CHAPTER 9: Jake’s Mall Tour

1646 Words
CHAPTER 9: Jake’s Mall Tour. Written by CDLiNKPh GAYA nang inaasahan ay madami nga talagang tao sa mall tour ni Jake Pineda. Bago makapasok ay kailangang bumili pa sila ng OST ng movie nito at sakto namang tatlo na lang ang natira sa CD. Bumili pa rin sila kahit alam nila na siksikan na ang mga tao sa loob. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone niya. Ang Kuya Carlo niya iyon. "Hoy Colleen! Nasan ka na ha? 7pm na ah? Dinaanan ka namin ni Papa sa school n'yo pero wala ka na roon! Saka bakit ang ingay diyan? Puro ka na naman lakwatsa!" tuloy-tuloy na panenermon agad nito. Maingay na roon pero parang mabibingi pa rin siya sa lakas ng boses ni Carlo. "Mamaya uuwi na rin ako Kuya. Pakisabi na lang kina Mama na 'wag silang mag-alala. Nagkayayaan lang kaming magkakaibigan eh," paliwanag niya na pinipilit ang sarili na kumalma. Sa totoo lang ay kinakabahan na siya sa boses ng Kuya niya. Mas takot pa siya rito kung minsan kaysa sa mga magulang. "Ano?! At saan na naman kayo nagpupupunta? Sumasama ka na naman diyan sa mga kaibigan mong bad influence! Nasaan ka? Susunduin kita!" galit na galit na tanong nito. "Pasenya ka na Kuya hindi ko pwedeng sabihin sa'yo! Sayang ang pinunta ko rito!" Huling sabi niya bago pinatay na ang cellphone kahit nagsasalita pa ito. Nakukunsensya man ay hindi niya pwedeng sabihin dito kung saan sya nagpunta. Sigurado kokontra lang at makokornihan pa ito sa kanya 'pag nalaman nito na sa mall tour lang pala siya nagpunta. Pumasok na sila sa loob. Nagulat sila nang makita ang kapal ng mga tao. Kahit ang mga nakabili na ng CDs ay nakatayo na rin. Tinanggal na raw ang mga upuan dahil sa dami ng mga tao. Parang mga sardinas na sila roon. Pero hindi iyon naging hadlang at nakipag-siksikan pa rin sila. Halos dalawang oras na silang nakatayo roon pero wala pa ring Jake Pineda na dumadating. Marami pang nagloloko na dumating na raw ang aktor pero wala pa naman pala kaya lalo lang nagkakagitgitan. Halos hindi na nga sila makahinga. "Colleen hindi ko na kaya! Tanggapin na lang natin ang katotohanan na hindi pa ito ang pagkakataon para makita natin si Jake! Mamumuti na mga mata ko sa kakahintay sa kanila! Ilang oras na silang delay!" sumusuko nang sabi ni Mariz na parang gusto nang humiwalay ng kaluluwa sa katawan nito. Mukha na itong multo. Pinigilan niya ang matawa sa haggard face nito. Ito pa naman ang pinaka-energetic sa kanila pero ngayon ay gusto na nitong sumuko. "Hindi pwede! Sayang ang pagsuway ko kay Kuya Carlo kung wala akong mapapala! Kailangan makita natin siya ngayon!" pagpipilit pa rin niya. Pursigido na makita na ang idolo niya. Hindi niya akalain na pagkakataon na pala na binigay ng langit na nagkabangga sila noon ni Jake. Dahil ganoon pala ito kahirap makita at mahawakan! Muntik na sanang sumuko sina Mariz at Grace nang biglang lumabas na ang emcee. Biglang nabuhayan ang lahat ng pagod na pagod at pawis na mga tao sa kakahantay na dumating ang bituin. Nagsalita lang ng konti ang emcee at pagkatapos ay umalis na naman ng stage. Malapit na raw dumating si Jake Pineda. Nagpapansin lang pala. "Sandali na lang talaga Grace, Mariz. Malapit na raw dumating si Jake eh!" pagkumbinsi niya sa mga kaibigan na huwag nang umalis. "Sus eh paulit-ulit nang sinabi ng emcee iyan kanina eh! Hanggang ngayon ni anino ni Jake Pineda 'di pa din natin nakikita! Ayoko na! Aalis na talaga ako-" hindi na naituloy pa ni Mariz ang sinasabi nito dahil bigla na lang may narinig silang kumakanta sa stage. Si Jake pineda na iyon! "Jake Pineda! I love you! Hinding-hindi ako aalis dito! Wahh!!!" at nanguna pa talaga sa pagtili si Mariz na kanina lang ay panay ang reklamo na aalis na raw. Kumabog naman ang dibdib ni Colleen nang makita na sa wakas ang pinakaaasam niyang makita. Malakas ang t***k ng puso niya na pinapakinggang mabuti ang ganda ng boses ni Jake habang kumakanta ito. Napakalakas ng stage presence nito. Lahat nakapako ang tingin dito na animo sandaling tumigil ang pag-inog ng mundo nila... Tahimik ang lahat sa pakikinig dito kumpara kanina na nagtitilian ang mga tao nang makita ito. Isang nakakabinging tili ulit ang narinig niya nang matapos ng kumanta ang lalaki. Pakiramdam ni Colleen ay mababasag ang ear drums niya sa mga fan girls at fan boys na naroroon. Maya-maya ay hinagis nito ang sumbrero nito bago ito tuluyang pumasok na sa dressing room at siya pa talaga ang nakasalo niyon! Hindi niya alam kung imahinasyon lang ba niya iyon o ano pero saglit itong natagilan at naglapat ang mga paningin nila na parang sila lang ang tao sa mundo. Pero saglit lang at tumalikod na rin ito. Baka imahinasyon ko lang na napatingin siya sa gawi ko. Imposibleng matandaan pa niya ako. Marami siyang fans at sikat na sikat siya, aniya sa isip. "Gosh, Colleen! Ang swerte mo naman! Sa dinami-dami natin dito ikaw pa ang nakasalo ng cap niya? Hindi ba at sabi mo nakabangga mo rin siya? Grabe naman iyang luck mo! Paamoy nga nyan!" sabi ni Mariz saka hinila ang hawak niyang cap. "Wow, ang bango-bango naman nito.! Pwede arbor?" Puppy eyes na request ni Mariz. Agad niyang hinablot ulit ang cap. "Pinaghirapan kong makuha 'to tapos ibibigay ko lang sa'yo? Hindi pwede!" mariin na pagtanggi niya. Maya-maya ay nag-umpisa na ang autograph signing. Napatingin siya sa relo. Alas-dyes na ng gabi at sigurado siya na talagang malilintikan siya pagdating sa bahay pero narito na siya kaya samantalahin niya na. Nang sa wakas ay malapit na malapit na siya sa pila. Tatlong tao na lang ang pipirmahan nito ng autograph at turn nya na. Tanaw na tanaw na niya ang poging mukha nito. Nang biglang tumunog ang cellphone nito at parang nagpapaliwanag pa ito sa kausap nito. Lumong-lumo sila nang bigla na itong tumayo sa kinauupuan at nagpaliwanag ang guards nito na kailangan na raw nitong umalis. Asar na asar sina Mariz at Grace. Marami na ring nagrereklamo roon pero wala na ring nagawa ang mga ito dahil umalis na si Jake. "Ano ba naman yan! Pagkatapos nating maghintay ng mahigit dalawang oras sa pagpila bigla na lang syang aalis!? Iyon na 'yon eh! Malapit na malapit na tayo! Badtrip naman oh!" inis na inis na reklamo ni Grace na akala mo eh iiyak na sa paninibugho. Kahit siya ay nanghihinayang din pero anong magagawa nila? Baka emergency ang kailangang puntahan ni Jake. Bagsak ang balikat na lumabas na sila sa mall. Pero bago iyon ay nag fill-up sila ng form para sa raffle ng newest movie ni Jake. Ang maswerteng mabubunot sa raffle na iyon ay magkakaroon ng pagkakataong makasama si Jake sa isang date. Umalis na sila ng mall at kahit na medyo disappointed na hindi nila nakausap ng malapitan si Jake kanina ay masaya na rin siya na makita ito at nakuha pa niya ang cap na suot nito. --- PARANG gustong sigawan ni Jake ang girlfriend nitong si Georgina nang malaman na hindi naman pala masakit ang tiyan nito katulad ng dinadahilan nito kaninang tinawagan siya nito. "Alam mo ba kung gaano katagal ang pinaghintay ng mga tao para lang makita tayo kanina at gaano ulit kahabang oras ang sinayang nila para lang makapila at makuha ang autograph ko? Hindi ka na nga nagpaunlak para sa autograph signing pagkatapos ngayon inistorbo mo pa ako roon. Nakakahiya tuloy sa mga tao!" Hindi niya mapigilang pagsabihan ito dahil pagkatapos nitong kumanta kasama siya sa stage kanina ay umalis na agad ito na para bang diring-diri ito sa mga tao. Si Georgina ang kapareha niya sa pelikulang ginagawa. Nakaramdam naman ang driver niya at lumabas ito ng kotse sandali. "Bakit, mas importante ba sila sa'yo kaysa sa akin? Nangako ka na pagkatapos ng mall tour natin magde-date tayo pero anong ginawa mo? Hindi mo man lang matanggihan ang autograph signing na iyon!" nagmamaktol na sumbat nito. "Pero alam mo rin naman na minsan lang ako makipag meet and greet sa mga fans ko hindi ba? At pambawi na rin yun dahil sa pagiging late natin kanina!" pagdadahilan niya. "Hmp! Ganyan ka naman eh! Ang sabihin mo mas importante para sa'yo ang career natin at ang mga fans mo kaysa sa akin! Bakit kasi hindi na lang tayo magpakasal? Napilitan akong mag-artista na rin para sa'yo para lang makasama kita pero ganito pa rin pala ang mangyayari! I hate you Jake! Palagi ka na lang walang oras para sa akin!" Saka na umiyak ang babae. Hindi naman niya napigilang aluin ito. Kahinaan talaga niya ang luha ng mga babae. "Pasensya ka na Georgina pero minsan kailangan mo ring magkaroon ng puso. Magiging masaya nga tayo pero may pinapaasa naman tayong ibang tao. Iyon ba ang gusto mo? At marami pa akong pangarap na gustong marating kaya kung pwede lang sana intindihin mo muna ako," malumanay na paliwanag niya. "Ewan ko sa'yo! Kung mas importante para sa'yo ang pangarap mo kaysa sa akin wala na akong magagawa! Mahal na mahal kita pero sa tingin ko kailangan na nating maghiwalay!" humahagulgol na sabi nito saka na ito bumaba ng kotse niya. Tinangka niyang habulin ito pero tinatabig lang nito ang kamay niya palayo. Sumakay na ito sa sarili nitong kotse kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang hayaan na lang na umalis ito. Napabuntong-hininga siya pagbalik niya sa sariling sasakyan. Mahal niya si Georgina pero minsan ay masyado na talaga itong nagiging makasarili. Pakiramdam niya nasasakal na siya sa pagmamahal nito. Pumikit siya para sana piliting kalimutan ang nangyari pero kakatwang biglang may lumitaw sa balintanaw niya. Iyong babae na nakabangga niya noon na naaalala niyang Colleen ang pangalan at siya ring nakasalo ng cap na inihagis niya sa crowd kanina. Napangiti siya nang maisip na tagahanga rin pala niya ito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD