HINDI mapigilan ni Atasha na pagmasdan si Niko. Kasalukuyan silang nakasakay sa kotse nito at papunta sa restaurant kung saan siya nagpa-reserve ng table para sa dinner date nila. Inabot din siya ng ilang oras sa pag-de-decide kung ano nga ba ang isusuot. 'Yon ang kauna-unahang pagkakataon na namroblema siya sa kung ano ang dapat isuot. Maybe beacause it was also the first time she felt like she wanted to please a man. Pero mukhang natalo siya ni Niko sa bagay na 'yon.
"Baka matunaw na 'ko kung patuloy mo akong titingnan ng ganyan," pabirong wika nito sabay sulyap sa kanya.
"Well, I'm just thinking that you clean up nicely."
That was an understatement. Because Niko didn't only clean up nicely, he was devastatingly handsome. Nakasuot ito ng baby blue shirt na pinatungan nito ng kulay itim na suit and he paired it up with black jeans. Ang buhok nito na madalas ay daig pa ang pugad ng ibon sa sobrang gulo was now cleanly swept back. The overalll effect was astounding. Hindi nga niya ito nakilala nung pagbuksan niya ito ng pinto kanina. He looked like a model who came straight out of the cover of GQ magazine.
"I'm glad you liked it. Actually, si Trishia ang nagsabi na dapat ayusin ko daw ang porma ko since we're going out on a date."
"Hmm, I'm not sure kung dapat kong pasalamatan si Trishia sa suggestion niya. I'm pretty sure na pagpasok na pagpasok natin do'n sa restaurant na kakainan natin all the eyes of the women there will be glued on you. I might just die of jealousy."
She meant it only as a joke, pero alam niya na may bahid ng katotohanan ang sinabi niyang 'yon. Baka mamaya kapag pinagtitinginan na ito ng mga babae do'n sa restaurant ay mapuno lang siya ng matinding kagustuhan na dukutin ang mga mata ng mga ito just to prevent them from looking at Niko. God, she can't believe how barbaric that sounded.
"Wala kang dapat ipag-alala, because as far as I'm concerned, I'm all yours." Wari namang nag-sommersault ang puso niya dahil sa narinig. "Pakiramdam ko nga, dapat ako ang mas mag-alala. Dahil kahit na sinong lalaking mapatingin sa 'yo would surely stop whatever it is they're doing just to stare at you." Muli siya nitong sinulyapan. "You're beautiful, Atasha."
Ngayon lang yata sumirko ang puso niya dahil lang sa nasabihan siya ng maganda. Balak na sana niyang sabihin dito na wala din itong dapat ipag-alala because she's all his, pero waring may kung anong pumigil sa kanya para masabi 'yon. Like a part of her that still belonged to Trey. Agad niya 'yong pinalis sa isipan. Hindi niya sisirain ang magandang gabing ito by thinking of another man.
"Wala namang panama sa 'yo ang mga lalaking 'yon eh," nawika na lang niya.
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa pupuntahan. Dagling ipinarada ni Niko ang sasakyan sa parking lot ng restaurant. Una itong bumaba at binuksan ang pinto ng passenger's seat kung saan siya nakaupo. Ikinawit niya ang kamay sa braso nito at sabay na silang pumasok sa loob ng restaurant. Kagaya ng iniisip niya kanina, agad na pinagtinginan ng mga babaeng nando'n si Niko. Their eyes filled with obvious admiration. And just like she predicted, agad siyang nakaramdam ng inis.
Balak na sana niyang tumawag ng waiter para maihatid na sila ni Niko sa table na pina-reserve niya nang mapahinto siya sa paglalakad. Para siyang itinulos sa kinatatayuan nang makita ang pareha na kasalubong nila. It was Trey, looking as handsome as ever, sa tabi nito ay nando'n ang isang babae. She was very petite, hindi pa yata ito lalampas ng limang pulgada, and very pretty like a fairy princess. She knew fully well who the girl was. Si Nadine Angeles, Treyton's fiancee.
"Asha," waring nagulat din na wika ni Trey nang makita siya. "I didn't know you'll be here," wika nito na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Niko.
Pilit naman niyang kinalma ang sarili, hindi niya napansin na napahigpit na pala ang pagkakahawak niya sa braso ni Niko. "Of course you won't, hindi mo naman siguro saulo ang schedule ko para malaman mo na pupunta ako dito." Bumaling siya sa babaeng katabi nito. "Hi, I'm Asha Abueva, you must be Nadine. It's very nice to finally meet you."
Isang matamis na ngiti naman ang ibinigay sa kanya ng dalaga. "Same here."
"This is Niko Montreal," pagpapakilala niya sa kasama. "Niko, si Trey, the man behind the music label that handles me. And Nadine, his fiancee."
"Ikinagagalak ko kayong makilala," wika naman ni Niko with a strained smile on his face, na para bang pinipilit lang nitong ngumiti. Nagulat naman siya nang makita niya 'yon, because Niko was never the type to force himself to smile.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa pareha na nasa harapan nila. Kinapa niya ang sariling damdamin. Looking for that all too familiar heartache. But surprisingly and quite unexpetedly, she did not feel any pain or even jealousy. Before she could even marvel at her lack of emotion after seeing the two, isang malutong na tawa ang kumuha sa atensiyon nilang lahat.
Bahagya pa siyang nagulat nang makita si Miya De Guia na palapit sa kanila, and she was with none other than Andres Refrea. Hindi niya inaasahan na magkakilala pala ang dalawa. Miya was a well-known fashion designer. Sa pagkakaalam niya ay sa New York na ito nakabase. So she really is back, naisip na lang niya. Hindi ba talaga matatapos ang mga sorpresa ngayong gabi?
Agad siyang napatingin kay Treyton dahil sa biglang paglitaw ni Miya, and just like she thought, hindi mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. Because Miya was someone from Trey's past, isang nakaraan na kung maaari lang ay nais nang kalimutan ng binata. Inihanda na niya ang sarili sa kung anumang maaaring gawin ni Miya. Because in the years that she’d known her, sa tuwing magkikita ito at si Trey, lagi itong may ginagawa para pasakitan ang binata.
"Wow, this is just superb," wika nito nang makalapit na sa kanila. "I can't believe my eyes when I saw the four of you. Old flames meeting new ones." Tumingin ito kay Niko at Nadine. "Do you want to know a secret?" Sa pagkagulat niya ay bigla na lang itong umabrisyete sa kanya, pati kay Trey ay kumapit din ito. "These two were sleeping together. They were like friends with benefits."
Daig pa niya ang sinampal dahil sa sinabi nito. Kung pwede nga lang siyang lamunin ng kinatatayuan niya ay nagpalamon na siya. Anything just to get out of there. Hindi na niya napansin ang paghigit ni Andres kay Miya, napatulala na lamang kasi siya doon.
"Sorry, medyo lasing na kasi siya," narinig niyang wika ni Andres.
"Get her out of here," wika ni Trey through clenched teeth.
Magsasalita pa sana si Miya pero hinigit na ito ni Andres palayo sa kanila. Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha para tingnan si Niko, pero agad nitong iniwas ang tingin sa kanya. She felt like something just squeezed inside her heart, mas masakit pa 'yon sa kahit na anong rejection na natanggap niya sa buong buhay niya. Bago pa siya tuluyang maiyak ay agad na siyang tumakbo palabas ng restaurant. Narinig pa niya ang pagtawag ni Niko sa pangalan niya, pero hindi niya 'yon pinansin. Tuluy-tuloy lang siya sa pagtakbo. Pagkalabas niya ay dagli siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa kanyang penthouse.
Sa loob ng taxi ay doon niya ibinuhos ang luha niya. It's all over now. Alam na Niko ang tungkol sa naging relasyon nila ni Trey. Tiyak na iniisip na ngayon ng binata that she's a loose woman. Isang babae na pumayag na magkaroon ng pisikal na relasyon sa isang lalaki na hindi naman siya mahal. Ang masama pa nito, nalaman ni Niko 'yon mula sa ibang tao. Kung pwede lang siyang bumalik ngayon sa restaurant ay talagang sasampalin niya si Miya dahil sa ginawa nito. How dare she do this? Isa lang itong outsider na wala namang alam sa sitwasyon, pero ang lakas ng loob nitong makialam sa kanila.
Nakuyom niya ang kamao. Wala nang silbi kung magagalit pa siya dito. Nangyari na ang nangyari. Naalala niya ang pag-iwas ng tingin sa kanya ni Niko. Buong akala niya ay wala nang mas sasakit pa sa naramdaman niya nung nalaman niya na ikakasal na si Treyton, meron pa pala. Because the thought of losing Niko was more painful than anything she ever felt or could possibly feel.
NAKAHIGA sa couch niya si Atasha, hugging her knees and crying her eyes out. Pagdating na pagdating niya sa penthouse ay hindi na niya napigilan na umiyak. Hindi na niya alam ang gagawin. She wanted to explain herself to Niko, pero hindi niya alam kung paano. O kung may karapatan pa ba siyang magpaliwanag dito.
Sunud-sunod na katok sa pintuan ang pumutol sa iniisip niya. At labis ang pagkabog ng kanyang dibdib nang marinig niya ang tinig ng tao sa kabilang bahagi ng pinto.
"Atasha, please open the door."
It was Niko! Hindi na siya nag-isip at dali-dali siyang tumayo at binuksan ang pinto. He looked tired and exasperated. Punung-puno ng pag-aalala ang kulay tsokolate nitong mga mata. Mas lalo pa siyang napaiyak pagkakita dito.
Dagli nitong ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. "Sshh, please don't cry sweatheart."
Hinawakan niya ang kamay nito na nakapatong sa pisngi niya. "I'm sorry Niko, I'm so sorry."
Pinunasan nito ang luhang patuloy na nagbabagtas sa kanyang pisngi. "Wala kang dapat ihingi ng tawad."
Marahas siyang umiling. "What that woman said, it's the truth. Trey and I were like that. Hindi ko kayang pasinungalingan ang bagay na 'yon."
"'Were' being the word, ibig-sabihin it was all in the past." Iginiya siya nito papasok sa loob at kapwa sila umupo sa couch niya. "Don't blame yourself for something that happened in the past."
Pilit niyang pinigilan ang sarili na muling mapaiyak. Tumingala siya dito and saw the endless understanding in his eyes. Alam niyang hindi angkop sa sitwasyon, pero hindi niya mapigilang makaramdam ng kakaibang kasiyahan sa isiping hindi pa tuluyang nawawala sa kanya si Niko.
"You're too kind, Niko."
She wanted to erase everything that happened tonight. Gusto niyang burahin ang nalaman nito patungkol sa kanila ni Trey. She wanted his mind to be only filled by thoughts of her. At isang bagay lang ang naisip niyang gawin ng mga sandaling 'yon.
She kissed him.
The moment their lips touched she felt like everything around her exploded. He tasted like mint and she loved it. Nang magsimulang gumalaw ang mga labi niya, that's when he took over. He easily lifted her onto his lap, na naging dahilan para mas lalo pang magkalapit ang kanilang mga katawan. Ang isang kamay nito ay nakapulupot sa beywang niya habang ang isa naman ay nakahawak sa kanyang batok. Hindi na niya napigilan na ipulupot ang mga braso sa leeg nito.
His mouth moved over hers in supple, intimate angles, until he found some perfect alignment that made her weak all over. Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa leeg nito just to keep herself from dropping bonelessly to the floor. Mas hinapit pa nito ang beywang niya palapit sa katawan nito, he explored her slowly, the tip of his tongue stroking, tasting. Bumaon ang mga daliri niya sa buhok nito, his scalp hot against her palms. With each inhalation, she drew in more of his fragrance.
She gasped when she felt his arousal. And that's when he dragged his lips away from hers, ending the kiss. Kahit gusto niyang magprotesta, ang tanging nagawa lang niya ay ang magmulat ng mga mata. His warm brown eyes were heavy lidded with passion and desire. And she knew that her eyes were also filled by the same emotions. Kahit na siguro nagyeyelong tubig ay hindi kayang pahupain ang nag-aalab na apoy na kanyang nadarama.
"Atasha--"
"Just kiss me," wika niya, her voice already hoarse from desire.
And that he did. He kissed her harder, pressing her back against the couch, his hands roaming indecently all over her. Tinulungan niya itong tanggalin ang suot nitong coat, then she slid her arms inside his shirt. Niko groaned and crushed his mouth over hers, urging her body against his. She drew him inside herself, pulling at his lips and tongue with her own.
Patuloy ito sa pagtawag sa pangalan niya habang kinikintalan ng halik ang kanyang leeg. He continued kissing her, every part of her, until both of them were hot and naked.
"You're beautiful," puno ng paghangang wika nito, bago nito ibinaon ang mukha sa kanyang dibdib. He caressed her with his mouth and tongue. His teeth grazed lightly over her sensitive peaks.
And the sweet torture continued, until finally, the both of them reached their very own paradise.