isipan niya si Trey. After more than three years of pining for the man, noon lang yata niya naranasan na hindi ito maging laman ng isipan niya. Hindi niya alam kung dahil ba 'yon sa nag-mo-move on na siya o dahil lang sa masyado siyang nasisiyahan sa mga bagong karanasan na ibinibigay sa kanya ni Niko. At kapag natapos na siya matuwa sa mga karanasan na 'yon, she would immediately revert back to girl na ang tanging iniisip ay kung paano siya mamahalin ni Trey. She really hoped to God it was the former.
She really needed to sort her feelings out. The sooner, the better. Hindi naman niya iniisip na mawawala agad-agad ang kung anumang nararamdaman niya para kay Treyton, pero umaasa siya na kahit paano ay nabawasan na 'yon. Or that her feelings for Niko would be stronger than what she felt for Trey. Hindi pa rin siya sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para kay Niko. Pero sigurado siya na hindi niya gustong saktan ang binata.
It was really ironic to think that way, considering na kaya lang naman siya nakipaglapit kay Niko was because she thought he could save her from all the heartaches she was feeling. But that was then, noong hindi pa niya ito lubusang nakikilala. Mas nanaisin pa niyang tumalon sa bangin kesa saktan ito.
Kagaya ng sinabi ni Trey, she might have been only using Niko as an escape goat at first, pero iba na ngayon. She genuinely wanted to be with him. Sa tuwing kasama niya ito ay parang laging lomolobo ang puso niya. He was everything that she could ever wish for in a man. Ang tanging tanong na lang ay kung 'yon ba talaga ang gusto niya.
"SIR NIKO, may mga reporter na naman pong naghahanap sa inyo sa labas."
Napabuntung-hininga na lang si Niko sa sinabing 'yon sa kanya ng isa sa mga tauhan niya sa farm. Nando'n siya ngayon sa may greenhouse at nilalagyan ng fertilizer ang garden niya ng stargazers. "Hayaan niyo na lang sila, mapapagod din ang mga 'yon."
"Eh sir, totoo po ba talaga yung balita na kasintahan niyo na raw po si Miss Asha?"
Nilingon niya ito at nginitian. "Bumalik ka na sa trabaho mo."
Pagkaalis nito ay napaupo na lang siya. Oo, kasintahan na nga niya si Atasha, but he wouldn't kid himself into believing that she's fully his. Alam niya that there's still some part of her that belonged to some man. Ang lalaking rason kung bakit niya ito nakitang umiiyak sa may gilid ng daan noong una silang nagkita. Kahit na hindi pa nito sabihin sa kanya ay alam niyang tama ang kanyang hinala. Because that moment when he first saw her, she had the look of someone who just had her heart crushed.
Malaki nga ang posibilidad that she was only using him as a rebound, but honestly, he doesn't really give a damn. Sa simula pa lang naman kasi ay tanggap na niya na magkaiba sila ng nararamdaman. One look at her and he was immediately bewitched. Her heart-shaped faced, her golden eyes, her angelic voice, everything about her was enchanting.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan why she took any interest on him. Pero kahit na ano pang rason nito, he was just glad she did. Dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makilala ito. Hindi na lang ito basta isang sikat na singer na idolo ng pamangkin niya, she became someone relatable, someone he can laugh with and spend time with. At aaminin niya na mas nagustuhan niya ang dalaga nang mas makilala pa niya ito.
Sa tatlong linggo na nakasama nila ito ni Trishia, she didn't act like she was a famous star. Wala itong reklamo sa mga pagkain na inihahanda niya. Very vocal din ito sa pagsasabi na gusto nitong tumulong sa mga gawaing-bahay. Kung hindi nga siguro niya ito napigilan ay baka tumulong na rin ito sa pagtatanim sa flower field. Dahil sa pangungulit nito ay hinayaan na niya ito na tumulong sa kanya sa greenhouse, putting fertilizer and watering the plants. Hindi ito yung tipo ng babae na takot madumihan, another thing he liked about her.
But the one thing he appreciates most about her was how patient and kind she was with Trishia. Base na rin sa karanasan niya, alam niya how tiring and annoying his niece can be sometimes. Pero ni minsan ay hindi niya nakita na nainis o nawalan ng pasensiya ang dalaga sa bata. Sa katunayan nga, he would often find her looking at Trishia with adoration and fondness. Kaya naman mas lalo pang napalapit dito ang pamangkin niya.
That's why he really wanted to do his best to make their feelings mutual. Hindi pa siguro 'yon mangyayari ngayon, pero naniniwala siya that it will certainly come true. Hindi siya susuko hangga't hindi nangyayari 'yon. Because if there's one thing he realized during the time they were together, it's that he wanted to spend his life with her. He wanted to wake up every morning with her by his side. He wanted to experience the joy of life with her. At kahit na gaano pa kahirap, gagawin niya ang lahat matupad lang 'yon.
Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone niya. Napangiti siya nang makita ang pangalan na nasa caller i.d. "Hi Atasha," masigla niyang bati.
"Hi Niko, ginugulo ka pa rin ba ng mga reporter na 'yon?"
"Ah, I think nasa labas pa rin sila ng gate ko hanggang ngayon."
Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito. "Pasensiya ka na. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, hindi na sana ako nag-prisinta na kumanta do'n sa program."
"Hey, wala kang kasalanan. Gusto mo lang namang makatulong, and Lina was so thankful for what you did."
"But still, bigla na lang nagulo ang tahimik mong buhay dahil sa nangyari."
"There's that. Pero ayos lang sa 'kin na magulo ang buhay ko, as long as it meant that I can be with you."
Panandalian itong natahimik sa kabilang linya at waring noon lang niya naisip kung ano ang sinabi. Hindi na tuloy niyang napigilang mamula, mabuti na lamang at walang nakakakita sa kanya. Kung minsan talaga, he just blurt out whatever it was on his mind without thinking too much about it. That's why he always ended up blushing sa oras na ma-realize na niya kung ano ang sinabi.
"I bet you're blushing right now," biglang wika ni Atasha sa kabilang linya.
"Yes, I am," pag-amin niya.
He could already feel her smiling. "How I wish I could see you right now," wika nito.
"Ako rin, gustung-gusto rin kitang makita."
"How about we go on a date?"
Napatawa naman siya. "Hindi ba dapat lalaki ang nagyayaya ng date?"
"Okay, then ask me."
Lalo lang lumawak ang pagkakangiti niya sa narinig. "Atasha, do you want to go on a date?"
"I'd love to!" mabilis nitong wika. "Magpapa-reserve na ako sa isang private restaurant so that those reporters won't bother us. Sunduin mo na lang ako dito tomorrow night."
Hanggang matapos ang pag-uusap nila ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi niya. Gusto na niyang dumating agad ang bukas. So that he can finally see her beautiful face again and her smile that can immediately brighten up his day.